CHAPTER 6
Third Person's Pov
"Malapit na ang sembreak niyo, ano balak mo?" Tanong ni Caelan kay Alessia habang nag lalakad sila patungo sa entrance ng isang mall sa Makati.
"Wala, mag tatrabaho" Tanging sagot ni Alessia. Napa simangot naman si Caelan.
"Ang boring naman noon" Sagot niya at nauna nang pumasok.
"Bakit may plano ka ba?" Tanong ni Alessia at tumingin sa kalendaryo ng cellphone niya. Tama nga siya, 1 week nalang at graduation na nila.
"Let's go abroad" Suggestion ni Caelan na nag pa face palm kay Alessia.
"Sa tingin mo hindi ako hahanapin saamin pag nawala ako ng matagal?" Tanong ni Alessia at nilibot ang kanyang paningin para mag hanap ng makakainan.
"Ikaw pa, napaka daming pwedeng maisip mo na excuses" Masiglang sabi ni Caelan habang sinusundan si Alessia.
Hindi naman na kumibo si Alessia at patuloy na nag lakad patungo sa isang fast food chain kung saan tanaw na agad ang mahabang pila.
"Tingnan mo" Bulong ng isang babae at tinuro si Caelan. Kahit bulong iyon ay naririnig iyon ni Alessia.
"Jowa niya kaya ang kasama niya?" Tanong naman ng kasama nito. Hindi na narinig pa ni Alessia ang bulungan dahil pumila na siya sa pinaka dulo ng pila.
"Sure ka ba na pipila ka? E kaya kong bilhin tong fast food na ito e" Iritableng sabi ni Caelan.
"Kahit ako naman ay ayaw kong pumila. Pero masarap dito at unli rice pa, wag kangang maarte diyan" Sarcastic na sabi ni Alessia at kinuha ang cellphone niya sa bulsa.
Pagkatapos ng halos 20 minutes na pag aantay ay naka order din sila at nakahanap din agad ng table.
"First time mo lang ba kumain dito?" Nag tatakang tanong ni Alessia kay Caelan dahil halata sa itsura nito ang pag tataka sa dami ng tao at sa tatlong iba't ibang kulay na tubig na nasa gitnang lamesa nila.
"Oo, wala naman nito sa China at mas lalong hindi ko gugustuhin na subukan ito kahit ilang taon na ako dito" Sabi ni Caelan at napatingin sa mga lalaking nakatingin kay Alessia.
"Masarap dito, at baka pag natikman mo ay ulit ulitin mo pa" Sabi ni Alessia. Binawi naman ang tingin ni Caelan sa mga lalaki at tinuon niya iyon uli kay Alessia.
"Kakain lang ako sa ganito pag kasama ka"
Pagkatapos ng 2 oras na pag lilibot nila sa mall ay napagod din sila.
"Gabi na, uwi naba tayo?" Tanong ni Caelan.
"Sige pero lakad lang tayo uli, since nandon naman natin iniwan ang kotse mo sa parking lot ng lumang condo mo" Sabi ni Alessia at wala din naman nagawa si Caelan.
Habang nag lalakad sila ay may naramdaman na kakaiba si Alessia. Kaya imbes na dumaan sa mismong daanan kung saan maraming tao at may kalsada, lumiko sila ni Caelan at dumaan sa kung saan onti lang ang tao dahil halos lahat ng building ay ito ang likod.
Ilang minuto pang pag lalakad ay agad na naramdaman ni Alessia na may papalapit sa kanila kaya agad na humarap si Alessia. At doon niya nakita ang nasa kinseng malalaking lalaki na papalapit sakanila.
"Hindi tayo tatakbo" Paunang sabi palang ni Alessia nang maramdaman niya ang pangamba kay Caelan.
"Look, if hindi kita kasama hindi ko iisipin na takbuhan ang mga to at lalabanan ko sila pero andito ka--" Sabi ni Caelan pero agad na nag salita si Alessia.
"Nakalimutan mo na ata kung sino ang kasama mo Caelan" Naka smirk na sabi ni Alessia. Nawala naman ang pag aalala sa mukha ni Caelan at napalitan to ng galit habang nakatingin sa mga papalapit na mga lalaki.
Wala silang kahit anong dala, kumpara sa mga lalaking may mga hawak na kutsilyo at baril na nakaipit sakanila, si Caelan at Alessia ay gagamit lang ng katawan nila.
"Sinasakto kanga naman, sino ang kasama mo?" Tanong ng nasa gitnang lalaki kay Caelan.
"Wala kana don Joas" Galit na sabi ni Caelan.
"Mukhang masasayang ang kutis niyan pag nakuha namin yan" Natatawang sabi ni Joas.
"Then try" Hamon naman ni Alessia. Hindi na nag antay pa si Alessia sa sasabihin nito nang mauna na siyang umake.
"Talagang ginagampanan niya ang tungkulin niya bilang isang tagapag bantay ko din at hindi man lang niya ako binigyan ng senyas para sabay kami at nauna siya" Nasa isip ni Caelan
Gagalaw na sana si Caelan sa kanyang pag tayo nang maramdaman niya ang malamig na isang bagay na nakatutok sa likod ng kanyang ulo.
"Ikaw babae, pag hindi ka tumigil- papasabugin ko ulo ng kasama mo" Sigaw ng lalaking nasa likod niya. Napatigil naman si Alessia sa pag laban sa natirang sampo kaya kinuha iyong opportunity ng mga lalaki para hablutin si Alessia at ikulong ang mga kamay at braso nito.
"Bitawan mo siya" Hindi pag mamakaawa pero utos na sabi ni Alessia at napaluhod ng sipain ng lalaking may hawak sakanya ang likod ng kanyang tuhod.
"Maraming atraso saamin ang pamilya nito, kaya malas ka at ikaw pa ang napili niyang kasama ngayon" Natatawang sabi ng lalaki sa likod ni Caelan. Walang emosyon na tiningnan ito ni Alessia habang si Caelan ay nakatitig lang kay Alessia.
"Kaya kong iwasan ang lalaking ito, pero hawak ng mga lalaking iyon si Alessia. Hindi ako pwedeng mag padalos dalos" Nasa isip na sambit ni Caelan
Mahigit limang minuto silang nag papakiramdaman nang biglang suntukin at sipain ng lalaki na nasa likod ni Caelan si Caelan.
"Pag hindi mo siya iniwan pag sisisihan mo" Galit na sabi ni Alessia na nakatingin sa lalaki bago kay Caelan na nang hina.
"Mukhang alam ng sumipa at sumuntok kay Caelan kung saan ang pressure points ng katawan kaya ganito nalang ang epekto kay Caelan. Bakit hindi ka ba lumaban?" Galit na sambit ni Alessia sa kanyang isip.
Mag sasalita pa sana ang lalaking gumawa noon kay Caelan ng may sumigaw na taong nakakita sa nangyayari kaya kinuha iyong opportunity ni Alessia para kumawala at itumba ang sampo pang natitira. Habang si Caelan naman ay dahan dahang tumatayo.
"Pakielamera ka" Singhal ng lalaking katabi ni Caelan at kinuha ang baril.
Babarilin na sana ng lalaki si Alessia nang hawakan ni Caelan ang baril na nag dulot nang pag aagawan nila.
"Caelan!" Sigaw ni Alessia na nakatingin saglit kay Caelan bago bumalik ang atensyon sa tatlo nalang na lalaki.
"Ikaw pala yan Hashin" Nakangiting sabi ni Caelan habang nakikipag agawan parin sa baril sa lalaking nangangalan na Hashin.
"Oo" Sabi nito at nakahanap nang paraan para sipain si Caelan nang malakas na nag resulta sa pag ka talsik ni Caelan.
Habang si Hashin ay agad na tinutok ang baril kay Caelan.
"Caelan!" Sigaw ni Alessia
BANG!
Ying's Pov
"Bilisan natin"