CHAPTER FOURTEEN

3005 Words
I constantly message Dylan every minute dahil nababahala talaga ako dahil binabaan nya ako ng tawag! Dumagdag pa na hindi sya na r-replay! Gusto kong isipin na wala syang load pero impossible naman atah yon! Sa yaman non baka binili na nya ang network ng globe, smart or Tnt! "Patay talaga ako" I mumbled habang naglalaba. Bakit kasi pinatay ko ang tawag nang hindi nag-iisip! Anong napala ko ngayon? Na m-mroblema! Bwesit naman kasi! Kung puntahan ko kaya sya sa companya nya? Tapos magpaliwanag kung bakit napatay ko ang tawag nya baka maintindihan nya pero paano kung tanggalin nya ako sa trabaho? I shook my head! Ayoko ng ipahiya ang sarili ko! Mas mabuting sa text na ako magpaliwanag dahil may lakas pa ako ng loob, masasabi ko pa ang gusto kong sabihin! Kaysa sa personal pa or sa tawag ako magpaliwanag baka walang salita ang lumabas sa bibig ko dahil sa pangangarag! "Ang sarap na lang maging patatas!" Nanghihina kong sabi. Bakit ba palagi kong pinapahamak ang sarili ko? Bakit ang tanga tanga ng mga pinagagawa ko sa buhay!? Hindi ako mapakali sa araw araw, Gustong gusto ko ng dumating ang sabado dahil kailangan ko ng manghingi ng tawad! And speaking of forgiveness! My friends; Nelia, Krystin, and Iveth, hindi na nila ako pinapansin! Kapag nagkakasalubong kami, parang hindi nila ako nakikita! Parang hangin lang! Mas lalo tuloy akong nairita sa kanila dahil sila pa tong may maraming sinasabi sa akin na kung anu-ano, sila pa tong may lakas ng loob umakto ng ganito!...Ang kakapal ng mukha! Marunong naman akong tumanggap ng sorry! Hindi ko naman itatapon ang pagkakaibigan namin ng ilang taon sa ganong dahilan! Though na offend talaga ako pero okay na lang yon kaysa naman masayang ang pagkakaibigan namin. When Saturday came, halos hindi ko na mabilang kung ilang santo na ang natawag ko! Sana talaga hindi ako matanggal sa trabaho! Kahit pagalitan nya ako, okay lang sa akin, huwag lang akong matanggal dahil ang laki ng sweldo eh tapos hindi pa masyadong mahirap, makakapunta pa ako sa ibang lugar ng libre. "Good morning Sir, I'm sorry talaga nong isang araw, nag-aaral po kasi ako at inaantok! Kaya hindi ko na kita kong sino ang tumatawag! I'm sorry po talaga, hindi na po mauulit" paliwanag ko kaagad pagka rating ko. Sir Dylan, look at me and tilted his head kaya kumalabog ang puso ko sa kaba! Sana talaga hindi ako ako masesante! Ang tanga tanga kasi eh! "May tumatawag ba sayo? Like boyfriend dahil nag-away kayo?" Malamig nyang sabi. Agad akong umiling! "Hindi po Sir! Wala akong boyfriend! Wala rin pong tumatawag sa akin non! Iwan ko rin po nong panahong yon kung bakit hindi ko sinagot!" Stress ko talagang sabi. Ayokong matanggal sa trabaho na toh! Gumaan gaan na ang buhay ko rito! "Cute" he mumbled kaya nanlaki ang mata ko at nag-angat ng tingin sa kanya. "Sir?" Nabibingi kong sabi. "I won't accept your apology if you keep calling me Sir" seryoso nyang sabi. I sigh heavily! I need to calm down! I'm here to work and to apologize to him because of what I did last last day! Not to overthink every word and action did he express. "Sorry Dylan. Hindi na talaga mauulit" sincere kong sabi. "I know, four days, you keep texting me apology, I waited for a call but never came" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya! Never kong nilagay sa option na tawagan sya dahil una, ang laki ng boses ko sa phone, parang lalaki! Pangalawa! Nahihiya ako, baka magkanda-utal utal lang ako o di kaya ma-mental block dahil kabado! Sa message lang talaga ako may lakas ng loob. "Na....Nahihiya po ako" mabilis kong sabi. I heard him chuckled. Namula ako dahil sa kahihiyan! Shit! Nakakahiya! Pero at least totoo yong sinabi ko pero nakakahiya pa rin! "Please make my coffee Riza" natatawa nyang sabi. Bumuntong hininga ako at ginawa ang inutos nya. I even saw him shook his head nang nilampasan ko ang table nya. I don't know kung anong ibig sabihin ng pag-iling nya. Disspointed ba sya or nan t-trip lang! Honestly, what he is acting when we were together, ang w-weird, nakakasakit sa ulo, nakakaconfuse! Hindi ko na alam kong anong gagawin ko sa sarili ko dahil hulog na hulog na talaga! Everything that he did or say to me, may ibang meaning! Kaya ito ang naging resulta ngayon! I don't even know kung saan ako pupulutin nitong ginawa ko sa sarili ko. After kong gumawa ng coffee nya, agad kong tinignan ang schedule ni Dylan at sinabi sa kanya. His life is so busy! Ang lalayo pa minsan ng mga meeting nya! Mukhang wala na tong time sa sarili nya pero dahil sa pagt-trabaho nyang to, yumaman sya ng yumaman! Siguro kapag may gusto syang puntahan na lugar, kahit saang lumapalop pa ng mundo, mapupuntahan nya dahil marami syang pera. I wish, sa future, maging kagaya nya rin ako; yong maging CEO, may mga meeting na pupuntahan, may sarili kompanya, may sariling sasakyan, maraming pera at kung anu-ano pa. Kung ibibigay talaga yan ni Lord sa akin, Napakalaking tulong talaga sa amin para hindi na kami maghirap. Nong nag Sunday na, nakatanggap ako ng message sa tatlo kong kaibigan. They said sorry but it feels like...nothing. Hindi ko ramdam ang senseridad dahil sa message lang nila ginawa, hindi ko rin alam kung kaya ko pang sumama sa kanila dahil na offend talaga ako nong isang araw sa kanila, baka nga ako ang topic non kapagnakatalikod ako. Nelia: Ikaw kasi! Bakit hindi mo agad sinabi sa amin na boss mo pala yon! Iveth: Kaya pala ang light mo tignan nitong nagdaang araw! Nasa opisina ka pala! Akala ko na deligan eh! Krystin: Kung super yaman naman pala non! Go Riza! Gawin mo ng sugar daddy! Natampal ko na lang ang noo ko sa mga pinagsasabi nila. Isa rin ito sa mga ayaw ko sa kanila. After they apologize at sinabi mo na sa kanila na 'okay lang' ito na, naglalabasan na naman ang maruruming salita sa bibig nila. They know na may taong na offend na sa mga pinagsasabi nila, hindi pa ba sila nadadala? Bakit hindi nila eh evaluate ang sarili nila? Na babaguhin ko na to dahil ang pangit ng ugali nito! Or I should stop and say sorry to her dahil ganito ganyan! Then after that, wag nilang insultuhin! Hindi ako mag replay sa message nila, bahala sila dyan! After they get into my nerves, isang sorry lang at sa phone pa okay na? The nerve! Bahala sila dyan. No man is an island but if they continue treating me like this! I will prove to every corner of this world that a man can live in this life time alone! After many trials in life, tingin nila hindi ko kayang mag isa sa buhay?... I can! Mas maayos pa nga yon dahil less stress, no betrayal, walang mga toxic na kaibigan, walang insultong maririnig. "Your not in your mood, aren't you?" Napakurap ako at napatingin sa taong nagtanong sa akin yan. "Huh?" Kurap-kurap kong sabi. Ngayon ko lang