How many times have i told you na wala kang papapasukin kahit sinong babae sa loob ng opisina ko kung hindi rin lang tungkol sa business ang sadya?" Mariin niyang singhal sa kalihim niyang halos mabali na ang leeg sa pagkakayuko. "Alam na alam mong sa lahat ng ayaw ko 'yung mga babaeng ibinabandera ang katawan mapansin lang ng lalaki, mga babaeng tulad mo na walang dilekadesa. At lalong hindi ako nakikipaglandian sa kahit kaninong babae sa loob ng opisina ko. Kaya iwasan mo rin magpakita ng motibo dahil sa susunod hindi lang ang mga babaeng 'yong ang palalayasin ko maging ikaw palalasin ko na rin. Now leave!" Malakas na asik niya dito. "I said get out!" Hiyaw na niya dito ng makita niyang hindi man lang ito gumalaw sa kinatatayuan.
"Damn that woman! Simple instructions hindi masunod, hindi maintindihan." Mariing bulong niya ng halos magkandarapa sa pagmamadaling lumabas ng opisina niya ang kanyang secretary na si Lily. Kanina pa nag-iinit ang ulo niya, dapat tapos na niya ang mga files na nire-review pero sa kasamaang palad naiwan sa mansyon nila ang proposal na ginawa niya. Wala din file sa laptop niya. Kaya hindi siya makapag-concentrate sa trabaho. Dapat ngayon siya magpro-propose sa isang investor pero wala ang draft proposal niya kaya ang ending cancelled ang meeting niya. At next week pa niya ulit pwedeng makausap ito dapende pa daw sa schedule nito.
"Cancel all my schedule for two days." Mariing niyang saad sa secretary niya. Kailangan niyang umuwi bukas after lunch dahil hindi parin niya tapos ang proposal. Gusto sana niyang ipagkatiwala sa secretary niya pero mas pinili niyang siya nalang gumawa. Tinawagan na din niya ang mga kaibigan na hindi siya makakasama sa mga ito sa weekend. Buti at naintindihan siya ng mga ito.
Alas tres ng hapon ng makarating siya sa mansyon nila. Agad din siyang pinagbuksan ng gate ng makita ng mga guard ang kotse niya. Matapos niyang maingrahe ang sasakyan, binuksan na niya ang pinto ng kotse at diretsong naglakad patungo sa main door ng mansyon. Tahimik at walang tao sa loob ng bahay kaya nangtuloy-tuloy na siyang umakyat sa magarbong hagdanan patungo sa silid niya ng walang nakapapansin sa kanya. Marahil nagpapahinga ang Yaya Luz niya na tinuring na niyang parang ina simula ng mamatay ang kanyang mommy dahil ito na ang nag-alaga sa kanya at tumayong ina.
Hinubad lang niya ang mga suot na damit at tumuloy na sa banyo para maglinis ng katawan. Matapos mag-shower hinanap ang folder na kailangan niya at naupo sa working table niya. Isa-isa niyang ne-review ang mga ito at nag-tipa sa laptop. Maging ang ibang trabaho sa opisina inuwi narin niya para matapos na.
Madilim na ang kapaligiran ng matapos ang kanyang ginagawa. Hinilot pa niya ng ilan beses ang batok na nangalay bago nag-inat at tumayo. Naglakad siya patungo sa kama at padapang ibinagsak dito ang patang katawan. Ilang minuto rin niyang ipinahinga ang katawan at isipang pagod bago nagpasyang lumabas ng kanyang kwarto para sana magpahanda ng miryenda pero may marinig siya tumutugtog ng piano at kilalang kilala niya ang tunog na yun na nagmumula ng music room. Ang malamyus na tugtuging pamilyar sa kanya. Isa sa paboritong tugtugin ng kanyang ina noong nabubuhay pa ito. Ilang minuto pa siyang hindi gumagalaw dahil sa naiisip. Ang Mommy lang niya ang naririnig niya tumutugtog nuon. Kinikilabutan din siya kaya bahagya niyang hinaplos ang braso.
Kung totoo ang tumatakbo sa utak niya, bakit ang tangal naman ng tugtog. Kaya maingat siyang naglakad patungo sa music room. Nakaawang ang pinto nito kaya mas malakas niyang naririnig ang musika. Bukas din ang dim light na tanging liwanag sa loob ng kwarto. Dahan dahan niyang itinulak ang pinto gamit ang dalawang daliri para sinuhin ang pangahas na taong nagpapatugtog ng piano. At bakit alam niya ang tugtugin yon. Wala naman siyang alam na may marunong gumamit ng piano sa mga kasambahay nila. Hindi rin nakikialam ang mga kasama nila sa bahay. Ilan taon narin siyang hindi humahawak nito.
Sinilip niya ang loob ng music room, sa tulong ng isang ilaw sa may sulok kita niya ang isang babaeng may mahabang buhok. Nakaupo sa harap ng grand piano habang tumitipa ang mga daliri nito sa mga keyboard. Kaya nilakihan niya ang bukas ng pinto upang makapasok ng lubusan sa loob upang sitahin ito. Isang hakba pa ang ginawa niya para mas lalong makita ang mukha ng babae. Maputi ang makinis na balat nito at mukhang walang pakialam sa piligid dahil hindi man lang nito napansin ang paglapit niya dito. Amoy niya ang natural body scent nito at ang cologne na gamit ng babae na kumalat sa loob ng silid. Kaya mas lumapit pa siya dito upang makita ang mukha ng babae. Halos pangapusan siya ng hininga ng makita ng malapitan ang mukha nito, hindi niya maigalaw ang mga paa, para siyang naistatwa sa kinatatayuan, ni hindi rin niya maibuka ang bibig. Nakapikit ang mga mata nito at sa tulong ng mapusyaw na liwanag kita niyang may umaagos na mga luha sa magkabilang pisngi nito. Malumanay ding umiindayog ang kalahati ng katawan nito kasabay ng tugtoging tinitipa ng mga daliri nito. Gusto man niya lapitan para pahirin ang mga luhang naglalandas sa pisngi nito ngunit parang naninigas ang katawan niya at hindi maigalaw. Gusto rin niyang kausapin ang babae pero naumid ang dila niya dahil sa kabang biglang bumulusok sa kanyang dibdib, at ang lakas ng pagkabog ng puso niya.
Maingat at walang kilatis siyang humakbang paatras bago tinalikuran ang babae, malalaki at patingkyad ang hakbang na nilisan ito bago pa matapos ang tinotugtog nito. Diretso siyang pumasok sa kwarto niya na halos magtatakbo na dahil sa kaba at takot na baka mahuli pa siya ng babae.
Kanina pa siya paikot-ikot sa loob ng kanyang kwarto sa kaiisip sa babae, tila ito isang matapang na virus na napagkit sa kanya na ayaw ng maalis sa isipan niya at sigu-sigundong lumilitaw sa balintatawan niya ang larawan ng maamong mukha nito. Para siyang nadarang sa apoy ng makita ang lumuluhang maamong mukha ng baabe at hanggang ngayong ramdam pa niya ang init ng katawan na hindi pa napapawi. Sa dinami-dami ng inuuwi ng daddy niyang babae sa bahay nila ngayon lang siya nakaramdan ng kakaibang damdamin na hindi niya mabigyan ng kahulogan. Halos lumabas na sa dibdib niya ang puso niya sa lakas ng kabog nito ng makita ang babae. Halos linggo-linggo yata iba ng iba ang naaabutan niyang mga babae ng daddy niya sa mansyon nila pero ni isa sa mga yon hindi niya pinag interesan. Walang siyang nagustohan sa mga ito. Kinakausap lang niya ang mga babae bilang bisita maliban duon wala na, wala siyang balak palawigin pa ang ugnayan sa mga yon. Bahala na ang Daddy niya kung sino ang magustuhan nito. Wala naman problema sa kanya kung mag-asawa man itong muli, matagal naman ng namatay ang kanya ina. At para may makasama at magaalaga rin dito. Ang lagi lang niyang paalala sa daddy niya pumili ito ng babaing mamahalin siya at hindi ang kayamanan meron sila. Kaya ayaw na ayaw niyang ipinangangalandakan kung ano meron sila dahil maraming babaeng pera lang ang habol sa lalake at iiwanan ka nalang basta pag nakuha ng lahat ng gusto nila sayo, maiiwan kang luhaan at nangangapa sa dilim sa gitna ng sikat ng araw. Madalas din siyang magpanggap na walang pera lalo na pag may mga babae silang kaharap at alam ng mga kaibigan niya 'yon. Lagi din niyang sinasabing ipinagkatiwala lang sa kanya ang kompanya at hindi niya ito pag-aari.
Kumuha nalang siya ng beer in can sa personal ref niyang nasa loob ng kwarto niya nagbabakasakaling kumalma ang nagreregudon niyang puso. Kinuha din niya ang nakaplatic na cashew nut sa ibabaw ng mini ref niya. At naglakad patungo sa may veranda ng kwarto niya. Hinawi niya ang kurtinang tumatabing sa sliding glass door at binuksan ito at lumabas sa veranda. Sinalubong siya ng pang-gabing malamig na simoy ng hangin kaya ilang beses siyang humugot ng malalalim na hiningan at sunod-sunod na nagbuga ng hangin mula sa bagà Tumingala siya sa langit at tinanaw ang maaliwalas na kalangitan na napapalamutian ng mga nagningning na mga bituin. Mabilog din ang dilaw na buwan na tumatanglaw sa kapaligiran. Kumikinang din ang kulay asul na tubig ng swimming pool na tinatamaan ng liwanag ng bilog na buwan. Sinimsim niya ang hawak na beer at nagkukot ng cashew nut habang nakaupo sa single seated iron chair. Itinaas niya ang mga paa sa bilog na mesa sa harap niya para marelax siya. Pero kahit anong gawin niya talagang mukha ng babae ang nakikita niya, kahit mariin pa niyang ipikit ang mga mata, talagang ang larawan pa rin ng babae ang lumilitaw. Buhay na buhay niya itong nakikita. Padarang siyang tumayo at mariing humawak sa railings ng veranda. Matama lang niyang pinagmamasdan ang kabuon ng harden na tanaw na tanaw mula sa kilatatayuan niya habang umiinom ng dalang beer. Hanggang ngayon hindi pa rin mawala-wala sa isip niya ang mukha ng babaeng umiiyak. Sa unang pagkakataon may babaeng gumugulo ng isip niya. Pumukaw sa tahimik niyang damdamin at isipan. Ang babae nagbibigay ng matinding kilabot at mabilis na pagtibok ng puso niya. Na hanggang ngayon hindi niya mapangalan kung anung ibig sabihin, may sakit na ba siya sa puso.
Halos dalawang oras din ang inilagi niya sa veranda ng magpasya siyang pumasok na sa kuwarto niya ng bigla nalang siyang nakarinig ng splash sa tubig bago palang siya makarating sa pinto. Agad siyang bumalik at nilingon ang swimming pool, umaalon ito. Kaya nagkubli siya sa may halaman tabi ng wall upang alamin kung ano at kung sino nag-dive sa tubig.
Halos mapamura siya ng makita kung sino ang nasa swimming pool ng mag-angat ito ng ulo at hinawi palikod ang buhok na puno ng tubig kasabay ng malakas na kabog ng dibdib niya. Pigil ang kanyang paghinga habang pinagmamasdan niya itong naglalangoy at sa tuwing sisisid ito palalim umaangat ang pwet nito. Parang walang kapagurang itong pabalik-balik sa paglangoy. At halos umabot din ng kakahating oras ito nagbabad duon bago umahon. Dahan-dahan itong umaangat sa tubig paakyat sa hagdanan patalikod sa gawi niya, ilan beses din itong nagpalinga-linga bago nagtuloy-tuloy na umahon. Sa liwanag ng bilog na buwan at sa tulong ng ilaw nalapit sa pool kitang-kita niya ang maputi at makinis nitong likod sa suot nitong itim na backless swimsuit ng tuluyan ng makahon sa tubig. Mabini itong naglalakad habang ang isang kamay ay humahawi sa buhok nitong basang-basa patungo sa batok nito. Animo ito isang modelo na rumarampa kung maglakad, ang pag-imbay ng balakang nito at ang paghakbang ng mga paa nito ay walang iniwan sa isang model ng mamahaling alak. Kitang-kita ang kurba ng katawan nito sa suot nitong one piece backless bathing suit.
Sa lakas ng pintig ng puso niya natutoliro na naman siya, isabay pa ang halos nagliliyab na niyang pakiramdam dahil sa tanawin kanyang nakikita, hindi na niya alam kung anung gagawin, muli para siyang isang tuod na hindi makagalaw sa kitatayuan. Lahat yata ng parte ng katawan niya naninigas na. Nagugulohan din siya, ano nga ba ang dapat niyang gawin? Tatakbo na ba siya palayo o hihintayin nalang niyang mawala ito sa kanyang paningin. Dahil para sa kanya torture ang babae. Kinakapus na siya ng hangin sa baga, nagliliyab na rin siya sa init. Buti nalang at malayo ang babae kung hindi baka magahasa na niya ito.
Dinampot nito ang towel sa ibabaw ng bilog na mesang salamin sa tabi ng swimming pool at idinampi-dami ito sa basang-basang buhok at katawan. At dahil sa nakikita lalong nagliliyab ang buong katawan niya sa init. Lumakad pa ito ng ilang hakbang at isinuot ang puting robang nakapatong sa reclining chair. Naglakad itong hindi na pinagkaabalahang pagsalikupin ang magkabilang gilid ng roba, hindi rin nito itinali ito. Para itong diyosa ng karagatang kung lumakad. Mabilis siyang umalis sa pinagtataguan ng mawala na ito sa kanyang paningin at agad din siyang pamasok at halos magtatakbo siya patungo sa kwarto diretso sa cr dahil sa pagpipigil sa nadarama. Kailangan niyang magbabad sa tubig upang mapawi ang init na kanina pa nakalukob sa katawan niya. Hinayaan lang niyang umagos sa buong katawan niya ang malamig na tubig buhat sa dutsa ng shower kailangan niyang magbabad sa ilalim ng malamig na tubig. Upang maibsan ang apoy sa loob ng kanyang katawan o magsariling sikap.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nagbabad sa malamig na tubig. Ang gusto ko lang maibsan ang init na bumabalot sa aking katawan na dulot ng presensiya ng mahiwagang babae. Torture ang babae sa akin. Hindi lang sakit sa puso ang makukuha ko sa kanya kung hindi sakit din sa utak sa kaiisip dito. Nawala narin ang pangangalam ng aking sikmura, ang kaninang gutom ko sinakop na ng pagnanasa ang buong utak at puso kung walang tigil sa malakas na pagkabog, na animo'y tinatambol. Mababaliw na yata ako. Bakit ko ba ito nararamdaman hindi naman ako nakukulangan sa babae, active naman ang s*x life ko. Dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo ako may kasalong babae sa kama. Pero pagdating sa babae 'yon parang uhaw na uhaw ako. Nakababaliw. Nakatataas ng libido. Nakakasira ng bait. Para akung bulkan na nag-i-erupt.
.
.
.
.
.
.........................................................
please follow my account...
and add my story in your library..
...loveyouguys..God Blessed Us..
thanks much......lrs..
....."Lady Lhee"....