Bang!! ... Bang!
Naglabasan ang mga tao sa loob ng mga cottages. Nagpulasan ang mga ito sa hindi malamang direksyon kung saan patutongo sa pagkataranta. Dahil sa ilang sunod-sunod na putok ng baril sa hindi rin malamang dahilan. Kanya-kanya ng sakay sa kani-kanilang sasakyan ang mga ito at agad din pinasibad, humaharurot ang mga sasakyan ng mga ito palayo sa lugar. Natatakot na madamay kung ano man eskandalo ang hatid.
"Ta..g ... ina mo! Sino ka bang hayop ka para pakialaman kami dito." Mariing sikmat ng babaeng mukhang sanay na sanay sa labanan kasabay ng pag-igkas ng isang paa nito pataas na muntikan na siyang tamaan sa panga kung hindi siya maagap na nakailag. Kaya pinalo niya ito sa mukha ng puluhan ng baril na hawak. Ang malalakas na mga daing at tili nito na sinasadya ang kumukuha talaga ng atensyon ng mga tao. Pinahihiwatid lang na may partikular na taong hinihingan nito ng saklolo. Dahil mukhang isa ito sa may mataas na tungkulin sa grupo. Matalas ang dila nito kung magbitiw ng mga salita.
"Tang... ina mo! Sino ka para pasuking ang teretoryo ko at guluhin kami." Malakas na boses ng isang lalaki na mala demonyong asik nito habang nakatutok sa kanya ang baril na hawak. Mabilis din ang kilos nito papalapit sa kanya pero isang putok ang pinakawalan niya na tumama sa kamay nitong may hawak na baril kaya nabitawan at napahinto ito sa mabilis na paglalakad pero determinado itong sagupain siya kaya patuloy lang ito sa mabilisang lakad at ng mapagsino nito kung sino siya.
"D-don C-carlos.!" Nanginginig at takot na takot nito malakas na usal. Napaluhod din ito sa takot ng makalapit sa kanya. Kita rin dito na tinakasan ito ng kulay sa mukha, kaya nagmistula itong papel sa puti.
"Demonyo ka Simion! Binigyan na kita ng ikalawang pagkakataong mabuhay ng patas pero gumawa ka nanaman ng illegal at sa nasasakupan ko pa." Mariin niyang asik dito at inundayan ng malalakas na sunud-sunod na suntok sa mukha. Halos hindi rin makagalaw ang babae sa giliran niya sa nasasaksihan at naririnig.
Sumasargo na ang pulang likido nito sa mukha bago tigilang ni Don Carlos. Humihingal itong pinakatitigan ang babae sa tabi niyang hindi makahuma sa takot.
"Ipakita mo ngayon ang tapang mo babae ka. Wala kayung awa sa mga inosenteng kabataang babae. Kayo ang salot ng lipunan dapat sa inyo pinadadala na ang kaluluwa sa impiyerno." Sikmat niya dito, sabay sipa sa tagiliran na ikinaik nito. Para itong basang sisiw sa takot ng malaman nito kung sino siya. Ilang putok pa ng baril ang kanyang narinig. Mga tilian at iyakan ng mga babae ang maririnig sa mga cottages. Kasabay ng palakas ng palakas na tunog ng mga sirena mula sa mga police mobile na paparating.
"Magandang gabi po Don Carlos." Agad na bati ng pulis ng makalapit sa kanila. Kanya-kanya rin ng ikot ang mga pulis para alamin ang nangyayaring gulo.
"Hulihin at ikulong ang mga iyan at huwag na huwag ninyong hayaang makatakas silang lahat. Kung hindi ako mismo ang papatay sa mga yan para hindi na maghasik ng lagim." Maawtoridad niyang utos sa mga pulis. "Maraming mga babae sa loob tulungan niyo silang makauwi sa kani-kanilang mga tahanan." Dagdag utos pa ni Don Carlos.
Kita niyang wala na ang mga sasakyan na kani-kanina lang ay hindi niya mabilang sa dami. Marami na rin tao ang naglabasan sa kanilang mga bahay para makiisyuso. Matapos maposasan at talian ang lahat ng taong nahuli. Isinakay na ang mga ito sa mga mobile patrol.
"Don Carlos wala na pong tao sa mga cottages, naisakay na po namin lahat." pagbibigay anusyo ng hepe ng pulis. "Pwede po niyo silang sampahan ng kaukulang kaso." Dugtong pa nito.
"Halug-hugin ang bawat sulok ng mga kubo at sunugin." Mariin niya utos dahil kahit kailan hindi niya pinapayagan ang mga illegal na gawain. Lalo na ang gawing casa ang prebadong lupa niya.
Ilang piraso ng ibat-ibang uri ng mga high caliber gun na walang lisensiya ang nakuha ng mga pulis, mga sachet ng mga illegal drugs na sa tantiya niya ay aabut ng kalahating kilo. Mga paraphernalia, s*x toys at kung anu-ano pang illegal na gamit. Meron mga pera. Pinictural at binidyuhan ng mga pulis lahat ng nasamsam ng mga ito. Bago niya pinasunog ang mga cottages.
"Magandang gabi po Don Carlos, buti po nagawi kayo dito samin. Takot na takot po kami dito dahil sa mga nagkalat na mga tauhan ni Simion. Lahat po ng mga bahay dito nagsasara na bago palang dumilim, sa takot na may mangyari sa aming masama lalo na po sa mga kadalagahan namin dito." Maluha-luhang litanya ng isang babae. Kaya wala siyang nagawa kung hindi maupo sa isang silya at pakinggan ang mga hinaing ng mga ito. Hindi niya masisisi ang mga ito kung natakot man sa mga grupo ni Simion. Lalo at may mga armas ang mga ito. Sari-saring kwento ang mga narinig niya buhat sa mga ito, na pawang pangamba at takot ang namamayani sa mga ito.
"Huwag na kayung matakot simula ngayon wala ng manggugolo sa inyo. Paumanhin sa inyong lahat, dahil kung hindi ko siya pinatira dito hindi mangyayari ang mga illegal na aktibidadis na ganito. Hayaan niyo malapit ko ng patayuan ng pabrika itong lote ko. Magkakaroon na rin ng mga hanap buhay ang ibang mga anak niyo. Isa hanggang dalawang tao mula ngayon." Mahabang wika niya na ikinaaliwalas ng mukha ng mga ito. Habang ang mga body guard niya ay nakapalibot sa kanya. Maging ang ilang pulis na naiwan nakabantay sa kanya. Minsan na itong dinumog ng mga taong bayan, niyakap at kinakamayan na daig pa ang isang sikat na artista. Kilala ito bilang isang taong maunawain, mapagkumbaba at mapagkawang gawa, pero kinatatakutan ng kahit sino pagnagalit siya, dahil wala siyang sinasanto lalo at nasa katwiran ito. Patay kung patay, ilan beses na nilang nasaksihan ito kung paano magalit. Tulad nalang kanina, halos patayin nito ang mga tauhan ni Simion babae man o lalake, basta nagkasala.
"Don Carlos magmeryenda po muna kayo. Alok ng isang babae at inilapag sa ibabaw ng lamesa sa harap niya ang isang bilaong sumang kamuteng kahoy na umuusok pa. "Pasensiya na po yan lang nakayan namin." Dagdag pa nito, may mainit din kape.
"Oh eto mag meryenda daw tayung lahat, huwag niyong sayangin ang hinanda para sa ating pagkain." Saad ng Don at nauna ng kumuha ng suman. "Naalala ko ang nanay ko, magaling siyang maluto ng mga kakanin noong kapanahunan niya. Ngayon madalang na akung makatikim ng kakanin. Karamihan sa handaan puro pasta at kung anu-anong mga pagkaing ma-cholesterol ang mga ihinahanda." Naiiling nitong turan. Na sinang-ayunan naman ng mga tao sa paligid niya.
Pasakay na siya sa kotse niya ng makita kung ano ang sana upuan niya kaya napahinto ang sanang pagpasok niya sa loob. Nawala na sa loob niya ang babaeng halos magwala sa kapipiglas kanina. Malakas ang loob nito. Diterminadong itong makatakas para maisalba sarili. Gulong-gulo ang buhok nitong nakasubsob sa paanan niya kanina, punit din ang damit nito dahil sa pagtakas. Hindi rin niya kita kung ano bang hitsura nito. Pero sa nakikita niya sa kamay nito maputi ang babae.
"Boss bubuhatin ko nalang at ililipat sa kabilang sasakyan." Ani ng driver niyang nakatayo sa tabi niya.
"No. It's alright. Hayaan mo na siya dyan. Puro mga barako ang nasa kabilang sasakyan. Puno na rin sila duon." Tugon nito. Naisip niyang baka may matuksong galawin ang babae, dahil tulog na tulog ito sanhi ng gamot na pinaamoy dito. Kaya kahit anung gawin dito hindi ito agad magigising. "Sige na umuwi na tayo. Pagod na ako. Gusto ko ng magpahinga." Dugtong pa nito.
Mahaba ang magiging byahe nila. Aabut nalang ng apat na oras dahil wala ng traffic. Kaya isinandal nalang niya ang likod sa sandalang ng kinauupuan niya gusto niya kahit kunti nakaiglip siya. Marami pa siyang dapat asikasuhin bukas. May mga ime-meet din siyang mga tao para sa pinaplanong pagtatayo ng garment textile.
Naalimpungat siya sanhi ng pagkalam ng sikmura niya. Sa haba ng naging tulog niya mukhang gumaan ang pakiramdam niya pero bigla siyang napabangon ng mapagtanto niya kung nasaan siya. Isang malaki at malambot na kama ang kinahihigaan niya, naaaninag din niya ang karanyaan ng kwartong inaakupa niya. Malamig tanda na may aircon. May dalawang lampshade sa magkabilang gilid ng kama na nakapatong sa bedside table. Na tanging nagbibigay ng liwanag sa loob ng maluwang na silid. Napapalibutan din ng kulay murang berde ang kabilang bahagi ng dingding. May flat screen tv rin na hindi kalakihan sa may giliran ng kama. May tatlong pinto siyang nakikita, magkatabi ang dalawa na nahuhulaan niyang banyo ang isa dahil nakaawang ang pinto at nasisilip niya ang tiles na kulay puti.
Pinakiramdaman niyang mabuti ang sariling katawan kung may kakaiba ba siyang nararamdaman bukod sa masakit na balikat, braso, tuhod at balakan wala ng iba. Pinakatitigan din niya ang pink na bulaklaking suot na ternong pajama na may short sleeve. Naalala pa niya ang mga kaganapan bago siya nawalan ng malay. Inilalako siya sa halagang kalahating milyon. "Napakamalas naman ng birthday ko. Puro dusa ang inabut ko. Matapos akung makatakas sa mga barkada ni Kuya Samuel, nadukot naman ako. Para ibenta naman." Maluha-luha niya usal sa kawalan. Nasa ganuon siya pagmumuni-muna ng maramdaman niyang ang pag click ng pinto kaya sa takot pumaloob niya sa kumot. At ng may papalapit na mga yabag siyang narinig.
"Huwag po! Huwag kayong lalapit. Maawa na po kayo sa akin. Pakawalan na po ninyo ako." Pagmamakawa niyang usal na may kalakasan kasunod ng pagkalat ng liwanag sa loob ng kwarto niya.
"Hija! Hija! Gumising ka.! Mga pagyugyog at pakiusap ang narinig at naramdaman niya mula sa mga boses babae. Marahil inaakala ng mga itong nanaginip siya. Kaya agad din niyang inalis ang talukbong na kumot. "Hija, Nananaginip ka. Huwag kang matakot walang mananakit sayo dito. Ligtas ka dito." Malumanay na wika ng isang may edad ng babae. Meron din isa pang babae na mas bata dito na tipid na nakangiti sa kanya. Kaya medyo napanatag ang kalooban niya. "Ano bang palang pangalan mo?" Tanong nitong titig na titig sa mukha niya.
"Sino pong nabihis sa akin?" balik tanong niya dito. "Nasaan po yung mga damit ko, kailangan ko yun." Dagdag pa niya dahil naalala niyang may dala siyang pera sa bulsa ng jogging pants niya.
"Si Digna nagbihis sayo." anito. "Anung pangalan mo Hija?" Ulit nito.
"Kri.. Dora!.. Izadora po." agad niyang saad na nauutal ng makita niya ang naka-print na mukha ni Dora sa t-shirt ng babae sa harap niya. Nangangamba siyang ibigay sa mga ito ang tunay niyang pangalan at baka mahanap siya ng mga barkada ng Kuya Samuel niya. "Iza nalang po ang itawag niyo sakin. Yan po tawag nila sakin. Pagsisinugalin niya.
"O siya Iza, kailangan mo munang kumain, abay halos bente kwatro oras ka ng tulog." Anitong ikinagulat niya. "May masakit ba sa iyo? Kaya mo bang tumayo, maglakad?" Dagdag tanong nito.
"Ganuon na po ako kahabang natulog pero parang kanina lang po 'yun." aniya sa mga ito. "Kaya pala kumakalam na sikmura ko." bulong pa niya na dinig ng babae sa harap niya.
"Ma'am Iza bababa po ba kayo para kumain o dadalhan ko nalang kayo dito ng pagkain niyo?" Tanong ni Digna sa kanya. At dahil nagugutom na talaga siya napatango nalang siya. "Sige po ma'am iinitin ko muna yun ulam." anito at nagmamadali ng tumalikod palabas ng kwarto.
"Pwede po bang makagamit ng banyo?" Tanong niya sa babaeng naiwang sa tabi ng kama niya.
"Sige pumunta kana sa banyo." Anito. "Nana Luz nalang itawag mo sakin, yan din ang tawag nila sakin dito. Bukod kay Senor Carlos. Yaya Luz naman tawag sa akin ng alagang kung si Maro." Dagdag pa niya kaya na curious ako sa mga sinabi niya.
"Sino po si Senor Carlos at Maro?" Tanong niya dito.
"Si Don Carlos ang nakakita sayo sa kalsada. Mukha daw na hit and run ka. Kaya nawalan ka daw ng malay. Si Maro naman ang nag-iisa nitong anak na lalaki." anito.
"Hit and run!" Bulalas niya. Pero napaisip siya. "O-opo, pero nagasgasan lang po ako." Ngiwing usal niyang nauutal. Ibig sabihin hindi sinabi nito ang tungkol sa totoong nangyari sa kanya. Piping bulong niya. Na ipinagtataka niya.
"Sige na mag cr kana. Paakyat na si Digna ng makakain ka at makabawi ng lakas." Utos pa nito, na agad din niyang sinunod.
Pagpasok niya sa cr namangha nanaman siya dahil sa ganda nito, at mas malaki pa sa buong bahay nila. May bathtub ito, at kompleto sa mga gamit. Na ni sa pangarap hindi niya akalaing makakagamit siya ng ganito kagandang banyo. Parang sa pelikula lang niya nakikita ang ganitong karanyang banyo, ngayon makakagamit narin siya. Kaagad siyang lumapit sa toilet bowl, sa kinis at puti nito nainggayo siyang maupo agad at damhin ang ginhawa ng buhay.
.
.
.
.
.
.........................................................
please follow my account...
and add my story in your library..
...loveyouguys..God Blessed Us..
thanks much......lrs..
....."Lady Lhee"....