CHAPTER TWO

2951 Words
Trabaho sa gabi, estudyante sa umaga. Ang hirap! Tapos ang quizz ko pa ay bagsak dahil hindi ako nakapag-aral kagabi sa sobrang pagod, nakatulog kasi ako. "Okay lang yan Riza! Atleast buhay pa rin tayo!" "Hindi ka naman mag isang bumagsak Riza, madami-dami naman tayo kaya huwag mo ng dibdibin yan" "Grade is just a number, Grade doesn't define of you are kaya okay lang yan beh" I sigh. Hindi naman to dahil sa score ko kung bakit ako ganito; Inaantok, hindi nakikipag-usap at ayaw sumama sa kanila, dahil ito sa pagod kagabi! Nag overtime kasi ako sa fast food chain na pinag t-trabaho-an ko para may pambaon ngayon at makain. Hindi ako Grade conscious! Quizz lang naman yon, hindi naman ako babagsak! Sadyang pagod na pagod lang ako ngayon! Gusto kong magpahinga. "Pagod lang ako guys kayo na lang muna" pagod ko talagang sabi. "Naku! Wag mo ng isipin yong score mo! Okay lang naman yon" "Pagod lang talaga ako" nakangiti kong sabi. "Well, doon lang kami sa library! May internet doon, sumunod ka na lang" Ani ni Nelia. I nod at dumokdok sa table. Siguro hindi ko na uulitin na mag-aral after mag trabaho dahil pagod na pagod na ako! Siguro before ako pumasok sa trabaho na lang, marami naman akong bakante sa umaga, yan na lang siguro ang gagawin ko. I am not a grade conscious pero ayoko ring bumagsak dahil kung babagsak ako, babalikan ko ang subject na yon, mas lalo akong magiging busy at kung babalikan ko yong subject na bumagsak ako, another bayarin na naman kaya kailangan talagang magsipag. Ayokong mag aksaya ng oras at pera dahil habang tumatagal mas lalo kaming naghihirap dahil habang padagdag ng padagdag ang taon, padami ng padami ang utang at mga problema namin. "Anak, wala na tayong bigas para bukas, may sobra ka ba dyang pera? Binili ko na kasi ng isda, akala ko may bigas pa, hindi nagsabi ang kapatid mo" nam-mroblemang sabi ni Mama pagkauwi ko ng bahay. "Ah opo! Ma" Ani ko at kinuha ang kinita ko kagabi. "Pasensya ka na talaga anak, wala na talaga akong pera!" "Okay lang ma, kikitain ko naman yan ngayon gabi" "Bago ka pumasok, kumain ka muna..." bilin ni mama. May 30 minutes pa ako bago ako pumasok sa trabaho kaya binuhos ko yon sa pag-aaral. Terror ang prof namin bukas, hindi pweding hindi mag-aral baka palabasin ako bukas. Ang rule kasi ng Prof na yon! Kapag may nag r-report dapat kang makinig ng maigi dahil after mag report ang kaklase mo, magtatanong sya ng kung anu-ano about sa topic ng mga reporter and if hindi mo nasagot or hindi sya satisfy, palalabasin ka nya and it means absent ka na! Tyaka kasi sya mag a-atendance kapag tapos na ang klase, dismissal na. After 20 minutes! Gusto kong maiyak dahil walang pumasok sa isip ko dahil minamadali ko ang lahat. Ang iniral ko kasi ay yong previous topic namin at ang e r-report bukas ng kaklase ko dahil sure akong magtatanong yong Prof namin but the thing is...wala akong maintindihan dahil ang nasa isip ko ngayon ay matatapos ko tong aaralin ko within 30 minutes. Habang kumakain, iniisip ko ang binasa ko kanina pero sadly wala akong natandaan kaya habang papunta ako sa trabaho, nagbasa basa na naman ako! Letche naman tong utak ko! Cooperate naman! "Good evening ma'am" magalang kong sabi sa manager. "Good evening rin Riza. Mag i-inventory ka ngayon diba?" "Opo ma'am, ako po yong naka schedule" "Yeah, after mo doon, paki mop tong sahig, wala tayong janitor ngayon dahil nag day off, don't worry, dadagdagan ko ang makukuha mo ngayon" nakangiti nyang sabi. "Opo ma'am, salamat po" masaya kong sabi. Habang ginawa ko ang trabaho ko, nag m-mmorize din ako sa mga inaral ko! Ayokong mapahiya bukas sa klase kung ako man ang tatawagin. "Riza! Paki dala sa table 28" utos sa akin kaya minadali kong iwan ang trabaho ko para sundin ang utos. "Ah! s**t!" Mahina kong bulong nang nakalimutan ko yong kasunod na inaral ko. "Ma'am here's your order" nakangiti kong sabi. After kong malagay ang pagkain, kumaripas ako ng takbo sa locker area para tignan ang kasunod na inaral ko. "s**t! Skills of good entrepreneur pala!" Ani ko at kumaripas na naman ng takbo at tinuloy ang trabaho ko. It's hard to be like this! Ipagsasabay ang lahat pero kapag hindi ako magsipag! Hindi ko alam kong saan ako pupulutin ngayon. Kinabukasan, maaga akong pumasok kahit 10:00 pa ang klase ko! Gusto kong makapagpahinga! Hindi ko yon magagawa sa bahay dahil ang daming lilinisin. Puyat ako at pagod! I need some rest! "Wow! Ang early ng mare natin!" "Good morning Riza!" "Ang aga-aga pa ang haggard na! Kaya walang nagkakagusto eh" Nagising ako sa ingay ng tatlong kaibigan ko! Gusto ko pang matulog pero nang tignan ko ang oras, malapit ng mag 10:00 am. 10 minutes na lang kaya umayos na ako. "Kanina pa kayo?" Humihikab kong tanong. "Oh no! Kumain muna kami tapos bumili ng toner ng gaga na toh! Akala namin ang lapit lang! Bwesit" inis na sabi ni Krystin. "Wow! Bwesit daw pero halos hindi na lumabas doon sa shop! At ang daming nabili!" Napakamot ako ng ulo. "Anong toner?" Confuse kong sabi. Kahit nasa twenties na ako, hindi ko pa rin alam ang mga bagay na yan! Bukos sa wala akong pakialam, wala rin naman akong pambili. Nakaka-inggit nga sila eh! Nabibili lang ng gustong bilhin! May nagustahan na isang bagay, bili agad, may kailangan bilhin na pampaganda instant bili agad.Nakaka-ingit habang ako, ni perfume, nahihirapang bumili. "Magsuklay ka nga Riza! Tyaka muna intindihin yang toner! Intindihin mo muna sarili mo!" Napakamot na lang ako ng ulo at nagsuklay para wala silang masabi. Saka ko na iintindihin tong insecurities ko! Wala nga akong perang pambili eh! Soon kapag tapos nakong mag-aral, bibilhin ko lahat ng gusto ko! Kahit gaano pa kamahal! "Pahingi ng polbo?" Nagpapa cute kong sabi. "Wow naman Riza!" Ani ni Nelia pero kinuha ang polbo nya. I laughed. "Mag liptint ka na rin! Ang putla putla mo! Jusko Riza! Maawa ka sa sarili mo! Intindihin mo naman" nangigil nyang sabi pero tinawanan ko lang. Tyaka ko na intindihin ang sarili ko kapag marami na akong pera. Kumakayod ako, Wala na akong time magpaganda dahil papasok pa ako. "Jusko! 4th year college ka na hindi high school!" "Bahala na" walang paki kong sabi. Mas gusto ko pang matulog kaysa magpaganda! Mas mahalaga pa yon dahil mamayang gabi, mag t-trabaho na nanaman ako. "Anong bahala na? You should glow up! Hindi yong ganyan lang!" Inis na sabi ni Nelia. I laugh. "Hayaan mo na yan! Hindi naman pagandahan..." "Hindi nga pagandahan! We get that! but atleast be presentable! Hindi yong mukha kang basura! Kung hindi ka sanay amag-ayos, atleast try so so hard! Hindi ka na bata Riza!" Inis na inis nyang sabi at nag walk out. Umawang ang labi ko at tinignan ang dalawa. They shook their heads, disspointment sa akin. "She's right! Tignan mo ang hitsura mo sa salamin Riza" "People will think na hindi ka marunong maglinis dahil ang rumi mong tignan" Napakurap-kurap ako sa kanila. Basura? Marumi? Ako? Naligo naman ako, nagsuklay, nag polbo, liptint, ano pa bang gusto nilang gawin ko sa sarili ko? I need yo try so so hard to make myself presentable huh? Ito na yon, ito na ang presentable sa akin! Kung hindi pa sa kanila sapat, bahala sila. Pagod ako sa trabaho, puyat, ayoko ng itindihin ang mga pinagsasabi nila. Kahit anong gawin ko sa sarili ko, wala na silang pakialam, ganito na ako eh! I sigh. But what Nelia said is right pero paano ako mag g-glow? Anong gagawin? Maligo araw-araw? Hindi naman pwede yon dahil palagi akong puyat! Mamatay naman ako! Gumamit ng skin care? Wala naman akong pambili non, may pera ako pero ibibili ko na lang to ng pagkain, busog pa ako. Anong gagawin nga ba? Matutulog ng maaga? Hindi rin pwede dahil 6:00 to 12:00 ang trabaho ko at kung gusto ko pang dagdagan ang kikitain ko, hanggang 4:00am ako kaya anong gagawin ko? No matter how I tried to glow up, hindi ko magagawa dahil wala akong time mag beauty rest, nag t-trabaho ako para may pangkain kami at may baon ako. Money is all matters to me. Beautify fades when the time past by kaya bahala sila! Wala akong pakialam kung basura at marumi ang tingin nila sa akin. Try so hard huh? Why don't they try so hard on their study too para tumaas-taas naman ang grade nila? Ang swerte nga nila dahil marami silang pera, hindi nagt-trabaho, mabibili lahat ng gusto pero ako? Ilang buwan pa ang lilipas bago mabili ang gustong bilhin. Dahil na bothered sa sinabi nila, pumunta ako sa bathroom para tignan ang sarili. "Bunga to ng pagt-trabaho ko" I mumbled dahil ang laki ng eye bags ko, halatang walang tulog, medyo namayat rin dahil minsan na lang kumakain, tinitipid kasi ang pera. I smile on the mirror. Wala akong pakialam kong anong sasabihin nila and also I don't want to try as much as I can to be presentable. Soon, this face will become the face of the biggest company in the Asia. Hindi nila ako pinansin pagkapasok ko sa classroom, that's how immature they are, hindi ko na lang papansinin dahil wala namang kwenta ang rason nila. Buhay ko to, katawan ko to, pagod ako kaya anong magagawa nila? May panahon pa ba akong magpaganda ng magpaganda kung sa trabaho at pag-aaral kulang na yong oras ko? Ni hindi na nga ako nakakatulong sa mga gawaing bahay dahil wala ng time! Bahala sila, kung ayaw nila sa akin dahil basura o marumi akong tignan, so be it, hindi ko ipipilit ang sarili ko sa mga taong ayaw sa akin. "So before we proceed to the next reporter. Please prepare one forth cross wise" Everyone gasp. Napabuntong hininga naman ako dahil buti na lang nakapag-aral ako! "s**t! My notes ka ba sa report kahapon? Pahiram" "Gaga! Nagkwentuhan lang tayo kahapon!" I heard my friends ko daw said. Napailing na lang ako. Marumi at mukhang basura huh? Atleast I managed to study kahit nagtatrabaho ako kagabi. 1 to 50 ang quizz ni Sir, ang halos lumabas sa quizz ay yong e r-report ngayon kaya ang baba ng mga score except sa reports at sa akin na nakatatlong mistake lang kaya matindi ang pagdiriwang ko. "Taray naman Riza! Hindi man lang nagpakopya" Kryistin said. "Ganyan ka na ngayon Riza?" Napailing na lang ako, hindi na nagsalita pa. Magaganda nga sila, presentable nga tignan, bobo naman, turn off! Beauty fades but the knowledge you have, never ever fades! At tyaka, gaganda rin ako, makaka punta rin ako sa salon, makakapag Spa pero hindi pa ngayon! Kapag nakatapos na ako at may stable ng trabaho. Trying hard to be presentable huh! Napailing na lang ako. Pagkarating ko sa bahay, agad akong humarap sa salamin at tinignan ang sarili. Ano bang gagawin para hindi na nila ako laitin? Ang sakit sa dibdib at kahit anong sabihin ko sa sarili ko, palagi kong naiisip ang sinabi ni Nelia. "Bibili ako ng conditioner?" I asked. Hindi kasi ako nag c-conditioner, shampoo lang dahil gastos na gastos na kapag mag c-conditionair pa. I shook my head. "E tatali ko na lang buhok ko?" I mumbled. Tinali ko ang buhok ko, naglagay ng liptin at polbo. Sinipat ko uli ang sarili ko sa salamin. "Ang simple ko" I mumbled. Gusto kong laguan ng kulorete ang mukha ko but wala akong mga gamit! Ang mamahal kasi non! "Bahala na nga!" Ani ko at umalis sa bahay para mag trabaho. What should I do para umayos ako?... I'm not a child anymore, graduating student na pero ang losyang ko pa! Paano ako magugustuhan ng mga lalaki!? I'm not in a rush in love pero nakakabahala rin dahil wala talaga nagka-interest sa akin and now I know why...Hindi ako marunong mag-ayos sa sarili and I need to practice taking care of my self, yong presentable ako like what Nelia said. "One month pay yan, pwede mo akong bayaran kahit 50 pesos everyday, may soap na yan, cream, toner" sabi sa akin ng ka work mate ko. Nagtitinda kasi sya ng beauty products at ako na determinadong umayos ang sarili kahit sabi ko kaninang umaga na ayos na ako na ganito lang ako. Paulit-ulit kasi na nag r-replay ang sinabi ni Nelia sa utak ko until na realize ko na panahon na para ayosin ang sarili ko at alagaan. "Brilliant? Wala bang side effect to?" I asked habang nakatingin sa guidelines kung paano gamitin. "Meron Riza! At ang ganda ng effects nyan! Kikinis ka at puputi within a day, proven and tested na yan dahil million na ang gumagamit nyan, kahit artista! Kilala mo naman si Andrea Brilliantes diba? Yang product na yan ang ginagamit!" She sales stalk. Napatango tango naman ako. "Magkano nga to?" I asked. "750.00 lang yan, one month pay at pwede mong hulog hulagan everyday! Kahit 20.00 pesos lang ang ibibigay mo sa akin tatanggapin ko" 750.00? One month pay. Kung bibili ako nito, magkakautang ako! Sasakit na naman ang ulo ko pero one month pay naman at pwedeng hulugan kaya okay lang naman siguro. This is the first time na may binili ako sa sarili ko! Deserve ko naman siguro to. Hindi ko nga lang ipapakita kay Mama dahil baka masabi non na winawaldas ko ang pera ko kahit ang raming bayarin. "Sige kukuha ako" Ani ako. "Hay salamat..." aniya at nilista ang pangalan ko. I sigh. Kapag ako hindi magkakajowa sa beauty products na to, isasampal ko talaga sa babaeng toh. "Babayaran kita ng 200 ngayon para lumiit liit yan" ani ko. "Oh sige bah!" Aniya. Habang nag t-trabaho, ang isip ko lumilipad sa beauty products na kinuha ko! Sana talaga makakatulong yon sa akin para naman hindi ako lusyang na lusyang! "Excuse me miss!" One of the costumer call me kaya napakurap ako at lumingon sa tumawag. I blink multiple times nang nakita ko kung gaano ka gwapo ang tumawag sa akin. Expressive eyes, thick eyebrows, pointed nose, like a bow shape lips, ang kinis kinis pa nya, his hair cut! Bagay na bagay sa kanya. His body! Hapit na hapit sa suot nyang shirt! Halatang nag g-gym! At halatang mayaman. "Yes po?" Magalang kong sabi. Napasinghap ako nang nagtagpo ang mata namin. Shit! Lord kong hindi mo pa alam kung sino ang para sa akin pwede itong lalaking to na lang? "Can I have a glass of water?" He huskily said kaya umawang ang labi ko. Shit! Pati boses ang gwapo! "Okay po sir" magalang kong sabi at pumuntang kitchen. What a surprise! Nakasagot pa rin ako ng maayos kahit manghang mangha ako. "Gurl isang basong tubig daw doon sa gwapong nilalang!" Kinikilig kong sabi. Napalingon naman sila sa akin. "Ang swerte mo Riza! Ikaw ang nag entertain!" Kinikilig na sabi ng kasamahan ko. "Gage! Oo! s**t ang gwapo rin ng boses dzai!" "Ako na mag serve Riza!" "Heh! Ako na! Minsan lang ako magkaganito! Bigay nyo na sa akin!" They laughed on my remarks. "Basta gwapo talaga! Yan kayo mga girls eh!" Alma ng mga kasamahan naming mga lalaki. We laughed. Dahan dahan ko namang dinala ang request nong pogi! Ano kayang pangalan non? Should I asked? Sabihin ko na protocol nitong fast food chain? I laugh on what I thought! Protocol? What if tanongin nya kung anong purpose? Ano sasabihin ko?...Para magka jowa ako? I bite my lips para hindi matawa sa naiisip. Gage! Sa hinahaba-haba ng panahon! Ngayon lang ako nagkaganito uli! Sino ba namang hindi! Ang gwapo kasi ni Kuya eh! Malaman ko lang ang pangalan, e a-add ko talaga sa f*******:. "Ito na po sir" magalang kong sabi. "So arte Dylan!" His companion said, iwan ko kung bakit nasabi nyang maarte! "I need a water bro...Thank you" aniya sa akin. Napasinghap ako kaya agad akong bumalik sa kitchen at nagtitili doon, they laugh on what I acted. Ngayon lang daw kasi nila ako nakitang ganito! Sino ba namang hindi! Nalaman ko ang pangalan! At pati nag thank you pa sa akin! "May ganyan ka palang side Riza?" Ani ng mga ka trabaho ko. "Oo naman basta ganon ka pogi ang makikita ko" kinikilig kong sabi. They laugh, bahala sila, basta kinikilig ako ngayon! "Taas ng standard ng Riza natin" Natawa na lang ako sa kanya. Dahil nasa mood ako ngayon, doon ako nagpa assign sa pag m-mop para makikita ko yong pogi na Dylan pala ang pangalan. He's so serious the whole time na mas nakaka dagdag kapogi-an nya kahit ginugulo sya ng mga kasama nya, he's so firm! Mag papaganda talaga ako! At kapag mayamang mayaman na ako, Ipapahanap ko tong lalaki na to at aalokin ko ng billion billion maging asawa ko lang. "Hoy Riza! Baka matunaw na yan" natatawang sabi ng kasama ko na nag s-serve. I laugh. "Sinulit ko na! Baka hindi ko na makita" natatawa kong sabi. "May tinatagong landi rin" "Pag ganyan ka gwapo! Lalandiin talaga!" "We? Sige nga! Landiin mo" she challenged kaya napangiwi ako. "Gaga! Nakakahiya" Humagalpak sya ng tawa. "Okay lang yan Riza" natatawa nyang sabi. I make faced. Marunong naman akong lumandi! Lahat naman siguro tayo! May expressive na malandi, may lowkey na malandi! At ako, doon ako nabibilang sa lowkey na malandi! At lalabas lang tong kalandian ko kapag ganyan ka gwapo. Pero! Hanggang salita lang talaga ako na lalandiin ko dahil nakakahiya! Kababae kong tao tapos ako ang mag f-first move!?...Hello! Conservative akong tao! Kahit ganyan pa ka gwapo magpapakipot pa rin ako! Para ma sure konghindi ako lolokohin at mahal talaga ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD