"Ibig n'yong sabihin bakla ang nag-iisa niyong anak na lalaki?" Bulalas ko matapos kung marinig at maintindihan ang mga kuwento niya. "Baka puro pagme-make-up lang gawin namin maghapon." Dugtong ko pa. Sabi nga nila suyot pag hindi pumutok. Parehon negative, how do they explode. Sayang ang lahi, ang gandang lalaki pa naman niya malamang ganuon din ang anak.
Kung totoong bakla siya kasumpa-sumpang pumatol siya sa isang babae. Baka nga makipag-pagandahan pa 'yon sa akin. Malamang kapwa niya lalaki ang gusto nuon. Mga walang matris kaya wala rin magiging anak. Kawawang mga nilalang. Sa yaman nila bakit naman kasi isa lang naging anak nila, dapat nag-anak sila ng isang dosena.
"Hindi ko naman masasabing bakla siya dahil kung titingnan mo lalaking-lalaki siya." aniya. "Please help me. Gusto kong malaman kung tunay ba siyang lalake o binabae." Matamlay niyang usal. Kita ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Mahirap po yata pinagagawa niyo. Unang-una wala pa akung naging boyfriend at hindi ko po alam kung paano mang-akit ng lalaking bakla, baka umbagin nalang akung bigla ng anak niyo. Natatakot din po ako baka malaman niyang inaakit ko siya at baka maging sa inyo magalit 'yon." Litanya ko. At muling nilingon ang cheque sa tapat ko na hindi ko man lang pinag-aksayahan hawakan pa. Nakakasilaw ang halaga niya sa isang katulad kung isang kahig isang tuka. Kung hindi maglako ng kakanin at magbilad sa araw sa gitna ng lansangan hindi kakain. Pero unfair naman kung kukunin ko ang pera tapos hindi ko naman magagawa ng maayos ang trabahong pinagagawa niya.
"Please Iza alam kung ikaw lang makakatulong sa problema ko." Aniya. "Huwag kang mag-alala hindi ito makakarating sa kanya o kahit kanino pa, tanging tayung dalawa lang ang nakakaalam nito. Secret lang natin dalawa ito at hindi lalabas dito sa kwartong ito ang ano mang napag-usapan natin. At kahit anung mangyari andito lang ako poprotektahan kita. At pagnagawa mo ang gusto ko, I'll add another five million in your bank account. Siguradohin mo lang na maaakit mo siya para maging tunay na lalaki." Mahabang wika niyang pagsusumamo.
Mas lalo akung nalula sa halagang pinagsasabi niya. Nanglalaki din ang aking mga mata at halos bumagsak ang aking panga sa laki ng perang sinabi niya. Parang balewala lang sa kanyang magtapon ng ganuong kalaking salapi, magkaroon lang ng sulosyon at katahimikan ang bumabagabag sa isipan niya. Talagang tukso ang malaking halagang iniaalok niya sakin. "Bahay at lupa. Negosyo at edukasyon." Piping bulong ko saking isipan. Mga pangarap ko na alam kung suntok sa buwan na kahit maghapon magdamag akung magtinda ng kakanin sa bangketa hindi ko makakamit. Pero ngayon naghuhumiyaw ang halagang tutupad sa mga pangarap ko. Bukod pa sa maaari kung mahanap ang Kuya Samuel ko. Makapag sisimula muli kami. Isang magandang kinabukasan ang kapalit nito.
"Sir sandali lang po mag-iisip muna ako. Mahirap naman pong hindi ko magampanan mabuti ang trabaho ko." Aniko, at tumayo, malakas din ang kabog ng aking dibdib sa hindi ko mapangalanan kaba, bahagya ko itong binabayo ng nakakoyum kung kamao, umaasang kumalma at makapag-isip. Baka magkasakit na ako nito sa puso dahil sari-saring pagkabog ng dibdib ko ang nararamdaman ko simula pa kanina.
Kung tatanggi ako sa offer niya saan ako pupulutin malaki ang posibilidad na mahanap ako ng mga kabarkada ni Kuya Samuel pagbumalik ako sa pagtitinda, alam nila kung saan ako naglalagi. Masisira ako at magiging patapon ang buhay ko kung magkataon. Kung tatanggapin ko naman kailangan kung maging wise. Sa buhay ngayon kailangan maging praktikal, pero kaya ko ba?
"Hija, maupo ka nga at nahihilo ako sa kaiikot mo." saad niya kaya napahinto ako sa paglakad paikot-ikot sa harapan niya. Maging ako nahihilo na rin sa kaiisip.
"Ano po bang dapat kung gawin para maakit ko siya?" Tanong ko kasabay ng muli kung pag-upo sa bangko na dating kung kinauupuan kanina sa harap niya.
"Alam mo Iza ang bawat tao kusang gumagana ang takbo ng utak niya, kasabay ng paggalaw ng bawat bahagi ng katawan niya. Sinusuportahan ng pagtibok ng puso at pagdaloy ng dugo sa mga ulat nito. Pero kaya mong kontrolin ng mas matinong pag-iisip ang malaking bahagi ng katawan mo kung sasang-ayon ang puso at dugo mo." Aniya.
Kaya napaisip ako. Utak, pag-iisip at pagbuo ng plano. Puso, pintig at damdamin. Dugo init at lamig. Pagnag-combine silang tatlo at nagkasundo "perfect" pero kung nag-rambulan "patay" saan ka pupolutin pag nawasak ka. Mental or Morgue alin sa dalawa. Pinilig ko ng ilang beses ang aking ulo sa mga naiisip. Kung ano ang isinisigaw ng utak at pinipintig ng puso kasabay ng dugong dumadaloy dito go with the flow. Act normal. Kailangan ko rin aralin ang kilos at ugali niya, para masabayan ko ang retmo ng sayaw niya. Konting lakas ng loob at tibay ng dibdib lang kailangan ko, kakayanin ko ito para sa kinabukas namin ni Kuya Samuel.
Pero kailangan ko muna ng malinaw na basihan. "Pwede po ba akung magtanong?"
"What it is?"
"Binili niyo lang po ba ako para akitin ang anak niyo." Malumanay kung tanong na kinakunot ng kanyang noo at halos magdikit ang makakapal niyang kilay. Tumalim din ang kanyang mga mata. Nagalit ba siya sa aking tanong. Kaya napayuko ako at naghintay kung anung gagawin niya, sisigawan ba niya ako o sasaktan. Pero parang tamad lang siyang sumandal sa kanyang kinauupuan, at hinilot-hilot ang sintido ng dalawang daliri.
"Hija, una walang bilihang naganap at hindi ko kailangan bumili ng babae it so happened na andito ka lang ngayon kaya inalok kita. Pero hindi naman kita pinipilit kung ayaw mo." Saad niya. "Pangalawa hindi ko pinahihintulutang ang ano mang mga ilegal na negosyo lalong-lalo na ang pagbebenta ng laman sa mismong pribadong lupang pag-aari ko nagaganap. Nasisira ang iniingat kung pangalan." Litanya niya.
"Pero sir ano po yong narinig kung nagtatawaran kayo ng kalahating milyon."
"Tulad ng sinabi ko walang bilihan naganap. Ginawa ko lang yon para mailigtas kayong lahat sa kamay ng buhong na si Simion ang aking katiwala." aniya.
Matapos niyang ikuwento lahat ng nangyari nuong gabing yon, napanatag ng kaunti ang kalooban ko, ganun pa man may takot pa rin ako dahil hindi pa daw sigurado kung nahuli ng lahat ng tauhan ni Simion. Kung ganun ang mga kabarkada nalang ni Kuya Samuel ang problema ko.
"Kung gusto mong magsampa ng demanda laban sa mga taong dumukot at nagpahirap sayo susuportahan kita, magsabi ka lang." saad niya.
"Hindi na po, hahayaan ko nalang 'yong mga babae duon ang magdemanda, siguro hindi na sila makalalabas sa kulongan sa dami ng kasong haharapin nila." Saad ko. "Marami pong salamat sa pagligtas sa akin kung hindi po kayo dumating baka kung ano na nangyari sa akin ng gabing 'yon." Dugtong ko. Taus sa puso ang pasasalamat ko dahil may mga tao pa rin nagpapahalaga sa kapwa nila.
Tama siya hindi niya kailangan bumili ng babae, sa yaman at gandang lalaki niya kahit may edad na jumpat ka pa rin kung magustuhan ka niya. Ideal man na siya ng isang babae, pero kasama na daw ng namayapang asawa niyang nalibing ang puso niya. Napakaswerte ng asawa niya. Sana makatagpo rin ako ng lalaking iisa lang din ang puso at sa aking lang siya titibok. Pero sa panahon ngayon parang imposible na. Wala na yatang lalaking tulad niya.
Napakalaki pala ng utang na loob ko sa kanya. Kaya walang pag-aalinlangan at buo na ang aking disisyon. "Sir hindi po ba idini-deposit sa bangko ito o kaya ini-in-cash sa bangko." Tukoy ko sa cheque na ngayo'y hawak ko na. Kita ko na tumikwas ang dulo ng labi niya at kumislap ang kanyang mga mata.
"Oo Hija, pwede mo munang i-deposit sa bangko yan. At huwag na huwag mong sasayangin ang bawat sentimo n'yan. Gawin mong kapaki-pakinabang para sa kinabukasan mo. At kung magagampanan mo pa ng maayos ang inuutos ko madaragdagan pa yan." wika niyang may ngiti na sa labi kaya lihim din akung nangiti. May kumislap na liwanag na namang mga bombilya sa tapat ng aking ulo.
"Pero paano ko pong maide-deposit ito sa bangko, wala po ako kahit isang ID." Aniko dahil naalala kung hindi ko nga pala tunay na pangalang ang nakasulat.
"Ako na bahala, sasamahan kita para hindi ka mahirapan." aniya.
"Sige po sir. Deal na po sir." Aniko habang nakatitig sa asul niyang mga mata na biglang nagliwanag.
"What do you mean? Do you accept my proposal?" Hindi makapaniwalang bulalas niya.
"Yes sir! Manalo matalo. Lalaki man o binabae Deal na po." may ngiti sa labi kung turan. Sana lang ligtas ako sa binabae niyang anak. Bukal sa loob kung gagawin ito, dahil kung hindi niya ako niligtas baka wasak na wasak na rin ako ngayon. At least dito milyon ang kikitain ko with benefit pa.
"Our deal is close, then." tugon niya bago tumayo at inilahad ang kamay sa akin harapan kaya tumayo na rin ako at inabot ang kanyang kamay. Para kaming mga negosyanteng nakapag-closed ng malaking project sa mga investors.
"Para po saan 'yan?" Gilalas kung tanong ng maglapag siya sa harap ko ng dalawang bundle ng thousand bills. Simula palang kanina lagi nalang akung nasisindak sa dami ng mga perang inilalatag sa harapan ko.
"Kailangan mo 'yan. Bukas magpasama ka kay Digna mag mall kayo, magpa-salon ka at mamili ng lahat ng kailangan mo. Bumili ka rin ng cellphone para may contact tayo." Maawtoridad niyang wika. "One more thing, from now on don't call me sir, just call me Papa, Tito or Daddy. What ever you want." Dagdag pa niya. Kaya may pilyang ngiti ang sumibol sa aking mga labi ng maalala ko ang aking kaibigang in-adopt ng isang tulad niyang bakla.
"Popsy!"
Wala akung nakapang pagsisi sa naging disisyon ko. Pero may baka sa akin dibdib na hindi ko mapangalanan kung takot or excitement. Kung totoong becky ang anak niya, swerte ko at tuloy ang ligaya. Kailangan ko rin pag planohan ang gagawin ko pag natapos na ako sa aking mission. Kailangan ko ulit ng tulong ng mga kaibigan ko. Hindi ako pwedeng gumalaw mag-isa dahil baka makasalubong ko ang mga taong halang ang kaluluwa. Kailangan ko ng makakasama para may matatakbuhan ako. Alam kung hindi nila ako pababayaan.
Isa nanamang pakikibaka ng pagsubok sa hamon ng buhay ang susuongin ko. Hindi naman kamatayan ang magiging hatol ko dito kung hindi ang aking dangal at kinabukasan. Only four months. Buti pumayag siya ng apat na buwan. Imagine every saturday night lang daw umuuwi ang anak niya at first hour in the morning ng monday umaalis na ito para pumasok sa trabaho, so isang araw sa isang linggo ko lang pwedeng gawin ang trabaho ko. Ibig sabihin sixteen days lang ang kailangan kung gugulin para maakit ang baklang bilyonaryo. Sana tumalab ang aking charm sa binabae. Sana ligtas ako sa binabae, kung hindi kawawa naman mapapangasawa ko pagdating ng araw baka itakwil ako agad. Hanapan ko nalang kaya siya ng gwapo, si Kuya kaya maraming nagkakagustong bakla duon. Piping bulong ko.
"Mama please guide me. Sorry po, pero ito lang po ang alam kung makakasalba sa amin ni Kuya. Hindi na po ito mauulit. Minsan lang po ito, ngayon lang. Promise." Paulit-ulit niyang bigkas habang nakatingala sa madilim na kalangitan. Mukhang nagbabadya ang malakas na pagbuhos ng ulan ano mang sandali.
Lakad dito lakad duon ang ginawa namin ni Digna ng makapasok kami sa loob ng mall. Lahat ng magustohan kung damit binili ko. Nakasunod lang ang isang body guard driver sa amin dahil ayaw pumayag ni Popsy na wala kaming kasamang lalaki lalo na daw ako baka may makakilala daw sa aking tauhan ni Simion. Natatakot din akung makita ang mga barkada ni Kuya Samuel.
Hindi ko akalaing mararanasan ko ang ganitong buhay. Pero may hangganan ang lahat. Apat na buwang lang ito kaya dapat namnamin ko na ang saya ngayon pansamantala. Pero kailangan may limitasyon din ako para walang sisihan sa bandang huli. Baka malunod ako sa luho at maubus ang lahat ng meron ako ngayon, babalik ako sa wala at baka sa putikan ako malublob ng habang buhay.
Matapos kaming kumain ng hapunan sa isang Japanese restaurant. Nagdisisyon na kaming umuwi sa mansyon ng mga Fontanilla. Pagod na rin kami tatlo. Masaya rin kasama si Manong driver pala biro siya. Kaya wala kaming ginawa ni Digna kung hindi tumawa sa mga jokes niya.
Pagdating namin sa bahay una kung ginawa ang pagkutingting ng bago kung cellphone. Marami akung gustong matutunan sa social media. Mamaya hihiramin ko rin kay Popsy 'yung librong nakita ko. Gusto kung magbasa habang hinihintay ang araw ng linggo. Dahil kung ang baklita lang iisipin ko baka masira na ulo ko. Bahala na kung anung mangyayari, sabi naman ni Popsy kusang gumagana ang utak kasabay ng paggalaw ng katawan ng tao. Sana nga lang umayaun ang pagkakataon at maging straight ang bakla.
Friday palang pero kinakabahan na ako pero parang nai-excite din naman akung makita ang bilyonaryong becky na tanging taga pagmana ng kayamanan ni Don Carlos Antonio de Fontanilla.
"Maro daw pangalan ng anak ng Don sabi ni Nana Luz. Baka Mara naman sa gabi at saan naman kaya siya rumarampa, sana isama naman niya ako kahit minsan lang." Kausap ko sa kawalan dahil hanggang ngayon hindi pa ako makakabuo ng plano kung paano ba i-seduce ang isang lalaking berde ang dugo.
.
.
.
.
.
.
.........................................................
please follow my account...
and add my story in your library..
...loveyouguys..God Blessed Us..
thanks much......lrs..
....."Lady Lhee"....