Episode - 5

2328 Words
Tulad ng nakasanayan maaga siyang nagising kinaumagahan. Pero hindi niya alam ang gagawin hindi man siya sanay na nakatunganga pag-gising pero wala siyang magagawa dahil wala siya sa sariling bahay. Pumasok na siya sa cr para maghilamos. At kahit walang alam sa pasikot-sikot sa loob ng bahay gusto pa rin niyang lumabas ng kwarto para makatulong sa mga gawain bahay. Maingat niyang binuksan ang pinto ng kwarto at isinungaw ang ulo para silipin kung may tao ba sa paligid, pero wala siyang nakitang kahit isa kundi isang pasilyo at mga pintong nakapinig. Hindi man niya alam kung saan siya pupunta pero iginala pa rin niya ang mga mata kung saan ba daan patungo sa kusina. Nakatayo lang siya sa labas ng kuwarto niya habang pinagmamasdan at iniisip kung alin sa tatlong pasilyo ang babaybayin niya. Nakita niyang mga pintong nakasara. Sinipat niyang mabuti bawat isang. "Trust your first instinct Kristina." Hiyaw ng nalilito niyang isip. Lumakad siya pakanan, natanaw niya ang isang malapad at magarbong hagdanan kaya napangiti siya at nagmamadaling lumapit dito. Bago pa niya inihakbang ang mga paa sa baitang ng hagdan pinasadahan pa niya ng tingin ang paligid. Naghuhumiyaw ito sa karanyan na ni sa pangarap hindi niya akalaing matitira siya dito ng hindi alam kung ilan araw at kung anung magiging kapalaran niya. Tanaw niya sa kinatatayuan ang malawak at maranyang living room, at sa bawat mga gamit ay ipinakikita kung gaano ba kayaman ang nagmamayari ng mala palasyong bahay sa laki, may malaking kulay gintong chandelier din ang nakasabit sa gitna ng kisame, marami itong nakalawit na kumukinang na animoy diyamante. May nakalatag na carpet na kulay pulang may mga desenyon kulay ginto at itim ang palibut nito, na halos sakop na ang kabooang sala. Maging ang mga baitang ng hagdan pababa nababalutan din ng pulang carpet. Lahat ng nakikita niya puro karanyaan, kaya napatingin siya sa suot niya. Isang may kaluwagang puting t-shirt at pajamang kulay aqua green, telang manipis na itim ang tangin sapin sa paa. Agad siyang ng about face at bumalik sa kuwartong pinanggalingan dahil nahiya siya sa suot. Naghalungkat siya sa mga paper bag na nakita sa paanan ng kamang hinigan at nagmamadaling pumasok sa banyo. Napapangiti siyang dahan dahang ibinababa ang paa sa bawat baitang ng hagdanan na parang prinsensa. Lumingalinga pa siya ng makarating sa baba para hanapin ang pakay. Lakad pakaliwa't kanan ang kanyang ginawa at ng may matanaw siyang isang pintong may kalahating kahoy at kahating salamin lumapit siya duon at sinipat mabuti. Maliwanag sa loob at base sa naaaninag niya tama ang hinala niya. Hinawakan niya ang doorknob, nag-aalinlangan man pinihit parin niya ito at marahan itinulak. Sagap ng pang-amoy niya ang aroma ng niluluto. Bumungad sa kanya ang maluwang na kusina na may malapad na lamesang marmol sa gitna, halos mapuno sa mga samut saring ilululutong pagkain. May dalawang malapad na itim na refrigerator sa gawing kanan na parehong two door ang bawat isa, kahilera ng malaki at itim din oven. May isang babaeng naka suot ng apron ang abala sa paghalo ng kung anong niluluto nito sa kawali, nakahawak ang isang kamay nito sa handle ng kawali. Lumakad ako pasulong sa babaeng abalang nagluluto na ni hindi ako napansin sa giliran niya. "Hi! Good morning." Bati ko ng halos isang dipa nalang agwat naman. "Hi! Ma'am, good morning din po." Nakangiti niyang ganting bati at kaagad din ibinalik ang tingin sa niluluto. "Ma'am sa dining area nalang po kayo, malapit na po itong maluto." Dugtong pa niya. "Oh. Hija bakit ang aga mo yatang gumising ngayon?" Isang tinig na nagpalingon samin sa bagong dating."Gusto mo bang mag-kape?" Dagdag tanong niya. "Magandang umaga po Nana Luz." Agad ko naman bati dito. "Magandang umaga hija. Duon ka nalang sa dining area. Para makakain ka narin." aniya. Halika na dito." Dugtong pa niya dala ang isang tray na may laman mga kubyertos. "Tulongan ko na po kayo." Pagpripresinta ko pa, pero ayaw nila akung patulongin at pilit iginiya palabas ng kitchen. Wala akung nagawa kundi nagpatianod nalang sa kanila hanggang marating namin ang mahabang dining table na may kan de labra sa magkabilang dulo, may tatlong kulay pulang kandelang nakatusok sa bawat isa, may ilang palawit din itong hugis diamond na kumikislap. Una nilang inilagay ang mga placemats. Naglagay din sila ng malapad na plato at inibabawan ng mas makitid na platong porselana, may nakarolyong puting napkin sa gilid tabi ng dinner fork sa bandang kaliwa, at kanan naman dinner knife, teaspoon at spoon, nasa bandang itaas nito ang cup and saucer na may umuusok na brewed coffee, at dalawang baso na may fresh orange juice at tubig. Talagang ayos milyonaryo maging sa hapag kainan. Dalawa lang ang set ng plato ang inilagay nila, kaya napatingin ako sa kanila pero wala silang imik habang isine-set nila ang mesa. Nakatayo lang ako sa gilid at pinagmamasdan ko lang mga ginagawa nila. Marunong din akung mag-ayos ng ganito, dahil kung minsan nayaya din ako sa mga catering service para mag-serve, malaki din ang kita lalo kung sa mga five star hotel ang venue kaya lang maraming magaling manglait na kung makapag-utos daig mo pa alipin nila. "Hija, maupo ka na dyan at pababa na si Señor Carlos." Ani Nana Luz na nagbalik sa wisyo ko. "Sabay na daw kayong kumain." Dugtong pa niya na ikinakaba ko. "Ang taong bumili sakin." Bulong ko sa isipan, kaya hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Kasunod ng mga kilatis ng takong ng sapatos na mukhang nagmamadali papalapit sa kinaruruonan namin. Kita ko ang mga kamay niyang hindi magkandatuto sa pag-aayos ng kanyang kurbata. Matangkad at malaki ang build ng kanyang katawan, maputi at makinis ang kanyang balat. May ilang hibla na ng buhok ang nagkukulay gray matangos ang ilong, bughaw ang kulay ng pares ng kanyang mga mata. Medyo pangahan siya na nag bigay ng matapang na awra. Halatang may dugong banyaga ang lalaki. Mababakas parin sa kanya ang taglay na gandang lalaki, marahil nasa late 50's or early 60 na siya. Pagsiko sa tagiliran niya ang nagpasiging sa matiim niyang pagkakatitig sa lalaking papalit na sa kanila. "G-good morning sir." halos mautal niyang bati dito ng makalapit ito sa kanya. Pinasadahan lang siya nito ng tingin. Na hindi niya mabigyan ng pangalan kung anung uri ng tingin ang ipinukol nito sa kanya. Saglit lang 'yun pero nagbigay sa kanya ng matinding kaba. "Let's eat. Have a seat." Maawtoridad nitong utos. At kagyat naman siyang tumalima ng walang imik. Pakiramdam niya parang hahatulan siya ng hindi niya mawari kung anung parusa ang igagawad sa kanya. "Did you slept well? May masakit pa na sayo? Binabangungot ka pa ba.?" Sunud-sunod nitong tanong na nagpaangat ng mukha niya. Tumingin siya ng diretso sa mga mata nito, kaya kitang-kita niya ang asul na asul nitong mata na masarap titigan. "Ayus na po ako sir, hindi na rin po ako binabangungot. Magaling na rin po mga galos ko. Pawala na rin mga pasa ko." Tugon ko. "Marami pong salamat sa pagligtas niyo sa akin." Dagdag ko pa kahit na nanginginig ang aking kalamnan sa mga naiisip na maaring mangyari sa akin sa kamay ng lalaking nasa aking tabi. Paano ba ako makakatakas sa lugar na ito. Hindi ko nga alam kung nasaan ako at kung may uuwian pa ba ako. Kung ligtas pa ako sa labas. Kita kung inabut niya ang platong may laman fried rice at itinapat sa aking plato kaya kaagad ko naman hinawakan ang serving spoon at nagsandok para sa plato ko, at magpasalamat, tumusok din siya ng hotdog at nilagyan ang aking plato maging ng bacon at ham nilagyan din niya ako. Kaming dalawa nalang ang natira sa dinning area, hindi ko alam kung saan na nagpunta sila Nana Luz. "Kumain kang mabuti at magpalakas. Ang payat mo." Aniya, pero nanatili akung walang imik at nakatingin lang sa plato ko. "Let's talk later. May pag-uusapan tayo. Hintayin mo ang pag-uwi ko. May mga kakausapin lang akung mga tao." Aniya, kaya napabaling ang tingin ko sa kanya. "Huwag kang aalis baka kung ano nanamang mangyari sayo. Mas safe ka dito. Walang mananakit sayo dito." Dagdag pa niya kaya napatango ako. Parang alam niya ang iniisip ko. Sinilip ko sa giliran ng aking mata ang bawat galaw niya lalo na kung paano siya kumain. Marahan niyang hinihiwa ang hotdog ng table knife. Kaya ginagaya ko rin siya at sa bawat pagsubo niya. Wala siyang kalat ni isang butil na kanin. Nagmakita kung ilang subo nalang natitira sa plato niya binilisan ko ng kumain, alam kung hihintayin niya akung makatapos bago siya tumayo. Pinagtabi na niya ang mga kubyestos niya kaya ginaya ko rin siya. Inabut ko na ang baso na may laman orange juice na kanina ko pa gustong inumin, samantala tasa ng kape naman siya. Nakailang tunga din siya ng kape. "Tapos ka na ba?" malumanay niyang tanong. "Opo, salamat po." saad ko. "Bueno mauna na ako at baka ma-late pa ako sa usapan namin." usal niya at tumayo na siya kaya tumayo na rin ako. "Ingat po kayo." pahabol kung wika. Kita ko naman ang pagtango niya bago dinampot ang kanyang blazer at isinuot habang naglalakad patungo sa pinto. Hinatid ko nalang siya ng tanaw, kahit gusto kung hanggang sa sasakyan niya ko siya ihatid dahil ibang kaba ang nadarama ko sa kanya. Kabang walang takot hindi tulad ng takot na naramdaman ko nuong gabing kasama ko sila Kuya Samuel at mga barkada nito. Kabang hindi ko maipaliwanag, dahil hindi ko alam kung anung gusto niyang pag-usapan namin. Nakahinga ako ng maluwag ng madinig ang ugong ng sasakyan niyang papalayo. Kaya nilingan ko ang aming pinagkainan para magligpit na. Nais kung ako nalang maghugas ng mga plato dahil wala naman akung gagawin maghapon. "Naku! Bakit nakialam ka pang maglipit niyan? Hindi mo naman trabaho yan." Bulalas ni Nana Luz ng makita niya akung dala ang mga pinagkainan namin. "Ayos lang po kahit ako nalang maghugas ng mga ito, para may magawa naman po ako." Katwiran ko ngunit pilit din nilang kinuha sa kamay ko ang tray na puno ng mga plato. Ewan ba kung bakit naman kasi ang mayayaman kahit dalawa lang kaming kumain pero isang dozena yata mga platong nilatag sa mesa patong-patong pa, hindi naman nagamit, at ang kobyertos anim na peraso bawat isang tao. Reklamo niya sa isip niya. "Buti pa ma'am Iza ilibut nalang kita sa buong mansyon. Ani Digna. "Buti pa nga ilibot mo nalang siya, at dalhin sa hardin para malibang." susog naman ni Nana Luz, kaya wala na akung magawa ng hilahin niya ako paakyat sa ikalawang palapag ng masyon. Binubuksan niya isa-isa ang mga pintong nadaraanan namin, na bawat isa may mga bawal at hindi bawal pasukin ng kahit sino. May malalaki rin mga picture ng namayapa daw na mga magulang ni Don Carlos, kita sa mga ito ang may dugong banyaga, halata sa kulay ng mga mata, buhok at sa kinis at puti ng mga kutis ng mga ito, napakangos din ng ilong nila, na kahit sa larawan mababakasan mo ng pagiging eligante at pagiging arestokratik. "Ito ang opisina ni Señor Carlos, ito rin ang pinaka-library niya. Dito siya naglalagi, dito niya kinakakausap ang mga iportanteng tao na may kaugnayan sa mga negosyò niya." Paliwanag niya ng buksan niya ang isang pinto. Pumasok kami sa loob, maluwang ang opisina at ang mga gamit mukha din hindi basta-basta. Bawat gamit pang-opisina mababakas mong talagang mamahalin, may lamesang gawa sa matibay na kahoy na may makapal na salamin sa ibabaw nito, mayroon dalawang pinto sa kaliwa. May black leather na sofa set sa may gilid ng working table. May computer at printer. May mga antigo rin gamit malapit sa bintana may isang chandelier sa gitna ng kisame. Trasparent glass ang pinaka-wall sa kanan bahagi kaya kita ang malawak na harden sa ibaba. Kita kung may mga librong nakaayus sa mga bookshelf kaya nilapitan ko yun at pinasadahan ng mga mata. Napangiti ako ng may mahagip ang aking mga mata. "Great Mythology". "Digna puwede bang mahiram yan mga libro?" Tanong ko sa kanya habang patuloy lang akung tumitingin sa mga libro sa harapan ko. "Babasahin ko lang, isusoli ko rin pagnatapos ko, iingatan ko rin sila." Dugtong ko. "Hindi ko alam kung puwede." Aniya. "Bago lang din kasi ako dito, magsabi ka nalang kay Don Carlos." "Itong kwartong ito bawal daw buksan yan." Aniya pagtapat namin sa isang nakapinid na pinto. "Tanging si Nana Luz lang puwedeng pumasok d'yan. Kaya huwag na huwag kang papasok dyan kung ayaw mong itapon ka nilang sa kangkungan." Mariing niyang babala. Tumango naman ako, dahil hindi naman talaga ako mahilig makialam ng mga gamit. Marunong din akung sumunod sa rules and regulation. Marespeto ako dahil 'yon ang itinuro sa amin ni Mama. "Rumespeto sa kapwa para igalang ka, lalo na daw kung matatanda" yong ang madalas sabihin ni Mama sa amin nuong nabubuhay pa siya. "Ito naman ang kwarto ng nag-iisang anak ni Don Carlos si Señyorito Maro, bawal din pumasok dyan lahat daw ng personal niyang pag-aari nasa loob at ayaw na ayaw daw ni Señyorito pinakikialaman ang mga personal niyang gamit. Pakialaman mo na daw lahat huwag lang ang pag-aari niya, dahil dadalhin ka daw niya sa impeyerno, meaning papatayin ka niya sa pinakamasamang paraan." Mahabang litanya niya kaya napaatras ako palayo sa pintong nasa harap namin. Kulay itim ang dahon ng pintuan niya, kakaiba sa kulay ng lahat ng pinto na kulay brown na parang narra, makakapal at mukhang hindi basta-basta mabibiyak kahit yata ilan beses mong balyahen. "Ito naman ang mini gym." "Eto mini gym lang, eh napakalaki nito." Bulalas ko ng makapasok kami sa loob. Kumpleto ng mga fitness equipments. Paano niya masabing mini gym lang ito. "Kung type mong mag exercise pwede ka dito." "Sige pag hindi na masakit ang balakan ko." Usal kung sinusuyod mabuti ang bawat isang gamit. . . . ......................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD