I thought hindi se-seryosohin ni Kyrstin ang sinabi ko kanina but! When the dismissal came! Hindi na nya ako tinigilan kaya wala na akong magawa kung hindi isama sya na sana hindi ko ginawa. "Ang baho ng kili-kili nya Riza" bulong sa akin ni Krystin at dumikit sa akin. Nag jeep lang kasi kami papuntang hospital! Dahil parehas kaming walang sasakyan! May sundo naman ang babaeng to pero nag text sya sa driver nya na hanggang 8:00pm pa raw ang klase namin! "Tumahimik ka nga! Baka mapa-away pa tayo rito ng wala sa oras" saway ko sa kanya. "Eh kasi eh!...Bumaba na lang kaya tayo, sumakay na lang tayo ng iba" suggest nya na para bang yon ang pinaka magandang solution sa problema nya ngayon! "Sira! Baka bukas pa tayo makarating sa pupuntahan natin! Tiisin mo na lang! May panyo ka naman sig

