"Nand'yan na si Donya Ezmeralda."
Masayang sabi ni Sister Angela.
Mabilis lang ang byahe n'ya. Dahil may sariling chopper. Med'yo malayo kung saan ito bumaba. Kaya inalalayan ito ng kan'yang mga tauhan. May malawak naman kasi na field dito sa area.
Iba talaga ang estado ng buhay kapag may kakayahan ka na bumili ng mga sasakyan at mga gamit. Kita naman sa suot ni Donya Ezmeralda na hindi ito basta-basta lang. Simple kung titingnan.
Nang makalapit ito sa amin ay agad na lumapit si Mother Superior dito.
"Donya Ezmeralda, kamusta po ang in'yong byahe?"
"Maayos naman. Medyo natagalan lang, dahil nagkaroon ng kunting aberya."
Sagot nito at tumingin naman kila Sister Angela. Bumati din ang mga ito.
Pagkatapos nilang magkamustahan ay napatingin naman ito sa akin.
"Haliyah," malambing na tawag nito sa aking pangalan. Mas madalas kasi ay Amber ang tawag sa akin. Kahit sa campus ay mas sanay akong tinatawag na Amber ng mga malalapit sa akin.
"Lumapit ka Hija."
Nakangiti na sabi naman ni Mother Superior.
Sa totoo lang ay naiilang ako. Pero dahil importanteng tao ito. Kailangan na maging maganda ang pakikitungo namin sa kan'ya.
"Magandang araw po, Donya Ezmeralda."
Nakangiti na pagbati ko dito.
"H'wag mo na akong tawagin na Donya Ezmeralda, Lala Ezmeralda na lamang."
"Nakakahiya naman po kung tatawagin kita na walang paggalang."
Pagtanggi ko sana sa gus'to nitong itawag ko sa kan'ya.
"May paggalang pa din naman Hija. Lala para sa akin ay Lola. Sanayin mo ang sarili mo na tawagin akong lala."
Napatingin naman ako kila Mother Superior.
Ngumiti ang mga ito at sumenyas na sundin ko ang nais ni Donya Ezmeralda. Muli ko na ibinaling ang tingin ko dito.
"Sige po Lala."
Nakangiti na tawag ko dito.
"Ayan, mas masarap pakinggan kapag ito din ang tawag mo sa akin."
"Donya Ezmeralda, ang mabuti pa ho siguro ay pumasok na tayo at naghanda din kami ng makakain para sa in'yo."
"Kaya nawiwili akong magpunta dito,dahil spoil na spoil ako."
"Ibinabalik lang po namin ang kabutihan n'yo para sa mga batang nandito at isa kayo sa mga nagbibigay ng pag-asa sa kanila."
"Lahat ng ibinibigay ko dito ay taos sa aking puso."
Habang nagsasalita si Donya Ezmeralda. Makikita mo talaga sa kan'ya na mabuti itong tao. Kaya paano ko s'ya tatangihan sa nag-iisang kahilingan n'ya? Naglakad na kami papasok. Sinamahan ko ang mga ito hanggang sa hapagkainan. Nauna ng kumain ang mga bata. Kaya kami na lamang ngayon ang nandito.
"WOW! Nilaga, isa sa mga paborito kong pagkain. Kilala n'yo na talaga ako. Alam na alam n'yo ang mga pagkain na magugustuhan ko."
Halata mo sa kan'yang ekspresyon na nagustuhan nito ang nakahain sa mesa.
Naupo na kami at si mother Superior na din ang nag-lead ng prayer bago kami magsimula na kumain.
Nanonoot na sa ilong ko ang masarap na ulam na nakahain.
Hindi din kasi ako nakapagalmusal kanina. Dahil nga hinahanap ko din si Akiyah na hanggang ngayon ay hindi ko pa ulit nakakausap. Ayaw ko naman umalis na hindi man lang naipaliwanag dito ang nangyayare. Nangako naman talaga ako sa kan'ya na palagi lamang ako nandito para sa kan'ya.
Ramdam ko ang sama ng loob n'ya sa akin kanina.
Pagkatapos manalangin ay nag-umpisa na kaming kumain. Dito ko na muna itinuon ang aking atensyon.
Hanggang sa nabilaukan ako. Dahil sa panay lamang ang subo ko.
Sumenyas ako kay sister Penelope na hindi ako makahinga..
Agad naman itong lumapit sa akin at nag-abot ng tubig. Maging sila Donya Ezmeralda ay nataranta na din dahil sa akin.
"Hinay-hinay naman kasi sa pagkain Hija."
Naubo-ubo pa ako. Dahil sa pagkakabara sa lalamunan ko ng kanin.
"Ang sarap po kasi nitong niluto n'yo Sister,kaya ginanahan po akong kumain." Sagot ko at natawa naman silang lahat sa akin maliban kay Mother Superior.
"Sige na bumalik ka na sa pagkain."
Utos ni Mother Superior na tanging seryoso at hindi man lang nakisabay sa tawanan. Sanay naman kami sa ugali nito. Bihira itong ngumiti. Para bang dahil sa halos sa kanila na nakasalalay ang buhay ng mga batang basta na lamang iniiwan sa harapan ng gate ay nakalimutan na ni Mother Superior ang maging isang normal na tao. Madalas ko itong nakikita ay gising pa at nasa library. Para bang palagi na malayo ang kan'yang iniisip.
Pagkatapos kumain ay dinala na muna nila ito sa garden. Nakasunod lamang ako sa kanila. Naghihintay ng sasabihin ng mga ito.
"HALIYAH, halika at lumapit ka sa akin."
Lumapit ako dito.
"Maari n'yo ba kami na iwan muna."
Pakiusap nito.
"Amber, ikaw na ang bahala kay Donya Esmeralda."
Bilin pa ni Mother Superior.
"Hija, siguro naman ay alam mo ang kahilingan ko."
"Opo."
"Kung ganoon ay ano ang desisyon mo. Gusto ko na mula sa bibig mo manggaling ang iyong sagot."
"Pumapayag na po ako na manilbihan sa inyong pamilya."
Sagot ko sa tanong nito.
"Hindi ka magsisisi sa desisyon mo na ito. Ako na ang bahala sa lahat ng pangangailangan mo. Maliban sa magiging sahod mo sa akin ay ililipat din kita ng University."
Hinawakan nito ang aking magkabilang kamay.
"Kahit anong kailangan mo ay sabihin mo lamang sa akin at aking ibibigay."
Mariing sabi pa nito. Lahat ng kan'yang sinasabi ay sobrang sarap pakinggan. Tama sila Mother Superior mas magiging maganda ang kinabukasan ko kung maninilbihan ako dito.
"Wala naman po akong ibang gus'to din ku'ndi ang nakatapos ng pag-aaral. Matupad ko ang mga pangarap ko. Lalo na dito sa lugar kung saan ako lumaki."
"LAHAT 'yan ay matutupad HALIYAH."
"Maraming salamat po. Malaking tulong po sa amin ang lahat ng in'yong donation dito. Kailangan po ba ako magsisimula na magtrabaho sa in'yo?"
"Ngayon mismo ay isasama na kita. Bibigyan kita ng oras para mag-empake at magpaalam sa mga taong kinalakihan mo."
"Maiwan ko na muna kayo dito."
"H'wag mo ng dalhin ang lahat ng gamit mo.'"
Mabilis na akong kumilos. Kailangan ko na makausap si Akiyah. Ito ang iniisip ko kanina pa..
"Bes!"
Habang naglalakad Ako ay narinig ko ang pagtawag sa akin ni Kim.
"Nasaan si Akiyah?"
Agad na tanong ko dito.
"Nasa kwarto natin. Iniwan ko muna s'ya doon. At kailangan mo talaga na magpaliwanag sa kan'ya. Kung bakit naman kasi nangako ka sa kan'ya na hindi mo s'ya iiwan."
"Hindi ko naman kasi akalain na ito ang hihilingin ni Donya Ezmeralda kila Mother Superior. At isa pa hindi ko naman talaga iiwan si Akiyah. Magtratrabaho lang naman ako. Babalik at babalik pa din ako dito. Hindi kagaya ng kan'yang mga magulang na katulad natin ay basta na lamang iniwan dito sa bahay ampunan. "
"Halika na at puntahan mo na lang s'ya sa kwarto para makapag usao kayong dalawa. Ipaintindi mo sa kan'ya ang lahat."
"Oo, kaya nga hinahanap ko s'ya sa'yo."
Nagmamadali na akong naglakad papunta sa kwarto.
Pagpasok ko dito ay inabutan ko na nakadapa sa mismong kama ko ang bata.
"Akiyah, nandito ang Ate. Kausapin mo naman ako."
Tawag ko dito ng mahinahon.
Lumingon naman ito at napansin ko na nangmumudto ang mga mata nito sa kakaiyak.
"Galit ka pa ba sa akin?"
Tanong ko pa dito at umayos naman ito upo mula sa pagkakadapa n'ya.
"Bakit po kasi kailangan na umalis ka pa po?"
"Dahil kailangan, pero hindi naman ibig sabihin nito ay hindi na ako babalik. Trabaho lang ang pupuntahan ko. Babalik at babalik pa din si Ate Amber dito."
"Talaga po Ate?"
"Opo,kaya ko lang naman ito gagawin ay dahil kailangan. Sana maintindihan mo naman ako."
"Basta babalik ka po."
"Halika nga dito at yakapin mo si Ate."
Utos ko dito at tumayo naman ito. Yumakap ito ng mahigpit sa akin. Feeling ko ay hindi naman ako mahihirapan na mag-alaga sa mga apo ni Donya Ezmeralda. Dahil mahilig naman talaga ako sa mga bata.
"Sali din Ako."
Napatingin kami ni Akiyah kay Kim na yumakap na din sa amin.