Explain ako ng explain kay Dylan na hindi ako worried sa kanya! Malakas lang talaga ang ulan baka na trap sya sa kung saan o di kaya mababasa sya, ang lamig lamig pa naman baka magkasakit sya, ang dami pa naman nyang trabahong gagawin!
Pero ang gago! Tinatanguan lang ako o di kaya sasagot ng okay, halatang hindi ako pinapaniwalaan!
"What do you want for dinner? Mukhang hindi tayo makakauwi dahil napakalakas ng ulan, it's not safe to travel" Ani ni Dylan habang nagpupunas ng nabasa nyang balikat.
Sa akin kasi nya tinapat ang payong! Kaya ayan ang napapala nya. Sinabihan ko na syang unahin ang sarili nya pero ang kulit! Pero yong ginawa nyang yon! Kinikilig ako ng tudo tudo.
I don't know what happened to me! I felt like I treasure every moment that he is like this to me; Hinahayaan ko na lang ang kilig, hinahayaan ko na lang ang sarili kong mahulog.
Na m-mroblema dapat ako eh! dahil nahulog na ako sa kanya. Sa mga salita, sa mga kilos, sa kagwapuhan nya! Dahil ano lang naman ako?...Cute lang, hard working, fighter, consistent and kung anu-ano pang good character traits!
"Hindi naman ako mapili" sagot ko na lang sa kanya.
Libre na naman! Gustuhin ko mang tumanggi pero nadala na ako! Baka sabihan na naman ako ng 'liar' nakakahiya kayang ng ganon ng crush mo!
He sigh.
"It's okay with you the tinulang manok?" He asked.
Tumango ako, paborito ko nga yan eh! Pero hindi ko sasabihin! Nagpapalibre lang naman ako.
"Okay lang" Ani ko. He looked at me intently kaya umiwas ako ng tingin.
"How about the beef steak?" He asked again. I blink.
Hindi pa ako nakakain nyan! Pero kung yan ang gusto nya, edi go! Sya naman ang magbabayad!
"Okay lang rin" I politely said.
Pag yumaman ako, I promise, sya na naman ang eh l-libre ko!
Habang nag pupumindot sya sa phone nya, nagsimula rin akong pumindot sa phone ko para ipaalam kay Mama na uumagahin ako ng uwi.
Baka nga hapon na kami makarating roon dahil malayo talaga sya kahit ang bilis tumakbo nong sports car nya.
From Mama:
Mag-iingat ka dyan, malakas rin ang ulan rito, mukhang may bagyo kaya mag-ingat ka dyan.
To Mama:
Mag-ingat rin kayo dyan ma!
Sunod ko namang pinuntahan ang f*******: ko, malakas rin daw ang ulan doon! Baka suspended ang klase!
Riza Kate Wright:
May klase ba bukas?
Message ko sa GC namin!
Nelia Smith:
Abah Riza! Umulan lang ng malakas wala na agad klase?
Krystin Dyle:
Sana wala! Ang sarap matulog kasama ng jowa ko ngayon! Maiingit ka Riza please.
Iveth Cerritos:
Hindi namin alam beh! Pero sa lakas ng ulan ngayon baka mag suspend to! May bagyo raw eh. Wait na lang tayo sa announcement.
Riza Kate Wright:
Magsabi kayo kapag wala ah? Nandito kasi ako sa Baguio, baka hindi ako makauwi dahil ang lakas lakas ng ulan.
Sunod sunod naman agad silang nag react sa message ko kaya natampal ko na lang ang noo ko.
"Your mom?" Biglang tanong ni Dylan kaya napatalon ako at tumingin sa kanya na binubuksan na pala ang television.
"Ah oo, nagtanong rin ako sa mga kaibigan ko kung may pasok ba, malakas rin daw kasi ang ulan doon" explain ko.
"Alright" aniya. I pursed my lips.
Kahit nakatalikod ang gwapo pa rin!
"Yong meeting nyo pala sir?...I mean Dylan?" I asked. Habang binabasa ang mga replay ng mga kaibigan kong mga abnormal, hindi naniniwala sa akin.
"Cancel due for the heavy rain" he said.Okay, nga naman! Delikado ang daan dahil ang lakas ng ulan.
"Ahh, sayang naman ang pagpunta rito" I asked.
"It's not sayang" aniya. Magtatanong sana ako kung bakit nang nag ring ang messenger ko.
I sigh nang nakita ang pangalan ng GC namin! Hindi na nakapaghintay sa replay ko.
I answered.
"Bakit kayo tumawag?" Bungad ko kaagad.
[ Riza! Paano ka napunta dyan? Bakit hindi ka man lang nagsabi? ]
[ Totoo ba yang sinabi mo Riza or sinabi mo lang yan na nandyan ka sa Baguio kahit naglalampaso ko lang ng sahig sa fast food chain para may masabi ka lang sa amin ]
"Whose talking?" Malamig na tanong ni Dylan.My eyes widen at tinago ang phone ko.
"Ah...kaibigan ko lang!" Kinakabahn kong sabi dahil lumalapit sya sa akin.
"Kaibigan..." aniya at tumango-tango.
"Oo..."
"Hang up your phone" seryoso nyang utos. Dali-dali ko namang pinatay ang video call at tinago ang phone ko.
"Is that really your friend?" Mahinahon nya ng sabi. I gulped when he sat down infront of me.
"Oo" I answered and lower my head.
"I don't like what I heard" aniya.
"Ganon talaga yon magsalita, sanay na ako"
"You let that happened?" Tunog dismayado nyang sabi.
I sigh. Hindi ko naman magawang pagsabihan ang mga kaibigan ko dahil alam ko, mag-aaway lang kami, ang kikitid ng mga utak non eh.
And another thing, ayokong mawala sila sa akin. Sila lang ang kaibigan ko, without them, loner ako sa school! Sila lang ang nagtyaga sa akin.
And also, tinutulungan rin naman nila ako! Sadyang napaka rumi lang ng lumalabas sa mga bibig nila but that's their nature, nasanay na ako.
He sigh nang hindi ako sumagot.
"Should we prove to them that you are here?" He said seriously kaya napatingin ako sa kanya.
He raise his brow, waiting for my answer! And before I know, dinala nya na ako sa mga tourist pots dito sa Baguio kahit umuulan!
Hindi kami nakapasayal pero kain kami ng kain! At he even took a picture of me! Para evidence raw.
Hiyang hiya na ako pero kapag sasabihin ko sa kanyang pagod na ako o di kaya busog na, hindi sya naniniwala. Maybe he knew na nahihiya lang ako kaya nasabi ko ang mga yon.
Monday midnight na kami nakauwi! I have so much fun kahit ang mas madalas na nararamdaman ko ay hiya at awkward, enjoy pa rin ako.
Hindi kasi ako nakapasyal sa mga ganong kagagandang lugar! Tapos nakakain ng ganon kasarap na pagkain nang walang iniisip na pera.
One day if God's grace, kapag yumaman ako, babawi talaga ako kay Dylan! He let me experience things that I am dreaming for!
Bago ako pumasok sa school, I uploaded my picture na pinasa sa akin ni Dylan!
Buti na lang talaga mabait yong tao na yon! Hindi nag reklamo na baka ma full storage ang phone nya sa kaka picture sa akin!
Pagkarating ko sa school agad na nanliit ang mata sa akin ng tatlo!
Ano na naman kaya ang nasa mga isip nito?...Siguro naman nakita na nila ang post ko na nasa Baguio nga ako!
"Riza may hindi ka sinasabi sa amin" Nagtatampong sabi ni Iveth.
I frowned.
"Huh? Ano na naman yon?" Taka kong tanong at umupo.
"Wow! Pa blind blind?" Sarcastic na sabi ni Nelia.
"Ano nga? Parang nasabi ko naman sa inyo lahat ah?" Taka kong sabi.
Ano na naman ba ang problema ng mga to? Kung makatanong sa akin parang may ginawa akong masama sa kanila!
"Sino yong lalaki nong tumawag kami?" Taas kilay na sabi ni Kryistin.
Napakurap-kurap naman ako....Shit! Narinig ba nila si Dylan?
"Sinong kasama mo sa Baguio?" Tanong ni Iveth.
"May boyfriend ka na noh? Lowkey talaga na malandi!"
"Bakit mo tinatago sa amin?...Boyfriend mo yon o binibinta mo katawan mo?"
"Ano bang pinagsasabi nyo?" Kunot noo konh sabi.
Binibinta ang katawan? Amputah! Kahit mahirap lang kami, hinding hindi ko yan gagawin no! Ang daming desenting trabaho!
"Afam mo yon noh? Bakit mo nga tinatago?" Nanliliit matang tanong ni Kystin.
Napapikit ako ng mariin at malakas na bumuntong hininga!
Grabe naman mag conclude ng mga to parang hindi ako kilala!
They know I am a conservative person! Kapag hindi ko bet ang lalaki or hindi ko masyadong kilala, hindi ako mamansin. They know also that boys doesn't care of me cause I am just like this, hindi ako ideal girl! Kaya bakit inisip nilang magagawa ko yan?
Dylan is right! I allow them to talk dirty on me, that's why they keep on talking like that to me but like I was said I'm scared to loss them, they are only my friend! Kaya hinayaan ko lang.
"Wala akong tinatago okay? Pumunta ako roon cause my boss has a meeting there!" Medyo inis kong sabi.
"Business meeting?...Alam mo Riza! Kung mag-eembento ka ng rason! Yong kapani-paniwala na naman! Business meeting? Sino ka para isama doon?" Nelia said in a matter of fact toned
"Tama si Nelia! Kahit ako naman ang boss hindi ko rin isasama ang empleyado ko kung saan ako pupunta noh! Kahit business meeting pa yan! Ano sila sinuswerte?" Iveth said at tinignan ako na nandidiri.
"Kung afam mo yon, f**k body, klyente o sugar daddy, sasabihin mo na sa amin Riza! Friend mo kami, I swear hindi ka namin eh j-judge" nakangiting sabi ni Krystin.
I sigh heavily.
"Bakit mo ba tinatago? Base of the pictures you uploaded, mayaman ang kasama mo so bakit mo tinatago sa amin?...Unless your relationship is Forbidden...Kabit ka?" Nakataas ang kilay na sabi ni Nelia.
Para namang napintig ang tainga ko sa narinig!
"I am not that cheap!...Kung makapagsalita kayo parang hindi nyo ako kilala!...And for your information, I am a secretary of the CEO of R.E.Y, One of the top business in Asia! Sinama nya ako cause he has a business meeting there! Pumunta ako ron because of work! Not for s*x, not for boys!" Madiin kong sabi at umalis sa tabi nila.
What they said to me is too much! Kahit walang wala ako hindi ko kailanman naisip ang mga option na sinasabi nila!
My parents raise me so will, they teach me a lot of character traits to be a virtuous women! Tapos sasayangin ko lang ang mga tinuro nila dahil sa pera? Ano ako tanga?
Yes! I need money, I work so hard because of money but that doesn't mean I will sacrifice myself, my dignity, the principle that my parents thought me and my body just to earn money!
There's a lot of option to earn that one, though hindi madali but nothing is easy to get what you want in this world kaya bakit ako pipili sa mga option na ikakasira ko?
Hindi ako ako tanga! At mas lalong hindi ako bobo para pagsalitaan nila ng ganon lang!
Dylan is right, I should not tolerate that kind of behavior of them! Cause the more I let them, the more insult I will heard to them! I need to stop them or at least I need to minimize that behavior of them.
Malakas akong bumuntong.
Though nakapagpahinga ako ng maayos tapos hindi masyadong pagod sa trabaho. Ramdam na ramdam ko pa rin na pagod na pagod ako. Though may pera ako dahil na swelduhan na, parang ang laki pa rin ng problema ko.
Kung gaano ako kasaya kahapon, ganon din ang level ng stress na nararamdaman ko ngayon!
I wanted to rest, to escape those people who misunderstood my actions, my work, my whole life dahil nakakawalang gana sila.
"You okay?"
Napatingin ako sa katabi ko na si Jason pala!
I sigh at napangiwi.
"Ah! oo" Ani ko, pinasigla ang boses.
I am not okay right now because of what I've heard, ang sakit kasi nilang magsalita!
Simpleng mga bagay kung saan saan aabot ang mga iniisip! That even so vocal of their conclusion! Hindi nila alam na napaka below the belt na ang mga pinagsasabi nila!
They should more sensitive! Dapat iniisip nila ng maigi bago sabihin ang nasa isip nila!
Hindi ba sila tinuruan na rumespeto sa kanila? Kahit gaano kapangit, gaano ka hirap, gaaano ka sama ang tao, you should at least respect them! Hindi yong huhusgahan agad without knowing his point of view!
"I see" Jason replied.
Hindi ko na lang sya pinansin baka may marinig na naman ako ng kung ano na naman sa ibang tao dahil kinakausap ko si Jason! Mga bwesit!
Binibinta ang katawan, may afam, kabit! Yan ang pa ulit-ulit pumapasok sa isip ko! Kaya hindi humuhupa ang pagkainis ko sa kanila.
Parang hindi talaga ako kilala eh! Do I look like a f**k girl? Mga bwesit! Ang sarap talagang magwala ngayon!
Four years! Four years nila akong kasama! Halos alam na nila ang ugali at mga ginagawa ko! Pero bakit ganon?...Nakarinig lang ng boses ng lalaki habang tumatawag sila, yon na agad pumasok sa isip nila?
Mas tanggap ko pang paghihinalaan nila akong nag date kami ng boyfriend ko roon dahil lowkey lang kami, o di kaya monthsary! Mga ganong dahilan! Maging masaya pa ako pero yong kaya ako sinama doon dahil kabit ako? May afam? Sugar daddy? Gago! Below the belt na!
Malakas akong bumuntong hininga. Wala tuloy ako sa mood makinig ng discussion! Mahirap pa naman ang subject na to!
I sigh again!
Ang sarap lumipat ng school! Yong walang toxic na kaibigan! Walang nakakakilala sayo para naman luminaw ang buhay ko! May peace na matatamasa!
I sigh again.
Kung lilipat naman ako! Hassle na! Graduating na ako, isang semester na lang, tapos na ako tapos nag-iisip pa ako ng ganito? Siraulo lang!
"May problema ka ba Riza?" Tanong na ni Jason kahit may teacher sa harap.
I sigh.
"Wala" pagod kong sabi.
Ang sarap na umuwi ng bahay at huwag ng bumalik rito! Lahat na lang kasi ng ganap ko sa buhay iba ang interpretasyon nila!
Nag tanong nga sa akin pero may kasamang insulto! Yong insulto pa nila, below na below the belt!
Pagkatapos ng klase. Agad akong lumabas ng classroom, hindi sila pinansin!
Bwesit na bwesit ako ngayon dahil sa mga bibig nila! At kung iba na naman ang meaning sa kanila nitong action ko ngayon, wala na akong pakialam!
They think worse, they say dirty!
Kung ano mang sasabihin nila sa akin ngayon, okay! Hindi na ako magpapaliwanag! Bahala silang mag conclude ng mga bagay bagay, gumawa ng scenario na hindi naman naganap!...Dyan lang naman umiikot ang buhay nila!
Dahil mamaya pang hapon ang sunod kong klase, umuwi ako sa bahay! Ayokong mag stay doon sa school baka sumabog lang ako sa galit!
"Oh? Umuwi ka?" Tanong ni Mama na nagsisibak ng kahoy. Mukhang magluluto ng pananghalian.
"Mamaya pang hapon ang susunod kong klase ma.. Ako na po dyan" ani ko at aambang papalitan sya nang...
"Magbihis ka na lang doon tapos hiwain mo yong mga isda" pangtataboy ni mama.
"Si Papa po?" I asked. Nagmano na lang at Hinyaan na lang sya.
"Nasa construction, naka sideline sya doon dahil kulang daw sa tao kaya ayon, nandoon" ani ni mama.
I nod and do what she said.
Buti pa dito sa bahay, may peace of mind pa ako! Hindi kagaya sa school na ang daming theory tungkol sayo! At yong theory pa na yon, ang pangit pa sa pandinig! At ang nakaka disspoint pa! Mga kaibigan mo pa ang nagsabi!
"May trabaho ka ba ngayong gabj anak?" Tanong ni Mama.
"Wala po. Bakit ma?" I asked habang naghihiwa ng isda.
"Pweding ikaw na lang maglaba nong mga kinuha kong labahin kina Aling Fe? Ang sakit kasi ng likod ko" hiling ni Mama.
Ngumiti ako ng tipid.
"Sige ma! Sisimulan ko na lang po ngayon! Babalikan ko na lang po kapag tapos ko na ang afternoon class ko" labag sa loob kong sabi.
Imbis na makapagpahinga ako ngayon, may inutos naman!
I sigh!
Gusto kong magpahinga! Yong walang kumakausap sa akin, walang utos! Yong peaceful lang ang paligid dahil feeling ko! Drain na drain ako ngayon.
Habang nagluluto si Mama para sa panghalian, nag-aral muna ako, mamaya na lang ako maglalaba kapag tapos na ako kumain para marami akong energy Mukhang madami dami pa naman ang mga labahin.
"Jusko naman" I mumbled at kinuha ang phone ko para sa PDF na pinasa sa amin.
Nakakasawang mag-aral ng mag-aral! 15 pages ang babasahin tapos ang quizz 1 to 10 lang! Kamusta naman yon?
Habang tumatagal akong nagbasa, unti-unti namang pumipikit ang mata ko! Inaantok na!
Hindi ko alam sa akin! Kapag nanonood ako ng vlog o di kaya nag f-f*******:, hinding hindi ako aantukin pero kapag nag-aaral na, ilang minuto pa lang, ito na antok na antok na!
Napatalon ako bigla nang nag ring ang phone ko.
Inis kong pinatay yon dahil nagbabasa ako tapos sturbo.
I am frowning habang mariing tinignan ang phone dahil wala na akong maintindihan.
"Cooperate naman self!" Inis kong sabi at binasa pabalik pero bago ko pa matapos an sentence. Nag appear naman ang caller.
Pinatay ko kaagad ito pero nang nakita kon ang 'My Crushiecake missed call' nanlaki ang mata ko at nagising ang diwa.
"Patay!" I mumbled at dali daling nag dial!
Shit! Bakit ko ba pinatay nang hindi tinitignan kung sino ang caller? Patay talaga ako nito.
Halos maiyak na ako nang narinig ang 'sorry, hindi sapat ang yong load balance...'
Nataranta akong lumabas ng kwarto! Para hanapin si Mama. Baka may load sya.
Patay talaga ako nito!
Itong katangahan ko talaga ang magpapahamak sa akin!
Baka may eh uutos yon na importante tapos pinatayan ko ng tawag!
"Ma may load ka?" Parang tatae ko ng sabi. Kabado na.
"Wala, bakit? May problema ba?" Kunot noong sabi ni Mama
Napapadyak naman ako.
"Wala po!" Ani ko at kumaripas pabalik sa kwarto para kumuha ng pera.
"Tanga kasi!" Inis kong sabi at dali-daling lumabas ng bahay para mag paload.
Bakit naman kasi pinatayan ng tawag!
"Tanga! Tanga talaga!" Inis kong sabi.
Pagkatapos kong magpaload. Kumaripas ako pabalik sa kwarto, inihanda na ang sarili na papagalitan.
"Sana lang huwag akong tanggalin" kinakabahan kong sabi habang nag d-dial.
Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko habang nag r-ring. Sana sagutin!
Nang sinagot na, nabuhayan ako ng loob....
"Sir! Sorry talaga kung hindi ko nasagot! Hindi ko kasi nakita ang caller dahil inaantok ako, sorry po talaga! Nag-aaral po kasi ako dahil baka may biglang recitation kami mamaya!..."
"Your busy, I see" he huskily said. Namutla naman ako sa sinabi nya.
"Sir hindi po ako busy-"
Naiiyak kong tinignan ang phone ko nang pinatayan ako ng phone!