bc

MAID IN 1Z SSPG

book_age18+
359
FOLLOW
4.3K
READ
billionaire
HE
escape while being pregnant
badboy
brave
heir/heiress
sweet
bxg
lighthearted
brilliant
office/work place
civilian
like
intro-logo
Blurb

MASUSUKAT ANG PASENS'YA NI AMBER HALIYAH SA MGA AALAGAN N'YA. HINDI N'YA LANG MAGAWANG TANGGIHAN ANG TAONG TUMULONG SA KANILA SA BAHAY AMPUNAN KUNG SAAN S'YA LUMAKI AT S'YANG NAGPAARAL NA DIN SA KAN'YA. SA TULONG NG MGA SPONSOR AT ISA NA DUN AY SI LOLA EZMERALDA. DAHIL SA LAKI NG UTANG NA LOOB N'YA DITO AY NAGPASYA S'YANG TANGGAPIN ANG ALOK NITO NA MAGING YAYA NG MGA APO NITO. NA HINDI N'YA AKALAIN NA MGA G'WAPONG NILALANG PALA.ANG AKALA N'YA AY LITERAL NA MGA BATA ANG KAN'YANG AALAGAAN. ANO KAYA ANG KAHAHANTUNGAN NG KAN'YANG PANINILBIHAN SA MGA ZEGOVIA?MAY MABUBUO KAYANG PAGMAMAHALAN? O.MABABALIW S'YA SA IBA'T IBANG UGALI NG KAN'YANG MGA ALAGA?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
AMBER HALIYAH P.O.V "Ay! Kabayong nabundat!" Sa gulat ko ay nakapagsalita pa ako ng hindi maganda. Dahil sa kung sino man na bigla na lang bumunggo sa akin. At sa gulat ko ay naibuhos ko sa kan'ya ang baso na may laman na malamig na tubig. "f**k! Anong ginawa mo sa akin?" Tanong ng baritonong boses sa akin. Madilim ang buong paligid. Dahil hindi ko naman alam kung saan bubuksan ang ilaw dito sa kusina. Nakaramdam kasi ako ng uhaw. Gamit ang aking cellphone na de keypad para gawing flashlight ay naglakad ako papunta dito sa kusina. "Saan ka pupunta?" Tanong pa nito. Na bagama't tagalog ay parang hirap na hirap naman nitong bigkasin. Ito ata ang sinasabi nilang accent. Pero wala akong pakialam. Ang importante sa akin ngayon ay makabalik ako sa aking kwarto. Pero mahigpit akong hinawakan nito sa aking braso. Hawak na halos mapangiwi ako. "A-aray! Nasasaktan ako!" Pasigaw ko na sabi sa kan'ya. "Sumama ka sa akin! Kung sino ka man!" Sabi pa nito na lalong ikinatakot ko. Dahil wala pa naman akong isang araw sa mansyon na ito. Kaninang hapon lang ako dumating. Kasama si Lola Ezmeralda ang mabait na matanda na s'yang tumutulong sa amin sa kumbento kung saan ako lumaki. At nito lang na nasunugan kami ay halos lahat ng pangangailangan namin ay ibinibigay nito. Kaya naman ng humingi ito ng pabor kila Mother Superior ay ako na ang nagpresinta. Dahil naghahanap ito ng magiging Yaya ng kan'yang mga apo na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikilala. Dahil nga hapon na Ako dumating dito. At wala pa daw ang mga apo n'ya. "Saan mo ako dadalhin?" Tanong ko pa dito. Pero tila wala itong naririnig. Bagkus ay hinila ako nito papunta kung saan. Hindi ko naman kasi kabisado ang mansyon. Bago pa nga ako makarating dito sa kusina ay kung saan-saan munang parte Ako napunta. Hanggang sa lumiwanag ang buong paligid. Nasilaw pa ako. Kaya naipikit ko na lang ang aking mga mata. "Ohh! New toy?" Patanong na sabi ng isang lalaki na naman. Kaya kahit medyo masakit pa sa mata ko itong ilaw ay dahan-dahan ko ng iminulat ang aking mga mata. Malabo sa una. Pero unti-unti din na lumilinaw. Nagulat ako sa aking nakita. Nasa apat na nag-gwagwapuhan na lalaki ang nakatingin sa akin ngayon. Habang nakaupo ang mga ito sa mamahaling sofa dito sa sala. Ito ang sala ng mansyon. Lahat sila ay g'wapo as in parang mga artista sa TV ang datingan nila. Ito ang sinasabi ng bestfriend ko na Kinkay na mga makalaglag panty ang kagwapuhan. Lahat sila ay pinagmasdan ko. "Who are you?" Walang emosyon na tanong ng isa sa akin. Nakatingin lang ako dito. At hindi makasagot. "Sino ka nga ba?" Napalingon ako sa tanong ng lalaking nagdala sa akin dito sa sala mula sa kusina. At napalunok na lang ako ng aking laway. Dahil kung g'wapo ang apat sa paningin ko. Ang isang ito na s'yang nagdala sa akin dito ay iba din ang angking karisma. Bigla ko tuloy naisip na baka nanaginip lang ako. Kasi imposible na magkaroon ng ganito kagwagwapong nilalang dito. Ito na ata ang epekto sa akin ng kakapanood ko ng mga Kdrama. Na halos napapagalitan na ako ni Mother Superior. Kasi naman sa panonood na lang ako nakakaramdam ng kilig. Kaya sinampal ko ang aking sarili. Mag-asawang sampal para ramdam ko ang sakit. "Are you crazy? Bakit sinasaktan mo ang sarili mo?" Tanong pang muli ng lalaking ito na ikinatitig ko sa kan'ya. At kahit nasaktan ako sa aking pagsampal sa sarili ko ay hindi pa din ako nakuntento. Hinawakan ko ang mukha ng lalaki ito. At hinila ko.. "s**t!" Mura na naman nito sa akin. Binitawan na din nito ang pagkakahawak sa braso ko. "Bakit mo hinila ang mukha ko?" Galit na tanong pa nito. "Kasi gusto ko lang malaman kung totoo ka. Baka kasi mamaya panaginip lang ito?" Sagot ko at may bigla na lang tumawa na aking ikinalingon naman dito.. "Miss? Ito ba ang way mo para mapansin namin?" Tanong isa na nakaupo sa gilid ng mahabang sofa na ito. "Mapansin? Ako magpapansin sa in'yo? Ni hindi ko nga kayo kilala. At kaya ako nagkakaganito ngayon ay dahil hindi ko naman kayo mga kilala." Mataray na balik tanong ko dito. Inilagay ko pa sa aking beywang ang dalawang kamay ko. Siguro sa lakas ng boses ko.Nabulahaw na lahat dito sa mansyon. Nag-e-echo kasi ang boses ko. "Baka isa s'ya sa mga new maid dito sa mansyon?" Sabi naman ng isa. "Tama ako. A new toy!!" May ngiti sa labi na sabi ng isa na parang nakaramdam naman ako ng kilabot sa sinabi nito. Para kasing nakakabastos. Naglakad ako palapit dito. Para sabihin sa kan'ya na hindi ako laruan.. "Anong sabi mo? New toy ba kamo?" Tanong ko sa kan'ya. Tumango ito at sa kan'yang pagtango ay s'yang pag-igkas naman ng kamay ko na sapul sa kan'yang mukha ang malakas na sampal mula sa akin. "What the hell!" Galit na wika nito. Pero hindi ako natinag. Walang maaring magsalita sa akin ng ganito. Lumaki ako sa kumbento na puro paggalang sa kapwa ang aking kinalakihan. Kaya hindi ako makakapayag na basta na lang mabastos ng ganito. "Magaling! Matapang ka talaga Hija!" Napalingon kaming lahat sa may hagdan. Pababa doon si Lola Ezmeralda na pumapalakpak pa. "LALA!" sabay-sabay na tawag ng mga lalaking ito sa kan'ya. Tumayo sila ng maayos at akala mo ay mga sundalo na naghihintay sa kanilang commanding officer. Kaya maging ako ay ganoon din ang ikinilos. Habang dalawa sa kanila ay nakahawak pa sa kanilang mga mukha. Dahil nga sa ginawa ko kaninang paghila sa mukha ng isa at sa lalaking sinampal na namumula pa ang bakat ng aking kamay sa mukha nito. Nang makababa si Lola Ezmeralda ay lumapit naman isa't-isa ang mga ito sa kan'ya. Iniisip ko kung sino ba sila sa buhay ni Lola. At nasaan ang mga batang aalagaan ko. Sila ang gusto ko na makita. Kahit na nga masarap pagmasdan ang mukha ng mga lalaking ito. "Mabuti naman at nakauwi na kayo." Sabi nito at hinahayaan ko lang sila na mag-usap-usap. "Lala,sino ang babaeng ito?" Tanong ng lalaking sinampal ko?" "S'ya si HALIYAH,,ang in'yong magiging personal maid. S'ya ang makakasama n'yo kahit saan man kayo magpunta. Lalo na sa opisina." "What? Personal maid?" "Yaya?" "A new toy?" "Okay!" Sunod-sunod na tanong nila. At maging ako ay parang hindi pa nag-sink in lahat sa akin ang nangyayare.. "Yes! S'ya ang napili ko na maging new maid dito sa 1Z mansion. Nakangiti na sagot nito sa mga lalaking ito.. "Hija, total kanina mo pa tinatanong sa akin kung nasaan ang mga apo ko." Baling naman nito sa akin. "Heto na sila!" Parang bigla na lang ay gusto ko na magback-out sa trabahong pinasok ko. Parang ngayon pa lang kasi ay iniisip ko na kung anong gagawin sa akin ng mga ulupong na ito. Ang iniisip ko kanina ay mha cute na bata. Pero cute at bunos na mala-adonis ang mga apo ni Lola.. Pero kasi... Parang mga hindi gagawa ng matino. "Hija,are you okay?" Napailing ako ng sunod-sunod sa tanong ni Lola sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
313.3K
bc

Too Late for Regret

read
306.0K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.7M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.3M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
143.7K
bc

The Lost Pack

read
425.5K
bc

Revenge, served in a black dress

read
151.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook