CHAPTER 5
Third Person's Pov
"Sa labas nalang tayo mag breakfast para naman ma expose ang kapogian ko at nasasawa na ako sainyo" Pag bibiro ni Kurt nang nag uusap sila kung saan mag aalmusal.
"Oo nga, araw na ng mga puso ngayon mismo kaya baka makahabol pa ako na mag ka date pag ka lumabas tayo" Gatong naman ni Steve.
"What do you think Alessia?" Tanong ni Pabel.
"Sounds good to me" Tanging sagot niya at pumasok na ng kwarto niya. Lumabas lang kasi siya dahil sabi ni Caelan ay siya ang mag dedesisyon saan sila mag aalmusal, wala pa itong ligo kaya mabilisan siyang naligo at nag ayos.
Hindi katulad ng kagabi, dahil para hindi naman mag mukhang kaawa awa si Alessia kung mag susuot siya ng hindi revealing- napag desisyunan niya na mag suot ng sexy nude na two piece swimsuit na pinatungan niya ng isang manipis na puting roba. Samantalang ang kanyang buhok naman na hanggang siko ay nakalugay lamang na nilagyan niya ng onting kulot, nag slide lang din lang siya at nag suot ng madaming gold accesories bago nilagay ang kanyang salamin sa ulo.
"Sino siya?" Bulong ng lalaki sa kabilang table nila Alessia.
"Bakit popormahan mo?" Bulong naman ng isa.
"Hindi ba kayo nag iisip, nakita niyo ba na may kinseng puro tattoo at matatangkad na lalaki ang kasama niya- baka mapaaway pa tayo diyan" Malakas na bulong ng isa. Sa kabilang banda nang kanilang pag bubulungan ay si Caelan na nakatalikod sakanila ang nakakarinig sakanila.
"Oh sige ikaw unang lumapit" Pang hahamon ng isa.
"Sige, sunod nalang kayo pag natanong ko ang pangalan" Malakas ang kumpyansang sabi ng isa at tumayo na nga. Katangkad din ito ni Caelan, pero kung ikukumpara sa katawan ni Caelan- wala itong laban.
"Excuse me" Sabi ng lalaking lumapit kay Alessia. Umangat naman ang tingin nilang lahat at maaral na tiningnan ang lalaki.
"Yes?" Si Kanos na nasa kaliwa ni Alessia ang unang sumagot.
"Can I talk to her?" Sabi nito at tinuro si Alessia.
"Why?" Pabalik na tanong ni Kanos. Habang si Alessia naman sa kabilang banda ay walang pakealam at tinuloy ang pagkain sa kanyang cake.
"Uhm--- I just want to know her name" May halong kaba na sabi nito dahil mas lalo niyang nakita kung gaano katapang at ka seryoso ang mga mukha ng mga lalaking kasama ni Alessia.
"She is not allowed to answer that" Sabi ni Kanos at iniwas na ang tingin sa lalaki at kumain na lamang ulit.
"Uhm miss?" Makulit na sabi nito at hahawakan sana ang braso ni Alessia nang maunang hinablot ni Caelan ang kamay nito saka tumayo.
"Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi ng kasama namin" Seryosong sabi ni Caelan bago maharas na tinulak ang lalaki. Nag tayuan naman ang tatlo nitong kasama at tinayo ang nakaupong lalaki.
"Ano ba problema mo pre? He is just asking- no need to be violent" Galit na sabi ng lalaking kasamahan nila.
Tatayo na sana ang isa para ambahan si Caelan na mabilis na tumayo si Alessia at malakas na pinigilan ang kamao nito at sinapak.
"Alis niyo yan dito" Utos ni Alessia kela Fai na agad ding sinunod ni Fai, Rain at Chen.
"Let's eat" Pag babalik ni Alessia sa katahimikan at umupo bago kumain uli. Samantalang ang mga tao naman ay nag bubulungan na.
Walang kibuan silang kumain hanggang sa matapos sila.
"Tara jetski!" Masiglang sigaw ni Alex nang pagkatapos ng isang oras na pahinga nang kumain sila.
"Wait" Mahinang sabi ni Alessia pero narinig nang lahat kaya napatigil sila sa pag tayo. Pinalibot ni Alessia ang kanyang paningin.
"Why?" Tanong ni Caelan.
"There is someone who are watching us" Seryosong sabi ni Alessia bago tinigil ang tingin sa bandang counter ng bar bandang pool.
"The two DEA" Pag lilinaw ni Alessia at tiningnan si Caelan bago sila Kanos at nag kaintindihan din agad.
"Tuloy pa din natin to, Pabel?" Tawag ni Alessia kay Pabel
"Yes?" Sagot agad ni Pabel.
"Ask the stuff for an information from these two DEA agent they got." Utos niya dito, tumango naman si Pabel at kinalikot ang cellphone para tumawag. Habang ang iba naman ay nag patuloy lang sa pag lalakad na parang walang nangyari at masaya paring tumakbo papunta sa dagat.
Habang halos ang lahat ay dumeretso sa kanilang mga jetski, si Alessia naman at si Caelan ay umupo lang sa dalawa sa mga bench na nakaharap sa dagat.
"Bakit sila nandito sa tingin mo?" Tanong ni Caelan.
"I think they are here because of Pabel. I think they have an idea that Pabel is somewhat connected to their target which is me and the chairman" Sagot ni Alessia at ininom ang tubig na inabot ng isa sa mga tauhan ng resort sakanya.
"Why is that?"
"Pabel's family is one of the most influential families in Manila that made him interesting because they are suspecting that the cartel that is growing here in the Philippines is Manila Cartel. Pabel is also seen in many auctions previously- so he is the one who is most exposed to their eyes." Explained ni Alessia.
"I just hope your plan and deal with Stone would work" Sabi ni Caelan.
"And if it's not?" Seryosong tanong ni Alessia at tinitigan siya.
"Then plan b, kill them" Sagot naman ni Caelan.
"Your plan b is a mess Caelan"
"But it is faster than your plan a Alessia" Panggagaya sa tono ni Alessia. Umiling nalang si Alessia at umayos nang pag kakahiga.
Pabel's Pov
"I already made a call to stone again and he is on the way to the DEA main office" Balita ni Ying habang nag lalakad na kami papalabas sa resort at patungo sa garahe kung saan naka park ang mga kotse. Kanina ay gusto sana namin mag chopper kaso masyadong takaw tingin lalo na andito ang mga DEA.
"Do you think he could make it?" Tanong ni Alex, nag kibit balikat lang si Ying.
"Stone is the most dangerous drug kingpin in North America and I think that would be enough to scare those DEA" Sagot ni Ying.
"Yup, all they want is money. Pag binigyan mo naman na mga yan ay titigil din" Sabi naman ni Steve.
"Pero di tayo pwede pakampante, hindi natin alam sino pa kabilang dito bukod sakanila" Sabi naman ni Kurt.
"Yup, there could be possibility na kabilang din ang CIA or other officials in the US to bring Alessia and chairman Xu Yao down. As long as they got money, interesado ang mga yan parin sakanila" Sabi naman ni Harper.
Sa totoo lang napaka dali lang naman kung gagawin namin ang plan b ni Caelan, kaso ito ang gusto ni Alessia- plus I also get Alessia point, pag ka pinatay namin ang dalawang DEA mas lalong maiintriga hindi lang ang DEA pati nadin ang government ng America sa yaman at business ni Alessia at ng chairman ng Xu Yao.
"Oo nga pala, how about Atticus and the Wang- hindi pa ba sila nag uumpisa? Na bo borring na ako" Sabi ni Rain, tumawa naman kami. Binigyan kasi ng palugit na araw ni Alessia si Atticus sa gagawin niya dahil nag karoon nga ng problema patungkol sa mga DEA na ito.
"I'm sure within next week makakapag desisyon na si Atticus" Sabi ko. Tumango naman sila at sabay sabay naming kinuha ang mga gamit namin sa stuff.
Pag kauwi namin lahat sa HQ ay nag sipasukan agad kami sa kanya kanyang kwarto, nakakapagod dahil traffic nanaman kanina at halos tatlong oras uli ang byahe namin.
Third Person's Pov
"What do you think about this guy?" Tanong ni Aaron sa ka partner agent niya na si Tyson habang nakatingin sa naka dikit na larawan ni Pabel sa dingding at larawan nila Alessia noong nag almusal sila.
"Do you think there is the possibility that one of them is the anonymous drug lord or founder of a manila cartel?" Tyson asked while eyeing the only girl among the 15 guys at the table eating which is Alessia
"I think so, but they are too young for that kind of big-name" Sagot naman ni Aaron.
"Pabel is 22 years old like me, and I think everyone here is also 20 plus so they are not a kid anymore" Sabi naman ni Tyson habang nakatingin parin kay Alessia.
"So you like that woman" Pang aasar ni Aaron kay Tyson.
"Yep, but on the other hand, she is the only girl in the group- that makes her more interesting than Pabel" Masuring sabi ni Tyson.
"Maybe she is one of these boy's girlfriend. So back off Tyson" Pabiro pa ni Aaron.
"No, didn't you notice? When this woman said something these three men stand up faster than a bolt as she commands them to pick these men" Kuryosong sabi ni Tyson. Tumango naman si Aaron.
"Maybe, she is the girlfriend of Pabel?" Sabi naman ni Aaron, umiling naman so Tyson
"It is impossible, Pabel is three chair far from her" Maingat na sabi ni Tyson at tiningnan si Aaron.
"I think we should do some background check on this woman" Suggest ni Tyson, tumango naman si Aaron.
"She is 17 years old. Born in Caloocan City and currently studying in Manila. She is a HUMSS grade 12 student and has honor." Sabi ni Aaron habang nag babasa silang dalawa ni Tyson sa background ni Alessia.
"Amandla Charvi Villareno, she is too young to be around with these men" Sabi ni Tyson.
"Yep, but the question here is not her age- the question here is why she is around with these rich powerful men when her both parents already die and live by her own?"
Steve's Pov
"Alessia, someone is digging into your profile right now and our IT said na the location is from Pabel's resort where I think the two DEA agents are still there" Sabi ni Ying nang makaupo kami sa table ng veranda habang nag kakape.
"Wala naman silang makukuha diyan na totoo except my real name, where I born at and my education background" Sabi naman ni Alessia. Nag tinginan naman kaming lahat.
"I will send someone to talk with Stone in person tonight to finish this thing" Caelan said nang walang mag salita.
"Ok, make sure na matatapos na ito at makakaalis na sila bukas" Sabi ni Alessia bago tumayo at umalis.
Third Person's Pov
"It is already done, later, afternoon babalik na ang dalawang DEA sa America" Anunsyo ni Ying habang nag la lunch sila sa HQ kinabukasan.
"Do you think hindi na nila babalakin pang ipa imbestiga ito?" Tanong ni Alex.
"There is possibility pero pag nangyari iyon hindi na ako mag dadalawang isip na ubusin sila. Hindi lang ang kapangyarihan natin ang dahilan kung bakit sila interesado, gusto lang nilang mapadali ang buhay nila at dumami ang pera nila gamit ang pag sisira at pag nanakaw saatin" Seryosong sabi ni Alessia
"Maybe it's time to have some negotiation to the government" Suggestion ni Harper.
"No, as long as possible I don't want any undercover criminals in my field. I don't want to make them feel like they can manipulate us anytime they want. Like what happened to the Alejandro two months ago, nalugi siya ng 200 million dahil sa deal nila ng nasa taas. It will just make the business complicated" Sabi ni Alessia.
"No wonder why the chairman pick you Alessia, ano ba IQ mo?" Palabiro na tanong ni Fai.
"136" Sagot ni Kanos.
"Woah, onti nalang pwede mo nang matalo si Einstein." Biro naman ni Steve.
"No wonder your IQ is 70" Biro ni Rain sakanya. At nag tawanan naman ang lahat.
"Maiba tayo, kagabi may nakakita sa dalawang mga tauhan natin na black SUV na naka park sa labas ng farm" Pag iibang usapan ni Chen
"Yep, nag report sila kanina lang umaga saamin ni Chen nang lumabas kami para mag jogging" Sabi naman ni John
"Alamin niyo ang plate number at alamin niyo sino may ari non. Investigate it later" Sabi ni Alessia. Tumango naman sila.
Kung tutuusin ay mas mayaman parin ang 15 lalaki na ito kumpara kay Alessia, pero pag dating sa kapangyarihan- alam nila na mahalaga ang loyalty sa mundo nila. All of them pledge their loyalty to the Xu Yao, and Alessia being the head of the country's Xu Yao's businesses- they should follow Alessia and respect and offer their loyalty to them.
Ying ay ngayon ang kanang kamay ni Alessia, si Chen at John naman ang head ng security for Alessia, si Finn at Ching naman ang head ng mga hitman nila, Zhask and Pabel naman ang head at ang mata ng transakyon ng businesses nila, si Kanos at Steve naman ang nag momonitor sa mga new recruit sa tauhan nila, while Kurt at Rain ang taga trace at monitor ng lahat ng pera sa businesses, and si Fai at Alex naman ang nag momonitor sa mga armas. Si Harper naman ay matalik na kaibigan at pinsan din ni Caelan, si Caelan ay kapartner ni Alessia sa lahat ng gawain. Lahat sila sa grupo ay may kanya kanyang tungkulin at gawain, lahat din sila ay may benefit dito kabilang na ang pera.
Pagkatapos ng monday to friday na pag aaral ni Alessia sa Manila ay umuwi muna siya sa bahay ng kanyang pamilya.
"Ano gusto mo ulam Amandla?" Tanong ng kanyang ama gamit ang tunay niyang pangalan sakanya nang matapos siyang mag bihis nang pambahay ng makauwi siya.
"Kahit ano nalang pa- basta may sabaw" Sabi ni Alessia at humiga sa sofa bago binuksan ang kanyang lumang cellphone para mag basa ng email niya.
Simple lang ang naging dalawang araw ni Alessia as usual sa bahay ng kanyang pamilya. Masaya at parang simpleng tao lang si Alessia habang kasama niya ito- isang mabait, magalang, matulungin, masipag at masiyahing Alessia o sabihin na nating Amandla ang nakikita ng kanyang pamilya pero nang sumapit na ang lunes ay bumalik nanaman sa lahat.
"Alessia, nagawa na ni Atticus ang pinapagawa mo sakanya at papunta na siya sa America gayon para magtago" Balita ni Ying kay Alessia sa pag tapak ni Alessia sa HQ.
"Ang anak niya?" Tanong ni Alessia at dere deretsong pumasok sa HQ at umupo sa malawak na sofa sa malawak din na salas.
"He is mad of course, at siguro pag katapos ng isang araw ay malalaman niya na ang gumawa nito. We should be prepared" Sabi ni Ying, umaling naman si Alessia.
"No, tapusin na ito ngayon din" Sabi ni Alessia. Nanahimik naman si Ying at nag antay nang idudugtong ni Alessia.
"Kill all the Wang family and set a meeting after that with their business partners sa China" Sabi ni Alessia at tiningnan si Caelan na kakapasok lang.
"Are you sure?" Tanong ni Ying.
"Ano iyon Ying?" Tanong naman ni Caelan patungkol sa kanilang pinag uusapan.
"Nag desisyon si Alessia na tapusin agad at patayin ang lahat ng Wang ngayon din. At gusto niya na mag karoon ng meeting with the Wang's all business partner pag katapos non" Balita ni Ying kay Caelan, umupo naman si Caelan sa harap na sofa kung saan nakaupo si Alessia.
"Why the sudden change of plan?" Tanong ni Caelan kay Alessia.
"Nakapag isip isip ako na mag ca-cause ng too much attention sa mangyayari ang media kabilang na ang gobyerno natin and worst the government of America if papahabain pa natin. Masyado pang fresh ang DEA thing saatin so we should take everything smooth and perfect. I don't want a simple decision could be the ending of everything we work so hard" Propesyonal at punong puno ng kaalaman na tono na sabi ni Alessia tumango naman si Ying at si Caelan na nakuha agad ang magadang punto ni Alessia.
"Ok then Ying talk to the Finn and Ching now and tell the news." Sabi ni Caelan. Tumango naman si Ying.
"Alis na ako, may lunch date ako with my mom" Paalam ni Ying at tumayo na- iniwan ang dalawang tahimik na nakatitig lang sa isa't isa.
"What?" Tanong ni Caelan ng lumalim ang tingin ni Alessia kay Caelan na para bang inaaral ito.
"You have a new tattoo" Sabi ni Alessia, nagulat at ngumiti naman si Caelan.
"You really memorize all of me that even a small detail ay napapansin mo" Sabi ni Caelan.
"Nah, mataas lang talaga ang memorya ko" Sabi ni Alessia at tumayo at iniwan si Caelan na nakatitig sa tattoo niya sa ring finger niya na morse code- na ang ibig sabihin noon ay ang totoong pangalang ni Alessia.
Martes ng hapon habang masayang nag ga-gun firing sila Alessia, naka receive si Ying ng tawag galing kay Stone.
"Stone" Sabi ni Ying at binigay kay Alessia. Binaba naman ni Alessia ang kanyang hawak na baril at tinanggap ang tawag.
"Alessia"- Stone
"Yes? Why the sudden call" -Alessia
"I have something to say to you about the two DEA agent"- Stone
"What is it?" - Alessia
"DEA with the police capture Lamero here in California. And these two DEA agents are planning to ask some information about you and the Xu Yao chairman" - Stone
"Where are they right now?"- Alessia
"My source told me that they are already on the way. If you want me to do something, I will do it"- Stone
"Ok, send some of our men there to kill Lamero"- Alessia
"Ok, how about these two agents?"- Stone
"They will get tired soon. Plus everything is under control- no need to worry"- Alessia
"Ok, I will just update you"
"Ano sabi?" Tanong ni Caelan na nasa gilid lang niya.
"Nahuli nila si Lamero sa Cali and these two DEA agents went to him to ask information about me and the chairman. They think that Lamero is one of our men which is true- but I already tell Stone to send men to kill Lamero. These American agents will not stop beating Lamero's ass until they got some information about me and the chairman- I don't have a choice." Sabi ni Alessia at bumalik sa ginagawa niyang pag eensayo sa pamamaril.
"Good, but I swear Alessia if I heard another news about these two DEA agents, with or without your opinion and approval I will kill those men" Sabi ni Caelan at kumuha din ng baril.
Pagkatapos ng 2 oras nilang pag gamit ng shooting range ay napag desisyunan nilang lumabas at pumunta sa isang mall sa Makati.
"You should know how to drive" Natatawang sabi ni Caelan dahil walang choice si Alessia kundi kay Caelan sumabay.
"I don't have money to buy, I'm on a budget" Sagot ni Alessia at tiningnan ang mga kasing edad niyang mga lalaki't babae na kumukuha ng video sakanila, lalo na sa kotse nila. Open ang roof ng dalang cadillac ni Caelan kaya kitang kita sila.
"You can even buy my car collection, don't lie to me" Gatong pa na pang aasar ni Caelan. Tiningnan naman siya ni Alessia bago ang kotse ni Kanos na kasama doon si Ying na nasa likod lang nila at sa harapan nila na si kotse ni Fai kasama si Chen at Rain.
"You know what if we go out yung hindi open roof ang kuhain mo ha?" Sabi ni Alessia dahil naaalibadbadan na siya sa mga taong nakatingin sakanila.
"Sige pag trip ko" Pang aasar pa lalo ni Caelan.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating din sila sa mall.
"Saan tayo kakain?" Tanong ni Finn.
"Meryenda lang naman, kahit kape nalang tayo" Sabi naman ni Harper.
"May balak ba kayong gagawin pag katapos kain?" Tanong naman ni Kurt.
"Mamili nalang tayo sa mga boutique after" Suhestyon ni Alessia, at bilang si Alessia ang may sabi non ay tumango nalang sila at nag umpisa nang mag lakad papalabas ng parking lot at papasok sa mall.
Pag kapunta nila sa isang mamahaling coffee shop ay parang pamilyar na lalaki na nakita si Alessia pero di nalang niya ito pinansin dahil tinatanong siya ni John sa order niya.
"Amandla" Napatigil lahat sila sa ginagawa nila nang may lalaking lumapit sakanila. Naka varsity pa ito at alam mong kakagaling lang sa laro.
"Hi?" Patanong na bati ni Alessia nang marealize niya kung sino iyon- binasa ni Alessia ang nakalagay na school sa varsity ng lalaki, at nakalagay doon ang pinaka pang mayaman na school sa Pilipinas.
"How are you? Matagal kana naming hindi nakita sa court ah" Palakaibigan na sabi nito nang hindi pinapansin ang sampung lalaki na nakatingin sakanya.
"I'm good, it is just that-- I'm busy sa school" Hilaw na ngiti ni Alessia.
"Oh that's nice- I've been looking for you" Nakangiting sabi nito. He is Ethan, 2nd year college varsity player na kasing tangkad ni Caelan and also an ex-fling of Alessia.
"Uh-nice" Awkward na sagot naman ni Alessia.
"I also notice that you change a lot- you are more beautiful, I mean you are before but now is different"
"Uhm- I'm sorry to say this but I gotta go. Kailangan ko pang makahanap nang mauupuan" Pag tatapos ni Alessia sa usapan at aalis na sana nang harangin siya ni Ethan habang si Caelan naman ay naalarma sa ginawa niya.
"May table na ako sa dulo, we could share" Sabi ni Ethan at tinuro pa ang likod na bahagi. Mag sasalita pa sana si Alessia nang biglang nag salita si Caelan.
"She is with me" Seryosong sabi ni Caelan. Nabigla naman si Ethan at napatingin sa 9 na lalaki pang nakatitig lang sakanya.
"Sir what's your order?" Nabasag ang katahimikan nang turn na pala nila John para mag order. Walang pasabing nag lakad naman ang walo iniwan si Ethan na napahiya habang si John at Kurt ang naiwan para umorder at kumuha din ng order.