Charmaine "Charmaine!" Napalingon ako sa pagtawag sa akin ni Mich. Nakita ko syang sakay ng isang sasakyan. Nakadungaw sya sa may bintana at tila hinihikayat akong pasakayin ng kotse. Huminto ang kotse sa likuran ng taxi na sasakyan sana namin ni Leighton. Nakita kong nagmamadaling bumaba si Mich papunta sa kinatatayuan ko. Hinatak ako ni Mich. Mahigpit ang pagkakahawak nya sa aking mga braso. "Sumama ka na sa akin Charmaine! Tumakas ka na! We need to hurry bago pa dumating si Leighton!" Wika ni Mich Halos hindi ako makahinga sa mga sinabi ni Mich. Narito sya para sagapin ako? Narito sya para tulungan akong takasan ang mga problema ko? Nang pahakbang na ako upang sumama sa kanya ay naramdaman ko ang paghawak ni Nanay Marina sa kabilang kamay ko. Saglit akong natigilan at

