"Halika na HALIYAH."
Malambing na tawag pa din sa akin ni Donya Ezmeralda. Nag-aalalay din ang mga tauhan nito sa akin sa pagsakay sa chopper. Ilang beses na din akong nagpaalam kila Sister Angela. Alam ko na malungkot sila na ayaw lamang nila na ipakita sa akin.
"Hindi ka ba mahihiluhin?"
"Hindi naman po."
"Mabuti kung ganoon. Mabilis lang naman ang magiging byahe. Bago magdilim ay nasa mansyon na tayo."
"Mansyon po?"
"Sa 1Z mansion Hija."
Sagot nito. Parang bigla tuloy akong napaisip sa sinabi nito.
Hanggang sa unti-unti ng umaangat ang chopper na lulan kami.
Pangarap ko naman ito ang makarating sa himpapawid. Kaya nga gus'to ko na maging flight attendant. Hindi ko naman sa isang private chopper ko ito unang mararanasan.
Napasilip ako sa labas. Ang kulay ng ulap ay kahel. Dahil sa papalubog na araw. Ang sarap nitong pagmasdan.
"Ang ganda!"
Nasabi ko pa.
"Nagustuhan mo?"
"Opo,"
Sagot ko na lumingon pa dito. Inayos ko ang aking pagkakaupo. Nakakahiya naman kasi, baka isipin ni Donya Ezmeralda ay para akong bata dito. Maganda naman kasi talaga.
Hanggang sa lumipas ang halos mahigit isang oras. Malayo din ang lugar nila. Dahil hindi aabot ng isang oras ang byahe namin kung malapit lang ito. Kaya pala palaging private chopper ang sinasakyan nito.
"Nandito na tayo,"nakangiti na sabi nito. Kung si Mother Superior palaging hindi mo alam ang iniisip. Si Donya Ezmeralda naman ay parang palagi naman na masaya lang at walang iniisip na problema. Siguro ito ang sikreto n'ya. Kaya napakaganda pa din nito. Kahit na may edad na. Syemp're kasama na din ang may pambayad ito sa doktor para magkaroon ng gan'yang kaganda na pangangatawan at mukha.
"HALIYAH, bakit naman titig na titig ka sa Lola?"
Tila nagtatakang tanong nito.
"Ang ganda n'yo po kasi."
"Aysus, binola mo pa ako, bumaba na tayo at para makapagpahinga ka din."
Sabi nito at nauna na itong bumaba sa akin.
Katulad kanina ay nakaalalay pa din sa amin ang mga tauhan nito.
Pagbaba sa chopper ay tumambad sa akin ang napakalaking mansyon. As in malaki pa sa malaki. Parang yung mga nakikita ko sa mga K-drama. May ganito din pala talaga dito sa Pilipinas.
"Hija, natulala ka na naman d'yan."
"Lala, sa'yo po ba talaga ito? O baka naman po nangurakot din kayo para magkaroon ng ganito?"
Diretsahan na tanong ko dito. Natawa naman ito sa tanong ko.
"Haliyah, hindi ko kailangan na mangurakot pa para magkaroon ng ganito. Nagsikap kami ng aking namayapang asawa para lamang marating ang estado ng buhay na me'ron kami ngayon."
"Talaga po?"
"Malalaman mo din ang lahat Hija, pero sa ngayon ay pumasok na muna tayo sa loob."
Naglakad kami at hindi naman tulad ng napapanood ko sa K-drama na maraming maid. Dito ay isang may edad na matanda lamang ang sumalubong sa amin.
"Donya Ezmeralda, dumating na ho pala kayo,"
"Manang Pining,nakahanda na po ba ang hapunan?"
"Opo, katatapos namin na maghain at maari na po kayong kumain ng in'yong kasama, na isang napakagandang dalaga.
Napangiti naman ako sa sinabi nito. Mukhang ngayon pa lang ay masasabi ko ng magkakasundo kami ni Manang.
"S'ya si HALIYAH, ang magiging kasama n'yo dito mansyon. S'ya ang magiging personal maid ng mga apo ko."
"Magandang gabi po sa'yo!" Nakangiti na pagbati ko dito.
Kapag ganito ang ugali ng makakasama ko sa trabahador dito magiging magaan ang lahat sa akin. Halata naman kasi sa awra ni Manang na mabait ito.
"Magandang gabi din Hija, sana naman tumagal ka dito."
Parang bigla akong kinabahan sa way ng kan'yang pagkakasabi.
"Manang, tinatakot mo naman si HALIYAH, sabi naman ng isang babae na bigla na lang sumulpot. Isang mababang babae na parang nasa 10 years old pa lang ang edad."
"Isa po ba s'ya sa apo n'yo Lala?"
"Hindi, s'ya ay naninilbihan din dito sa mansyon Hija."
Si Manang Pining ang sumagot ng tanong ko.
"Po? Nagtratrabaho s'ya dito? Ee! Bata pa po s'ya? Baka makasuhan po kayo nito?"
"Haliyah, hindi na bata si Susie."
Sabi ni Donya Ezmeralda na ikinalingon ko dito.
"Pemmm
"Ay, grabe ka naman sa akin girl. Maliit lang naman akong babae. Hindi na ako bata."
"Sa kan'ya na mismo nanggaling. Hindi naman na talaga s'ya bata. At hindi ako tatanggap ng menor de edad para magtrabaho sa akin."
"Kung ganoon ay pandak ka lang talaga?"
"Ouch! Ang sakit mo naman magsalita. Talagang diretsahan,wala man lang preno."
"Sorry, ang liit mo kasi."
Sabi ko dito sabay peace sign.
"Inulit mo pa talaga!" napapakamot sa ulo na turan pa nito.
"Tama na 'yan, mamaya n'yo na lamang kulitin itong si HALIYAH."
Sabi ni Donya Ezmeralda at hinawakan na ako nito sa aking kamay.
Pakiramdam ko tuloy sobrang special ko dito. Hindi ko tuloy alam kung maid ba talaga ang magiging trabaho ko dito. Or baka kaya ganito ay dahil sa sinusubukan lang nito na maging palagay ang loob ko sa kan'ya.
"Lala, nasaan po ang mga apo n'yo? Gus'to ko na po silang makilala..."
"H'wag na mo na sila ang isipin mo Hija, kumain na muna tayo at med'yo napagod din ako sa byahe."
Imbes na sagutin nito ang tanong ko ay parang iniiwas n'ya pa. At ano kaya ang ibig sabihin ni Manang Pining kanina. Bakit walang tumatagal sa mga apo ni Donya Ezmeralda. Hindi ko natanong kung Ilan na ang mga apo nito.
Sa sobrang laki nitong mansion ay ilang minuto pa kaming naglakad bago nakarating sa dining area. Pagdating dito ay mas lalo akong namangha. Dahil para itong hapagkainan ng mga royal family.
"Bakit ang daming mga pagkain?"
"Dahil hindi ko naman alam Hija, kung anu ba ang mga paborito mong pagkain."
"Pero sobra naman po ito kung tayo lamang ang kakain."
"Mamaya ay pauwi na ang mga apo ko. Kaya mauubos din natin ang lahat ng ito. Kasama na din sila Manang Pining."
Nakangiti na sabi ni Donya Ezmeralda. Halata naman na maganda ang pakikitungo nito sa kan'yang mga tauhan.
"Maupo ka na Hija, masarap ang mga pagkain na inihain nila Manang Pining para sa pagdating mo."
Naupo naman ako at sila Manang Pining at Susie ay nasa gilid lang.
"Bakit hindi pa po kayo sumabay sa amin?"
"Mamaya na po kami."
"Bakit mamaya pa po? P'wede naman na sumabay na kayo sa amin."
"Maupo na kayo Manang, para itong si HALIYAH ay makakain na din."
Utos ni Donya Ezmeralda sa kanila.
"Halika na Manang, at nagugutom na din po ako."
Excited naman na naupo si Susie na agad na sumandok ng kanin.
"Maglead ka ng prayer para sa atin HALIYAH."
Utos naman sa akin na agad ko din na sinunod. Natawa pa ako ng bahagya dahil kay Susie na hindi na naisubo ang kanin sa bibig n'ya.
Pagkatapos ko na magdasal ay nag-umpisa na kaming kumain lahat. Grabe sobrang sarap ng lahat ng nakahain dito sa mesa. Lalo na ang mga seafoods.