Episode - 6

2308 Words
"Paanong naging mini gym lang ito? Halos kasing laki na ito ng gym na pinupuntahan namin ng mga kaibigan ko." Usal kung wala sa sarili dahil hindi ako makapaniwa sa sinabi niya. Umikut-ikot pa ako para makita ang kabuoan. One sided glass wall ang halos kalahati ng pinaka dingding. May dalawang treadmills, fitness stationary bike, heavy punching bag, 4-roll leg developer at kung anu-ano pa. Iba talaga pag mayaman lahat nabibili at walang imposible. "Ito naman entertainment room." aniya kaya naingganyo akung pumasok sa loob may malaking screen ng flat tv sa pinaka wall niya at may mga pulang bangkong nakahera sa harapan, para kang nasa loob ng sinehan. May nakita rin akung sliding glass door sa kabilang bahagi kaya dumiretso ako duon dahil kitang-kita ko kung anung nasa loob. Kumpleto ito sa mga musical instruments. Dahil sa kasabikan, nilapitan ko ang isang malaking piano sa may gilid. Pinasadahan ko ng likod ng mga daliri ko ang keyboard mula sa dulo hanggang sa kabilang dulo. Napangiti ako at dahan-dahan naupo sa malambot na rektangular na bangko, ipinuwesto ang mga kamay sa key board at maingat na nagtipa. Ipinikit ko ang aking mga mata dahil naala-ala ko si Mama at Kuya Samuel. Si Mama ang nagturo samin ni Kuya Samuel kung paano gumamit ng mga musical instruments. Kompleto din kami ng gamit nuon dahil mahilig si Mamang kumanta. Maganda ang boses niya. Kumakanta sila ng mga kaibigan niya nuon sa mga sikat na club, hanggang Japan at Canada nakakarating sila ng grupo niya para mag-performed, pero naglaho ang lahat ng materya na bagay na naipundar niya. Kasunod ng pagkawala din ni Mama. Naging miserable na ang buhay namin simula nuon. Maging ang mga pangarap namin naglaho rin. Dinig kung pumalakpak si Digna. Pero hindi ko pinansin at patuloy lang na tumugtog ng organ. Isinusunod ko pa ang aking ulo at balikat sa saliw ng tugtugin ko. Ito ang isa sa mga paborito ni Mama na tugtog, nuong nabubuhay pa siya, madami kaming gamit pero simula ng nagkasakit siya unti-unting nawala yon. Binebenta ni Kuya Samuel para daw pampa-check up at pambili ng gamot ni Mama. Hanggang nawala ang lahat sa amin maging ang bahay at lupa na tanging ala-ala sana ni Mama dahil sa mga magulang pa daw niya 'yun, nawala din sa amin. Malaki at kongkreto ang bahay naming up and down, kahit medyo luma na ang pintura noon. May apat na kwarto sa taas at dalawa sa baba, may hardin din si Mama na may samut saring halaman. Meron din kaming toyota corola na kotse noon, hindi ko alam kung bakit 'yun nawala. Sa murang edad natuto akung makibaka sa hamon ng buhay para may makain lang sa araw-araw. Sayang lang at ang mga pangarap ko mukhang hanggang pangarap nalang. Napatigil akung bigla sa pagtipa ng organ ng madinig ko ang mga boses at palakpakan nila. Agad ko rin pinahid ang luha ko na hindi ko namalayan ang paglandas nito sa aking pisngi. "Ang galing mo palang tumugtog hija." Tuwang-tuwang turan ni Nana Luz. " Ngayon ko lang uli narinig na may tumugtog 'yan, kaya napasugod kami dito. Ilan taon na ba buhat ng huli kung marinig na may gumamit ng mga yan? Dalawa, tatlo o apat na taon ng walang nagtatangkang gumamit ng mga 'yan. Si Maro lang at mga kaibigan niya ang madalas dito nuon nasa high school siya hanggang college. Buhat ng siya na ang nagpatakbo ng negosyo nila hindi na siya muling pumasok dito para gamitin isa man sa mga 'yan, tanging laptop, papel at ballpen nalang yata ang kawak nuong batang 'yon." Malumanay niyang wika na may lungkot sa mga mata. "Ma'an Iza marunog ka ring bang mag-gitara?" tanong ni Lolit. "Ito kasi ang gusto kung matutunan." Dugtong pa niya at inabut sakin ang electric guitar ng tumango ako. Inayos niya ang cords niyon kaya tinimpla ko ang mga string. Nagsimula na akung tugtogin ang intro ng isa sa mga paborito ni Kuya Samuel. "Hotel California!" Tili ni Digna sabay palakpak na ikinatawa ko. "Next drum naman." Suhesyon din ni Magda. Kaya lumipat ako ng pwesto sa harap ng mamahaling set ng drum. Pinagtuktok ko pa ng ilang beses ang dalawang stick nito bago ko simulang ipalo ito sa drum kasabay din ng pag-indayug ng aking katawan. Kita kung nag-e enjoy sila. Hindi ko alam na mahilig pala sila sa rock music. Maging si Nana Luz nakiki-indak din kaya mas lalo kung pinag-igi ang pagtambol. Halos dalawang oras kami dito sa loob ng music room bago kami sabay-sabay na lumabas. Basa kami ng pawis pare-pareho na may mga ngiti sa labi. "Next time uli ma'am Iza." aniya. "Masarap magpapawis pag may magandang music." Dugtong pa niya. Ayaw ko sanay tawagin nila ako ng Ma'am pero 'yon daw ang utos ng Don kaya hindi puweden baliin at wala din akung magawa, at hinayaan ko nalang dahil wala naman mawawala sa akin at sa kanila. "Ma'am Iza pinatatawag ka ni Don Carlos sa opisina niya." Anunsiyo ni Digna ng pagbuksan ko siya ng pinto ng kwarto ko. "Sige susunod na ako. Salamat" turan ko. Muli nakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib, dahil hindi ko pa rin alam kung anung pag-uusapan namin. Kung ito na ba ang katapusan ng sarili kung mundo. Ayaw kung pag-isipan siya ng masama pero hindi ko maiwasan, lalaki siya babae ako at siya ang nakabili sakin ng kalahating milyon. Hindi ba dapat meron din akung kita sa pinagbentahan sa akin. Sa naiisip ko, ipinilig ko ng ilan beses ang aking ulo. At naglakad patungo sa opisina niya. Nagdadalawang isip pa ako pagtapat ko sa pinto ng opisina ni Don Carlos. Kinakabahan ako na hindi ko mawari. Hindi ko alam kung kakatok na ba ako sa pinto o tatakbo nalang para tumakas. Pero maraming bantay sa gate palang paano kaya naman ako makakatakas. Bulong ko. Kaya no choice kung hindi harapin ang aking kapalaran. Ang bagong kabanata ng aking buhay. Huwag naman sana. Tatlong katok ang ginawa ko at tumayo ng tuwid. "Come in!" dinig ko ang malamig niyang boses. May baka man sa aking dibdib binuksan ko pa rin ang pinto at pumasok sa loob kita kung nakatutok ang mga mata niya sa laptop mukhang busy siya sa pagtipa sa keyboard ng laptop niya. Nakatayo lang ako malapit sa harap ng working table niya. May edad na siya pero gwapo pa rin siya, matipuno pa rin ang katawan niya. Hindi rin maikakailang sa edad niya marami pa rin magkakagusto sa kanya babae, idagdag pang mayaman siya. Ang sabi nila Digna matagal na daw itong balo. At ang tanging nag-iisang anak na lalaki nalang daw ang kasama at kaanak nito dito sa bansa. "Hija. Please have a seat." Malumanay niyang utos sa akin. Gentleman bulong ko sa isip ko dahil matapos niyang hubarin ang salamin sa mata tumayo pa siya at pinaupo ako bago siya naman ang naupong muli sa executive chair niya. "How's your day? Nakakain ka ba ng maayos? Nalibut mo na ba ang buong mansyon?" Sunod-sunod niya tanong, nabawasan ang kaba ko ng ngumiti siya. Pantay pantay ang maputi niyang mga ngipin. Pinatatag ko ang aking sarili para hindi mahalatang kinakabahan ako. Diretso sa mata ko siyang tiningnan. "Ayos lang po ako. Kanina po inilibot na ako ni Digna sa loob at labas ng mansyon." Malumanay ko rin turan na may tipid na ngiti sa labi. Nakangiti siyang pinagmamasdan ako. Na para bang inuuri niya ako kung pwede akung pagkatiwalaan. "Would you mind if i ask you random question?" Aniya. "Yes po sir. Pwede po." diretso kung tugon. "Anong pangalan mo? Ilan taon kana? San ka ba nakatira? May pamilya ka pa ba? Baka nag-aalala na ang mga 'yon sayo ngayon." Sunod-sunod niyang tanong na para siyang isang pulis na ng i-interrogate sa nahuli niyang magnanakaw Ayaw ko naman magsinungaling sa kanya, pero sabi nga nila hindi naman daw masamang magsinungaling kung malapit naman sa katotohaan at kung ito ang makakabuti. Baka kung sasabihin ko sa kanya ang totoo baka mas lalong maging komplekado, makita pa ako ng mga kabarkada ni Kuya Samuel at ng mga kumidnap sa akin. "I-izadora Figueroa po pangalan ko. Kadi-debut ko lang po noong gabing binili niyo ako. Wala na rin po akung matitirhan ngayon dahil na-demolished na po yon mga barung-barong namin tinitirhan sa may eskuwater area. Naghahanap po ako ng matitirhan nuong kinidnap ako ng mga taong naka-van. Wala na rin po ang Mama ko namatay na po siya. Ang papa ko naman hindi ko po nakilala, tanging William lang po alam kung pangalan niya pero British national daw po siya sabi ni Mama." Mahabang wika ko. Nagpatango-tango lang siya na para bang may malalim na iniisip. Kinuha niya ang tasa ng kape at bahagyang hinipan 'yon bago sumimsim. Gusto kung basahin kung anung naglalaro sa isip niya pero hindi ko mahuli ang mga mata niyang nakatuon lang sa mga papel sa ibabaw ng table niya. Alam kung may gusto siyang sabihin base sa mga galaw at titig niya kanina habang ako'y nagsasalita. Mahina lang niyang tinutuktok ang dulo ng hawak na ballpen sa ibabaw ng mesa niya. Tila nag-iisip kung anung susunod niya sasabihin o gagawin, kaya kumabog nanaman ang aking dibdib. "How do you do for living?" Nanantiya niyang tanong. "Naglalako po ako ng mga kakanin at bottle water sa daan kung saan maraming nadadaan mga tao." saad ko at tumitig sa mga mata niya na parang banayad na tubig dagat na kulay bughaw. Nakatingin din siya sa aking mga mata. "I have a proposal for you." aniya matapos ang dalawang beses niyang pagtikhim. "What it is po sir?" aniko. "Seduce my son." Matigas niyang turan na muntikan kung ikahulog sa bangkong inauupuan ko. "Po!" Tanging namutawi sa aking mga labi sa pagkabigla at matiim siya pinagmasdan kung nagsasabi ba siya ng totoo. Pero bakit naman niya ako bibiruin kung hindi naman kaming closed. Seryoso din ang kanyang mukha. Binuksan niya ang drawer ng table niya at inilabas ang isang booklet. "Izadora Figueroa." Mahinang anas niya na dinig na dinig ko naman dahil napakatahimik ng paligid at kaming dalawa lang ang andito sa loob ng opisina niya. Kinuha din niya ang mamahalin ball pen at nagsulat. Pinilas niya ang isang pahina matapos niyang sulatan ito, ibinaba niya sa ibabaw ng lamesa at pinadaudos niya patulak sa tapat ng mukha ko gamit ang dalawang mahahabang daliri. Kaya sinundan ko lang ng tingin ang ginagawa niya. At ng tumapat sa aking mukha ang isang peraso ng papel na sinulatan niya ng pangalan ko. Mas lalong nanglaki ang aking mga mata sa nabasa. Sa unan linya.. Izadora Fegueroa sa pangalawang linya... One Million Pesos in word at in figure. Mahinang basa ko. Kaya napabalik ang paningin ko sa kanyang nagtatanong. Sa laki ng halagang nakikita ko may bombilyang umilaw sa tapat ng ulo ko. Isa na akung milyonarya, makapag-aaral na ako. "Para sa iyo yan." Wika niyang may pagsusumamo. "Pero bakit po? Para saan po yan sir?" Halos manginig ang boses kung nagtatanong kahit may idea na ako sa gusto niyang sabihin. "Marami naman pong babae d'yan, bakit ako pa po ang napili niyo. Paano kung magalit ang anak niyo pagnalaman niya ito. Baka saktan lang niya ako." Malumanay kung saad at pilit kinakalma ang sarili. Hindi ko naman kilala ang anak niya, hindi ko rin alam kung anung kaya niyang gawin kung sakaling mabisto niya ang pinagagawa ng tatay niya. Ayon kay Digna gagawin daw impyerno ang buhay ng kung sino man ang kakalaban dito. "Twenty six na ang anak ko pero hanggang ngayon wala pa akung nakikita o nababalitaan ni isàng babaeng nakarelasyon niya o napaugnay sa kanya. Nag-aalala na ako na baka hindi niya ako kayang bigyan ng tagapagmana, mauuwi lang sa wala ang lahat ng pinaghihirapan namin. Kanino namin iiwan ang mga ito? Ang dami ko ng inuuwing babae dito, lahat magaganda, wala kang itulak kabigin sa ganda, mapuputi at makikinis ang kutis. Mga mistisa karamihan sa kanila. May mga pinag-aralan din, matatalino sila. At kilala sa alta sociedad. Karamihan mga modelo, artista, mga anak ng mga kilalang pulitiko at mga anak ng magagaling na mga negosyante. Umaasa akong may magugostohan siya pero kahit isa wala siyang pinapansin. Kinakausap niya, pero hanggang ganuon lang. Ang negosyo niyang pilit itinatayo ngayon cosmetic product, puro pambabae." Litanya niya. Kita ko sa mata niya ang lungkot. Kahit bilyonaryo ka pa, kapag kumapit sayo ang kamalasan sagad talaga hanggang kaluluwa, at walang magagawa ang salapi mo para malutas ito. Totoo nga ang madalas sabihin ng iba na hindi lahat ng bagay kayang tumbasan ng salapi. Malungkot din sila sa kabila ng karanyaang tinatamasa nila sa buhay. Lahat kaya nilang bilhin, mamahaling damit, mga alahas, sasakyan at kung anu-ano pa, kaya din nila mag-travel around the world. Pero hindi parin sapat yon para mapunan ang kakulangan nila. Ngayon ako lubos naniniwalang wala talagang perperto sa ibabaw ng mundo, mayaman ka man o mahirap. Kaya kung minsan mas mabuti pa ang pangkaraniwang buhay lang atleast masaya ka, madaming kaibigan, madaming kadamay. Kung mayaman ka naman kailangan mayaman din kaibigan mo at pag nawalan ka ng pera mawawala din silang lahat sayo. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung wala kang tagapagmana kahit isa. Hindi mo naman madadala sa hukay mo ang kayaman mo at sa ilalim ng lupa mo ito namnamin. Sayang lang ang nag-iisang mong anak na inaasahang magkakaroon ng asawa at anak kung wala naman kapasidad na magkapag-asawa at mabigyan ka ng apo. Malabo pa sa sabaw ng pusit mangyari ito, wala ka talagang aasahang na magiging anak niya. Malaking problema nga ito at hindi kayang tapatan ng salapi. Ang ganda pa naman ng lahi nila. Ito dapat pinadadami at hindi ang mga halang ang mga kaluluwa. . . . . . ......................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD