CHAPTER:1

1106 Words
"HALIYAH, pinapatawag ka ni Mother Superior." Tawag sa akin ng kababata ko na si Kim. Dito na kami nagkaisip at lumaki sa bahay ampunan. "Bakit naman ako pinapatawag ni Mother Superior? Wala naman akong ginawang mali?" Takang tanong ko pa dito. "Basta puntahan mo na lang. Para hindi ka tanong ng tanong sa akin." "Ay,nayayamot agad?" Pang aasar ko pa dito. "Hindi, napagod lang ako sa campus. Hindi din biro ang maging scholar at imaintain ang grades ko." "Ay, relate na relate ako sa sinabi mo. Nasa ikatlong taon na ako sa kolehiyo. Kaya nagpapasalamat ako sa mga taong tumutulong sa atin dito. At kapag nakatapos ako. Makakatulong na din ako dito sa bahay ampunan." Nakangiti na sabi ko dito. Mataas man ang aking mga pangarap. Para kasi iyon sa mga batang nandito na tulad ko ay inabandona at hindi na binalikan ng aming mga magulang. Ni hindi ko nga alam kung may mga magulang pa ba ako? Gusto ko silang hanapin. At tanungin kung bakit kailangan nila akong iwan. Pero hindi ko pa ito magagawa sa ngayon. Kailangan ko na munang makapagtapos. At kapag may pera na Ako. Maari ko ng umpisahan na hanapin sila. Ewan ko ba. Wala naman akong nararamdaman na sama ng loob sa kanila. Ang gusto ko lang ay malaman ang katotohanan sa pagkatao ko. "Ikaw talaga Bes, napakabuti ng puso mo. Kaya hindi na talaga ako magtataka kung isang araw ay magiging isang ganap na flight attendant ka na." Kinikilig na sabi nito. Ito ang pangarap ko mula pa noon. At dahil sa mga mayayaman na sponsor ay nagawa ko na makapag-aral. "Ewan ko sa'yo! Ikaw din naman soon ay magiging isang ganap na doktor ka na din." "Sana nga! Kasi ngayon pa lang parang gusto ko ng sumuko." . "Walang sukuan Bes! At isa pa sabay natin na aabutin ang mga pangarap natin. Mauuna nga lang ako. Kasi medyo matagal ka pa d'yan sa pag-aaral mo." Nakangiti na sabi ko dito. Alam ko na nahihirapan na ito. Pero alam ko na kakayanin n'ya. Matalino ito at kahit noong nasa elementarya pa lamang kami ay s'ya na ang palaging inilalaban. Lalo na sa mga quizbee. Samantalang Ako ay average. Tamang nakakaintindi lang. Hindi ko kayang tapatan ang talino nito. Kaya nga hindi na din ako nagulat sa kurso na kinuha n'ya. "Ikaw talaga, palagi mo na lang na pinapalakas ang loob ko. Pero maiba nga tayo Bes, nagtataka din Ako kung bakit ka pinapatawag ni Mother Superior?" Tanong nito ng aking itinatanong sa kan'ya kanina. Nakatingala pa ito na tila nag-iisip talaga. "Bakit kasi hindi mo muna tinanong si Mother Superior,kung bakit n'ya ako pinapatawag. Eh! Di sana hindi tayo nanghuhula ngayon." Sagot ko sa kan'ya. "Puntahan mo na lang s'ya. Para malaman na natin. Kaysa nag-iisip tayo." "Ayaw mo ba na sumama?" "Alam mo naman na hindi p'wede, Ikaw lang ang gus'tong kausapin ni Mother Superior. Kaya hindi ako maaring sumama. Alam mo naman na med'yo may kasungitan s'ya." Pahina ng pahina na sabi nito. Alam na alam na kasi namin dito ang ugali ng mga nag-aalaga sa amin. Lalo na si Mother Superior na may katandaan na din. Kaya kailangan ay mas maunawaan mo ito. "Ikaw talaga! Kapag may nakarinig sa'yo dito. Lagot ka talaga!" Pananakot ko pa dito. Pero ang magaling ko na kaibigan ay tumawa lang. "Puntahan mo na nga lang ang mga baby. Baka kailangan ng tulong dun." "Pinagtatabuyan mo na ako ngayon Bes?" "Gaga! Anong pinagtatabuyan sinasabi mo d'yan?" "Ito naman masyadong seryoso sa life n'ya." "Punta na ako sa loob." "Ingat ka!" "Kung makapagsabi ka naman ng ingat d'yan! Parang ang layo ng pupuntahan ko. Pagkatapos ko itong sabihin ay tinalikuran ko na dito. Dahil parang hindi kami matatapos mag-usap. Naglakad ako papunta sa silid kung nasaan si Mother Superior.. Pero sa totoo lang kinakabahan ako ngayon. Hindi ko mawari kung bakit ganito ang aking nararamdaman. Bihira lang din naman kasi akong kausapin nito. At kapag pinatawag ka nito sa kan'yang silid. Siguradong importante ang sasabihin nito. "HALIYAH, saan ka pupunta?" Tawag sa akin ni sister Penelope. S'ya talaga ang palaging kumakausap sa akin dito. Napakabait nito. "Kay Mother Superior po." "Pinapatawag ka n'ya?" May pagtataka na tanong nito sa akin. Tila hindi nito alam ang pagpapatawag sa akin. "Si Kim po ang nagsabi sa akin na pinapatawag daw po ako." "Ganoon ba. Sige na at baka naghihintay na s'ya sayo." "Sister, hindi n'yo po ba alam kung bakit ako pinapatawag ni Mother Superior?" "Malalaman mo na lamang Hija,kapag nakausap mo na s'ya." Malungkot na sagot nito na para bang may alam s'ya na ayaw lang nitong sabihin sa akin. Sige po mauuna na ako." Pagpapaalam ko dito. Dumiretso na ako sa silid nito at pagdating sa may pintuan ay dahan-dahan akong kumatok. Hanggang sa bumukas ito. "Haliya, pumasok ka." "Good morning po. Ipinatawag n'yo daw po ako?" "Halika at maupo ka muna Hija,bago ko sabihin sa'yo ang dahilan kung bakit gus'to kitang makausap." "May problema po ba? Bakit kailangan na maging pribado pa po Ang pag-uusap natin?" "Wala naman problema Hija." Sagot nito habang ako naman ay naupo sa harapan ng mesa nito. "Hija, kilala mo si Donya Ezmeralda di ba?" "Opo." Agad ko na sagot sa tanong nito. Ang tinutukoy nito ay walang iba ku'ndi ang taong matagal ng tumutulong sa amin dito bahay- ampunan. Napakabuti n'ya at lahat ng mga bata dito ay palaging may regalo mula sa kan'ya. Kaya kahit sino ay makikilala s'ya. "Ano po ba ang me'ron kay Donya Ezmeralda?" Tanong ko muli dito. "HINDI na ako magpapaligoy-ligoy pa Hija. May munting hiling si Donya Ezmeralda." "Anong hiling po?" "Kailangan n'ya ng taong nag-aalaga sa kan'yang mga apo?" "Yaya po ba?" "Hindi naman literal na Yaya, siguro mas term ay maid. Personal maid ng kan'yang mga apo." Mahinahon na paliwanag nito sa akin. "At bakit po ako ang ipinatawag n'yo?" "Dahil ikaw ang napili ni Donya Ezmeralda. HALIYAH, malaki ang utang na loob natin sa kan'ya. Kaya sana ay mapagbigyan mo ang kan'yang kahilingan." "Sandali lang po Mother Superior, paano po ang pag-aaral ko?" "H'wag mong alalahanin ang pag-aaral mo Hija, napag-usapan na namin ito. At pumayag naman s'ya na magpatuloy ka sa pag-aaral. Kahit na nagtratrabaho ka." "Mother Superior, maari ko po ba na pag-isipan muna ito?" Pakiusap ko dito. "Alam ko na hindi ito ang pangarap mo na trabaho Hija, pero maari mo pa din naman na makamit ang mga pangarap mo kahit naninilbihan ka sa mga ZEGOVIA." Pangungumbinsi pa sa akin nito. "Alalahanin mo Hija, si Donya Ezmeralda ang halos nagpapaaral sa mga bata dito. Kaya sana ay pumayag ka sa kan'yang hinihiling." ITUTULOY.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD