HALIYAH POV: NAALIMPUNGATAN ako,dahil sa lamig na nararamdaman ko sa bandang paanan. "Sir Rixon," tawag ko sa kan'ya. Alam ko na s'ya pa din itong nakayakap sa akin. Madilim din ang buong paligid. Kaya hindi ko na makita kung tulog ba ito o gising. Pero hindi naman ito sumagot sa akin. Kaya tulog din ata s'ya. Dahan-dahan akong gumalaw. Dahil baka magising ko ito kinapa ko sa aking bag ang cellphone para may magamit akong pang-ilaw. Para kasi akong bulag dito. Ang hirap talaga kapag madilim. Parang ang lungkot-lungkot ng buong paligid. At kaya siguro madilim na ay dahil gabi na. Nang makapa ko ang cellphone ay agad na binuksan ko na ito. Past six na pala, kaya naman madilim na sa labas. Napatingin ako sa kabilang gilid at itong alaga ko ay tulog na tulog nga. Kaya naman pala hind

