Episode - 3

2273 Words
Halos sumakit na ang aking mga mata sa kasisilip sa kanila sa pagitang ng mga dinding. "Alis na at kami na bahala dito." Pagtataboy nila kay Kuya Samuel. "Huwag na huwag niyo siyang sasaktan at mananagut kayo sakin." Angil ni Kuya Samuel. Matalim ang mga mata niyang pinagbantaan ang mga ito. Alam kung labag ka kalooban niya ang ginawa, pero bakit? "Huwag kang mag-aalala paliligayahin lang namin siya dahil kaarawan naman niya ngayon at alam namin magugustuhan din niya gagawin namin, baka nga hanap hanapin na niya." Nakangising usal ng isa na nagbigay ng matinding kilabot sa akin. Ang isa naman ay tinungga at sinaid ang alak na laman ng basong hawak na parang takam na takam sa putahe ng pagkaing pinapangarap na kainin. Walang kibong dinampot ni Kuya ang mga pera sa harap niya at tumayo. Nilingon pa niya ang aming barung-barung bago mabagal na naglakad patungo sa halos kalansay na niyang motor. Kita kung nagpahid pa siya ng luha sa mga mata kaya maging ako'y napaluha na rin sa mga nasasaksihan. Agad din niyang tinadyakan ang kanyang motor ng makasakay at pinaharurot 'yun. Alam kung mahal na mahal ako ni Kuya pero bakit siya pumayag na ibenta ako sa mga kabarkada niya. Pag nasimulan nila akung gawan ng kahalayan alam kung hindi na nila ako titigilan hanggang hindi sila nagsasawa. Gusto kung humahulgol ng iyak pero hindi ako pwedeng gumawa ng kahit anung ingay baka madinig nila ako. Kita kung tumayo na siya at halos tumulo ang kanyang laway sa pagkakangisi. "Pano pasok na ako, wala makikialam hanggat hindi pa ako lumalabas." pabulol na wika ni JR at tinalikuran na ang mga kasama niya kaya nahapit ko ng mahigpit ang aking suot na t-shirt, hindi ko rin maihakbang ang aking mga paa dahil sa takot at panginginig nito. Nakakaisang hakbang palang siya ng napakapit siya sa sandalan ng bangkong tinayuan niya at agad din bumalik sa pagkakaupo tukup-tukop niya ang kanyang noo at hinilot yun ng ilang beses, akmang tatayu ulit siya ng bumagsak siya ulit paupo sa bangko, ilang ulit din niyang ipinilig ang ulo bago pasandal na ipinikit ang mga mata. Ganun din ang isa na mukha rin tulog na. Dinig ko rin nagmumura pa ang isa pero hindi ko na maintindihan mga sinasabi niya dahil pabulol na siyang magsalita na para bang puro hangin lang lumalabas sa kanyang bibig pagnagsasalita. Nang makita kung tulog na silang lima. Para pa rin akung hindi makahinga, kinakapus ng hangin ang aking baga. Inisang tungga ko ang basong puno ng tubig upang maibsan ang paninikip ng aking dibdib dahil sa kaba, ilang beses din akung humugot at nagbuga ng hangin gamit ang bibig. Minsan pang tinaponan ko ng tingin ang mga barkada ni Kuya Samuel na tulog lahat. Ilang minuto ko rin pinakalma ang aking sarili bago nagmamadaling tinungo ang pinto sa likod bahay, hinila ko sa sampayan ang jacket na katerno ng suot kung jogging pants, nasa tabing bakod na barbed wires naman ang rubber shoes ko at nagmanadaling isinuot 'yun. Maingat akung lumusot sa pagitang ng mga barbed wires para hindi ako makawit at masugatan, ilang beses na rin akung pumasok sa bakanteng loteng ito kaya kabisado ko rin ang pasikot-sikot. Sa mapusyaw na liwanag ng buwan pilit kung inaaninag ang aking daraanan. Natatakot akung baka may ligaw na hayop akung matapakan.Takbo lang ako ng takbo, alam kung sa dulo ng bakanten loteng ito ay hi-way na. Kailangan ko lang tumawid sa kabilang kalsada, at tumakbo pa ng ilang metro para makasakay ng jeep. Humihingal akung nakarating ang dulo at maingat ulit sumiksik sa pagitan ng mga matatalas na alambreng bakod para makalabas. Hi-way na ang aking nalabasan luminga pa ako sa kaliwa't kanan at ng wala akung makita sasakyang paparating nagtatakbo ulit ako patawid sa kabilang kalsada. Halos hindi na sumasayad ang aking mga paan sa lupa sa bilis ng takabo ko para iligtas ang aking sarili, pero isang SUV van ang biglang huminto sa aking daraanan at lumabas ang dalawang lalaki. Sa takot ko patakbo akung bumalik sa pinanggalingan ko, kita ko sa gilid ng mata ko ang pag-atras din ng sasakyan sa liwanag ng ilaw nito. Dalawang lalaki ulit ang lumabas duon ng matapat sa akin at agad sinunggaban ang aking braso. "Tulonngg! Tuloonngg!" Sigaw kung paulit-ulit kahit alam kung walang taong nagdaraan at wala din kabahayan. Pilit din akung nagpupumiglas at naglalaban pero walang silbi ang lakas ko kumpara sa apat na lalaking may hawak sakin. "Tiba-tiba tayo nito. Mukhang batang-bata ito at maganda. Matutuwa si boss nito. Huwag niyong gagalawin para may bonus tayo kay boss." mga boses na nadinig ko bago pa ako nilamon ng kadiliman matapos may nagtakip ng tela sa aking ilong. Malamig na tubig ang nagpagising sakin, mga sari-saring boses din ang aking nadinig medyo masakit ang aking ulo kaya ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at nakiramdam. May nadinig akung boses ng babaeng umiiyak at nagmamakaawa siya sa kung anung dahilan. "May mga customers na sa labas, gisigin mo na 'yan lagyan mo daw ng make-up at siya daw ang huling io-auction. Gandahan mo daw make-up para mas malaki kitain." utos ng isang boses babae kasabay ng pagsabuy ng tubig sa aking mukha, napadilat ako at muling ipinikit ang aking mga mata dahil malabo ang aking nakikita. Ilang beses ko pang ikinurap-kurap ang aking mga mata para masanay sa kapaligiran "Tayo!" Sigaw ng babae. Inilibut ko ang aking paningin sa paligid, pero malabo lang ang aking nakikita na halos hindi ko maaninag ang mukha ng mga taong kasama ko. Mapusyaw ang kulay pulang ilaw na nakalawit sa kesame. Meron din akung nadinig na marahut na musika. Maliliit na pirasong kawayan na pinagtabi-tabi ang sahig ng aking kinahihigaan, sawali ang dingding, kugon ang pinaka bubong. Sa tingin ko isa itong cottage na malaki. Meron pinto sa gawing kanan, meron din mas maliit sa may paanan ko, at may isang bintana sa pinaka-gitna, nag-aagaw dilim at liwanag na sa labas. Ibig sabihin maghapon akung nakatulog ng walang kain kaya medyo hilo na ako. "Tayo na!" Sikmat na sigaw ulit sa akin ng babae bahagya pa niya akung sinipa sa aking tagiliran, medyo malaki ang katawan niya, naka-jacket siya ng maong katerno ng pants niya. Nakasuot siya ng leather boots na kulay brown. Bigla din niyang hinila ang aking braso, kaya malakas kung piniksi iyon, pero nahawakan niya ang manggas ng aking t-shirt na ikinapunit nito. "Ano ba!?" sigaw ko sa kanya kaya mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sakin. Iniisip ko pa kung anung mga pinag-uusapan nila dahil nalilito pa rin ako kahit may kunting ideas na ako. "Huwag po!... Huwag po! Ibalik niyo po ako sa Mama ko!" sigaw na pagmamakaawa ng mga babaeng nasa giliran ko. May mga boses din ng mga babae akung marinig na nakikiusap na ibalik sila sa kanilang ina. Kaya nilinga ko ang paligid may isang pinto na may kaluwangan ang nagbubukas sarado tuwing may papasok o lalabas na tao alam kung hindi naka-lock 'yun, meron din isang baitang ng hagdan paakyat sa kwartong kinalalagyan namin. Kailangan ko lang kumuha ng tiyempo dahil hindi ako pwedeng magtagal sa lugar na ito. "Tayo na, pumasok kana sa banyo, maglinis ka ng katawan mo at magbihis. Aayusan ka pa para naman maganda ka sa paningin ng mga costumer. Para malaki rin ang maging bid nila." singhal niya sakin sabay haltak niya sa buhok ko at itinulak niya ako papasok sa banyo pero napasaldak ako sa kawayang sahig. Muli niya akung hinila na naging sanhi ng pagkapunit ng aking t-shirt na umabot na sa likod ko. Pero nagmatigas ako. "Ako na kaya kung tumayo." Mariing asik ko at dahan-dahan tumayo. "☆☆☆" "Boss saan na po tayo?" Tanong ng personal driver niya matapos niyang lumabas sa magarbong establisimiyento. Tumingala siya at pinagmasdan ang kapaligiran bago tumingin sa suot na mamahaling wrist watch. "I want to visit the site. More than three years ko na rin hindi nabibisita 'yun." Malumanay na wika nito bago pumasok sa loob ng black Mercedes-Benz niya. Maingat naman isinara ng driver niya ang pinto ng kotse ng makaupo na siya at nagmamadali din ito pumasok sa driver seat. "Gusto kung makausap ang mga nagtitinda duon na pansamantala muna nilang lisanin 'yun. Para sa nalalapit na paggawa ng konstrasyon." Anito. Sinandal pa nito ang pagal na katawan at bahagyang tumingala. Kasunod din nila ang isang black SUV van sakay ang mga body guards nito na armado ng matataas na kalibri ng baril. "Boss andito na po tayo. Bababa po ba kayo?" Magalang na tanong ng driver niya. Malawak ang nasabing loteng pag-aari nito na napapalibutan ng mga barbed wires, may pinaka gate ito na pwedeng daanan ng mga sasakyan papasok. Tumingin siya sa tinted na bintana ng sasakyan. Bago nagpasyang bumaba. Halos magdikit ang makapal na kilay nito at kunot na kunot din ang kanyang noo dahil sa natatanaw ng nangliit niyang mga mata. Hindi niya pansin ang mga pagbati ng mga taong sumalubong sa kanya. Agad siyang bumalik sa loob ng kotse at pabagsak na umupo dito. "Ipasok mo sa loob gusto kung makita kung anong meron duon." Mariing utos na nito. May mga mamahaling sasakyan ang nakaparada sa isang gilid, may mga tao rin nagsalimbayan, may mga malalamlam na ilaw sa paligid. May mga cottages din sa gitna na ipinagtaka niya kung bakit may mga ganuon bagay sa teretoryo niya. "Itabi mo." Utos nito. At agad na bumaba ng sasakyan. May mga kakaibang ingay silang narinig, iba rin ang pakiramdam nila sa mga kaganapan sa loob ng mga cottages. Binulongan niya ang isa sa mga body guard niya at agad itong tumalima. Nakakailang hakbang palang sila ng may humahangos na babaeng papalapit sa gawi nila. At bago pa ito makaratin sa kanila madapa ito at napasubsob na mismong paanan niya. Kita niyang punit ang damit ng babaeng umiiyak at nagmamakaawang humihingi ng saklolo. "Please tulungan niyo ako. Hindi ako masamang tao. Kinidnap lang nila ako." Nanginig na boses nitong wika habang umiiyak. "Ssshhh... Stay!. Don't move. You're safe now." Mariing saad niya at ipinatong pa niya ang nakabukas na palad sa ibabaw ng ulo nito. Kaagad naman niya hinubad ang leather black jacket at itinabon sa ulo ng babae, hindi man lang niya nakita ang mukha nito dahil malaki ang jacket niya kaya sakop nito ang ulo hanggang likod ng babae. "Don't cry. Don't worry, you're safe now." Bulong niya ulit sa babae. "P... ina!" Sigaw na asik ng isang babaeng mabibilis ang hakbang palalapit sa kanila "Akala mo siguro makakatas ka dito. Huh" Sikmat ulit nito sabay hablot sa braso ng babae. Pero isang mala-bakal sa tigas ng kamay ang pumigil sa kamay ng babae dahilan para mapaigik ito. "Sir kung kursunada niyo siya sumali nalang kayo sa auction, malapit na itong magsimula kaya pwede na kayong pumasok sa loob. Bibigyan ko nalang kayo ng tip. Siya ang huling isusubasta kaya mas mataas ang bid niya. Kita niyo naman batang-bata, napaka ganda nito at sariwang-sariwa." Litanya ng babaeng daing pa ang magtitinda ng isda sa palengke. "No! Hindi mo siya ibebenta." mariing niyang singhal. At mas lalong idiniin ang pagkakahawak sa kamay ng babae. Nagpupumiglas din ang babaeng may talukbong na jacket. "Sir kung talagang gusto mo siyang i-take out, simple lang naman dapat mong gawin kaya lang mas doble ang presyo niya. Hindi pa kasali ang exit pass at iba pang charges kaya aabut ng triple ang presyo niya pero sulit naman kayo." Dagdag pa nito. "Ano sir? Kaya niyo ba ang presyo?" Dungtong pa nito. "How much?" maikling wika niya pagsakay sa sinasabi ng babaeng nakikipag-deal sa kanya mahigpit din niya pigil ng isang kamay ang babaeng umiiyak. "Aabot sir ng kalahating milyon. Kaya niyo ba? Hindi rin kami tumatanggap ng cheque, we need cold cash. Ano kaya ba sir?" untag nitong muli. Kaya bahagya siyang napatangu-tango. Habang pilit ng pupumiglas at nagmamakaawa ang babae. "Ok, hindi niyo siya pwedeng ialis dito ng ganyan siya, mahihirapan kayo dahil magwawala yan sa daan palang kailangan natin munang patahimikin." Saad nito, may hinugot itong kung ano sa back packet nitong suot na pantalong maon. Ilang sigundo lang nanghina at nawalan nangmalay ang babae na agad bumagsak sa mga braso niya matapos may itakip ito sa mukha ng babae. "f**k!" Mariing bulalas niya dahil bumagsak sa kanya ang bigat ng babaeng kani-kanina lang ay nagwawala sa kapipiglas at kaiiyak. "Buhatin mo at dalhin sa kotse." Maawtoridad niyang utos at maingat na inayus ang nakatakip na jacket sa ulo ng babae. "Damn you woman, who the hell are you to deal this kind of illegal business." Dumadagundong nitong bulyaw sa mukha ng babae, kasabay ng isang nakabibinging mariing sampal sa pisngi ng babae na kamuntikan nitong ikatumba. Ilang babalang tili ang pinakawalan ng babae kaya nakakuha sila ang attention sa mga tao sa paligid. Kaya isang sampal pa uli ang dumapo sa kabilang pisngi nito na ikinatumba ng huli. Mabilis din nitong nahugot ang nakasukbit na kalibre .45 nitong baril sa bandang likurang bahagi ng katawan pero mas mabilis ang lalake kaya walang kahirap-hirap nito naagaw ang baril sa babae. At isang warning shot ang pinakawalan nito. Isang hudyat upang magkanya-kanya na ng bunot at kasa ng mga baril ang mga body guards niya. Kanya kanya din ng pwesto ang mga ito. Isa pang putok ng baril ang umaligaw-gaw mula sa body guard niya. Kasunod ng pagpulasan ng mga taong natataranta at walang paki-alam sa paligid dahil ang tanging hangad nila ang makaalis at makaiwas sa nagbabadyang malaking gulo. . . . . . ......................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD