Kaba at matinding pag-aalala ang aking nararamdan buhat ng makita ko siyang namumula. May sakit ba siya? Ang unang tanong sa isipan ko. Galit na ba siya sa presensiya ko o sa pangungulit ko, kaya siya namumula? Mga piping tanong ko. Kailangan ko talaga siyang asikasuhin hindi dahil sa kasunduan namin ni Don Carlos na akitin siya kung hindi siya ang nag-iisang anak ng taong nagligtas sa akin sa tiyak na kapahamakan. Malaki ang utang na loob ko sa Daddy niya. Manaka-naka ko rin siyang sinusulyapan baka bigla nalang siyang mag-collapse dahil sa tindi ng pagka-pula ng mukha niya hanggang sa leeg. Dama ko rin kanina ang mabilis na pintig ng pulso niya sa may leeg. Ano kaya nakain niya, baka masama talaga ang pakiramdam niya kaya umuwi siya ng maaga. Mga tanong na gumugulo sa isipan ko.
"Ayaw mo lang sigurong umaming may dinaramdam ka. Nuh?" Pukaw kong wika sa katahimikan namin. Tanging kalansing lang kasi ng mga kubyertos naming gamit ang nadidinig sa pagitan namin dalawa dito sa kusina. "Huwag kang mag-alala aalagaan kita, sabihin mo lang kung anung masakit sayo. Bibili ako ng gamot mo. Kung gusto mo sasamahan kitang magpa-check up sa Doctor." Dagdag ko pa at pinag masdan siyang mabuti, pero hindi man lang niya ako nilingon, supladang becky talaga siya. Kaya tumayo ulit ako at nakangiting dinama ng likod ng palad ko ang noo at leeg niya. Ngunit kakaiba na ang naramdaman ko sa kanya ng ihagod ko ang isa pang palad ko sa dibdib niya. Para siyang hinihingal, malalalim ang paghinga niya kaya agad din akung bumalik sa pagkakaupo. Nakaramdam ako ng takot na di ko mawari. Sa tingin ko isang suntok lang niya sa akin isang oras akung tulog.
"Sabi ko na sayo ayos lang ako, ganito lang talaga ako pagnalipasan ng gutom." Pagdadahilan ko nalang para matigil na siya sa pag-aalala. Baka mapatid na ang gahibla kung pagtitimpi at hindi na ako makapagpigil na kuyumosin siya ng halik sa mga labi.
"Luh!" Gulat niya palatak at nilongon ako. "Anong oras kaba dumating? Dapat kasi kumakain ka on time, alam mo naman palang may problema ka pagnalilipas ka ng gutom. Ang dami naman pwedeng kainan sa daan. May pera ka naman pambili ng pagkain. Dapat lagi kang may baon pagkain para hindi ganyan. Mukha kang letchon manok, ang pula mo hanggang dibdib. Seguro buong katawan mo mapula." Dirediretsong talak niyang panenermon sa akin. Kaya lihim akung napangiti. Paano ba naman hindi ako mamumula kung ganito siya kalapit sa akin idagdag pa ang mga palad niya humahaplos sa aking mukha. Kaba at bilis ng t***k ng puso ko ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito, nagliliyab din ako sa init sanhi ng kakaibang damdaming tanging ngayon ko lang nararamdaman, at sa tuwing nakikita siya ng malapitan. Nakakaakit din ang matamis niyang ngiti na sumisilay sa mapupula niyang mga labi. Lalaki ako na may normal na pakiramdam. Sino ba naman kasing lalaki ang hindi magliliyab sa init kung ganito kaganda at kaakit-akit na dalaga ang katabi mo isama mo pa ang nasilip ko kanina na hindi na mabura sa isip ko. Patawarin ako ng mga bathala dahil sa isip ko kanina ko pa siya ginagahasa kaya namumula ako ng ganito. Guilty, dahil sa kalokohan tumatakbo sa isip ko at pag tinutoo ko patay ako. Baka mata ko lang walang latay.
"Dumating ako kanina before three, wala naman akung nakitang tao kaya nagkulong nalang ako sa kwarto ko." Aniko. Hindi ko naman siguro kailangan elaborate sa kanya kung bakit ako nagkulong sa kwarto pagdating ko.
"Kung alam ko lang na may ganyan kang kondisyon sana dinalhan nalang kita ng pagkain sa kwarto mo." Aniya. Dama kung nakatitig siya sa akin."Wala din kasing nakapagsabing bawal ka palang magutom. Hayaan mo babantayan kita pag-andito ka. Kaya kailangan sumunod ka sa akin, sa mga sasabihin ko para hindi ka naghihirap ng ganyan. Mamaya magka-ulcer ka pa, mas mahirap yon." Litanya niya. "Ang yaman gutom ang sakit. Ano kaya gagawin niya sa pera niya? Sasantohin?" Maktol na wika pa niya, na ikinataba ng puso ko, para tuloy gusto ko siyang ikulong sa aking mga bisig, yakapin ng mahigpit.
Nagpatuloy nalang kaming kumain, manaka-naka nilalagyan ko ng ulam at kanin ang plato niya para mabusog siya ng hindi naman nalilipas ng gutom. Napakadami nilang pagkain at makabibili ng kahit anong gusto pero hinahayaan magutoman ang sarili. Maselan kasi ang mayayaman kaya hindi rin sila kumakain ng kahit ano. Masyadong mapili puro pang sosyal na pagkain lang kinakain. Di tulad ko pritong galunggong at kamatis solved ng tanghalian samahan pa ng itlog na maalat, bundat na, pwede na ulit maglako ng paninda.
"Enough!" Saad ko, kanina pa siya lagay ng lagay ng pagkain sa plato ko. Busog na busog na ako halos maubus na ang kanin at ulam na inihain niya. Sobra ang pagaasikaso niya sa akin daig pa namin ang mag-asawa. Samantala siya adobo lang inuulam niya, mukhang sarap na sarap pa siya sa pagkain. "Ikaw ang kumain ng marami ang payat mo, puro ka buto." Aniko ng hindi siya tinitingnan.
"Hindi na yata ako tataba, bata palang ako ganito na katawan ko. Hindi talaga ako tabain, kahit kumain pa ako ng kumain hindi rin nagbabago katawan ko." Turan niya.
"Ako na magliligpit." Aniya. "Gusto mo ba ng dessert may ginawa kami nila Nana Luz na carrot cake kanina?" Dagdag pa niya at tumayo na siya patungo sa fridge. Kaya hinayaan ko nalang siya, para kasing wala akong lakas ng loob na komontra sa mga sinasabi niya, parang may puwersang gumagapos sa katawan ko kaya hindi ako makakilos ng komportable, para rin may busal ang aking bibig na hindi makapagsalita. Paano pa kaya ako makakain kung busog na busog na ako, hindi ko naman mahindian. Sino ba talaga ang babaeng ito at parang may kapangyarihan siyang mapasunod ako. Para siyang may magnet na nagpapabilis ng t***k ng puso ko. Nagpapainit ng dugo ko. Nagpapakinig ng kalamnan ko at sinasaluduhan ng alaga ko.
Pinagmamasdan ko lang siya sa mga ginagawa niya habang kinakain ang maliit na slice ng carrots cake na bigay niya. Maingat ang bawat galaw niya at walang kaarte-arte siya kung kumilos para natural lang sa kanya ang mga ginagawa niya. Nakasuot lang siya ng three fourth slevees cotton t-shirt na lampas tuhod may nakaprint ng malaking bulaklak sa gitna. Maluwang ang neckline nito kaya nasilipan ko siya kanila ng yumuko siya. Idagdag pang wala siyang suot na bra kaya kita ko ang tayung-tayo niyang hinaharap na sa palagay ko'y ako palang ang unang nakakita. May suot din siyang apron habang naghuhugas ng mga pinakainan namin. Gusto ko siya tulongan, gusto kung ako nalang sana ang magpunas ng mga plato at baso ngunit hindi naman ako makatayo sa kinauupoan ko. Nag-aalala akung makita niya ang hitsura ko at baka matakot pa siya sa akin. Dahil para akung minamaligno sa kinauupoan ko sa sakit ng akin puson. Simula kanina hanggang ngayon bukol na bukol pa rin ang aking harap. Hindi parin napapawi ang init na bumabalot sa aking katawan. Ang lakas talaga ng dating niya sa akin, lahat ng buong sestema ko sa isang iglap nayanig ng dahil sa kanya.
"I-za? Right?" May kinig sa boses kung tanong I want to make sure kung totoo ba ang dinig ko na pangalan niya. Lumingon naman siyang nakangiti sa aking. Kaya heto nanaman ang bilis ng pintig ng dibdib ko, ngiti palang niya nayayanig na ako. How much more pagnahawakan ko na siya o nayakap ko na. Ipinilig ko nalang ng ilang beses ang aking ulo sa mga naiisip. Sinasalakay nanaman ako ng pagnanasa. Buti nalang hindi siya nakatingin sa akin, baka isipin niyang nasisiraan na ako ng ulo.
"Oo, Izadora Figueroa name ko, pero Iza nalang ok na 'yon." Usal niya. Kaya napangiti ako dahil ibinigay niya ang buong pangalan niya.
"You're so young and adorable." Saad ko pa, gusto ko sanang itanong edad niya pero 'yon ang lumabas sa bibig ko. Bakit ba pagdating sa babaeng ito nawawala ako sa sarili. Ngayon lang nangyayari ito sa akin.
"Last week lang ako ng debut. Kai-eighteen ko lang." Aniya, banaag ko ang lungkot sa kanyang mukha.
"Wow! Dalaga ka na pala." Aniko na may tuwang nadama. "Belated Happy Birthday. Anong gusto mong gift?" Dagdag ko pa.
"Wala. Thank you." Tipid niyang tugon. "Ayos na yon binati mo ako. Ikaw lang yata ang matinong taong bumati sa akin." Malumanay niyang wika. May naramdaman akong kakaiba sa kanya habang binibigkas niya ang mga katagang binibitawan niya. Ano ba ang nangyari sa kanya at mukhang may misteryo sa pagkatao niya. Ayaw ko naman siya ususain at baka ma-offend ko pa siya. Ngayon lang kami nagkakilala. Sana magtagal pa siya dito. Sana madatnan ko pa siya sa susunod kung uwi. Gusto ko pa siyang makilala ng lubos. Mga piping dalangin ko.
"Debut, dapat special dahil minsan lang yan dumating sa buhay ng isang dalaga. Dapat memorable. May roses and candle. And of course your special someone." Mahabang wika ko, pero nagyuko lang siya at hindi na nagsalita.
"Tapos ka na ba?" Tanong niya ng humarap siya akin. "Gusto mo ba ng kape?" Dugtong pa niya. Malamlam na ang kanyang mga mata. Kung kanina diretso sa mga mata ko kung tumingin siya pagnagsasalita ngayon medyo nakayuko na siya kaya ako naman ang malayang nakatitig sa mukha niya.
"May problema ba? May nasabi ba akong mali?" Aniko sa malumanay na boses. Iling lang ang naging tugon niya at lumakad na siya palapit sa akin. Kinuha niya ang platitong pinagkainan ko at bumalik sa lababo. Matapos niyang malinis lahat, naghugas na siya ng kamay at tinuyo ito. Hinubad na rin niya ang apron, sinabit niya yon sa tabi ng fridge. Malumanay siyang naglakad pagawi sa mesa. Dinampot niya ang librong binabasa niya kanina at binuklat.
"Hala asan na 'yon? Ano ng page yon?" Maktol niya at ipinadyak pa ang paa ng isang beses. "Ito kasi eh, nawala tuloy." Singhal na niyang hindi na maipinta ang mukha. Habang patuloy sa mabilis na pagbuklat ng mga pahina ng aklat. Kaya mapatayo ako at nilapitan siya.
"Ano bang hinahanap mo?" Nag-aalala kung tanong dahil konti nalang mukhang iiyak na siya. "Baka nahulog kanina." Dugtong ko pa at nilinga ang sahig baka may makita akung kakaiba, hanggang sa ilalim ng mesa sinilip ko pa.
"Kasalanan mo yon, kung hindi ka biglang sumulpot di sana hindi ako nagulat, hindi sana nawala yung binabasa ko." Reklamo niya kaya mapangiti ako akala ko may nawala.
"Akina nga at ako ang hahanap, ano bang huling basa mo?" Tanong ko sa kanya ng malapitan ko siya at kinuha sa kamay niya ang libro. "Ito bang page na ito?" Aniko at tiningnan naman niya halos magkadikit na ang amin mukha sa lapit naming dalawa. Amoy na amoy ko rin ang ginamit niyang shampoo, kaya natutukso akong dampian ng halik ang tutok ng ulo niyang halos nakadikit na sa mukha ko. Kumakaskas na rin ang braso niya sa dibdib ko kaya natutupok nanaman ako ng kakaibang init. Pero sa kanya bewala lang lahat. She's so innocent and fragile. Sabagay kae-eighteen lang niya at wala talagang muwang sa kamunduhan. Samantala ako nagliliyab nanaman sa init.
"Dito na yon, sandali nabasa ko na yan." Aniya kaya inisa-isa ko ng buklatin ang mga pahina. "Wait! Ito na." Saad niya at pinigil ang aking kamay, para tuloy may kuryenteng mabilis na dumaloy sa aking sestema ng mahawakan niya ang aking kamay. Nanigas nanaman ako, pigil ko rin ang aking hininga. Kaya pinilit kung ihakbang ang aking mga paa palayo sa kanya pero sumunod naman siya sakin palabas sa kitchen. Magkasabay at halos magkadikit din kaming naglakad paakyat ng hagdanan kaya nagkikiskisan ang aming braso. Buti nalang at hindi siya tumitingin sa akin kung hindi baka makita nanaman niyang namumula ako, at nakasaludo sa kanya ang alaga ko.
"Matulog ka na, huwag kang magpupuyat papangit ka." Birong wika ko pagtapat namin sa kwartong tinutuluyan niya. Napalingon naman siya sa akin. Gustong-gusto ko na siyang hilahin papasok sa kwarto ko.
"Mamaya na. Kakakain lang. Magbabasa muna ako." Aniya. "Ikaw ang matulog at mukhang pagod ka sa trabaho nagbiyahe ka pa." Nakangiti niyang turan. "Good night Maro." Dugtong pa niya na ikinalukso ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagalak dahil ba sa malambing na pagkakabigkas niya ng pangalan ko o dahil ng good night siya sakin.
"Good night my Iza." Ganting tugon ko na ikinabigla ko. Bakit ba kung anu-anong wala sa sarili ang lumalabas na salita sa aking bibig.
"Sleep tight Darling." Saad niya bago pa siya nakapasok sa kwarto niya at agad din niyang isinara ang pinto.
.
.
.
.
.
.
.........................................................
please follow my account...
and add my story in your library..
...loveyouguys..God Blessed Us..
thanks much......lrs..
....."Lady Lhee"....