Nakatitig si Bimbo sa babaeng kasama niya. Ito nga ang sinasabi ng pinsan niya. Klarong-klaro naman sa sinabi nitong kulay abong buhok, makurbang katawan at maingay na babaeng gaya ni Summer. Ngumiti pa si Bimbo at sumingit sa pagsasalita ng babae. "At your service," ngiting sambit niya sa babaeng tila nakakita ng multo. Ano ba kasi ang sinabi nila France dito? Baka sinabi na naman nila ang parati nilang tawag sa kaniya na Bimbong matanda, uhugin o isang lalaking nagme-menopause. Sambit ng utak ni Bimbo. Sa totoo lang kasi, nasasabi nila ang mga bagay na 'yon dahil sa pagiging istrikto niya sa lahat ng bagay mapa-noon o ngayon man. Dahil na rin siguro sa mga magulang niya na mga army at maagang namulat sa mga kilos militar na asal. Hindi niya maitago ang pagkakamangha sa babaeng

