Habang naghihintay kay Sir Dylan, nag check ako ng mga emails at nilagay sa notepad para masunod sunod ko ang mga meeting nya ngayon.
Honestly, hindi ko alam kung tama tong mga pinaggagawa ko. All I did is what Ms Celia told me! Nga lang, hindi ko natanong kung anong una kung gagawin pagkarating ko rito!
Bahala na kung tama ba o mali tong mga pinagagagawa ko! As long as ma distract ako!
Ayoko ng isipin yong mga pinagsasabi ko nong nakaraang araw! Baka umuwi na lang ako bigla at hindi na kailanman magpapakita rito!
"Good morning my secretary"
Napatalon ako nang bigla kong narinig ang boses ni Sir Dylan kaya agad kong binitawan ang notepad at agad tumayo.
"G-good morning po" utal long sabi at nag iwas ng tingin!
"It's good that I see you here now but, this is not your office" malumanay nya namang sabi pero hindi makatakas sa tainga ko na parang nanunuya sya.
Na aalala kaya nya yong sinabi ko nong nakaraan? Or nakakatawa lang akong tignan? O happy pill nya lang ako kaya good mood na good mood sya nang nakita ako?
"Huh?" Lutang kong sagot at tumingin sa kanya na sana pala hindi ko ginawa.
His smirking while looking at me! Kitang kita ko pa sa mata nya na aliw na aliw nya akong tinignan.
Shit!
Confirm! Naalala nya yong pinagsasabi ko noong isang araw! Pero like what I've said before I came here. It was just a dream, hindi yon nangyari! Walang nangyaring ganon!
I need to focus on my work, ang laking responsibility ang hinahawakan ko. Dapat no distraction and no kalandian!
"Your table and your things are upstairs, this is Celia's office, yours is in my office"
"Hah?" Bangang kong sabi.
Diba sabi ni Ms Celia, ayaw nyang may kasama sa office nya? I don't know the reason why pero bakit doon ako mag o-office?
"No one can guide you, this is your first day. Though na orient ka na but still you need guidance, I don't like delays" biglang pormal nyang sabi kaya napatango ako.
"Yes po sir!" Tarantan kong sabi at hinagilap ang mga gamit ko.
Tama naman sya, I need more guidance!
Buti na lang naisip ni Sir Dylan nyan! Kung hindi, nasibak na ako ngayon! I don't really know what to do, baka may biglaang gagawin na hindi naturo ni Ms Celia. Edi patay ako.
Hindi ako mapakali habang sumasakay kaming dalawa ni Sir Dylan sa elevator, parang kinakapus ako ng hangin, na gusto kong lumabas, na gusto kong mawala sya sa tabi ko, hindi ko alam!
Ramdam na ramdam ko kasi ang tingin nya! Gusto kong lingunin para macomperma pero natatakot ako baka magtagpo ang mga mata namin, maisip ko naman yong mga kabaliwang sinabi ko sa kanya.
As I was saying, again and again, I need to concentrate in my work! At yong nangyaring nong isang araw? Panaginip lang yon.
"You need to lossened a bit" natatawa nyang sabi kaya napasinghap ako.
Bakit ba ganyan sya ngayon? Is he teasing me? Dahil kung oo! Tangina! Uuwi na lang ako! Baka magkanda palpak palpak pa ako rito!
Magsasalita pa sana ako nang bumukas ang elevator! At nauna syang naglakad, mahina kong pinandyak ang paa ko at napasimangot!
Kung hindi ko lang to boss kanina ko pa to pinaulanan ng mura eh! Pilit ko na ngang pinapaniwala ang sarili ko na panaginip lang yong nangyari nong isang araw, ito naman sya, mukhang pinapaalala talaga nya na reality yon, nangyari talaga yon! Ang gago lang!
"So this is your table! This is your notepad, and everything that you need" bakas ang tuwa nyang sabi.
Napasinghap ako at mahinang bumuntong hininga.
Act that you are not affected Riza, stick with your plan! That was just a dream.
"Ugh...okay po sir" lakas loob kong sagot. He chuckled softly at bigla akong nilingon kaya agad kong iniwas ang tingin ko.
As much as possible, ayokong tignan ang mukha nya kahit ang gwapo gwapo nya pa! Tyaka ko na titignan yan pag hindi na pumapasok sa isip ko ang nangyari nong isang araw o nakumbinsi ang sarili na hindi yon nangyari.
"Riza is Celia told you that you need to make my coffee?" Mahinahon nyang sabi.
Napakurap naman ako dahil hindi ako sinabihan na may ganyan pa lang gagawin.
"Hindi po" Ani ko nang hindi tumitingin sa kanya, nakatingin lang ako sa mesa.
He sigh pero ramdam na ramdam ko pa rin na nanunuya sya sa akin!
Shit naman! Pwede bang tumigil na sya at magtrabaho? Ang sarap sarap ng magpalamon sa lupa eh!
"Atleast you know now"
"Sorry po, kailangan nyo na po ba..."
"And she also doesn't inform you that if your talking to me, atleast look at me in the eye? If not, bawas ang sweldo mo" Putol nya sa sasabihin ko.
My eyes widen at kusang lumingon ang mata ko sa kanya.
"Huh?" Gulantang kong sabi.
May policy ba na ganyan rito? Bakit hindi sinabi ni Ms. Celia? Don't tell me nakalimutan nya na namang sabihin sa akin!
He smirked and look at me intently but his eyes, halatang nanunuya sa akin kaya iniwas ko ang aking paningin, bahala nang makaltasan ang sweldo, wala na akong pakialam, atleast makakahinga ako.
"Everytime-"
Magsasalita pa sana sya nang nag ring ang phone nya. Napabuntong hininga ako.
Save by the call!
Buti na lang dahil kulang na lang humiling na ako na mawala na lang rito bigla.
"Please my coffee" aniya bago naglakad patungog table nya.
Napakawala ako ng mahabang hininga at napakapit sa lamesa.
"Gusto ko na lang maging patatas" mahina kong sabi.
Lito akong naghanap kong saan ko eh titimpla ang kape nya! Hindi ako nakapagtanong dahil kasi naman! Bakit ba sya ganon!?
Hindi nya ba nahahalata na hiyang hiya na ako? O nahahalata nya pero pinagpatuloy nya dahil natatawa sya sa akin!? Ahhhh...ang gago talaga!
"There's a coffee machine there" bigla nyang sabi kaya napalingon ako sa kanya na nakaturo na pala sa left side kung nasaan ang mini dining area.
"Ay tanga!" Mahina kong sabi at tahimik na pinuntahan yon.
Lito pa ako kung paano gamitin ang coffee machine. Wala kasing ganito sa bahay!
"Ano bang gagawin rito?" Mahina kong sabi.
I tried to search for instruction pero wala kaya nagtingin tingin ako sa gilid!
"s**t naman!" Ani ko.
Kung alam ko lang na may ganito akong trabaho nakapag search sana ako kung anong gagawin.
Magtatanong na sana ako kay Sir Dylan kung paano gamitin nang...
"Sir...Shoot!" Gulantang kong sabi. Dahil paglingon ko nasa likod ko na sya, ang lapit lapit sa akin.
Tangina! Bakit hindi ko man lang namanlayan na lumapit pala sya?
"Need help?" Taas kilay nyang sabi. I even saw how he hide his little smile!
I press my lips together and nod. Hindi na nagsalita pa dahil grabe ang t***k ng puso ko! Hindi pa nakatulong na nasisinghot ko ang mabango nyang amoy.
That smell of him really wanted me to asked a cuddle on him, Ang sarap talaga matulog habang naamoy mo ang bango nya!
He teach me how to used coffee machine, ako naman nakikinig ng maigi habang nakangiwi. Every now and then kasi, nililingon nya ako at kapag ginawa nya yon, nakikita ko sa mukha nya ang tuwa.
Hindi ko alam kung tuwa ba yon dahil masaya sya na nandito ako o tuwa yon dahil sa nangyari noong isang araw, nanunukso!
"You got it?" Mapaglaro nyang sabi.
"Opo, salamat po" magalang ko pa ring sabi kahit naiirita ako.
Bakit ba sya ganito? Pinagsisihan ko na nga yong mga sinasabi ko eh.
"After that check my appointment and tell me what I am going to do okay?"
"Opo" Ani ko at inulit ang paggawa ng kape.
Madali lang naman sya! Ang hindi lang madali sa akin ay yong presensya nya at yong way nya ng pagsasalita at expression sa mukha.
Bakit sa dinami-daming pagkakataon na nasabi ko yon sa kanya, ngayon pang nagtatarabaho na ako rito!? Ito tuloy ako, awkward na awkward.
Letche naman kasi tong bibig ko! Palagi na lang akong pinapahamak! Tangina lang!
Pagkatapos kong nagawa ang kape nya nilapag ko sa table nya yon nang hindi sya tinitignan!
Ayoko talagang makita ang mukha nya dahil naaalala ko na naman yong sinabi ko nong isang araw at yong nararamdaman ko sa nag daang araw!
Ayoko ng bumalik sa ganon, naka survive na ako kahit nag mukha ako baliw! Imagine, kahit pag r-ring ng phone, tudo tudo na ang kaba ko! Kahit sa pagtulog, hindi ako pinapatahimik! Shutangina talaga!
Kinuha ko ang notepad ko, may sampu na akong na lists kaya ito na muna ang sasabihin ko sa kanya, tyaka ko na eh c-check yong iba, sa susunod pa naman yon na araw.
Sinigurado ko lang namang kunin ay yong gagawin nya ngayon! Yon naman siguro ang importante.
"Sir..."
"Yes?"
Shit! Nong si Ms. Celia ang nagsabi ng schedule nya wala naman syang sinabi ah? Malamig lang nyang tinapunan ng tingin si Ms. Celia at bumalik sa pag t-trabaho, tapos nakinig lang sya!
Ang gago talaga! Nag e-enjoy talaga syang asarin ako ah! God, kapag ganito sya palagi baka hindi ko na mapigilan at masabi ko na ang nasa isip ko!
Tumikhim ako at malakas na bumuntong hininga, binabaliwala na lang sya, sa notepad na lang nakatingin.
"Ang unang scheduled nyo po ay ngayon ay 10:00 am, meeting with Mr. Garcia, sa Korean restaurant..."
"Purpose?" Mahinahon nyang sabi.
"Ano...Para daw sa business nya, he kinda'..."
"Drop that meeting then email or call him that I won't agree" putol nya sa akin.
I press my lips together at nilagyan ng cancel sa notepad.
"Okay" I mumbled.
"Next schedule?" He patiently said.
Mukhang seryoso talaga syang eh guide ako!
Hindi talaga ako naniniwala sa mga sabi sabi na napaka ruthless nya, hindi makausap at perfectionist! Hindi naman yon ang pinapakita nya sa akin. Nga lang, ang gago! Tinutukso ba naman ako! Tangina talaga!
"Ugh...12:00pm to 1:00, meeting with the board, sa Makati city, S.E.R.T Building. Importante daw po dahil may kunti daw problema" pigil hininga ko talagang sabi.
"Ah-Huh?" He respond. I gulped.
Hold on Riza!
"Sa 3:00pm to 4:00...Pupunta kayo sa burol to take a break?" Patanong kong sabi.
Hindi ko namalayan na sinulat ko to ah?
Kunot noo kong tinignan kong sino ang nag email! Hindi ko talaga namalayan na may sinulat ako na ganito! Kopya lang kasi ako ng kopya! Shutah!
"Si Ms Celia pala" I mumbled.
Napatingin ako kay Sir Dylan. I Blink when I saw him looking at me gently pero nang nakitang nakatingin ako, his eyes turn to playful one kaya napangiwi ako.
"Tapos, 4:30 to 5:00pm, si Ms Sabrina Cortes pupunta rito for personal matter"
"Drop that one, I am busy, I won't accept visitor"
Busy daw! Pero pupuntang burol? A-ano sya doon? Mag mumuni-muni? Ang dami nyang nakatambak na trabaho sa mesa nya, pupunta pa sya roon?
Ang sarap ring talakan ng lalaking toh eh!
"Okay...Next is 7:00 to 8:00 pm, pupunta po ang pinsan nyo rito"
"Okay?"
"Tapos po, pupunta kayo ng bar?" Patanong kong sabi at napalingon sa kanya.
Nanliit ang mata nya sa akin kaya napakurap ako.
"Drop also that one" aniya.
Pagkatapos kong sabihin sa kanya ang schedule, bumalik ako sa mesa ko at nag email sa mga pina cancel nya. Nga lang ang iba, tumawag pa dahil hindi pumayag. Gusto talagang makipag meet kay Dylan, specially this Sabrina girl, masama ang kutob ko sa pakay nya.
Personal matter? Gaga! Sinong niloloko nya? Alam ko na ang mga galawang ganyan dahil yan ang style ni Nelia! Personal matter ang rason pero ayon! Nakipag make out! Ang cheap lang!
Kung ako sa kanila, I wouldn't make myself felt cheap because I deserve to be treated like a queen. Ang gaganda na eh pero ang bobo rin. Sos!
Kung ako sa kanila, I wouldn't let boys touch me! Then I will preserve myself so that everyone will respect me!
Hindi talag ginagamit ang mga utak!
"Ma'am hindi talaga pwede Ma'am, busy si Sir, may iba sya gagawin-"
[ "And why would I believe on you? Who are you by the way b***h!?" ] Mataray na sabi nitong Sabrina girl!
"Ma'am, this is his secretary, sinabi ko na po sa kanya ahead of time para-"
[ "Hah! I don't care who ever you are! And I want to see Dylan! I will go there! Don't try me b***h!you don't know me!" ] sigaw nya talaga.
Napapikit ako ng mariin.
Bakit ang tigas ng bungo ng babaeng to? Hindi pwedeng matanggihan? Tangina nya huh!
"Ma'am, may gagawin kasing importante si Sir. Hayaan nyo po, gagawan po kita ng appointment..."
[ "Appointment!? Are freaking kidding me? I am his lover then appointment? Don't insult me you low freaking b***h!" ] sigaw nya kaya nalayo ko ang cellphone ko.
A lover? Girlfriend nya pala toh? Bakit nag email pa sya kong ganon? Bakit hindi na lang sya dumiritso rito o tumawag kay Dylan?
I frowned
Lover Huh? Ulol! May girlfriend bang mag e-email muna dito sa email ng companya?
Nakakatawa Huh!
Magsinungaling ka lang sa lahat, wag lang sa akin! Gumagawa ka lang ng libangan ko eh.
"Ma'am, hindi po talaga pwede si Sir ngayon-"
[ Then atleast give the damn phone to him!" ] sigaw nya kaya napangiwi ako!
Gaga ka pala eh! Edi ibigay! Shuta!
"Excuse sir...Sir lover nyo po daw" mahinahon kong sabi.
He frowned and look at the phone.
"Lo-...What?" Taka nyang sabi.
Nakagat ko tuloy ang labi ko para pigilan ang sariling tumawa.
Sabi ko na nga ba eh!
"Lover nyo po raw, gusto talagang makipagkita sa inyo, kanina ko pa po sinabihan, pinipilit nya po talaga" magalang kong sabi.
"Block it! Dammit!" Malutong nyang sabi.
Mahina akong napatawa habang pabalik ako sa table ko.
Lover pala huh! Putangina!
Ano yon? Pinipilit ang sarili sa isang lalaking mukhang walang pakialam sa kanya?...What a poor girl.
Nakanguso ako habang gumagawa ng presentation, iwan ko kung tama ba tong ginawa ko, may nakalagay kasi sa tudo list na gagawa ng power point eh tapos naka indicate na rin kung anong content.
Nakakatawa pa lang marinig sa isang babae na mag imbento na boyfriend nya ang isang lalaking hindi naman interesado sa kanya!
Why would they put their self in that petty situation?...Known na known ang quoted na 'don't settle for less' pero bakit paulit-ulit nilalagay ang sarili nila sa ganong sitwasyon?
Minahal, inalagaan, binihisan, pinag-aral, binigay ng lahat ng magulang nila ang gusto nila sa kanila tapos mag mamakaawa, maghahabol at ginawa lang nilang katawa-tawa ang sarili nila sa lalaking wala naman ambag sa buhay nila?
Poor people!
If I were them, I will enjoy myself to the fullest! Bahala na yong mga lalaki dyan! Ang importante, wala akong problema, walang responsibilidad, walang boyfriend. Masaya lang!
Busy lang kami sa mga trabaho namin, mamayang tanghali pa naman ang meeting ni Sir Dylan kaya ito kami ngayon, tahimik na tahimik.
Buti nga tumigil na sya sa trip nya!dahil Unti-unti na rin akong naging comportable sa environment rito!
Pipikit na sana ang mata ko nang biglang may matinis na boses ang biglang sumigaw kaya napitlag ako sa kinauupuan ko at nagising sa katutuhanang nasa trabaho pala ako.
"Oh my! Kier Dylan honey!" Parang tangang sabi ng babae.
Lukot ang mukha ko lang tinitignan ang babaeng excited na excited na pumunta sa pwesto ni Sir Dylan.
I look at the girl head to foot. Parang espasoli! Blonde pa ang buhok, yong damitan nya kulang na lang lumabas ang kaluluwa nya. Literal na malanding babae!
"Get lost!" Malamig na sabi ni Sir Dylan kaya napabalik ang tingin ko kay Dylan na wala ng emosyon ang mukha!
"No! I made you a snack and a lunch! I am the one who made it! Look, pinaghirapan ko to!" She said with enthusiasm.
Napailing na lang ako.
Kung magkakaboyfriend ako, hindi ako a-akto ng ganyan! Masyadong nakakasuka! Mas kikiligin pa ako kapag lalaki ang naglalambing!
At sino ba to? Ang dami namang babae ng lalaking to! At may kaya pa sa buhay ang mga babae pero ang cheap!
Babae? Naghahabol sa lalaki? So cheap!
I rather stay single than chasing a boy to make it mine. Iwww nakaka diri lang!
Pero kapag naging kami ng lalaki tapos iniwan nya ako nang walang dahilan, Don!maghahabol talaga ako! Mahal ko eh pero itong mga ganito? Halata namang hindi love ang habol eh!
Gwapo si Sir Dylan, ang ganda ng katawan, ang bango, to the point na ang sarap magpayakap sa kanya, ang angas pa nyang dalhin ang sarili nya tapos grabe! Yong damitan nya, ang lakas maka hatak ng checks. Head turner talaga! Plus the fact na mayaman, CEO, may sariling companya! Habolin talaga ng mga babaeng mukhang pera.
Buti na lang ako! Sa pabango lang nya interesado! Ang sarap talagang sabihin sa kanya na 'baby, pa cuddle'
"Look? You see! Ang ganda ng plating tapos may mango shake pa, diba paborito mo to? Wait...buksan ko, tikman mo, I made it for you" malambing nyang sabi.
I press my lips together at pinagpatuloy na lang ang pagt-trabaho.
Gusto ko mang mag protesta dahil nakakasuka sila at crush ko yang nilalandi nya, hindi pwede dahil gusto kong mag tagal sa trabaho na toh.
"What the f*****g f**k!" Malutong na sabi ni Sir Dylan.
Napatingin tuloy ako sa kanila.
My eyes widen nang nakita ang shake atah na nakatumba na sa mga papelis kaya napatayo ako.
"I'm sorry, I'm sorry, it's so slimy!"
"The f**k! Get the hell of this s**t! out of my sight!" Galit na galit nyang sigaw.
Kahit ako nanlaki ang mata.
Pinaghirapan nyang pagtrabaho-an ang mga papers na yan!
Mas nanlaki pa ang mata ko nang tinabig ni Dylan ang lahat ng pagkain sa mesa kaya nahulog ang mga ito.
The girl cry! Dylan is so furious looking at his paper.
Hindi ko tuloy alam kung sino ang kaawaan sa kanila.
"I'm sorry-"
"Get out of my sight!" He dangerously said at tinabig ang babae na hahawakan sana siya kaya bumagsak sa sahig.
My eyes widen at nilapitan si Dylan na galit na galit na ngayon!
"Sir calm down-"
"Get that f*****g girl out of my sight!"
"Please calm down Dylan" pagsusumamo ko dahil pati ako natatakot na kanya.
He closed his eyes tightly at hinilamos ang mukha and then look at me gently. Nanlaki tuloy ang mata ko sa nakitang pagbabago ng emosyon nya.
"I am calm" mahinahon nyang sabi. "Please get that girl out of my sight" mahinahon nyang sabi.