CHAPTER THREE

2984 Words
That boy made my day today, kahit pagod na pagod ako sa duty kagabi! hito pa rin ako, napaka raming energy, hindi dinadalaw ng antok! "Anong nangyari at ganyan ka ngayon Riza?" Takang tanong ni Kryistin. "Wala lang" high pitch kong sabi. Weird nya akong tinignan. "Baliw! Resulta ba yan nong sinabi ni Nelia sayo kahapon?" Taas kilay nyang sabi. Nelia sigh. "Sinabi ko lang yon para maging aware sya! Kaysa naman ibang tao ang magsabi sa kanya o mga boys! Duh" maarte nyang sabi. She's right pero ang sakit rin huh but on the other hand, naging aware ako na kailangan ko ng ayosin ang sarili para hindi na nila mapagsabihan na mukhang basura at marumi. Nakakahiya pero tatanggapin ko na lang dahil totoo naman eh at yon ang nakikita nila sa akin. Ang laking pasalamat ko pa nga na sinabihan ako ng ganon para naman umayos ang sarili ko at mag glow ako. Probelmado akong hindi magkaka boyfriend, nagtatanong kong bakit walang nanliligaw! Yon pala ako ang problema! And I need to fix myself. "Nga pala! May extra skin care ako! Gamitin mo yan Riza!" Inis na sabi ni Nelia at nilagay ang mga beauty products. I blink. "Huh? Huwag na! Okay lang naman ako..." "Hindi okay! Gamitin mo yan! Branded yan! Huwag ka ng tumanggi dahil nangigil ako sayo" gigil nya talagang sabi. I sigh. "Salamat rito" ani ko. "Tuturuan kita kong paano gamitin yan! 2 times a week mo lang gagamitin kaya matagal tagal pa bago yan maubos kaya gamitin mo!" "Oo na, oo na" Ani ko. "Seryoso ako Riza" Banta nya kaya nginitian ko sya ng matamis. "Oh, ito rin! Bibili ako ng bagong liptint kaya sayo na rin yan" sabi sa akin ni Iveth at nilagay ang liptint sa harap ko. Kumunot ang noo ko sa mga akto nila. Bakit nila ako binibigyan ng ganito ngayon? Parang kahapon lang, galit na galit sila sa akin, hindi pa nga ako pinapansin eh. "Bakit nyo ako binibigyan nito?" Lito kong sabi. "Nagtanong kapa talaga ah!" Natatawang sabi ni Krystin. "Obvious naman beh! Para naman mag glow up ka! Para ka pa ring high school kaya gamitin mo yan" "Kaibigan mo kami kaya tutulungan ka namin na umayos para naman may ka amor amor ka sa buhay mo!" "Salamat?" Patanong kong sabi. My friends. So they consider me their friends huh? Bakit minsan nararamdaman kong hindi ako belong? Na ayaw nila sa akin? Maybe ako lang tong nag-iisip na ayaw nila sa akin! Maybe, They really treat me like their friends. Ang sama naman ng ugali ko! Nag-iisip ako ng masama sa kanila while them? Tinuturing pala nila akong kaibigan. They trash talk me cause they don't want other people will say bad on me, mas mabuting sa kanila ko marinig kaysa ibang tao.They are right. Siguro kung sa ibang tao ko narinig ang mga yon baka napaaway na ako! Now, binigyan nila ako ng makakatulong sa akin para gumanda ako! Kung alam ko palang bibigyan nila ako ng ganito, hindi ko na sana binili yong brilliant na binibinta ng ka trabaho ko but! Kailangan ko rin yon. "Tuturuan ka naming gamitin yan mamaya sa boarding house ni Krystin!..." "Ano?" "Huwag ka ng umangal! Tinutulungan ka na nga namin!" Madiing sabi ni Nelia. I sigh. Fine! Since determinado na akong umayos ang sarili ko ngayon dahil sa lalaking nakita ko kagabi, sige, Go na ako para sa susunod naming pagkikita! Mapapalingon na sya sa akin. "Tama! Para magkaka lovelife ka na rin!" "Kulayan natin yang buhay mo para sumaya-saya ka naman" Napangiwi naman ako sa mga pinagsasabi nila. Lovelife na naman! Bawal bang walang jowa sa mundong ito? In fact, hindi ka naman yayaman kapag may boyfriend ka! Hindi rin tataas ang grades mo kapag may lalaki ka! Kaya bakit ang big deal, big deal sa kanila? I don't need a man...sa ngayon dahil wala talaga akong time. Naghahanap ako. Oo, pero tingin ko hindi ko pa rin kaya dahil sa wala talaga akong oras. Maybe, I will seek love after I graduate? "Bakit ba gustong gusto na ninyo akong magka boyfriend?" Bored kong sabi habang nilalagay ko ang mga binigay nila sa bag ko. "Kasi! Kailangan mo non para naman may mag-aalalaga sayo, may nag c-check! Hello!" Nalukot ang mukha ko sa sinabi ni Krystin. "I can take care of myself, masaya naman akong mag-isa..." "Pero mas masaya kapag may kasama" I rolled my eyes. Bahala sila. Kapag hindi yong poging si Dylan ang para sa akin, mas mabuting hindi na lang siguro ako magkakajowa. Kailan kaya ulit kami magkikita? Or sana babalik sya doon sa pinagt-trabaho-an ko! Para maganda ang araw palagi. I search his name kagabi, pagka uwi ko pero ang daming lumabas at ani isa non, wala ang mukha nya! Ano kaya apelyedo non? Or kahit f*******: account lang! "Hoy! Riza! Para kang tanga dyan" saway sa akin ni Nelia. I blink at tumawa. "Hala! Baliw! Anong iniisip mo dyan? Share mo naman" I laughed. "Wala, wala!" Sagot ko. Alam ko ang ugali ng mga toh! Once malaman nilang may nagustuhan ako, I b-broadcast agad nila! Tukso-tuksohin nila ako! At ayoko ng ganyan. Gusto ko, tahimik lang, ako lang ang nakakaalam! Once kasi tutuksuhin ako, maiinis ako dahil nakakahiya. At tyaka rin, ayokong makilala nila yong Dylan! Akin lang yon! Alam ko ang mga bet ng mga toh! Mala Dylan! Kaya no way in hell na sasabihin ko sa kanila. "Malala ka na talaga Riza" iling-iling nilang sabi. I am happy to have them as my friend pero minsan, naiinis ako o naramdaman kong hindi ako belong, minsan rin nakakainsulto ang mga sinabi nila but I think kailangan ko ng masanay dahil ganyan sila eh, ganyan ang pagkatao nila at hindi ko na mababago yon. Nang mag lunch, doon nga kami sa boarding house ni Krystin. "Akala ko ba bawal ang visitor?" I asked habang naglalakad. "Bawal nga kaya sa labas lang tayo ngayon, may mesa at mga upuan naman doon" sagot ni Krystin. Yeah right! Sabi mo eh! Pwede naman pala kung maka tanggi nong isang araw, grabe. "Ang higpit naman nyang boarding house mo Krystin!" "Oo nga eh! Pero pabor naman kina Mama, gusto nga daw nila dyan para hindi ako labas ng labas at para alam rin raw nila ang dinadala ko" "Ang strict ng parents ah? Ano ka high school?" "Duh! Ganyan talaga kapag maganda ang anak!" "Ang kapal ng mukha!" "Hindi mo ba naranasan? Hindi ka siguro mahal ng magulang mo" "Tumahimik nga kayo! Para kayong mga bata!" Napailing na lang ako sa kanila. Ang kukulit! Honestly, I didn't trust them fully. Why? Dahil sa kadahilanang, minsan, naramdaman ko talagang hindi ako belong tapos kapag wala ako baka ako ang topic nila. Mga ganong pakiramdam. Tinuruan nila ako kung paano gamitin ang skin care na binigay nila, kung anong uunahin, gaano ka dami ang ilalagay at kung kailan gagamitin. Para akong one year old na bata na tinuturuan ng mga kapatid nya. What they thought me, wala talaga akong ka idi-idea. Ni hindi ko nga alam ang ibang pangalan sa pinagamit nila sa akin. "And always check your hair! Hindi yong hinahayaan mo lang! At kung ayaw mo talagang ayosin, ponytail it. Okay?" Seryosong sabi ni Nelia. I sigh. Ang daming oras ang masasayang! Pero para sa akin naman to kaya pagsisikapan kong gawin kahit pagod na. "Okay" tamad kong sabi. Everyday, lagi nila akong tinatanong kung nagawa ko ba ang tinuro nila! Lageh din nila akong sinisita sa buhok ko. They really wanted me to glow up! Nakakapagod sya dahil nadagdagan ang gagawin ko pero pag dumating ako sa school at sinasabi nilang tama ang ginawa ko! Naisip kong mas mabuting ipagpatuloy ko na lang. "Palagi ka na dyang nagpapa-asign Riza ah? Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa na makikita mo pa yong lalaking yon?" My co-worker said. Palagi na kasi akong mag v-volunter na mag mop, mag pupunas ng mesa cause I am hoping ma bumalik yong Dylan pero ilang araw ng lumapas, ni anino nya hindi ko pa rin makita! "Ofcourse! Patience is virtue baka busy lang ang tao" positive kong sabi. She laughed. "Sige Riza! Gusto mo yan eh" natatawa nyang sabi. Inismiran ko sya! Ang epal ng babaeng toh! Kapag yon bumalik rito!guguluhin ko talaga sila sa mga trabaho nila kahit pagalitan pa ako ng manager. Dahil sa kagagahan ko, Ang ending, pagod na pagod ako dahil kapag na assign ka sa paglilinis sa labas, wala talagang pahinga dahil paulit-ulit ang trabaho mo, hindi kasi malilinis ang sahig dahil aapakan lang ng mga tao kaya paulit-ulit ka talaga, hindi mo naman pweding hayaan lang dahil mapapagalitan ka. "Don ka ulit bukas Riza?" Nanunuksong sabi ng nga kasamahan ko. "Ayoko na! Mag c-casher na ako bukas! Ang sakit sa katawan" reklamo ko. They laughed. "Yan! Mangarap ka pa ng ganong lalaki!...at tyaka baka may girlfriend na yon! Sa mukha non?" "Huwag nyo nga akong eh discouraged! Minsan lang ako ganito eh!" "Sinasabi lang namin para hindi ka umasa" "Aasa pa rin ako! Mga ganong mukha? Worth it iyakan" Napailing na lang sila sa akin! "Iwan ko sayo Riza! Baliw ka rin eh" Dahil pagod na pagod ako ngayon, I decided to ride a motorcycle! Hindi ko na uulitin to! Pero kapag makita ko ulit yong lalaking yon! Kahit araw-araw sasakit ang katawan ko, okay lang, makita ko lang sya. I sigh heavily! Dahil sa lalaking yon kung anu-ano na lang ang iniisip ko! Yong mga bagay na nandidiri akong gawin ng ibang tao, nagawa ko na at nasabi ko na ngayon dahil lang sa lalaking yon! Dapat panindigan nya to! He's so lucky if ako ang magmamahal sa kanya! Medyo lugi lang sya ng slight. Mahirap maghanap ng sasakyan patungo sa amin! Bukod kasi malayo layo sya, ang kipot pa ng daan. "Bahala na nga!" I mumbled at umupo sa may waiting shade at pinikit ang mata, ididilat ko naman kapag may narinig akong ingay ng trycle. We have a short life but the dream we dreamed is too big! We didn't know what the future holds! And I hope that, what's waiting on me on the future is good. And I hope in my future, I have my own family dahil nababahala na talaga ako! I am 22 already and still didn't have a boy! Ayoko ring lumandi dahil nakakahiya! At isa pa kababae kong tao! Ayokong mag first move talaga! What if ma reject ako? What if ipapakalat sa mga nakakita? Nakakahiya yon! Ayokong dungisan ang pangalan ko pero kapag yong lalaking nakita ko ng isang araw! Bahala na! Kahit mapahiya pa ako ng paulit-ulit. "Riza?" Napadilat agad ako nang may tumawag sa akin. Napaayos ako ng upo nang nakita ko ang kaklase ko, nagtataka akong tinignan. "Jason, napadpad ka rito? Gabi na." Normal kong sabi. "May binili lang sa may kanto, gabi na ah?...ugh, dito ka lang natutulog?" Naiilang nyang sabi. Mukhang nagdadalawang isip sa tanong nya dahil nakakainsulto. "Hindi, nagt-trabaho ako dyan" turo ko sa fast food chain. "Naghihintay na lang ako ng masasakyan" nakangiti kong sabi. His face light up at napakamot ng batok. "Akala ko dito ka natutulog...Anyway, wala masyadong dadaan na trycle sa ganitong oras...ihahatid na lang kita, dala ko motorbike ko, delikado na, babae ka pa naman" "Wag na! Sanay na naman akong umuwi ng ganitong oras pero salamat, maghihintay na lang ako, malayo-layo ang sa amin" Gusto ko sanang umo-o para makauwi na ako pero nakakahiya! Ayokong maging abala. "I insist! Baka may mangyaring masama sayo rito, ikaw na lang mag-isa, konsensya ko pa" "Okay lang talaga" nakangiti kong sabi. "Sige na, baka walang dumaan rito, hindi ka talaga makakauwi" I sigh at sumakay na lang dahil nahihiya na rin ako, mukhang hindi talaga sya aalis nang hindi ako pumayag. Naawa siguro sa akin na nakaupo doon tapos pagod na pagod pa ang mukha kaya nag offer na. Kahit naman ako kapag may kakilala akong makita sa tabi at sobrang gabi na mag o-offer talaga akong e hatid. Pagkarating namin sa kanto ng bahay ko, bumaba na ako, mahirap na kasi kapag doon pa mismo sa amin dahil nagkadikit-dikit na ang bahay. "Sayo nato, pang gas. Sabi ko naman sayo, malayo sa amin" nakangiti kong sabi and handed him a 100 pesos. He shook his head. "Doon pa ako sa isang baranggay kaya okay lang at huwag na, sayo na yan." tanggi nya. I sigh, hindi ko na ipipilit. "Sige, salamat sa paghatid" "Walang anuman, pa kopya na lang bukas" Natawa ako sa sinabi nya. "Salamat talaga. Ingat ka" he smile and nod. Pagkapasok ko sa bahay, Agad kong ginawa ang tinuro sa akin nina Nelia na gagawin after matulog! Antok na antok na ako at ang sakit ng katawan but still I need to do it. "Ang lamig sa mukha" I mumbled nang nilagay ko ang mask. Kinuha ko rin ang ilalagay sa mata na basang basa at malamig rin. "This is life" I mumbled. Dahil pagod, agad akong natulog! At nagising mg 5:00 am para pumasok sa school. "Ang ganda sa pakiramdam non ah?" Ignorante kong sabi habang tinitignan ang mukha ko sa salamin. Wala namang pinagbago pero ang sarap sa pakiramdam! Pagkarating ko sa school, agad akong sinalubong nina Nelia, tinanong kung nagawa ko ba. "Yes! Ang sarap nga sa pakiramdam eh" nakangiti kong sabi. "Two times a week mo lang lagyan ang mukha mo ng mask ah?" She remind me. I nod. "Okay" Ani ko. "Tapos wag kang masyadong magbibilad ng araw baka ma damage skin mo! Sayang ang skin care" "Okay" "Huwag mo akong ma Okay okay Riza! Para sayo rin naman to!" "Okay" Sagot ko naman kaya hinampas nya ako. I glared at her! Masakit ang katawan ko sa pag t-trabaho! Siraulo tong babaeng to ah. "Umayos ka Riza" Banta nya. "Maayos naman ako" "Kung maayos ka bakit puro Okay ang sagot mo?" "Ano ba dapat ang isasagot ko?" "So pinipilisopo muna ako ngayon?" I sigh. I will give up, hindi titigil ang babaeng to hanggat papatulan mo, ako na ang mag a-adjust. "Hello mga frieny! Tagal nyo ah?" Salubong ni Krystin na himalang maaga ngayon. "Gaga! Nauna ka lang talaga" nakangiwing sabi ni Nelia. She laughed and turn to me. "God's! Ang aliwalas mong tignan ngayon Riza! Good job pero! Let me hairstyle you hair para hindi talaga yan magugulo" I sigh. They really wanted me to look presentable! Para akong bata sa mga to! Honestly wala naman talaga akong pakialam sa hitsura ko as long as hindi ako bumagsak at may pera ako, yon lang ang mahalaga sa akin but when I heard to them na mukha akong basura, maruming tignan bigla akong naconscious! Words coming from the mouth of people is indeed dangerous. It can kill you, made you lost your confidence and made you doubt yourself. It's hard to find courage when you have a battle in yourself, it takes time before you realize that what they said to you can help you grow! It's rational to felt pain after hearing those bad words but it's not rational if you seek vengeance to those people who speak ill to you. Nang dumating si Jason, agad syang napatingin sa direksyon ko. He shook his head at kumaway sa akin kaya kinawayan ko rin pabalik. "Sipag mo talaga Riza" nakangiti nyang sabi. I laugh. "Kailangan eh" ani ko. "Tibay rin" aniya. "Salamat pala talaga kagabi" Ani ko. "Sos! Wala yon" Pagkaupo ni Jason, tyaka ko lang nahalata na malisyosa na akong tinignan ng dalawa. I raise my brow. "Bakit?" Taka kong sabi. "Anong ginawa nyo ni Jason kagabi?" "Bakit pinapansin ka na non?" "May gusto ka doon?" "Nag date ba kayo?" "Nanliligaw?" "Teka! Teka lang...anong pinagsasabi nyo?" Pigil ko sa kanila. Ang mga utak talaga ng dalawang toh! Kung anu-ano na lang ang pumapasok. "Bakit ka nga pinapansin non!?,Hinding hindi yon namamansin ng kahit na sino! Kaya ano yon?" Nanlalaking matang sabi ni Kryistin. I sigh. Big deal na big deal talaga? Kinausap lang, may meaning na? Namamansin lang, iba na ang iniisip nila? Mga utak talaga nito! Hindi ko alam kung saan nilalagay! Immature talaga. "Kagabi kasi, naghihintay ako ng trycle pauwi na ng bahay pagkatapos ng trabaho ko sa fast food. Nadaanan ako ni Jason! He insist na ihahatid ako dahil gabing gabi na, ako na lang mag-isa doon dahil nag siuwian na ang mga kasama ko, alam mo naman, ang hirap makasay kapag dyes oras na ng gabi..." Napatalon naman ako ng biglang nagtilian ang dalawa. I sigh at natampal ang noo. "Syet! May gusto si Jason sayo?" "Sa wakas! Magkakajowa na ang Riza namin" Lumaylay ang balikat ko sa tinuran ng dalawa. Nag magandang loob lang ang tao dahil gabing gabi na, ako na lang mag-isa doon, babae pa ako! Kung ako ang lalaki at nakita ko na ang kakilala kong babae nandoon sa sitwasyon ko kagabi, gagawin ko rin ang ginawa ni Jason! Mga bulok lang talaga ang utak ng dalawang toh! Binigyan ba naman ng malisya! Mga baliw rin. Pagkarating ni Iveth, kweninto kaagad ng dalawa ang nalaman, kinikilig pa habang nagk-kwento. Napailing na lang ako sa kanila. Wala nga lang yon sa amin eh! Nagmagandang loob lang ang tao! Mga peste! Bakit ba umabot ng 4th year college ang mga to nang ganito ang utak? Immature talaga! They should look the bigger picture, they should put their shoes in our shoes para maintindihan nila kung bakit nagawa yon ni Jason. Puro kasi malalanding bagay ang nasa utak kaya ganyan! Lahat ng gagawin ng isang tao kahit nagmamagandang loob lang, ang dami ng meaning. I sigh. Bahala na nga sila kung anong iisipin nila! Ganyan talaga kapag Immature pa! Basta ako! doon lang ako sa poging kumain nong nakaraang araw sa fast food chain! Doon lang talaga ako! Kahit anong mangyari! Kapag hindi sya ang maging boyfriend ko! Hindi na lang ako mag j-jowa. Ever.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD