Tahimik sila pareho kahit pa wala pang dalawampung minuto ang biyahe. Nang minsang tangkain niyang buksan ang stereo at makinig sa mga kanta ay pinigil nito ang kamay niya at sinabing gusto lang nitong tahimik lang sila sa biyahe. Tumahimik na lamang siya at hinayaan ito sa hindi niya namang maintindihang trip nito.
Nang maiparada na nito ang kotse ay hindi siya nitong hinayaang bumaba agad. Ito pa ang nag-alis ng seatbelt niya bago nagmamadaling umibis ng sasakyan para ipagbukas siya ng pinto. Natawa pa siya iniakto nito pero nanatili lang itong nakantingin ng seryoso sa kanya kahit halata naman ang pinipigil na ngiti nito. Lalo lang tuloy siyang nahuhulog dito. Pero hinayaan niya na lang ang sarili. Dalawang araw na lang naman bago siya pumunta ng US. Susulitin na niyang makasama ito dahil matagal na niyang pangarap iyon. Pero parang tuksong bumalik naman sa kanya ang sinabi ni Liberty tungkol pa sa nararamdaman niya kay Carlo. Sabihin na dapat niya iyon ayon dito. Pero siyempre pa hindi niya iyon gagawin.
Pagpasok nila sa silid na nakalaan sa kanila ay naroon na ang mga kaklase nilang agad siyang binati at nag-abot ng mga regalo sa kanya. Nagpasalamat siya sa mga ito at humanap ng mauupuan. Doon siya sa tabi ni Liberty at isa nilang kaklaseng babae na si Melody, pinsan ni Joseph. Nakakatuwa lang na kahit paano ay nagkaroon siya ng mga kaibigan. Iyon nga lang sana ay mas nakilala niya ang mga ito nang mas maaga. Nakakatuwa palang kasama ang mga ito. Abala siya sa pakikipagkuwentuhan sa mga ito habang inaasikaso ng kaibigan ang nobyo.
“Melody, pwede bang dito ako?” Napabaling siya bigla ng tingin dahil si Carlo pala iyon at gustong maupo sa pagitan nila ng babae.
“Sure. Diyan na muna kayo. Kukuha lang ako ng pagkain.”
“Melody, pasabay din ako ng kahit anong pwedeng papakin,” nakangiting sabi niya rito at nagpasalamat. Apparently, nasa executive lounge sila kaya malaki ang kuwarto at parang may catering service pa na nalaman niyang ipinasadya pa ng mga kaklase niya. Hindi niya tiningnan si Carlo dahil sobrang nakakailang para sa kanya. Hanggang ngayon naman ay ganoon pa rin siya. Marahil iyon din ang dahilan kung bakit kahit kailan ay hindi sila naging malapit kahit ilang beses silang naging magkatabi sa classroom.
“Kumusta ka?”
“Tinanong mo na iyan eh,” sagot niya rito at napangiti na.
“Kumusta ka na ngayon?”
“Ayos pa rin naman.”
“Kumustahin mo rin ako.”
“Oh sige, kumusta ka?”
“Ayos na ayos din naman.”
“Puro ganito lang ang usapan natin,” natatawang sabi niya.
“Ikaw eh.”
“Anong ako?”
“Hindi ka naman namamansin dati pa.”
“Ako pa ang hindi namamansin? Ikaw kaya mismo ang hindi namamansin. Palibhasa, campus heartthrob,” biro niya.
“Hindi ahh. Pinapansin na nga kita eh,” nahihiyang sabi nito bago napakamot sa batok.
“Huhulaan ko, may pabor ka na naman. Naku ha, paalis na ako sa isang araw. Huwag niyo na akong pagpintahin.”
“Hindi iyon.”
“Eh ano?”
"Baka lang pwede kitang mayaya ulit mamaya doon sa Harbour Square. Maganda kasi doon.”
“Eh bakit ako.”
“Wala lang. Eh naisama na kasi kita doon kaya sanay na ako na ikaw ang isasama doon. Wala naman akong pabor na hihingin. Kung pwede lang naman, pumunta tayo doon mamaya. Kahit hindi na tayo kumain.”
“Ang korni mo pala, Carlo,” natatawang sabi niya sa lalaki.
“So is that a yes?”
“Oo na, sige na, basta ba hindi tayo masyadong magtagal doon dahil baka mapagsabihan pa tayo nina Daddy.”
Ngumiti lang ito sa kanya pagkatapos ay pumunta sa mesa na puno ng mga pagkain. May ibinulong ito kay Melody bago kumuha ng mga pagkain. Pagbalik nito ay may dala na itong dalawang plato. Para sa kanya pala ang isa sa mga iyon. “Magpataba ka pa nang kaunti. Masyado ka nang payat.”
“Hindi naman din ako underweight,” aniya at isinubo ang isang chicken lollipop. Mula roon ay humaba pa ang usapan nila. Nagulat siya na makuwento pala ito. Iyon din pala ang unang pagkakataong nagkuwentuhan sila nang matagal na parang totoo na silang magkaibigan. Magkaibigan, nakakatuwa pa sanang maisip kung hindi lang niya ito mahal. Pero ano bang magagawa niya kung hanggang doon lang ang pwede? Kunsabay okay na iyon at kahit paano ay nagkaroon siya ng pagkakataong makausap ito, hindi man sa sweet na paraan at least sa palakaibigang tono.
Nang muli itong pumunta sa mesa ay naramdaman niya ang pasimpleng pagsiko sa kanya ni Liberty. Nakangisi ito sa kanya sabay sabing. “Happy ka ba?”
“Oo,” bulong niya at pigil na napahagikgik.
“Well, I’m glad.”
Maya-maya pa ay nagkayayaan pang kumanta habang umiinom ng beer ang iba kasama na si Carlo. Ayaw niya sana dahil nahihiya siya pero mapilit ang mga ito kaya pinagbigyan niya rin. Pinalagay niya sa mga ito ang paborito niyang kanta na Make You Feel My Love ni Adele.
How she wished she could make Carlo feel her love and her longing for his reciprocation because she could go through what the song entailed to let him feel her love. But, she just couldn't because that her sister would hate her more. The question why he gave her a fervent kiss was still in her heart. Sure, it was nothing to him, but that was more than enough to lead to clamor in her system.
Nang matapos siyang kumanta ay nagpalakpakan ang mga ito at sumipol pa ang ibang lalaki. “Thank you, guys,” aniya at ibinaba na ang mic sa mesa.
“Galing mo. Bakit hindi mo man lang sinabi na magaling kang kumanta?”
“Ha? Totoo ka ba? Magaling talaga? Hindi ko alam pero salamat,” natatawang sabi niya na may halong pagtataka. Magaling daw siyang kumanta pero parang hindi naman, Pero masaya din siya na na-appreciate ng mga ito ang pagkanta niya. Ang totoo din ay mahilig naman siyang kumanta kapag mag-isa lang siya pero nasa pagguhit talaga ang interes niya kaya hindi niya gaanong napagtuunan ng pansin ang pagkanta.
“I didn’t know you could sing beautifully. Such a beautiful girl with a beautiful voice,” nakangiting sabi nito na biglang ikinakabog ng puso niya.
“Huy mamaya na iyan,” biglang saway pa ng iba nilang kaklase kaya napabaling sa mga ito ang kanyang tingin. Muli na lang siyang lumapit sa mesa at kumuha ng kaunting pagkain para makaiwas sa nanunuksong tingin ng mga ito.
“Hindi pwede, Magnolia. He will break your heart,” bulong din niya habang nakatingin sa kanyang plato.