Isang silver high neck beaded backless long gown sinuot ko. Kapit na kapit siya sa aking katawan dahil sa lambot ng tela kaya kitang kita ang curve ng aking katawan katerno ng rose gold four inches candie crystal. Isinuot ko rin aking engagement ring at ang regalo sa akin ni Don Carlos na ternong kwintas at hikaw. Ilang ikot pa ginawa ko sa full lenght mirror bago nag-spray ng paburito kung pabango. "Ma'am ang ganda na po ninyo para kayung diwata." Papuri ng baklang nag-ayus sa akin, kaya napangiti ako. "Mama you're so stunning po." Kaagad na saad ng aking anak paglabas ko ng pinto ng kwarto ko. "Why are you still awake. Di ba sabi ko matulog ka na." Reklamo ko. "I'm waiting for you Mama. I just want to see you wearing your beautiful gown." Pagdadahilan niyang nakangiti. Kaya ginulo k

