CHAPTER 4
Alessia Pov'
"Report" Sabi ko agad nang makaupo si Ying and Kanos sa harapan ng table dito kung saan tanaw ang buong arena at mga kabayo. Ang favorite naming tambayan.
"May nakuha akong report galing sa isang tauhan natin sa taas. Some DEA from America came here yesterday, and he believes that they are here to discover something from the anonymous drug lord and the founder of manila cartel" Sabi ni Ying at inilahad saakin ang isang envelope na agad ko ding binuksan.
Tumambad saakin ang mga larawan ng dalawang amerikanong lalaki na kung di ako nag kakamali ay nasa mid 20's ang isa at ang isa naman ay 30's.
"Ito ang profile nila" Sabi naman ni Kanos at inabot sakin ang manipis na mga papel na binasa ko din agad.
Tyson Brown and Aaron Miller huh? Tyson Brown is only 22 years old while Aaron Miller is 35 years old- Si Aaron ay may 3 anak na nakatira ngayon sa Texas.
"Anong sabi ni Chairman dito?" Sabi ko at binaba ang papel at umayos ng upo.
"He trust you and Caelan to handle this kaya dumeretso agad kami sayo. Aalis na din kasi ang chairman at tatay ni Caelan, babalik na sila sa China" Sabi ni Kanos, tumango naman ako.
"I don't know what could be Caelan's plan when he knew about this, he can be brutal like the chairman. But for me, I just want them to go home and mind their own business. As long as possible I don't want any dead body under my rule" Mahina kong sabi pero alam ko ay naririnig din ako ng dalawa. Kinuha ko ang wine nasa lamesa at tinungga.
"Kung ano ang desisyon niyo doon kami, plus we have some backup from Xu Yao's assassin and hitman. You know, sometimes it is ok to kill" Simpleng sabi ni Ying habang nasa kanyang labi ang yosi niya.
"It is not my thing, especially they are innocent and not some bad guy" I said at binawi ang tingin sakanilang dalawa at sinundan ang tingin ang kabayo ko na pinasok na ng isa sa mga tauhan dito sa stable.
"No offense but that traits of yours is not good in this field, and you know that" Sabi ni Ying at tumayo nang matanaw sila Caelan na papalapit kung saan kami nakaupo.
"Report" Sabi ni Caelan at umupo sa tabi ko at nag salin ng wine sa baso ko bago ininom. Habang ang mga iba naman ay nakangangang nakatitig sa ginawa ni Caelan.
"Tyson Brown 22 years old and Aarom Miller, DEA sent by some s**t people to dig about anonymous drug lord which is Alessia and the founder of Manila cartel which is the chairman." Sabi ni Ying. Kinuha naman ni Caelan ang kaninang binasa kong profile ng dalawa at binasa din ito.
"What is your plan?" Sabi ni Caelan at tiningnan ako. Tahimik ang lahat at nag aantay sa sasabihin ko.
"Let's talk outside, titingnan ko rin kabayo ko" Sabi ko at tumayo.
"Linisin ang arena" Utos ko sa isang nakatayo na nag babantay samin na may hawak na baril, tumango naman siya at yumuko bago umalis.
"Leave" Utos ko ng may dalawa pang taga bantay ang nasa stable, tumango naman sila at umalis nga.
"So what is your plan?" Tanong ni Caelan at naunang lumapit sa itim kong kabayo samantalang ako ay sa brown lumapit.
"I can't make any decision right now, so sayo ko idedepende ito ngayon" Sabi ko at tinanggal ang tingin sa kabayo at tumingin sakanya. Napatigil naman siya.
"Why?"
"Caelan, you know the reason. I don't want to feel guilty if anything happens to that two DEA" Sabi ko, kumunot naman ang noo niya at pinag krus ang mga brasong humarap saakin.
"Do you really want your position Alessia? Do you really deserve what the chairman gave to you" Sabi niya at puno nang pag tatakang tiningnan ako.
"I deserve it cause I work really hard for it but I don't want this in the first place, like- you know what I mean Caelan, you bought me here, help me learn about your world. I'm a clueless stupid girl that time, I read too much novels that I think this life will do good on me" Utal ko. Tumango naman siya at parang kumalma din.
"Look, I know, it is my fault why you are here- But andito na tayo, and we can't do anything about it anymore, YOU can't do anything about this anymore Alessia." May halong panunuyo na sabi niya.
"So what you want me to do? Put a price on both of their head? Like what you usually do"
"Oo, ano pa ba ibang naiisip mo? Hindi lang administrasyon ng bansa natin mga tao nayon, they are americans at interesado sila sa kung anong meron tayo and for sure hindi sila titigil hanggat hindi ka nila nakikilala at nakukuha ang lahat ng meron tayo, lahat ng meron ka" Sabi niya at lumapit sakin bago hinawakan ang mga braso ko.
"Caelan, I'm not born to kill anyone" I hissed.
"You won't, our hitman and assassin will do that- you are just the one who will command"
"It is just the same"
"No, it is different. Look, you should be strong Alessia, I'm helping you because you are here because of me. Now, you cooperate and stick with me"
"But- we can't just kill an american Caelan. It will only lead to war" Sabi ko, binitawan naman niya ang braso ko at nag isip.
"So what is your plan?" Tanong niya.
"I will communicate to Stone, he can make that two DEA sent to their specific home" Sabi ko at inayos ang sleeves ng puting polo ko.
"Lahat ng bagay may kapalit kay Stone" Sabi niya
"Lahat naman ganoon Caelan" Nakangiti kong sabi at tinap ang braso niya at nauna nang umalis ng stable.
Tyson Brown's Pov
"So there is nothing else that will lead us to this anon drug lord except on this picture of his or her suspect boyfriend?" Aaron asked while we are in the car with the PDEA agents.
"Nothing, this one works like Da Vinci, his or her work is a masterpiece. This one has everything in his or her hand, that's why he or she can earn millions of money without needing his or her presence" Pablo said.
"This mission is bullshit Tyson, how we can capture this criminal if we don't even know what the gender of our target is?" Aaron said and mess his hair even more. Since we got here in the Philippines for our mission, the only thing we heard about our target is that he or she has two identities thats all.
"How about the founder of Manila cartel?" I ask Pablo.
"He originates in China, he is a businessman and we think that he and the anonymous drug lord are related or somehow close to each other" Pablo answered.
"Obviously, he is the founder of Manila cartel and the anonymous drug lord born here," Aaron said with sarcasm.
"We still don't know what his or her nationality is or are Aaron" Pablo replied with sarcasm too. I just lay my head to the window of the car, this is a maze mission.
Third Person's Pov
"Nakausap na daw nila Ching si Stone and they are on the way here now" Salubong ni Kanos kay Alessia nang mailapag nito ang school bag niya sa table ng isang fast food chain.
"Anong sabi?" Tanong ni Alessia at kinuha ang burger na kanina pa na binili ni Kanos habang nag aantay kay Alessia.
"He will do his best, and he accept the deal" Sagot ni Kanos at kinuha naman ang ice cream na matutunaw na.
Habang tahimik silang kumakain ay halos lahat ng tao lalo na ang mga babae ay nakatingin kay Kanos. Naka suot kasi ito ng buttoned down na polo at pants, at hindi lang iyon bakit siya tinitingnan- hindi naman kasi mapag kakaila na gwapo si Kanos, he is half Japanese and half Chinese na may tattoo din pero hindi katulad ni Caelan na puno ng tattoo ang kanyang dalawang sleeves pati na din ang leeg at batok na pinaresan ng makitig na katawan, isang malaking tattoo lang ang meron siya sa kanyang mag kabilaang arms at medyo payat siya kumpara kay Caelan.
"Caelan is here" Bulong ni Kanos at umayos ng upo habang si Alessia ay parang walang narinig at sumubo pa ng spaghetti.
"How's school?" Caelan asked na agad umupo sa tabi ni Alessia at tumango kay Kanos. Ang mga babae naman na nakatingin sakanila ay mas lalong umingay ang bulungan.
"Alam niyo, sawang sawa na ako pag tinginan dahil kasama ko kayo lalong lalo kana Caelan. Kaya pwede ba manahimik ka at baka masipa kita" May halong inis na sabi ni Alessia at tinitigan ang babaeng dahan dahang lumalapit sa gilid ni Caelan.
"Hindi naman namin kasalanan na ganito kami pinanganak" Sarcastic na sabi ni Caelan at tiningnan ang babaeng dinidikit ang kanyang hita sa braso ni Caelan. Nasa bandang pila kasi sila at mahaba ang pila.
Imbes na umangal si Caelan ay hinayaan niya lang to at nakangiting tumingin kay Kanos na nananahimik bago kay Alessia na nakatitig sa hita ng babae bago kay Caelan at tumayo.
"Hey-" Hindi na napag patuloy ni Caelan ang sasabihin niya.
Seryosong hinarap ni Alessia ang babaeng nakatitig lang sa braso ni Caelan na nasa nadadampian ng hita niya.
"Here, eat on some nice places not here- leave or I will kick your ass" Walang emosyon na sabi ni Alessia sa babaeng napatulala sa inabot na sampong libo ni Alessia.
"Tanggapin mo na girl" Bulong na kasama nitong isang babae na nakatingin kay Caelan na ngiting ngiting pinag mamasdan si Alessia.
"Thank you" Utal na sabi ng babae at tinanggap ito bago umalis.
Hindi na nag salita or kumibo si Alessia at agad na kinuha ang bag niya nilapag niya sa table kanina at agad na lumabas. Tumayo din naman agad si Caelan habang si Kanos ay pinag mamasdan lang sila.
Makakahabol sana si Caelan ng saktong tatawid na siya ay nag green ang traffic light. Tinanaw na lamang niya si Alessia na pumara ng taxi.
Araw na ng mga puso, kaya imbes na pumunta si Alessia sa pa celebration and event ng school nila, nag set nalang siya ng horse rasing.
"Wala kabang ka date ngayon?" Pang aasar ni Finn kay Alessia na hinahanda na ang kabayo niya. Kalaban niya si Zhask at Harper- at halos lahat ng kakilala nila ay nanunuod at ang iba naman ay nakiki pusta kay Ying.
"Shut up, bumalik ka na doon" Singhal niya at umakyat na sakanyang kabayo at pinaandar ito onti.
"May plano kasi kami pag katapos nito, may sinet na party sila Ying sa isang resort ni Pabel malapit lang dito at baka gusto mo lang sumama" Pag yayaya nito kay Alessia.
"Sige manahimik kalang" Singhal ni Alessia at tiningnan sila Zhask at Harper na handa nadin. Ngumiti at tumango naman si Finn at umalis na.
Habang ang ibang mga tao na nanunuod ay nag hihiyawan, si Alessia, Zhask at Harper ay naka focus lang kung kelan puputok ang baril.
"Grabe Alessia, andami kong kinita ngayon" Tuwang tuwang sabi ni Ying habang nag bibilang ng pera na kinita niya sa karera.
"Tumaya ba si Caelan?" Mahinahon niyang sabi habang tinatali ang buhok.
"Oo, pero kay Zhask siya tumaya kaya iyon natalo ng 200K pero sisiw lang naman yon sakanya" Nakangiti paring sabi ni Ying. Hindi nalang siya pinansin ni Alessia at nag lakad na patungo sa bike niya.
"Sabay kana sakin" Biglang sulpot ni Caelan.
"May kikitain ako, and it is private" Tanging sagot ni Alessia at sumakay sa bike niya at pinaandar ito.
Pagkalipas ng apat na oras ay sumapit na ang alas sais ng gabi, kaya masayang nag sipasukan na sila Finn sa tatlong range rover na kotse para umalis na. Sa isang kotse ay si Alex, Chen, Fai and Rain. Sa isang kotse naman ay si John, Kurt, Steve, at Zhask. Samantalang sa isang kotse naman ay si Harper, Finn, Pabel at Ching. At sa isang kotse naman ay si Alessia, Caelan, Kanos, at Pabel.
Sa kotse nila Alessia ay si Caelan ang nag presentang mag drive habang si Alessia ay nasa passenger seat at si Kanos at Ying.
"Sure ba kayo na wala tayong kukuhain na security?" Tanong ni Ying na kabado pa ata sa seguridad niya.
"Bakit di mo ba kayang bumaril?" Sarcastic na sabi ni Kanos at kumuha ng masasandalan bago pumikit at natulog. Habang si Caelan naman ay nag umpisa nang ipaandar ang kotse.
Maayos naman ang naging byahe nila sa loob ng isang oras hangggang sa na traffic sila kaya napag desisyunan nilang mag stop sa malapit na fast food chain at mag hapunan muna.
"Ito libre ko na" Sabi ni Caelan kay Zhask na mag oorder at inabot ang limang libo. Tumango naman si Zhask at tinanggap ito.
"Kelan pa kaya huhupa ang traffic" Singhal ni Alex habang tinatanaw ang haba ng pila.
"Kaya nga at nang makaalis na tayo dahil naalibadbadan ako sa mga tao na nakatingin saatin" Bulong naman ni Fai. Tumawa naman ang iba.
"Tingnan monga si Alessia at sanay na sanay na sa gantong scenario." Pag biro ni Kurt na ginatungan din ng iba.
"Oo nga pala may beer na ba kayong nabili?" Tanong ni Steve.
"Wala pa nga, pero meron din naman don sa resort" Sabi ni Pabel
"Kahit na, bili parin tayo para di naman puro mamahalin matikman natin- nakakasawa din minsan maging mayaman" Puno ng pag ka hambugan na sabi ni Ching. Natawa naman sila.
"Ako na bibili" Presenta ni Alessia na tumayo at inayos ang sumbrerong suot bago kinuha ang kanyang wallet.
"Sasama kami ni Ying" Sabi ni Caelan na tumayo din at sinenyasan si Ying na agad ding tumayo at sumunod.
Makalipas ang limang minutong lakaran ay nakapunta din sila sa isang gas station kung saan may convenience store.
"Ano bang gusto nila?" Tanong ni Alessia
"Ito nalang, iba sakanila di pa nakakatikim nito" Turo ni Ying sa isang common na beer sa pinas.
"Sige kuha kayo ng tatlong case" Sabi ni Alessia at pumunta naman sa candy section.
"Samahan mo si Ying" Sabi ni Alessia kay Caelan na sumunod sakanya habang nakatuwad na tinitingnan isa isa ang mga candy. Di naman na sumabat si Caelan.
"Ako na mag bubuhat ng isa" Sabi ni Alessia at kukuhain na sana ang isang case nang walang kahirap hirap na kinuha ito ni Caelan. Hindi na kumibo pa si Alessia dahil ayaw na niya dito makipag talo at binayaran nalang ang bayarin nila.
"Keep the change" Sabi niya ng maiabot ang dalawang libo bago kinuha ang supot ng candy at nauna nang lumabas.
Tuloy tuloy na sana ang pag alis nila sa gas station nang may makita silang limang armadong lalaki na sa unang tingin ay alam mo nang ninanakawan ang gas station.
"Ying baril" Utos ni Alessia, agad namang kinuha ni Ying ang baril.
"Ako na" Singit ni Caelan pero hindi siya pinansin ni Alessia.
"Diyan kalang" Sabi ni Caelan kay Ying na para bang na e excite sa mangyayari.
"Anong ginagawa mo dito miss?" Inis na sabi ng isa sa mga mag nanakaw. Minata lang ito ni Alessia.
"Wag kang gagalaw kundi babarilin kita" Nauutal na sabi naman ng isa.
"Pre, kasama niya ata yung lalaki na paparating" Bulong ng isa sa kanila na narinig din naman ni Alessia.
"Hindi niyo ba alam na masama at bawal gumamit ng baril malapit sa gaas" Kalmadong sabi ni Alessia, sasagot pa sana ang isa ng mabilis na binaril ni Alessia ang dalawang lalaking may hawak sa dalawang lalaki na nag tatrabaho sa gas station- bilang responde, agad din namang binaril ni Caelan ang tatlo pa.
"Tumawag ka ng mag lilinis nito" Bulong ni Alessia kay Caelan at nilapitan ang dalawang lalaking tulalang nakatingin sa limang patay na mag nanakaw.
"Kami na ang bahala dito, makakaalis na kayong dalawa" Singhal ni Alessia
"Pero--" Sasabat pa sana ang isa nang tigilan siya ni Alessia.
"Ang kasama kong iyon ay isa sa mga biggest stock holder ng kumpanya ng gas station na ito, kaya kung natatakot kayo at kulang ang kinita niyo wag kayo mag alala" Sabi ni Alessia at binunot ang tseke sa wallet niya at kumuha ng ballpen sa counter at nag sulat dito.
"Isang daang libo sainyo, tag isa kayo- kapalit ng pananahimik niyo sa nangyari na ito. At wag kayong lilihis sa usapan, dahil kayo rin ang mapapahamak" Sabi ni Alessia at inabot ang tseke sa kanilang dalawa bago tumalikod. Habang sa kabilang banda naman ay si Caelan na masusing inaral ang dalawang lalaki bago sinundan si Alessia.
Pag karating nila sa kinakainan nila ay natulala sila nang makita ang mga naiwan ay halos hinaharas na ng mga babae.
"Pa picture na sige na" Sabi ng isa kay Steve na kumakain parin.
Habang si Caelan at Ying ay napatigil, si Alessia naman ay mabilis na lumapit sakanila at pinag kukuha ang cellphone ng mga babae.
"Sandali, cellphone namin yan!" Sigaw ng isang babae.
"Girl, tingnan mo iyon yung target natin kanina" Bulong ng isa na narinig din naman ni Alessia habang nakaturo kay Caelan.
"Bumili nalang kayo ng bagong cellphone, Ying" Sabi ni Alessia at tawag kay Ying.
"Ito" Sabi ni Ying pag katapos ay binigyan ang mga babae ng cash na sakto para makabili ng mamahaling cellphone.
"Tara na, take out niyo nalang yan alis na tayo" Sabi ni Alessia sa mga lalaking nakaupo at kumakain, agad din naman silang nag tayuan. Mag lalakad na sana si Alessia nang kalabitin siya ng babae.
"Uhm- anong pangalan nong naka gray?" Nahihiyang tanong ng babae at tinuro si Caelan.
"You piece of---" Aamba na sana si Alessia sa babae nang biglang hinawakan ni Caelan ang braso ni Alessia.
"Please leave us alone, you wouldn't want this beast to get mad" Nakakalokong ngiti ni Caelan at inakbayan si Alessia at pinwersang hinila papalabas samantalang sila Ying ay nag tawanan.
"Ang daming nakatingin kanina, nakakahiya" Singhal ni Alessia nang makapasok sa kotse. Natatawang sinarado naman ni Caelan ang pintuan.
"Sasapakin mo pa nga yung babae e, nahiya ka pa non" Pangangasar na sabi ni Caelan pero di nalang niya pinansin ito at nag cellphone na lamang.
Pag katapos ng mahigit 3 oras na byahe dahil sa daming traffic nakarating na sila sa resort ng pamilya ni Pabel sa batangas.
"Pina occupy ko ang buong 3rd floor for us" Sabi ni Pabel nang matapos niyang makausap ang supervisor habang ang mga tauhang lalaki naman ng resort ay kanya kanyang tulong na sa mga dalahin nila.
"No, it's fine ako na mag dadala" Resist ni Alessia nang kukuhain sana ng isang matangkad na lalaki ang dala niyang bag.
"I insist ma'am it is my job to offer my service to you up until your last second here" Nakangiting sabi naman ng lalaki.
"Still a no" Seryosong sabi ni Alessia at nag lakad na. Habang si Caelan naman ay minata ang lalaki na hanggang ngayon ay nakasunod ang tingin sa papaalis na si Alessia.
"Mukhang ikaw naman ang highblood ngayon" Pang aasar na bulong ni Harper kay Caelan bago nag lakad nadin.
"Carry this one" Matigas na utos ni Caelan sa lalaking kumausap kanina kay Alessia at binato ang bag nito sa lalaki.
Alessia Pov'
"Dinner na" Sigaw ni Ching sa labas ng pintuan ng room ko bago kumatok. Di nalang ako sumagot pa at agad na tumayo at nag pabango.
10pm na at late na talaga ang dinner namin, kahit sarado na dapat sa gantong oras ang main restaurant ng resort ay binukas parin ito dahil saamin. Malamig sa labas kaya nag suot lang ako baggy pants at two piece na bra, at dahil sa kita ang aking puson- nilagyan ko ito ng hikaw dahil sayang naman ang sakit na dinanas ko dito kung walang silbi ito.
Nag suot lang ako ng slides bago kinuha ang maliit na purse ko bago lumabas. Tumambad sakin ang kinseng lalaki na nag tatawanan sa labas.
"Ang tito ko ang mag luluto saatin ngayon kaya sana naman masarapan kayo at wag mag inarte" Sabi ni Pabel nang makasakay na kaming lahat sa elevator.
"Bakit pa kami mag rereklamo? E greatest chief kaya ang tito mo- walang panlasa lang mag rereklamo" Sagot naman ni Zhask.
Nang makababa na kami ay sinalubong kami ng halos lahat ng stuff dito, hindi nila pinansin ang mga ito samantalang ako ay tinanguan ko sila isa isa ng may halong onting ngiti.
"Para kang kakandedato ah" Biro ni Kanos sa gilid ko.
"It is how you pay respect and appreciation for their service Kanos" Saad ko at tinarayan siya. Totoo naman, simpleng gesture ay mapapasaya mo sila dahil para sakanila pag binigyan mo sila ng magandang trato ay na a appreciate mo ang trabaho nila.
"Ano ka ba, ganyan talaga ang mga kagaya ni Alessia- like Caelan's family, they like to smile" Pambibiro ni John na di ko nalang pinansin pa.
"Ganyan talaga kamo pag may minamata" Singit ni Caelan na di ko nalang din pinansin dahil gutom ako at wala akong panahon makipag away