CHAPTER FIFTEEN

2951 Words
Tahimik na tahimik kami habang kumakain, simula nang sinundo nya ako sa bahay, hindi nya na ako kinakausap! Akala ko nga hindi kami matutuloy dahil wala sya nong paglabas ko sa school! Naghitay pa nga ako ng ilang oras bago umuwi, baka kasi dumating sya pero wala kaya nag desisyon na akong umuwi and to my surprise, nandoon na ang kotse nya pagkarating ko sa bahay! I don't know what's with him today, ang tahimik tahimik kasi, hindi ako sanay na ganito sya pero naisip ko na baka, wala sa mood dahil sa trabaho or may problema na personal o baka rin ayaw nya ng maingay. Dahil hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin ko, hindi rin ako umiimik! Kumakalabog na nga ang puso ko sa kaba at na a-awkward dahil kaharap sya pero ito pa rin sya ngayon, parang naputulan ng dila. Nang hindi ko na makayanan ang katahimikan, I decided to go to the bathroom, nagpaalam ako sa kanya pero tinaguan nya lang ako. Nababahala man ako sa inaakto nyang to pero wala akong lakas ng loob magtanong! Pagkarating ko sa banyo, I sigh heavily and look at myself in the mirror. Walang ka make up make up, walang ka art art ang buhok, lip tint lang talaga ang panlaban at polbo. Wala talagang ka attract attract sa akin and knowing him...Dylan, liking me. Nakaka-overthink. Baka pinaglaruan nya lang ako dahil bored na sya sa buhay nya, o di kaya nahalata nyang may gusto ako sa kanya kaya ganito sya sa akin pero iwan! Baka nga kapag kwenento ko to sa tatlo kung kaibigan, tiyak tatanongin ako ng mga yon kung saan ako nakabili ng gayuma! Matagal tagal ako bago lumabas sa banyo, pagkabalik ko sa table namin, tapos nang kumain si Dylan, nakahalukipkip na lang sya at nakatingin sa labas. I cleared my throat at dahan dahang umupo! "Tagal mo" tipid nyang sabi. Napaubo tuloy ako. "May...ano...Ughmm" Shit! Anong eh ra-rason ko? Maraming gumamit ng CR? Natata-e ako!? Hindi ko alam! Tumunganga lang naman ako sa harap ng salamin at naghugas ng kamay! Ang epal namang sabihin sa kanya. "May tinawagan?" Hula nya. "H-huh?" Utal kong sabihin at tumingin sa kanya na nakatingin na pala sa akin. I look away. Ayoko talagang magkatitigan kami! There's something in his eyes that made my nerve tremble! "I heard on the phone that someone is crushing on you...Tss! Ano sya?...High school?...Crush huh!" Sarcastic nyang sabi. Napabalik tuloy ang tingin ko sa kanya! Mariin nya akong tinignan kaya kumunot ang noo ko. Ano bang sinasabi nito? Ito ba ang rason kung bakit sya tahimik ngayon? Oo ang feeling ko para isipin ang mga ganyang rason pero what if lang? Dahil nong bad trip na bad trip sya sa trabaho nya, pinapansin pa rin nya naman ako, hindi kagaya ngayon na hindi ako makahinga sa katahimikan namin. "Wala...akong katawagan...Tumunganga lang ako don" lito ko pang sabi dahil iniisip ko pa kung bakit sya nagkakaganito ngayon. He frowned. "Tumunganga?" I sigh and look away! Ayoko talaga syang matitigan ng matagal dahil mababaliw ang puso ko eh! Ang gwapo kasi! s**t lang! "Oo...Ang tahimik mo kasi...Bakit?" Lakas loob kong tanong. Hindi ko alam kong saan kumuha ng tapang para matanong ko yan! "I'm just thinking" aniya. Napakurap naman ako. Eh? Nag-iisip lang sya kaya hindi nya ako kinakausap? Para saan? I wanted to ask more pero ayoko na, baka kung anong isipin nya, ayokong dumihan ang pangalan ko sa kanya! Turn off na turn off na nga ang hitsura ko pati ba naman ugali? Hindi pwede yon! Kung cute lang ako sa physical feature, dapat maganda ang attitude ko, bawi-bawi lang! "Kaya pala" sabi ko na lang at tumango-tango. Mahabang katahimikan ang namutawi sa amin! Pero nong nag serve na ang waiter ng dessert, tyaka pa ulit sya umimik! "About that...Jason?...I am right?" Tanong nya naman nya. I sigh! Nagseselos ba to or ano? Hindi ko talaga sya mabasa kahit kailan! Though ang dali lang basahin ng mga kinikilos nya but when I think what I am and who am I, impossible talaga. He is like that, I am just like this kaya sinong matinong tao ang mag-iisip ng walang pag-aalinlangan na nagseselos sya o gusto nya ako? As much as possible, hindi ko hahayaan ang sarili kong masaktan ng dahil sa