Napatulala ako sa aking narinig mula sa babaeng nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam na hindi ko maintindihan. Bigla nanaman bumilis ang kabog ng dibdib ko. Tinanaw ko lang ang pintong pinasukan niya. Ilang minuto rin akung nakatayo lang malapit sa tapat ng kwarto ko bago nagpasyang pumasok sa sariling kwarto. Hindi ko alam kung kinikilig ba ako dahil tinawag niya akung "darling" iba ang dating sa akin nun. May kakaiba nanaman akung hindi pamilyar na naramdaman sa aking dibdib. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba ako nakadarama ng ganito? Marami naman akong nakakasalamuhang ibat-ibang mga babae at kung anu-ano rin tinatawag sa akin, pero pagdating kay Iza hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ano bang virus meron ang babaeng 'yon. "It's your fault Dad, why my heart beating so fast non stop." usal ko sa hangin bago pumasok sa kwarto diretso sa cr.
Padapa kung ibinagsak sa malambot kung kama ang aking katawan matapos akong maligo. Lahat na yata ng litid ko sa buong katawan umigtig ng ilang oras simula ng makita ko si Iza. Para nakipaghabulan ako ng ilang oras sa panlalata ng aking katawan at sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang imahe niya nag-iinit ang pakiramdam ko. Kailangan ko na talagang mailabas lahat ng namuong init sa loob ng katawan ko. Mahirap matulog ng ganito. Sa isiping nasa kabilang kwarto lang ang babaeng dahilan kung bakit walang ampat sa pagliliyab sa init ang aking mapagnasang katawan lupa. Moral na kasalanan ito pagpinasok ko siya sa kanyang silid. Ayaw kung makagawa ng bagay na ikasasama ng loob niya, ayaw kung magalit siya sa akin at baka isumpa niya ako na maaring kung tuloyang ikabaliw.
Naalimpungatan ako sa sunod-sunod na mga katok sa pinto ko. Kaya walang ganang bumangon ako at naglakad patungo sa pinto upang sinuhin ang walang habas na kumakatok. Halos madaling araw na akung nakatulog sa pag-iisip ng kung anong dapat gawin sa buhay ko upang hindi ako nabaliw sa presensiya ng may virus na babae. Sa isang kisap mata nagulo ang tahimik kung mundo. Ang dating malamig kung buhay, ngayon laging nagliliyab sa init ng apoy mula sa kanya.
"Tsk! Tulog mantika ka talaga.Tanghali na tulog ka pa, mamaya niyang kung ano nanaman mangyari sa 'yo. Ni hindi ka man lang yata nagmuta bago humarap sa akin. Magdamit ka na nga at bumababa sa kitchen para makakain ka na.Tanghali na. Anung oras ka ba talaga gigising? O plano mo talagang magkulong ulit sa kwarto at magpakamatay sa gutom." Talak agad niya pagbukas ko ng pinto. Kaya hindi ako agad nakahuma sa kinatatayuan ko ng makita siyang taas kilay sa harap ko na bagong paligo, basa pa ang kanyang buhok. Amoy na amoy ko ang ginamit niyang shampoo. Umaataki nanaman ang kakaibang init ng aking katawan sa presensiya niya. Tangin white sleeveless t-shirt at maong short lang suot niya. Kita-kitang ang maputi at magandang hubog ng kanyang hita na parang sa isang mannequin. Kaya eto nanaman ang kakaibang pakiramdam na nagumpisang sumalakay sa akin simula pa kagabi. Sino ba naman kasing matinong lalaki ang hindi mababaliw kung paggising mo ganito kaagad ang masisilayan mo. Lahat talaga ng pwedeng tumindig sa katawan mo titindig at magwawala sa galit at pilit din maghahanap ng butas na pwede pasukin para kumanlong.
.
......................
.
Nagulat pa ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Maro, nakaumang pa ang aking kamay para sana kumatok muli. Magulo ang kanyang buhok na parang nakipag sabunotan sa maligno, halatang kagigising lang niya. Hubad baro pa siya, isang itim na boxer short lang ang tanging saplot niya kaya kitang-kita ko ang namumutok niyang dibdib, na may mga nakaburdang pinong mga balahibo pababa. Bukol-bukol din ang kanyang tiyan, maging ang braso niya parang naninigas sa muscle. Mas malalaki pa ang muscle niya kaysa kay Kuya Samuel, mas malaki din ang katawan niya. Mas mataas din siya ng isa hanggang dalawang pulgada kay Kuya Samuel. Para siyang model ng brief sa ganda ng katawan na nakikita ko magazine at sa naglalakihang billboard sa gitna ng lunggsod. Pwede na siyang ihilera sa mga guwapong kilalang Hollywood stars at siguradong maraming maglalaway na mga babae sa kanya. Kung hindi ko lang alam na binabae siya baka nagka crush pa ako sa kanya. Gwapo na masculado pa. Sigurado akung pagkakagulohan siya ng mga matronang kapit bahay namin sa eskuwater pagnakita nila ang katawan ni Maro. Tulad ni Aling Trening na matronang patay na patay kay Kuya. Ano kaya tawagin ko si Aling Trening at ipa-r**e ko itong baklang ito para maging tunay na lalaki ng matapos na ang misyon ko.
"Good morning Dear." Bati ko nalang at sinundot ng hintuturo ko ang gitnang dibdib niya. "Would you please take a shower na po para makakain kana."Aniko, at bahagyang siyang itunulak papasok sa loob ng kwarto niya. "I'll wait for you here, so make it fast. I give you five minutes only. Hurry up Darling. I am waiting." Diretso pero may diin kong utos ng makita ko siyang hindi tumitinag sa kinatatayuan. Sumandal ako sa hamba ng pinto niya at pinagkrus ko ang dalawang barso sa tapat ng aking dibdib. "Hindi kaya pumuslit siya at rumampa kagabi kaya tinanghali ng gising, dapat pala binantayan ko siya para nakasama ako." Bulong ko sa kawalan ng makita siyang pumasok sa cr. "Next time susundan kita para wala ka ng kawala sa akin. Para alam ko naman kung paano gumimik ang mga gwapong baklang bilyonaryo. Ang saya n'yo siguro." Dagdag bulong ko pa.
.
....................
.
"Damm! s**t! What the f*****g s**t i am doing?" Mahinang bulalas ko pagpasok sa banyo, halos magkandarapa ako sa pagtakbo papasok sa banyo. Halos hubad baro akung humarap kay Iza. Akala ko si Yaya Luz. Habol hininga rin ako ng lumapat ang palad niya sa dibdib ko. Darang na darang nanaman ako sa nagliliyab na init ng katawan lupa ko. Naguumpisa nanaman akung ma-torture nito. "Fuvk!" mura ko pa dahil dalawang araw pa akung maghihirap ng dahil sa babaeng iyon. Mula pa kagabi ang dami ng nabago sa pagkatao ko. Maging pagmumura nagiging bulaklak na din ng dila ko ngayon. Hindi narin normal ang t***k ng puso ko, lagi ng nagreregudon ang dibdib ko. Kailangan ko na sigurong iwasan si Iza. Bakit kasi si Daddy pa ang unang nakakita sa kanya. Mga hinaing ng isipan kong toliro. "Mas hindi ko naman matatanggap na maging step-mom ko siya." bulong ko at napasuntok pa ako sa dingding na tiles nitong cr. Ano nanaman bang mangyayari pang labas ko dito sa cr. Malamang nanghihintay 'yon sa akin. "Dammit!" muli kung mura at padaskol kung binuksan ang shower. Wala na akung pakialam kung malamig ang tubig na tumatama sa aking katawan dahil ito naman ang talagang kailangan ko ang kontra sa init, kung pwede ko pang palamigin ang tubig ginawa ko na para patayin ang apoy sa tumutupok sa aking katawan mapagnasa.
.
..........
.
"Ang tagal ng bruha yung ilang minuto na akung makatayo dito hindi pa lumalabas ng banyo, kung hindi lang ako pinagsabihang bawal pumasok sa kwarto nitong baklang ito, kanina ko pa siya pinagkakatok sa banyo. Ano kanyang mga sekreto ng bruha ang nakatago sa loob ng kwarto niya?" Bulong ko habang palakad-lakad sa tapat ng silid niya at manaka-naka kong sinisilip kung lumabas naba siya ng banyo. "Iba rin talaga pagbakla ang naliligo ang daming rekotitos sa katawan, hindi nalang kasi magladlad ng magkaalaman na." Mga piping bulong ko. "No! No pwede baka mawala ang pang-tuition ko hindi ako makapag-aaral, sayang ang panahon." bulong ko pa. Para na akung baliw dito na nagsasalitang mag-isa sa dami ng mga iniisip ko ngayon. Ano ba itong napasok ko, mukhang masusukat ang katatagan ko dito. Mukhang ako ang bibigay sa kaguwapuhan niya, magpanggap kaya akung tomboy para maakit ko siya. Bulong ko pa.
"Oy! Maro, Darling, what are you doing that took you so long?" Hiyaw ko na sa may pinto. Konting english lang ayos na siguro bahala na kung wrong grammar baka kasi sabihin ng baklang yon hindi ako marunong mag english kahit konti. Ininglis ba naman ako ng british accent kagabi, akala daw niya foreigner ako. Lakas din ng tama ng bakla yun. Tindera nga lang ako ng kakanin at tubig sa kalye.
"f**k!" Mariing sambit ko ng marinig ang tinig ni Iza, tinawag na naman akung "darling" kumabog na naman tuloy ang aking dibdib. Hindi pa nga humuhupa ang init ng aking katawan nagtatawag na naman siya. Baka mag apoy na ako nito.
Kaagad niyang hinila ang puting towel at itinapis sa katawan ng marining ang pagtatalak ng dalaga. Nagmamadali niyang tinungo ang pinto at maingat na binuksan ito. Sumilip muna siya para sigurohin wala sa loob ng kwarto niya ang dalaga, malalaki ang hakbang na pumasok sa walk in closet niya ng masiguro wala ang dalaga. Natataranta siyang naghanap ng isusuot. "Ano bang mangyayari sa akin? Bakit ba parang takot ako sa babaeng yon? Pwede ko naman siyang paalisin? Para akong batang binabantayan ng ina." Naghihimotok niyang bulong.
"Anong ginawa mo bakit ang tagal mo? Halos isang oras yata akung naghintay sayo." Agad nitong bungad paglabas niya. Kaya tuloy naumid na naman ang dila niya.
Dumiretso lang siya ng lakad sa dereksyon patungo sa hagdan para makababa na sa kusina, dahil hindi niya kayang tagalan pa ang presensiya ng dalaga. Nag-aalala na naman siyang makita nitong namumula siya baka atakihin na siya sa puso sa bilis at lakas ng pagtambol ng dibdib niya.
"Oh, Hijo bakit tinanghali ka yata ng gising?" Agad na bati ni Yaya Luz ng makita siyang malalaki ang hakbang. "Nagugutom ka na ba? Upo na at ipaghahain kita." Utos pa nito na agad din niyang sinunod. Dinig din niyang may yabag na papalapit sa kanya at alam na alam na niya kung kanino yabag 'yon.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong ng dalaga ng malapitan siya nito. "Almusal, miryenda at tanghalian na ang kakain mo ngayon, three in one na. You see past eleven na darling. Ano ba kasing ginawa mo at tinanghali ka? Lumabas ka pa ba kagabi? Sa susunod na lalabas ka sa gabi isama mo naman ako." May diin niyang mahabang wika dito.
Hindi siya makapaniwala sa mga ginagawa ni Iza sa kanya. Daig pa nito ang mommy niya nuong nabubuhay pa ito. Hindi rin niya pwedeng sabihin parang asawa ang turing nito sa kanya. Hindi naman siya makapag reklamo dahil parang aso lang siyang sumusunod dito kung ano sabihin.
"K-kung ano na lang meron d'yan." Usal niyang nauutal dahil sa lapit ng katawan nito sa kanya. Nagsisimula na naman kumalat ang apoy sa katawan niya, tumayo na naman ang hindi dapat tumayo, ng iakbay ng dalaga ang isang kamay nito sa balikat niya. "S-sige na umupo ka narin dyan at sabay na tayong kumain. Paki kuha na lang pala ako ng tubig yung malamig. Please." Halos magkabuhol-buhol niyang wika. Dahil bigla siyang nauhaw sa inakto ng dalaga. "Lord, please pahabain niyo pa ang aking pagtitimpi, para hindi ako magkasala." Mahinang dalangin niya ng makalayo si Iza. Gustong-gusto na niyang itaboy ito kanina pa. Pero para naman itong anino niyang nakasunod sa kanya.
Kakayanin pa ba niyang malayo sa paningin ang dalaga, ngayon hindi na nga siya mapalagay pag hindi ito nakikita. Isang oras matapos siyang kumain nawala nalang ito sa tabi niya ng hindi niya namamalayan. Kausap lang nito si Digna kanina ng bigla ito maglaho sa paningin niya. Gusto niyang tanungin kung saan ito nagpunta pero hindi naman niya alam ang sasahibin kung bakit niya ito hinahanap. Inikot na niya ang buong mansyon pero hindi parin niya nakikita ang dalaga. Ano bang nangyayari sa aking, ayaw kung mawala siya sa aking paningin pero pag nasa tabi ko naman siya nagreregudon ang aking dibdib at dinadaga ako na hindi makapagsalita. Animal na buhay ito kung kailan ako tumanda saka naman para akung teenager na nagkaka-crush sa isang magandang dalaga. Himutok niya sa isipan.
"Señorito Maro, may kailangan po kayo?" Tanong ni Loreng ng makita siyang sumilip sa laundry area. "May hinahanap po ba kayo? Si ma'am Iza po ba hinahanap niyo?" Sunod-sunod na tanong nito. Kaya na pa tango na lang siya. "Umalis po sila Señorito, kasama po nila si Bert." Dagdag pa nitong habang naglalagay ng maruming damit sa loob ng washing machine.
Hindi niya alam kung bakit parang nag-init bigla ang ulo niya sa tinuran ni Loreng ng banggitin nito ang pangalan ng lalaki. May kung anung tumusok na matalim na bagay sa puso niya. Walang lingon likod niyang nilisan si Loreng. Mabibigat ang bawat paghakbang ng mga paa niyang naglakad sa kaalamang may kasama itong ibang lalaki. Dumeretso siya sa kanyang kwarto, at padabog na binalibag pasara ang pinto. Mariing napasabunot sa kanyang buhok. Ni hindi niya naitanong kung saan ito nagpunta at kung ano ang ginawa nito duon. Bakit nito kasama ang lalaki.
"Ma'am Iza nuod na lang tayo ng sine, tingnan mo oh, ganda ng palabas." Saad ni Digna nakatutok ang mga mata sa mga tarpaulin na may mukha ng characters ng pilikulang gustong panuodin. Halos isang oras din silang naglibut para bumili ng mga gamit nila. Kaya ayus lang kung manuod naman sila ng sine, wala naman silang gagawin sa mansyon kung hindi tumunganga. Nakakainip din at hindi siya sanay sa klase ng buhay na tinatamasa niya ngayon.
"Sige, matagal na nga akung hindi nakapapanuod ng sine." Tugon niya dito. Gusto rin niyang pagbigyan ito. "Tanungin mo muna si Kuya kung ok lang sa kanya." Dagdag pa niyang wika kay Digna.
Kaagad din silang bumili ng mga pagkain ng pumayag ang body guard nilang si Bert. Pumuwesto ito ng upo sa likuran nila para daw makita silang dalawa. Ayun dito mahigpit daw bilin ng Don na huwag itong lalayo sa kanila.
.
.
.
.
.........................................................
please follow my account...
and add my story in your library..
...loveyouguys..God Blessed Us..
thanks much......lrs..
....."Lady Lhee"....