Naalimpungatan ako dahil sa tila may tumatapik sa gilid ko. "Miss PM,gising ka na ba?" Iminulat ko ang aking isang mata at bigla ko na naitulak itong si Sir Rhydien na sobrang lapit talaga ng mukha sa akin. "Aray! Bakit ka na nanunulak?" "Sorry Sir,nagulat kasi ako sa'yo." "Bakit akala mo ba hahalikan kita?" May pilyong ngiti sa kan'yang mga labi na tanong nito sa akin. Inayos ko naman ang aking sarili. "Anong gagawin mo Sir?" Unti-unti kasi nito na inilalapit ang kan'yang mukha sa akin. May balak talaga ata ito na halikan ako. Parang biglang nanigas na lang ako dito,pinipilit ko na isiksik ang aking sarili dito sa gilid. Pero wala na akong maatrasan. Ni hindi ko nga namalayan na nakatulog na pala ako. Kasi naman ang lamig dito sa loob ng van na para bang hinihele ako. "Alam mo