naalala na kaharap ko pala syang kumain! He asked me to eat with him, wala naman akong magagawa dahil gagamitin nya na naman ang boss card nya but little did he know, gustong-gusto ko naman! And this time! Hindi na nya ako nilibre dahil may baon ako but him as a rich man, dinamihan ng bili ng ulam pero so far hindi pa naman ako nanghihingi kahit takam na takam na ako. "Your so silent. Why?" Pormal nyang sabi. I just sigh silently. "Hindi talaga ako madaldal" I answered. Hindi ako yong tipong tao na nagsasabi mga problema ko sa buhay sa ibang tao, wala rin naman silang matutulong, hindi naman mawawala ang problema ko kapag sinabi ko sa kanila kaya ano pang silbe? At isa pa! Nasanay na akong inaako ang problema ko o mga iniisip kaya hindi na ako comportable mag share baka kasi ipakalat tapos kaawan lang ako. Ang pinakaayaw ko pa naman ay yong kaawaan ako! Kahit mahirap lang kami, ayokong makikita sa mga mata ng tao na kaawaan ako! Cause everything that happened to us is just a challenge! May problema ka na ganito dahil may purpose si Lord. It may grow you as a person or made you a independent person! Hindi kailangan ng awa sa ibang tao dahil iba iba tayo ng problemang kinakaharap sa buhay! "That's reason again..." iling-iling nyang sabi. Napatikom na lang ako ng bibig. "Totoo naman po" Ani ko. It's not a lie! Hindi naman talaga ako madaldal! "Hmmm, when can you share to me your thoughts?" He asked at inangat nya pa ang tingin sa akin. Napalunok tuloy ako at nag-iwas ng tingin. Bakit ba ganyan sya!? Hindi nya ba alam na sa bawat tingin, bawat tanong, bawat galaw nya ay nahuhulog ako na parang baliw? Hindi nya ba alam yan? Dahil jusko! Hindi ko na alam kung paano ko e sasalba ang sarili ko! Ang kapal kapal na nga ng mukha ko na magkagusto sa isang kagaya nya na hangad ng milyon milyong babae eh! "Hindi po ako mahilig mag share" nakanguso kong sabi. Napataas ang isa nyang kilay. "Ah-huh..." tatango-tango nyang sabi. Mahina akong bumuntong hininga! The way he spoke made my heart beat so crazy! Patay na talaga ako nito! Baka sa kahibangan ko sa kanya, tatanda na talaga akong dalaga! Bakit ba naman sa dinamirami ng lalaki sa mundo sa isang tulad nya pa ako nagkagusto na impossibleng pulutin ako! "But can I work with that?" He asked. Kumunot naman ang noo ko sa tanong nya. "Po?...I mean-" "I will make you speak to me about what you've thought" seryoso nyang sabi. I blink. Ano raw? Lito akong tumango sa kanya! Indeed, his so weird! His action is so weird, his words are so weird! Everything he does is so weird! Bakit ganyan sya? He made my feeling mixed! He made me believe that he has a feeling to me! Ang kapal ng mukha kong mag-isip ng ganito pero yon ang nakikita ko sa mga pinagagawa nya! "I almost heard your monologue" He mumbled kaya napakurap ulit ako. "Bakit...mo..." I shook my head. Hindi ko kayang magtanong kung bakit sya ganito sa akin! Kumakalabog lang ang puso ko sa kaba! "Hmmmm?" May lambing nyang sabi. Kinuyom ko ang kamao ko dahil naririnig ko na ang lambing ng boses nya! Shit! Nababaliw na talaga ako! Malakas akong bumuntong hininga. He chuckled. "Pinaglalaruan mo ba ako?" Biglang lumabas sa bibig ko. My eyes widen! Pati nga sya napataas ang kilay sa sinabi ko! "Ugh!...Sorry! Hindi ko..." "What do you mean?" He asked while tilting his head. Mas kumalabog pa ang puso ko sa kaba. Ramdam ko na rin na nanlalamig ang kamay ko! Para akong nasa isang recitation na walang masagot dahil hindi nakapag-aral! Para ring may namumuong malamig na pawis sa akin! Mas kinuyom ko pa ang kamao ko dahil para na akong mahihimatay sa kabang nararamdaman. "Ugh...Wala" hilaw kong sabi at napakamot sa ulo. "You can ask, I will answer" mahinahon nyang sabi. Ang sarap umalis rito at hindi na magpakita kailanman! Ayoko talaga sa sitwasyong ganito dahil natatakot ako na baka mali ang interpretasyon ko sa mga na o-observe ko! Pero kapag hindi ako magtanong, baka mabaliw na lang ako kakaisip ng mga sagot kung bakit sya ganito! I would rather get hurt to know the truth than to be clueless in this aspect! "Bakit...Ka ganito sa akin?" I finally asked. I lower my head! Ayokong makita ang mukha nya! Kahit ano pang emosyon yan, ayokong makita dahil natatakot ako! He chuckled kaya kumunot ang noo ko. Gusto kong mag-angat ng tingin but I hold back myself! Ayoko talaga! "So you notice?...I thought manhid ka" mangha nyang sabi. Umawang ang kabi ko sa narinig at hindi namamalayang inangat ko ang tingin ko sa kanya. I am more shocked nang nakita ko kung paano nya ako tinignan. He is looking at me gently for pete's sake! Matagal na katahimikan ang namutawi sa amin! Para akong na bobo sa sinabi nya, hindi ko maintindihan! Walang pumasok sa isip ko na sasabihin. He shifted his seat and cleared his throat, nakatunganga lang ako sa kanya na parang tanga, hindi talaga nag sink in sa akin lahat ng sinasabi nya. "Lady, if it's not obvious, then I will get straight to the point...You made me happy! And when you are with me, I am at peace. I like everything on you because you are in yourself" seryoso nyang sabi. Na laglag ang panga ko sa sinabi nya and at the same time kumakalabog ang puso ko! Hindi dahil sa kaba, I don't know kung para saan ito. This is the first time na nakaramdam ako ng ganito! At ito rin ang first time na may magsabi sa akin ng ganito! I don't know what to say or what to do! Or kailangan ko bang magsalita!?...Hindi ko alam! "Riza...I don't know how this feelings started but I guess the moment I saw you in my comfort zone, so tired...You made me promise to myself that...I want to take care of you, na hindi na dapat kita makitang ganon ulit" I gulped on what he said. "S-sir" nauutal kong mutawi. He smile. "Let me take care of you okay? But ofcourse, I will make you trust me and I will make you mine..." Lutang ako buong maghapon dahil sa sinabi nya. Hindi mag sink in sa utak ko dahil hindi ako makapaniwala. Hindi ko na nga alam kong paano ako nakapagtrabaho at parang asong sunod ng sunod sa kanya sa mga meeting nya. And him as a man on his word, I don't feel that I am still his secretary cause his more showy this time! Pero dahil nahihiya ako kapag napapatingin ang tao sa amin, Sasamaan ko sya ng tingin cause sometimes, he held the small of my back to guide me. Hindi ko talaga alam kung paano ako naka survive! Umuwi akong lutang, pumasok sa school na lutang! Hindi talaga ako makapaniwala! Hindi ko nga alam kong totoo ba yong nangyari o nanaginip lang ako ng gising From My Crushiecake: I'll be the one who will fetch you later. See you. I sigh heavily at madramang nilagay ang phone sa arm chair at natulala sa harapan. Wala pa ang teacher namin dahil hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo nilagay ni Lord yon! Hinawakan ko ang dibdib ko at dinama ang kalabog ng puso ko bago ko hinawakan ang phone ko at nag replay. To My Crushiecake: Wag na...May gagawin ako, may trabaho ka rin. I replied! Wala naman talaga akong gagawin! Ayoko lang makipagkita sa kanya dahil hindi pa nag sink in sa akin lahat! From My Crushiecake: But you promise. I sigh! Nagyaya kasi syang sabay kaming maghaponan ngayon! At dahil wala pa ako sa sarili ko! Wala sa sarili akong tumango at sinabi pang promise! Shutangina! To My Crushiecake: Sabi ko nga...6:00 pa ang uwian ko... I replied. Lumilipad ang utak ko kung saan saan habang nagkaklase kami. Iniisip ko kasi kung paano a-akto mamaya kapag nasa harap ko na sya! O di kaya, paano ko aayosin ang sarili ko! This is crazy! Akala ko kapag may sagot na ako sa kung bakit sya ganyan sa akin! Hindi na ako mababaliw pero hindi ko akalain na mas mababaliw pala ako! Shutangina talaga! "Riza! May sasabihin ako sa iyo!" Biglang sulpot ni Kystin kaya napatalon ako. "Ano ba! Bakit ka ba nangugulat!?" Inis kong sabi pero tinawanan lang nya ako at tumabi sa akin. "Hindi ako makapaniwala sa narinig ko!" Kinikilig nyang sabi. Napakamot ako ng ulo! Here she is again! Mag k-kwento ng hindi ako nakaka relate! May problema pa nga ako eh! "Ano?" Tamad kong sabi. Kung makaato tong mga to parang walang kasalanan sa akin pero sanay na ako sa kanila eh! That's their nature so what's new? "Gaga ka! Si Jason raw may crush sayo! My goodness! Magkakajowa kana friend!" Masaya nyang sabi. Nalaglag ang balikat ko sa sinabi nya. Akala ko kung ano na naman! At si Jason may crush sa akin? I don't think so! Parang kailan lang nong narinig ko sila sa tapat ng CR ng girls na nag-uusap ng kaibigan nya! Ang clearly, wala talaga syang gusto sa akin. "Umalis ka dyan sa tabi ko baka magdilim paningin ko sayo!" Maldita kong sabi. Hinampas nya ako sa balikat kaya inis ko syang tinignan. "Mayroon ka ba ngayon at ganyan ka kasungit huh?" Inis nyang sabi. I roll my eyes. "Wala lang talagang kwenta ang sinasabi mo" malamig kong sabi. "Anong walang kwenta? Hello! Mayroon kaaya! Ayaw mo non? Magkakajowa ka nah?" Nanlalaki nyang matang sabi. "Bakit ba pinipilit nyo akong magkajowa?" Inis kong sabi at tinulak ang mukha nyang nilalapit talaga sa akin. "Malamang-" Naputol ang sasabihin nya nang mag ring ang phone ko kaya dali-dali ko tong kinuha at sinagot. "Hello?" Bumungad ko at tumayo. Ayokong marinig ni Krystin ang pag-uusapan namin! Grabe pa naman sila kung mag conclude. [ So tuloy tayo? ] paos nyang sabi. Kumalabog na naman ang puso ko! Nababaliw na naman. "Nakapag promise na ako eh!" Parang napipilitan ko pang sabi! Ang kapal talaga ng mukha! Ang gwapo ni Dylan tapos ako pa tong ganito ang attitude? Kapal talaga ng mukha! [ okay then...What are you doing right now? ] He asked. I am about to answer nang nakita kong papalapit si Krystin sa akin. Kumunot ang noo ko. "Papalapit na si Jason oh?" Excited nyang sabi at tinuro ang hallway. "Oh tapos?" Tamad kong sabi. Hinampas nya na naman ako kaya sinamaan ko ng tingin. "May Crush nga yan sayo! Tignan mo nakatingin na sayo oh!" Kinikilig nyang sabi. "Iwan ko sayo!" Lukot ang mukha kong sabi at lumayo na naman para makausap ko ng maayos tong si Dylan. "Hello? Sorry, makulit talaga kasi ang kaibigan ko" [ Crush huh? ] he said using his baritone voice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD