"Bakit? Ano ba kasing nangyari? Magsalita ka girl?" Sambit pa ni France habang noo'y pinapakalma si Summer sa pag-iyak. "Tulungan mo ako France, please." Sambit pa niya rito, dahilan para may kung ano itong kinuha,ang kaniyang cellphone at noo'y may kinausap sa kabilang linya. "Girl, I need your address, yes now. Asap. Basta, oo nga sabi, eh. She just want to temporarily stay there. Oo, sabihan ko na rin siya..okey, okey, okey. Sige send mo na lang. Sige bye," sabi pa nito na parang si Skye ang kausap. France write something sa isang maliit na papel at ibibigay iyon kay Summer. Address iyon ng kung sinong tao. Buo na ang desisyon niya ngayon. Aalis siya rito sa magulong buhay sa Maynila. Magpapakalayo-layo muna siya para makapag-isip ng tama. "Sige na girl, ako na rin ang magsasabi k

