Leighton Mula nga ng dumating kami ng aking anak sa bahay ay lagi nang may oras si Ehra na dalawin ang kanyang pamangkin. Hindi nya nakakalimutang magdala ng mga gamit, pagkain, gatas na kakailanganin ng aking anak. Gaya ng sinabi nya ay tutulong sya sa pagpapalaki kay Charleigh Maine. “Hindi mo na kailangang ibili ang anak ko ng mga ganito Ehra, Kaya ko naman. Saka nakakahiya na sayo.” Sabi ko sa kanya Inilalabas nya mula sa eco bag ang lahat ng kanyang pinamiling grocery para sa anak ko. Halos umapaw na nga ang cabinet dahil sa mga binili nya. “Okay lang! Pamangkin ko naman ang binibilhan ko. Hindi naman sya iba sa akin. I really want to spoil her. Gusto kong maging wonder Tita okay?” sabi nya Ngumiti sya sa akin. Hindi ko na sya inawat pa. “Okay, tulungan na lang kita dya

