bc

Santiago Brothers 1: Leandro Lagdameo

book_age16+
582
FOLLOW
1.8K
READ
billionaire
love-triangle
HE
second chance
brave
heir/heiress
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Sa loob ng apat na taon, naging tahanan ni Tiffany ang isang tagong kumbento sa bayan ng Santa Clara. Doon ay nagkaroon siya ng bagong pag-asa kasabay ng paghilom ng sugatan niyang puso. Naging masaya siya bilang isang novice pero ilang linggo bago siya maging ganap na madre ay nagdesisyon siyang lumabas dito.

Isang gabing tumakas siya para maglakad papuntang kakahuyan ay nakita niya si Leandro Lagdameo, ang Mayor ng karatig-bayan nila at ang taong naging dahilan para magtago siya at kalimutan ang dating buhay. Tulog na tulog ito at duguan kaya tinulungan niya itong makatakas sa mga nagtatangka rito. Akala niya ay ayos na ang lahat pagkatapos nitong magpasalamat pero lalo naman itong dumikit sa kanya at pasimpleng ginagawa ang Flirting 101 skills nito.

Bakit ba ito lapit nang lapit sa kanya ngayon? Bored na naman ba ito? May plano na naman ba ito sa kanya? Balak kaya nitong gantihan siya sa ginawa niya rito? Sa lahat ng katanungan niya ay wala siyang mahanap na kasagutan. Pero isa lang ang sigurado niya- kayang-kaya nitong tibagin ang depensang akala niya dati ay kasintatag ng The Great Wall of China.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Ilang oras nang pabiling-biling si Tiffany sa kanyang higaan. Naroong dumapa na siya at takpan ng unan ang kanyang mukha ngunit hindi pa rin siya dalawin ng antok. Marahil ay sobra lang siyang nasasabik dahil sa susunod na buwan na ang kanyang temporary vows kasama ng iba pang novitiate. Dalawang taon nang novice si Tiffany o Sister Mary Anthony sa St. Clare of Assisi Monastery. Parang kailan lang ay hindi niya alam kung saan ba ang direksiyon ng buhay niya hanggang sa mapadpad siya sa isang liblib na bayan sa kanilang probinsiya. Sister Mary Anthony ang naging pangalan niya. Pinagsama niya kasi ang pangalan nina Mama Mary na patron nila at St. Anthony de Padua na kanyang napiling gawing patron saint. Excited nga ba talaga siya? Sa totoo lang ay hindi niya alam. Ilang buwan na kasi siyang nakakaramdaman ng hindi maipaliwanag na kahungkagan. Nagsimula ito noong minsan siyang sumama para bumili ng kanilang kailangan. Habang nasa palengke, narinig niyang tumutugtog ang isang kanta ni P!nk. Sa pagkakatanda niya True Love ang title noon hanggang sa ma-LSS siya. Sa pagdaan ng mga araw, nami-miss na niyang makakain ulit ng paborito niyang pistachio ice cream at blueberry cheesecake. Noong una ay iniisip niyang baka dahil bigla siyang nangulila sa kanyang mga mahal sa buhay at sa dating pamumuhay niya. Isa kasing semi-cloistered or semi-silent order ang kanilang kumbento kaya bihirang-bihira silang lumabas ng kumbento. Hindi sila katulad ng ibang order na lumalabas ng kumbento para tumulong sa mga nangangailangan o sumali sa mga volunteer programs. Sa halip, sa kanilang kumbento mismo nagtutungo ang mga taong maaari nilang tulungan. Mayroon silang dalawang gusaling orphanage para sa mga bata at mga matatanda. Ang gusali para sa kanilang mga madre ay nakahiwalay. Bukod doon ay may nakapagitan na mataas na pader sa kanilang kumbento mula sa orphanage. Ang buong St. Clare of Assissi Monastery naman ay napapalibutan ng mataas na pader. Sa harap nito ay napakalayong lakaran sa mapunong daan bago makarating sa istasyon ng mga sasakyan. Sa likod naman nito ay mas masukal na. Ilang minutong paglalakad ang aabutin bago makarating sa isang ilog. Nasa ibabang parte sila ng nayon kaya mula sa ilog ay may pataas na daan na puro puno papunta sa isang kalsada. Samakatwid, malayo sila sa residential at business area. Napakalayo ng kanilang kumbento sa mga tao kaya siguro maraming hindi nakakaalam na mayroon nito sa kanilang bayan. Dahil doon, inakala niyang pansamantala lang ang pangungulila niya pero habang tumatagal ay lumalalim pa iyon. Ilang beses na rin siyang umiyak dahil para siyang na-de-depress dahil doon. Marahil ay bigla lang talaga siyang nallungkot. Lahat naman ng tao siguro ay nakakaramdam noon. Para naman silang mga OFW kung iisipin. Pero bakit halos limang buwan na ay hindi pa rin ito nawawala? Isa pa, halos apat na taon na siya sa kumbento. Mahigit isang taon siyang naging postulant bago naging novice. At sa susunod na buwan naman ay tatanggapin na niya ang kanyang temporary vows. Hindi pa siya ganap na madre pero matagal na niyang itinalaga ang sarili bilang isang lingkod ng Diyos. Kaya nga naguguluhan na siya kung bakit ganoon ang kanyang pakiramdam. Sa susunod na linggo ay mag-uusap sila ng kanilang Reverend Mother para sa update niya. Tatanungin siya nito tungkol sa kanyang pinagdaraanan. Isang beses isang buwan ang kanilang pag-uusap tungkol dito. Ang sabi naman nito ay normal ang kanyang nararamdaman. Kung ang mga santo at santa nga ay ilang ulit na nakaranas ng pagdududa, sila pa kayang mga hindi pa ganap na ibinibigay ang sarili para sa bokasyong iyon. Maging si Mother Teresa raw ay ilang taong pinagdaanan ang nararamdaman niya. Iyon daw kasi ang tinatawag na spiritual dryness. Huwag daw siyang mabahala dahil ituturo daw nito sa kanya ang daang dapat niyang tahakin. Sa isa pang linggo ay pag-uusapan naman nila kung handa na ba siya para sa kanyang temporary vows. At dahil mas nalalapit nang tumaas ang lebel niya sa kanyang bokasyon ay mas lalo siyang nababahala. Teka, bakit ba ako nababahala. Hindi ba dapat nga na-e-excite ako. Diyos ko, tulungan Niyo po ako. At habang nasa malalim siyang pag-iisip bigla niyang naalala ang naging pag-uusap nila ni Reverend Mother noong nakaraang buwan. “Good morning, Reverend Mother.” “Good morning, Sister Mary Anthony. Is there anything I can do for you?” “Yes.” “Please sit down.” Agad siyang tumalima at nagsimula nang magkuwento tungkol sa kanyang pinagdaraanan. “There’s this inexplicable emptiness that gets worse each day. There’s this longing with poignancy that I can’t seem to understand, Reverend Mother.” Tumigil siya sa pagkukuwento at biglang napahagulgol. “It’s okay, sister. Just cry.” “I’m sorry, Reverend Mother. I feel so terrible telling these things to you. I feel so ashamed of myself” “It’s okay. Please go on.” “I still do not understand if it’s because I suddenly missed my loved ones or there’s something more than that.” “So how are you right now?” “I’m okay, I guess. But I feel so guilty because of this doubting feeling.” “Take it easy. It is very normal, Sister Mary Anthony. Even the saints like Saint Clare have experienced that at some point in their lives. Mother Teresa has been through a lot,” nakakaunawang sabi nito. “Reverend Mother, what do you think I should do about it?” “Pray, reflect, and do not force yourself. It will lead you to the right path. When you are in doubt, faith springs out. Because faith is when you choose to hold on to something no matter how ridiculous or uncertain it may seem.” “So normal po ba ako, Reverend Mother?” Natawa ito nang mahina bago hinawakan ang kanyang mga kamay. “Of course you are.” Napangiti na siya dahil sa sinabi nito. “I will pray more and offer everything I have been going through to Him.” “That is the best thing we can do right now. We will pray for you and your discernment.” Muli siyang napunta sa malalim na pag-iisip at doon niya naalala na hindi pa siya nakakapagdasal ng kanilang night prayer. Lord, forgive me for being this forgetful and self-preoccupied. Nauubos na ang reserba niyang mga panalangin kaya lalo siyang nakaramdam ng hiya at panliliit. Nagdesisyon siyang bumangon at pumunta sa kanyang mini-altar at nagsimulang magdasal. Pagkatapos ay mabilis siyang bumalik sa kanyang higaan at nagnilay sa maraming bagay? Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman niya ang kagustuhang lumabas na ng kumbento. Napaluha na siya dahil sa matinding guilt at lungkot. Hindi niya alam ang dapat na gawin. Kapag nagdesisyon siyang lumabas ay hindi niya alam kung paano muling magsisimula. Ilang oras pa ang lumipas bago siya hinila ng antok.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

His Obsession

read
104.9K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.3K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook