HALIYAH POV: "PM,anong niluluto mo?' "Ay! Ano ba?" Sa gulat ko ay naihampas ko dito ang aking hawak na sanse na hindi ko naman sinasad'ya." "Sir, sorry po!" Paghingi ko agad ng sorry dito. Ang ulo n'ya ay punong-puno ng tumalsik na kanin. Mabuti na lang din at nasalag n'ya, gamit ang kamay nito. "Papatayin mo ba ako?" Nakangiti na tanong nito. Hindi ko alam kung may sapak itong isa sa mga aalagaan ko. Nasaktan nga,nakangiti pa kung magtanong. "Hindi po,kayo din naman ang may kasalanan kung bakit nahampas ko kayo." Sagot ko dito. "Ang tapang mo din talaga! Kaya nagustuhan ka ni Lala." "Nagsasabi lang naman po Ako ng totoo. Ano po ba ang kailangan n'yo? Bakit bigla-bigla na lang kayo na nand'yan sa likuran ko?" "Magtatanong kung anong niluluto mo." "Baka naman po iniisip n'yo n

