CHAPTER:2

1303 Words
"Oh, anong latest? Anong sinabi ni Mother Superior sa'yo?" "Si Donya Ezmeralda." "Bakit nadamay si Donya Ezmeralda?" "Kailangan n'ya ng Yaya." "Tapos?" "Ako ang gusto n'ya na kunin." "Seryoso?" "Oo nga! Galing na mismo kay Mother Superior." "Bakit ikaw? Marami naman agency. P'wede s'ya na kumuha ng maid dun." "Hindi ko nga din maintindihan kung bakit ako. Mabait naman si Donya Ezmeralda. At alam natin lahat dito ang donation na ibinibigay n'ya. Kaya nalilito talaga ako ngayon." Napapabuntong hininga na sagot ko dito. "Ikaw, anong plano mo? Tatanggapin mo ba o tatangihan? Remember Bes, BS INTERNATIONAL TRAVEL AND TOURISM MANAGEMENT ang kurso mo. At dalawang taon na lang graduate ka na." "Alam ko. Pero kino-consider ko din ang malaking tulong sa akin ni Donya Ezmeralda. S'ya ang nagpapaaral sa akin. S'ya ang sponsor ng lahat ng gamit ko sa school na kahit hindi ko naman hinihingi sa kan'ya ay kusa n'yang ibinibigay sa akin." "So tatanggapin mo?" "Paano ang pagsusulat mo? Itutuloy mo pa ba 'yan?" "Oo naman, kapag nagsusulat Ako. Nakakalimutan ko ang problema at stress na din. Kumbaga kapag nagsusulat ako may freedom akong nararamdaman. Malayo sa reyalidad ng buhay na me'ron tayo. Sa bawat libro na naisusulat ko. May kilig, saya,iyakan. Pero higit sa LAHAT may pag-asa." Sagot ko sa aking matalik na kaibigan na s'yang nakakaalam kung sino ba Ako sa likod ng bawat libro na aking sinusulat. S'ya lang din ang nakakaalam ng aking trabaho. Iniipon ko ang perang kinikita ko dito. Para kapag nakatapos na ako. Makakapag umpisa na akong maghanap sa mga magulang ko na iniwan lamang ako sa labas ng bahay ampunan na ito na s'yang naging tabanan ko sa loob ng mahigit dalawang dekada. "Ang hirap ng sitwasyon mo. Nagtatago ka sa mga taong gusto ka na makilala." "Alam mo din naman na mahirap ang maging isang writer. At isa pa hindi pa ako handa na magpakilala sa kanila. Siguro kapag may lakas na ako ng loob p'wede na." "Ikaw ang bahala. Wala naman akong magagawa ku'ndi ang suportahan ka sa mga desisyon mo. At palagi mo din na asahan na nandito lang ako palagi." "Salamat Bes, pasok na mo na ako sa kwarto ko. Gus'to ko din magpahinga at makapag-isip." "Go! Ako kasi may tatapusin pa. Kaya mo yan. Sundin mo kung anung gus'to nito. H'wag mong isipin palagi ang ibang tao." Ngumiti Ako dito. Kilala talaga ako nito. "Magpahinga ka na. At sana kung anuman ang magiging desisyon mo ay maging masaya ka." Naglakad na ito palayo. Papunta sa library. May mini library kasi dito na si Donya Ezmeralda din ang nagpagawa. Kaya paano ko ba s'ya matatanggihan? Sa totoo lang may mga isusulat pa akong update. Pero hanggang ngayon ay wala pa akong naisusulat. Dahil nga busy din kanina sa Campus. Pagpasok ko sa aking silid ay agad akong nagpalit ng damit. Nangangalay na talaga ang aking buong katawan. Minsan nga napapaisip Ako. Bakit ang unfair ng mundo sa amin. Kami na basta na lang iniwan dito. Tapos ang iba hindi man lang naisip na ang s'werte nila. Dahil buo ang kanilang pamilya. Pagkatapos ko na magbihis ay inayos ko naman ang aking kama. Dalawa lang kami ni Kim dito. Kaya malaya kaming nakakapagusap ng kung anu-ano bago matulog. Nang maayos ko ay kinuha ko ang aking cellphone na s'yang gagamitin ko sa pagsusulat. Nabasa kasi ang laptop ko at ngayon ay nasa pagawaan pa. Hindi ko nga alam kung magiging okay pa ito. Me'ron naman akong pambili ng bago. Galing nga sa kinikita ko kahit paano sa pagsusulat. Pero dahil nga may pinaglalaanan Ako nito. Kaya talagang hangga't kaya pa na magtyaga sa mga gamit na me'ron ako. Magtyatyga mo na ako. Nagbibigay din kasi ako kila Mother Superior. Lalo na at may bagong bata na naman ang nandito. Nag-umpisa na akong magtipa. Kapag nagsusulat ako. Nagiging kalmado ang isipan ko. Dito kasi lahat ng mangyayari sa bida ko ay ako ang may kontrol. Pero ang masakit na katotohanan na ang mismong buhay ko ay isang misteryo pa din sa akin. Napapangiti pa ako sa aking sinusulat. Dahil nasa part na ito na kilig moments ng mga bida. Para na nga akong baliw. Kasi iniisip ko na ako ang bidang babae. Kaya kapag nasasaktan, kinikilig at nagalimi s'ya. Nararamdaman ko din ito. Hindi naman ako sobrang galing na writer. Pero ang makatanggap ng compliment sa mga reader na mula ng mag-umpisa Ako ay nand'yan na at nagbabasa ng bawat libro na sinusulat ko. Ang mga komento nila na nagpapalakas ng loob ko na magsulat pa. Kahit minsan ay ilang araw ako na walang update. Pero hindi lahat ay magandang komento. Pero naiintindihan ko naman. Dahil nga hindi naman ako perpekto na manunulat. Marami akong typo's sa bawat libro na sinulat ko. Marami din akong natutunan. Minsan nga naiisip ko na maari kayang maging mala-novela ang takbo ng buhay ko? Pero parang malabo din. Natapos ako sa isang chapter na may ngiti sa labi. Muli ko itong binasa. Para naman ramdam ko ang bawat salita na aking tinipa. Pagkatapos ko na basahin ay inilagay ko na ito sa online platform kung saan ako nagsusulat. Isa din sa taong nakakakilala sa akin ay ang mabait ko na editor. Kumbaga kahit hindi ko pa s'ya nakikita ng personal. Masasabi ko na mabuti s'yang tao. Pagkatapos ko itong ma-ipublished. Nahiga na ako sa aking kama. Napatitig ako sa kisame. "Tatanggapin ko ba?" Napapatanong pa ako sa aking sarili. "Wala naman siguro masama kung susubukan ko?" Sagot ko din. Para akong tanga dito sa kwarto. Tanong ko sagot ko. Ilang minuto pa lang akong nag-update. Pero pagtingin ko sa comment section ay may comment na agad. Sa totoo lang mula sa unang book ko na sandamakmak ang typo's at error. Hanggang ngayon ay palagi pa din s'yang nasa comment section. Ms. Z ang nakalagay na name n'ya. Kaya siguro ay babae s'ya Napangiti ako ng mabasa ang comment n'ya. Kahit nosebleed ang inaabot ko. "Ang ganda naman ng ngiti natin d'yan." Napalingon ako sa nagsalita. At si Kim pala. Sa sobrang busy ko ay hindi ko na napansin na pumasok na pala ito sa kwarto namin dalawa. "Nakakabaliw talaga ang pagsusulat noh? Mas madalas kitang nakikita na umiiyak o kaya naman ay ngumingiti mag-isa." Pang-aasar pa ni Kim sa akin. Totoo naman ang sinasabi n'ya. Nadadala din kasi ako sa mga scene na sinusulat ko. Kaya ang ending ako muna ang iiyak bago ang readers. "Gaga! Anong baliw ka d'yan?" "Alam mo ba na halos kalahating oras na kitang pinagmamasdan. Pero parang wala kang napapansin na ibang tao dito sa loob ng kwarto natin." "Alam mo naman na kapag nagsusulat Ako ay fucos talaga. Ayaw ko ng distraction. Nawawala ng momento sa scene na sinusulat ko." Sagot ko sa kan'ya. "Tulog na nga ako. Pero nakapagdesisyon ka na ba?'" Tumango naman ako dito. Muli itong tumayo sa kama n'ya at lumapit sa akin.. "Anong desisyon mo?" "Excited?" Napapangiti na sabi ko sa kan'ya. "Oh,ano na nga? Para naman makapagpahinga na din Ako." "P'wede ka naman magpahinga kahit hindi mo malaman ang desisyon ko." "Dali na kasi." "Tatanggapin ko." "Sigurado ka na ba d'yan?" "Oo nga. Kanina excited ka na malaman. Bakit parang ngayon ay hindi ka kumbinsido?" "Gusto ko lang na makasigurado sa desisyon mo." "Matulog na tayo. At bukas ay panibagong araw na naman." Nakangiti na sabi ko dito. Alam ko na nagmamalasakit lang ito sa akin. At masaya Ako na may isang tao na katulad n'ya sa tabi ko. Bihira na ang taong kagaya n'ya. Kaya pinapahalagahan ko ang pagkakaibigan namin. "I love you Bes, sana ay maging masaya ka sa desisyon mo na ito. Sana lang ay mababait ang mga batang aalagaan mo. Pero sanay ka naman sa mga bata. Kaya kakayanin mo 'yun." Sabi pa nito at niyakap Ako ng mahigpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD