Chapter 6: The Way He Looks At Me

1288 Words
Parang mabibingi na si Magnolia dahil walang tigil sa kakadaldal at pigil na pagtili si Liberty. Masayang-masaya raw ito sa balitang nakapasa siya sa kursong Architecture sa MIT. Pero medyo malungkot daw na iiwan niya ito. "Pwede naman tayong mag-videocall madalas. Saka malay mo kapag pinauwi ako nina daddy dito. Eh magkikita pa naman tayo." "You know we're opposite. I'm friendly, and I'm sure you know it. But, you're my best friend." "Ganoon din naman ang tingin ko sa 'yo eh. Pero siyempre ganoon talaga." "Oo naman, naiintindihan ko iyon. Nagdadrama lang ako," biro nito. "Pero sure ka bang gusto mo talaga doon?" Parang bahagya pa itong nag-alala." "Oo naman. Bakit ba?" "Eh kasi, baka nagdesisyon ka na doon na lang mag-aral dahil sa pinsan ko at sa kapatid mo." "Hindi noh," mabilis na sagot niya. It was partly true, but she would not tell it to Liberty. "Ay sobra namang defensive," pang-aasar nito. "Loka, hindi. Mas marami kasing opportunities doon. We both know that UP is one the best universities here, but MIT is MIT. Kailangan ko talaga iyon kasi gusto kong tumulong na palaguin pa lalo ang firm nina daddy." "I understand," nakangiting sabi nito. Hindi lingid dito na architecture and interior designing ang firm ng pamilya ng stepfather niya. Nang tumunog na ang bell, tumayo na sila at naglakad papunta sa pila nila. Magsisimula na kasi ang flag ceremony. Nang mapatingin siya sa gawing flagpole ay nagulat siya nang makitang nakatingin pala sa kanya si Carlo. Walang anumang ekspresyon sa mukha nito pero matiim ang paraan ng pagkakatitig nito sa kanya. Nailang siya kaya nagbaling siya ng tingin sa ibang direksiyon. Pilit siyang tumingin sa stage nang magsimula nang magdasal hanggang sa tugtugin na ang pambansang awit. Nang panatang makabayan ay nakita niyang ibinubuhol na ng mga ito ang tali. Pero lalo siyang nailang dahil panay ang sulyap nila ni Carlo sa isa't isa. Muli lang bumalik Ang atensiyon niya sa flag ceremony nang kalabitin siya ni Liberty na nakataas ang kilay at bahagyang nakangisi na parang nang-aasar. Habang inaawit ang school hymn ay narinig niyang nagsalita si Carlo na pinapaatras ang kaibigan nito. Dapat ay sa likod na lang ito katulad ng kasama nito. Sa halip, pinaatras pa nito ang kaibigan nito kaya napilitan na ring umatras ang ibang lalaki. Hayun at magkabi na tuloy sila sa pila. Para siyang naging tuod nang mga sumunod na sandali. Napako ang mukha niya paharap sa stage. Pero hindi naman niya mapigilan ang paglikot ng mga mata damang-dama niya kasing nakatingin ito sa kanya. Tama nga siya dahil nang lingunin niya ito ay nakatingin lang ito sa kanya. Kung hindi pa tumikhim ang iba nilang kaklase ay mananatili silang magkatitigan. Hayun inulan na naman sila ng tukso. "Uy, nakita ko iyon," natatawang sabi ni Liberty nang makaupo sila. "Wala akong napansin," pagdadahilan niya at hindi na ito pinansin. Maya-maya ay dumating na ang guro nilang si Ms. Esguerra na agad siyang napansin bago nagsalita. "Ms. Valderama, I thought I made it clear that you have a new permanent seat. Mr. Reyes, exchange seat with Ms. Valderama, seryosong sabi nito." Wala na siyang nagawa nang tumayo na ang kaklaseng si Joseph na nakangisi na naman sa kanya. Umupo na siya sa tabi ni Carlo at nakinig na sa mga kaklaseng nagrereport. Maya-maya ay napatingin siya sa gawi nina Liberty. Aba ang kaibigan niya ay patagong nakikipag-holding hands sa kaibigan ni Carlo. "Don't mind them," parang naiinis na bulong ni Carlo na nakapagpapitlag sa kanya. "Ano?" "I said don't look at them. Baka makita ka na naman ni Ms. Esguerra." "Hindi naman ako makikialam-" "Naiinggit ka ba?" "Ha? Hindi-" Natigil ang kanyang sinasabi nang paghugpungin nito ang mga kamay nila. Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa seryosong mukha nito. "There," simpleng sabi nito at muling tumingin sa harap. "Hindi pwede…" Hindi niya matuloy ang sinasabi dahil hindi siya makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Magkaholding hands sila ni Carlo. Nang bahagyang mapakalma niya ang nagwawalang puso ay pilit niyang binawi ang kanyang kamay mula rito pero lalo lang humigpit ang pagkakakapit nito kaya wala siyang nagawa. "Kumusta ka?" Bigla itong tumingin sa kanya. "Carlo, my hand…" "So what?" "Mr. Torillo and Ms. Valderama, as far as I know, we are in the classroom, not in the movie house. Why are you holding hands?" Itinaas pa nito ang magkahugpong nilang mga kamay. "N-no, m-ma'am." Pilit niyang binabawi ang kamay pero wala namang pakialam si Carlo na lalo pa iyong hinawakan. "Ms. Valderama, kaya nga kita itinabi kay Mr. Torillo, para ma-conscious ka at tumigil sa pagde-daydream. Ikaw naman Mr. Torillo, bakit may pa-holding hands ka pa sa kanya? Girlfriend mo na ba siya?" Nakataas ang kilay ng kanilang teacher pero nang magkatinginan sila ay bahagya pa itong kumindat sa kanya. "N-no ma'am." Doon pa lang parang na-conscious si Carlo na bahagyang pinamulahan ng mukha. "Ang gwapo talaga niya," pagbubulungan ng mga babae. "But why Lia?" Hindi na siya nakatiis. Naalala bigla si Rose kaya nag-alsa ang kanyang kalooban. "That's true po ma'am. We're not even dating. Pinipisil lang po niya ang kamay ko dahil nanghihingi po ng pabor?" "Pabor?" "Opo. He wants to throw a surprise party for my sister, and he needs my help." "Shut up," naiinis na sabi nitong humarap pa sa kanya. "Your sister? She's in Junior High, right? She's one of my students. But why not, Ms. Magnolia, Mr. Torillo?" "Yieeeeeee," nang-aasar na tilian ng mga kaklase nila. "Ms. Esguerra, h-hindi n-nman po ganoon," nauutal na sabi niya. "W-were f-friends, p-pero hindi po ganoon." "That's right, ma'am," seryosong sabi ni Carlo. Hindi na muling nagtanong ang teacher nila pero saglit muna siya nitong pinakatitigan bago ito bumalik din sa unahan at itinuloy ang pagpapareport. "Look what you've done," she hissed at him. "What? It was all your fault. You were staring at them," naiinis din na bulong nito. "Ms. Valderama and Mr. Torillo, last warning," seryosong sabi ng kanilang teacher. "And you, Mr. Torillo, if you are not sure of your feelings, then stop pestering Ms. Valderama," naiinis na sabi nito. Muli na namang nagtawanan ang buong klase. "Ms. Valderama, mind your own business, and stop staring at your seatmates. Ms. Ferrer and Mr. Reyes, kanina pa rin kayo napapansin diyan. Mag-double date na kayo. Papalabasin ko na kayo ngayon din kung gusto niyo." Hindi na muna siya sumagot. Nanatili siyang nakatingin sa unahan nang mga sumunod na sandali. Ganoon din ang mga katabi niya. Bwisit na lalaki talaga. Ano bang problema nito at may nalalaman pang holding hands? Paano kapag nalaman iyon ng pamilya niya, ano na lang ang sasabihin ng mga ito? Siya, si Magnolia, ampon ng mga Valderama, isang ahas sa pamilya. Nang muli siyang mapatingin kay Carlo, nainis siya kasabay ng pagtambol na naman ng dibdib niya. Nakatitig na naman ito sa kanya kaya tiningnan na lang niya ito nang matalim. Hanggang mag-vacant at matapos ang klase, inulan siya ng pang-aasar mula sa mga kaklase lalo na kay Liberty. Boyfriend na pala nito si Joseph at itinatago lang ng mga ito kaya pala parang wala itong pakialam kahit magpalitan pa sila ng puwesto ng isa sa mga mapang-asar na kaibigan ni Carlo. Hindi niya maiwasang mainis kay Carlo. Bakit ba kailangan pa nitong gawing mahirap ang mga simpleng bagay? Tatlo lang naman ang sigurado niya. Mahal nito si Rose. Hindi siya mamahalin ni Carlo. Mahal niya si Carlo. Tapos na dapat doon ang usapan. Pero bakit ba kailangan pa nitong gawing iyon? May kailangan ito sa kanya at willing naman siyang tumulong kahit mahapdi sa pakiramdam. Gusto din kasi niyang maging masaya ang kapatid at ipakita rito na kahit anong mangyari, hindi siya kaagaw nito sa pamilya man o kay Carlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD