CHAPTER:3

1502 Words
Kinabukasan ay maaga pa din akong nagising. Kahit na med'yo inaantaok pa ay pinilit ko ng tumayo sa kama. Iniligpit ko mo na ito at saka naman ako lumabas. Wala naman kasing sariling banyo sa kwarto namin. Pagkalabas ko dumiretso na ako sa ban'yo. Dala ko na din ang toothbrush at ang ginagamit ko na sabon sa mukha. Ang sabon na kailangan ko pa na tipirin ng sobra. Nang matapos along maghilamos ay naglakad na ako papunta sa kusina. Inabutan ko dito si Sister Angela. Madalas s'ya ang naghahanda ng pagkain at marami naman kaming tumutulong sa kan'ya. Katulad ng paggagayat ng gulay, rekado. Para s'ya na lang ang magluluto. Masarap itong magluto na ang iba ay itinuro n'ya pa sa akin. Madali ko naman itong natutunan. Matyaga din kasi itong magturo sa akin at sa mga kasamahan ko dito. "Sister, ano po ang lulutuin mo?" "Sopas at itong nilagang baboy." "Wow! Parang may bisita po tayo." Pabiro ko na sabi. "Me'ron nga." "Sino po?" "Si Donya Ezmeralda, at hindi naman kasi s'ya maarte na tao at paborito n'ya ang nilagang baboy na may sawsawan na patis na may kalamansi at sili. Kaya ito ang ipinapahanda ni Mother Superior. Dahil dito na ito manananghalian." "Seryoso po ba 'yan?" Natawa naman ito sa aking tanong. " Bakit parang hindi ka makapaniwala Hija?" "Wala lang po. Kasi last week ay nandito pa lang po si Donya Ezmeralda. Madalas po kasi ay end of the month lang s'ya pumupunta dito para magbigay ng donation." Sagot ko na may paggalang. "Amber,hija kinausap ka na ba ni Mother Superior?" "Opo." Tipid kong sagot dito. "Siguro naman ay alam mo na ang sad'ya ni Donya Ezmeralda,kung bakit s'ya pupunta dito." "Ang akala ko po kasi ay sa susunod pa s'ya babalik. Wala naman nasabi sa akin si Mother Superior na pupunta s'ya ngayon." "Baka talagang kailangan ka n'ya Hija, mabuting tao naman s'ya. At sigurado akong makakapagtapos ka sa poder nya. Total s'ya naman talaga ang nagpapaaral sa'yo. Nakapagdesisyon ka na ba?" "Opo." "Sana Hija, ang desisyon mo ay makakabuti para sa lahat." "Opo." Muling sagot ko dito. "Tulungan ko na po kayo." "H'wag na Hija, kaya na namin ito. Asikasuhin mo na lamang ang sarili mo. Para pagdating ni Donya Ezmeralda ay nakahanda ka na." May lungkot na sabi nito. "Mami-miss ko po kayo dito." Naiiyak na sabi ko dito. Kahit hindi ko sabihin na pumapayag na ako sa gusto ni Donya Ezmeralda ay mararamdaman naman ito ng taong kilala ang aking ugali. "Kami man, anytime naman p'wede mo kaming puntahan dito." "Sige po, maliligo na ako." Paalam ko dito. Dahil ayaw ko naman na haharap ako sa bisita na nangmumudto ang mga mata. Ang desisyon ko na ito ay para sa lahat. Kung pagbibigyan ko ang kahilingan ni Donya Ezmeralda ay maaring mas marami pa ang matulungan n'ya dito sa bahay ampunan. Bumalik ako sa kwarto namin ni Kim. Tulog na tulog pa din ito. Wala naman s'yang pasok ngayon. Kaya okay lang na tanghali na s'ya gumising. Ewan ko ba pero ramdam ko na ang lungkot ngayon pa lang sa desisyon ko na ito. Lumapit ako sa aking drawer. "Bes!" Napalingon ako sa nag-iisang taong tinatawag akong Bes." "Nagising ka ba kita?" "Hindi naman." "Kukuha lang ako ng damit na pamalit." "Ang aga mo naman maligo. Naninibago ako sa'yo." "Papunta na dito si Donya Ezmeralda." "Ha!" Mabilis itong nakalapit agad sa akin. "Bakit naman patang ang bilis? Kagabi ka lang kinausap ni Mother Superior." "Hindi ko din alam kung bakit parang nagmamadali si Donya Ezmeralda." Habang nag-uusap kami ni Kim ay may biglang kumatok na ikinatigil namin.. "Ako na magbubukas." . Lumapit si Kim sa may pinto at binuksan ito. "Sister Penelope, good morning po...." Nakangiti na pagbati ni Kim dito. "Good morning din Kim, nasa loob ba si Amber?" Dinig ko na tanong ni sister Penelope." "Opo, pasok po." Agad na sagot ni Kim sa kan'ya. Pumasok naman ito at inayos ko ang aking sarili. "Good morning Amber, naabala ba kita?" "Hindi naman po. May kailangan po ba kayo sa akin?" "Hija, pumunta ka kay Mother Superior, pinapatawag ka n'ya." Nagkatinginan pa kami ni Kim. Akala ata ni sister Penelope ay wala pa akong alam na pupunta dito si Donya Ezmeralda. "Puntahan ko po s'ya." "Amber,kung anuman ang desisyon mo. Sana ay ito ang gusto ng puso mo." "Opo, sasabay na po ako sa in'yo sa paglabas." Sagot ko at lumapit na Ako dito. Malungkot naman na nakatingin lang sa akin si Kim. Ngumiti Ako dito. Para kahit paano ay hindi ito mag-alala sa akin. Nang makalabas ay naglakad na kami papunta sa silid kung nasaan si Mother Superior. "Maiwan na kita dito Hija, tutulungan ko pa si Sister Angela sa kusina." "Sige po." Naglakad na ito papunta sa kusina. Ako naman ay marahan na kumatok sa pinto ng silid. Huminga ako ng malalim at agad naman na nagbukas naman ang pinto. Nakangiti si Mother Superior sa akin na ginantihan ko din ng ngiti. "Good morning po!" "Good morning too, pumasok ka Hija." Nauna na itong naglakad pabalik sa upuan n'ya at ako naman ay isinarado ko na ang pinto. "Maupo ka Hija," "Mother, ano po ba ang in'yong sasabihin?" "Hija,alam ko na kinakausap pa lamang kita kagabi tungkol sa kahilingan ni Donya Ezmeralda. At gusto ko ng marinig ang sagot mo ngayon. Papunta s'ya dito ngayon para malaman ang sagot mo." Hinawakan pa nito ang aking mga kamay. "Hija, nakikiusap ako sa'yo." "Hindi n'yo na po kailangan na makiusap sa akin Mother. Nakapagdesisyon na po ako. At tatanggapin ko po." "Talaga, masaya akong marinig ang sagot mo Hija." "May sasabihin pa po ba kayo sa akin?" "Wala na. Maghanda ka na Hija, dahil sigurado akong isasama ka na n'ya ngayon." Ramdam ko sa tono ng boses ni Mother Superior na pinapasigla n'ya lamang ito. Pero ramdam ko ang lungkot. "Lalabas na po ako." "Hija, hindi ka magsisi sa desisyon mo na ito." Ngumiti Ako bilang tugon sa sinambit nito. Lumabas ako ng kan'yang silid at muling babalik na sana sa aming kwarto ni Kim. "Ate Amber, dinig ko na tawag sa akin ni Akiya. Ang batang naging sobrang malapit sa akin. Wala pa s'yang alam sa pag-alis ko.. "Bakit naman tumatakbo ka?" "Ate Amber, totoo po ba ang narinig ko na usapan nila sister Penelope at Sister Angela na aalis ka na daw po?" "Akiyah, bakit nakikinig ka sa usapan ng matatanda? Di ba masama yun?" "Opo, kaya lang nang marinig ko po ang pangalan mo ay bigla akong nagkaroon ng interes sa pinag-uusapan nila. Kahit na alam ko po na mali." Sagot nito na nahihiya pa sa akin. "Ate, sagutin mo na lang po ang tanong ko. Totoo po ba ang narinig ko na aalis ka na po?" "Oo Akiya, kailangan kasi ni Ate na magtrabaho mo na. Para kahit paano ay makatulong na ako dito kila Sister." Mahinahon na paliwanag ko dito. Mabait na bata si Akiyah at sa edad nitong pitong taon ay marunong na itong utusan sa mga again dito. Noong baby pa ito ay madala ako ang nagbabantay sa kan'ya sa tuwing pagkagaling ko sa school. Kaya parang ako na nga ang kinilala n'yang Ina. "Ibig po ba sabihin ay matagal ka po bago makakauwi dito? Hindi na po kita makikita ng madalas?" Malungkot na tanong pa nito na parang any moment ay tutulo na ang mga luha nito. Naawa ako dito. Dahil alam ko ang pakiramdam na parang palaging may kulang. "Hindi naman sobrang tagal." "Katulad ka din po pala ng mga magulang ko na basta na lang akong iniwan dito." "Akiyah, hindi naman kita iiwan. Babalik pa din ako dito. Kailangan ko lang talaga na gawin ito para na din sa in'yong lahat." Naiiyak na din Ako habang nagpapaliwanag dito. Habang ito naman ay tuluyan ng tumulo ang mga luha. Nakaramdam Ako na parang pinipiga ang puso ko ngayon. Hindi ito ang gusto ko maramdaman ni Akiyah." "Sana hindi ka na lang po nangako sa akin na hindi ka mawawala sa tabi ko.. para hindi na din po Ako umasa." Umiiyak na sabi nito at akmang yayakapin ko ito ng bigla itong tumakbo. "Akiyah.....! Bumalik ka dito....!" Pasigaw na tawag ko dito. "Amber, anong nangyayari? Bakit ka sumisigaw?" "Si Akiyah, alam n'ya na ang pag-alis ko." Sagot ko kay Kim na tila kagagaling lang sa paghihilamos. "Ako na ang kakausap.sa kan'ya. Magiging maayos din ang lahat. Matatangap din ito ni Akiyah." "Salamat Kim. Pero mahirap ito para kay Akiyah." "Matalinong bata s'ya. Kaya maiintindihan n'ya ito." "Sana nga!" "Ligo ka na. Ako na ang bahala na magpaliwanag sa kan'ya." Tinanaw ko na lang si Kim na papunta na sa direksyon kung saan nagpunta si Akiyah. Ako naman ay napapikit na lang. Hindi ko naisip na ito ang magiging reaksyon ni Akiyah. Nang makabalik ako sa k'warto ay kumuha na agad ako ng damit. Lumabas akong muli at dumiretso na sa ban'yo. At dito ay hindi ko na napigilan ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD