"Take.." Abot ng maligamgam na tubig ni Bimbo kay Summer. Hawak din nito ang breadloaf na tanging kinakain niya for breakfast. Andito siya sa bangkong de tumba-tumba sa harapan ng seaside veranda at tahimik na nagmamasid sa kalmadong karagatan. It's early in the morning here in Cebu, payapang buwan ng Nobyembre at ang araw ng pag-gunita ng nalalapit na kapaskuhan. Kinuha agad ni Summer iyon at nagpasalamat. Sa totoo lang sa magtatatlong buwan niya rito sa Cebu ay alagang-alaga siya ni Bimbo. Si Bimbo lahat ang nag-aasikaso sa kaniya. Sa pagpapa-check up niya t'wing kinakailangan, lalo na at isang buwan na lang at manganganak na siya. Sa kaniya nalaman ni Summer ang salitang disiplina. Disiplina sa ehersisyo. Disiplina sa kain, sa tulog. Sa lahat. Tuwing umaga at hapon ay nagpapasama