lalaki. I know that when you love someone, there's a negative and positive side. Hindi lang puro saya at pagmamahal! Darating at darating talaga sa punto na may tampuhan, awayan, hiwalayan at masasaktan. But for me? As much as I could, eh lalayo ko ang sarili ko sa sakit, after all hindi naman kami kaya dapat lang eh distansya ko ang sarili ko. Ayoko kong mag expect para hindi masyadong masakit! "Naku! Mga baliw lang talaga yong kaibigan ko! Hindi ako crush non" hilaw kong sabi. "How can you say so?" Nakataas ang kilay nyang sabi. "Kasi naman...Ano, bakit nya naman ako ma gugustuhan? I am all flaws-" "But you are not you when you don't have those flaws, and it's not a flaws, that made you unique" putol nya sa kin. Kinuyom ko ang kamao ko dahil nanghina ako sa sinabi nya. Shit! Indeed! Hindi nya ako nagustuhan dahil sa physical feature ko, ang sarap pakinggan pero at the same time, nakakapanghina! Gusto kong sumigaw at magtatalon dahil sa kilig but ofcourse ayokong ma turn off sya, sya na lang ang lalaking ganyan sa akin sasayangin ko pa? Hindi ako tanga! Minsan lang may ganitong lalaki na nagkaganito sa akin at sa gusto ko pa! Kaya bakit ako gagawa ng mga bagay na ma turn off sya? "Rest assured! Hindi talaga nya ako gusto!" Positive kong sabi. He tilted his head at tinignan ako ng mariin kaya umiwas ako ng tingin at nagkunwari na lang uminom ng lemonade. Honestly, hindi ko bet ang lemonade nila rito! Nakakasuka ang lasa! Mas gugustuhin ko pang uminom ng tubig but then again, nilibre lang ako kaya wala akong karapatang magreklamo. "If you say so" aniya at tinignan ako ng maigi kaya nagkunwari na lang ako kumakain! Shutangina! Gusto ko na talagang umuwi! Why is he always like that? "Can I court you" Halos maluwa ko ang kinain ko dahil sa narinig! Binigyan nya agad ako ng lemonade na naman pero umiling ako at tinuro ang tubig dahil baka masuka na ako sa lasa ng lemonade na yan! Hindi kasi ako mayaman kaya allergic ako sa mga ganyang inomin! Jusko naman!. "Are you sure?" May pag-aalinlangan nyang sabi. Hindi binigay sa akin. Ubo na ako ng ubo kaya tumango ako, he sigh and handed me the water. "Ano ka ba naman! Bakit nangugulat ka!? At anong court? Anong ibig mong sabihin?" Exaggerated kong sabi! I look at him nang wala akong makuhang sagot! I frowned when his eyes were just looking at the glass of water. "Bakit?" Curious kong tanong. He shook his head and sigh. "That's my water" Parang inaagawan nyang sabi kaya umawang ang labi ko. Pabalik balik ang tingin sa kanya at sa baso. "Sorry, hindi pa naman ubos!" Natataranta kong sabi at binalik sa kanya ang baso. What's the big deal? Tubig lang naman to! Libre! Hindi naman nya binayaran ng milyon milyon para ganyan sya umakto! His so weird huh! He shook his head. "It's nothing...I just can't believe myself, sharing something...nevermind" aniya at umiling-iling. Confuse tuloy ako hanggang sa makauwi kami sa bahay! Ang weird nya talagang tao! Hindi ko maintindihan ang mga pinagkikilos nya. Ang sakit nya sa ulo sa totoo lang. And what he said about courting, hindi na nya mabanggit ulit, I don't know if itutuloy nya ba o hindi! But if he does, mukhang mamatay na ako sa kilig! Yong taong gusto ko ay gusto rin ako! Once in a blue moon lang yan magaganap! Na yong taong gusto mo, gusto ka rin! And I am so glad he has the same feeling on me! Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip nya at nagustuhan ako but whatever it is! I am so thankful! But and only but...Kung itutuloy nya pa ang pangliligaw sa akin, mukhang hindi pa rin sya nakalamove on sa tubig nyang inunuman ko! Pagkarating namin sa bahay. I turned to him and say thank you and goodbye. "See you when I see you but let me just remind you na sa ayaw at sa gusto mo, liligawan kita" seryoso nyang sabi at naunang bumaba. Napahawak ako sa puso ko habang sinusundan syang umiikot para pagbuksan ako ng pinto na kaya ko sanang gawin pero dahil sa sinabi nya parang wala akong lakas!Nakakapanghina sya! Jusko. "Answer my call later" he remind. Nanlaki naman ang mata ko. No! Ayoko ng call! "Message lang, magkatabi kami ng kapatid ko baka magising, may klase pa bukas" taranta kong sabi. He put hid hand on his pocket at tinignan ako ng maigi kaya umiwas ako ng tingin. Gago ang gwapo nya! s**t lang! "Text then...good night and have a sweet dream" mahinahon nyang sabi. Para akong timang na mahinhin na mahinhin na naglakad dahil ramdam kong sinusundan nya ako ng tingin. Everything what happened right now is unbelievable! Parang hindi talaga totoo, parang nasa panaginip lang ako! My heart is beating so fast, ramdam na ramdam ko rin na masaya ito. For the first time in my life, naramdaman ko ito, hindi ko akalain na makaramdam ako ng ganito! Ni hindi ko nga alam na darating ang araw na may manliligaw sa akin kasi sa halos apat na taon naming pagkakaibigan nina Nelia, Iveth at Krytin, pinamumukha nila sa akin na walang magkakagusto sa akin dahil ganito lang ako. Insecurities are killing me everytime I see them so happy with their lover, the way they carry themselves na gusto kong maranasan sa sarili ko. I wanted to cry everytime I realized such thing, my heart is so broken! But suddenly Kier Dylan came into my life, unexpectedly! Dahil sa kanya, naging okay na ako sa sarili ko, dahil sa kanya, I felt so special! And I realized that I longed for this kind of love! From My Crushiecake: Babalik ako sa companya, I will just sign something then I will go home. Napangiti ako sa message nya sa akin. Even though wala akong tinanong, he already said it to me! Nakakataba lang ng puso dahil hindi na ako mag o-overthink kong nasaan na sya after nya akong hinatid, mga ganon, na a-aasured ka. To My Crushiecake: Mag-ingat ka, wag masyadong magpagod. Ma drama kong nilagay ang kamay ko sa aking bibig dahil uminit ang pisngi ko sa replay ko sa kanya! From My Crushiecake: I will dahil sinabi mo. I'm driving, chat you later. To My Crushiecake: Ingat ka. Good mood na good mood ako buong gabi! Dalawang topic nga ang naaral ko dahil ang ganda ng mood ko. I don't know na ganito pala ang epekto kapag may nang ligaw sayo! No one dare to court me, may nag c-chat naman sa akin pero nag give up halos! Magtatagal lang ng dalawang araw o tatlo! Halatang hindi mag s-seryoso. "Riza!" Tawag ni mama kay nabalikwas ako sa pagkakahiga at lumabas sa kwaryo. "Po?" Sagot ko at hinanap si Mama. "Wala ka bang ginagawa?" Tanong ni Mama na mukhang nasa kusina. "Bakit Ma?" I asked. "Wala pala tayong bigas at ibabaon nyong ulam bukas! Ngayon lang nagsabi ang kapatid mo...Pweding ikaw na lang? Ang sakit kasi ng likod ko, yong Papa mo naman, ayon tulog na dahil pagod...Kaya ikaw na lang talaga" hiling ni Mama. As much as I want to refuse, hindi ko magawa dahil alam ko buong araw na silang nag t-trabaho, I know how it feels kaya tumango ako. Dahil gabi naman, nag shorts lang ako at hoddie jacket, pinarisan ko na lang ng tsinelas! Ayoko ng mag ayos! Doon lang naman ako sa palengke pupunta! O di kaya sa mall para sure na may mabibili ako, baka naseseraduhan na ang mga tindahan sa palengke. Habang naghihintay ng trycle, my phone ring kaya kinuha ko ito at nakita ang pangalan ni Dylan sa contacts ko. I sigh! Ayoko ng phone calls, I really hate it pero ayoko na namang magalit yong si Dylan dahil hindi ko sinagot ang tawag nya. "Hello?" Patanong ko pang sabi. [ Hi...Are you busy? ] mahinahon nyang sabi at medyo husky pa kaya napahawak ako sa puso ko. "Inutosan ako ni Mama...May bibilhin lang sa palengke" nakanguso kong sabi. Why his voice is like a lullaby to me? Nababaliw na talaga ako sa kanya! [ hmmm...Alone? ] malambing nya talagang sabi. "Oo, malapit lang naman-" [ Just wait there, I'm coming] "Hoy, ayos lang! May trycle-" Hindi ko natapos ako sinabi ko nang binabaan nya ako ng tawag, napalabi ako at napatingin sa phone ko. "Dalawang beses nya na akong binabaan ng phone" I mumbled. At isa pa, pupunta sya rito? For what? Don't tell me, sasama sya sa akin, eh may ginagawa nga sya sa companya nya! Pero baka may iba syang rason kung bakit sya pupunta rito?...impossible naman yon! Kasi bakit sya pupunta rito? I shook my head at umupo na lang sa may tindahan,hindi na nag aksayang maghintay mg trycle baka dumating na si Dylan rito tapos wala ako. Ayoko ng magkasala ulit sa kanya! Baka masibak na talaga ako sa trabaho pag nagkataon! Thinking about him, hindi talaga ako makapaniwala na nagkagusto yon sa isang tulad ko! Ano lang naman ako kumpara sa mga babaeng nakapalibot sa kanya! Though thankful ako na may feelings sya sa akin pero nakakapagduda dahil gaya ng mga sinasabi ng kaibigan ko, wala akong paki sa sarili ko! Hindi nag-aayos, haggard palagi, mga ganon kaya malaking palaisipan talaga sa akin na nagkagusto sya sa akin. Nang dumating sya, malakas akong bumuntong hininga dahil hindi na naman ako normal ang paghinga ko dahil sa kanya! Jusko naman kasi! Bakit ganyan sya ka gwapo tapos ang gentle gentle pa sa akin. "It's dangerous here" bungad nya pagkalapit sa akin. Napatingin ako sa suot nya, he is just wearing white t-shirt and a short? Short ba tawag don para sa mga boys? Yong hanggang tuhod lang... I don't know, hindi ako maalam sa mga damit nila eh! Tumikhim ako. "Sanay na ako at kilala ako ng mga taga rito kaya safe...nga pala, bakit ka nandito?" I asked. He looked at me with disbelief. "Ofcourse for you" Nag init ang pisngi ko ng husto sa sinabi nya! Sige Riza! Mag-isip ka ng ibang dahilan para hindi ka mahimatay sa mga pinagsasabi nya! "Malapit lang naman ang palengke eh" mahina kong sabi dahil nanghihina sa mga banat nyang, shutangina! Nabubuhay ang mga paro-paro ko sa tyan! "Don't think so...so Let's go?" Yaya nya. Tahimik ako habang nag d-drive sya! Para na ngang mag d-dry ang bibig ko! "You should go to mall instead" aniya. "Naku! Mahal doon! Sakto lang pinadalang pera ni Mama" tanggi ko. "I will-" "Hindi pwede!" Agad kong putol sa kanya dahil alam ko aaku-in na naman nya! It's a big NO! Yes mayaman sya, may gusto sya sa akin but it doesn't mean na kapag sinabi nyang sya ang magbabayad, go agad ako! Hindi pwede yon dahil baka maisip nyang peniperahan ko lang sya. He chuckled. "I will just going to say that...after you, we will go to mall cause I will buy something" natatawa nyang sabi. Nag nake face ako sa sinabi nya. Ang bully talaga! Gusto nya ba talaga ako? O gusto nya ako dahil natatawa sya sa akin! Mukhang clown pa ang tingin sa akin ng isang to! "The day after tomorrow...Are you free?" He asked again. Yan! Ikaw mag initiate ng pag-uusapan natin dahil nahihiya ako at hindi nag f-function ang utak ko dahil sayo!...Ang sarap talaga isumbat sa kanya! "Free ba ako?" I asked on myself. Hindi ko kasi alam kung anong dadating na gawain ko the next day! Gustong gusto akong e s-surprise ni Lord eh kaya iwan ko. "Silly" natatawa nyang sabi. Ang saya saya nya naman kapag kasama ako, eh ako awkward na awkward! Kapag talaga close na kami, yong comportable na ako, sisirain ko talaga yang mood nyang yan! Napakamot ako ng kilay! "Baka may gagawin sa school" sabi ko na lang. He nod. "I see but you don't have a night class?" "Wala...Bakit?" Taka kong sagot. "Just want to be with you" May tuwa nyang sabi at sumulyap sa akin kaya napa iwas ako ng tingin dahil kumalabog ang puso ko ng husto! Jusko! Bakit bumabanat sya ng ganyan! Presensya nya pa lang, nababaliw na ako! How much more kapag ganito na sya! Para ng lalabas ang puso ko! Pagkapark nya! Doon pa lang ako nakahinga ng maluwag dahil sa wakas nakarating na kami! Lalabas na sana ako para ayosin ang systema ko nang hinawakan nya ang aking braso. My eyes widen when I felt his touch! Libo libo ang nararamdaman ko sa simpleng hawak ng kamay nya sa akin. His touch is so gentle, his hands is so soft, malayong malayo sa akin! And his touch telling me, that he care kn me! Wala sa sarili akong napatingin sa kanya but I was taken a back nang nagtagpo ang mata nam. His eyes shows love and adoration that made the butterfly in my stomach in chaos. "I love your eyes cause it tells me something that you can't say but you always look away" he huskily said. I tried to look somewhere else pero laging nahahanap ng mata nya! Kaya umusod ako dahil sa kaba, I know hindi ito kaba dahil takot ako, pero hindi ko alam kung anong klaseng kaba ito... Lahat ng nararamdaman ko ngayon ay hindi pamilyar. "Focus on your eyes on me my love"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD