Nakarating kami sa Bellevue Manila, isang high end hotel na pagdarausan ng malaking event na dadaluhan namin ni Charmaine.
Sanay naman akong makakita ng mga sosyal na tao kaya hindi na bago sa akin ito. Sanay na sanay akong makihalubilo sa mga matataas na tao kaya walang problema ang pagpapanggap na ito.
Inalalayan kong bumaba si Charmaine sa napakagara nyang kotse.
Sobrang sexy at sobrang ganda ng baby ko sa suot nyang gown. She looks drop dead gorgeous. Kahit anung suotin nya ay laging bagay sa kanya. Tunay na Diosa!
Nang makalabas sya ng kotse ay inayos nya ang suot kong bow tie. Napalunok ako dahil parang alagang alaga nya ako. Ang sarap sa pakiramdam. Ngayon ko lang naramdaman na may nag-aalaga sa akin. Yung aayusin ang damit ko kapag nagusot, ang sarap naman talaga.
Nang tumingin sya sa akin ay nginitian ko lang sya.
"Thanks Baby!" Sabi ko
Napalunok sya at iniwas ang tingin nya sa akin. Lagi na lang syang umiiwas. Ano bang problema?
Humawak sya sa braso ko at sabay kaming pumasok sa loob ng hotel.
"I have never seen anyone as beautiful as you." Bulong ko sa kanya sabay halik ko sa mga kamay nya.
Pero gaya ng lagi nyang ginagawa ay tinaasan na naman nya ako ng kilay.
"I don't belive you! Lahat ng mga babae pare pareho lang sa paningin mo! Isa kang dakilang babaero di ba?" She said with ironic tone of voice.
"Woh! You are so mean Ms. Charmaine dela Torre!" Sabi ko sa kanya sabay hawi ko ng balakang nya palapit sa akin.
Nakita ko ang pagngiwi nya sa ginawa ko. This is what I want. I love her body always touches mine. Sobrang heaven lang ng feeling.
Naglakad kami sa mahabang red carpet habang panay ang ngiti namin sa kaliwat kanang mga camera na nakatutok sa amin. Ganito pala ang feeling kapag umaattend ng mga sosyalan. Kahit may pinagdadaanan ka kailangan mong itago muna para hindi mahalata ng lahat ng tao sa paligid.
"Nangangawit na ang panga ko baby." Bulong ko pa sa kanya.
"You should always wear your smile all night okay?" Sabi nya
"Kahit fake?" Tanong ko
She looks into my eye and raised her eyebrow again!
"Yes! Kahit fake." She said
"Okay! Sabi mo eh! Malakas ka sa akin baby eh. Lahat gagawin ko basta sabi mo!" Kinindatan ko pa sya.
Mas lalo syang nairita sa ginawa ko. She rolled her eyes at me. And she's definitely cute while doing those gestures.
Agad kaming pinaupo ng event coordinator sa lamesang nakareserved para sa amin.
Maya't maya ang pagtayo nya sa kinauupuan para ibeso ang mga bisitang nakakakita sa kanya. At ipinapakilala nya ako bilang boyfriend nya.
Ginalingan ko ang pag-arte ko at sa tingin ko naman ay nakumbinse ko ang mga taong nakakita sa amin. At gustong gusto ko ang palaging pagdikit ng katawan nya sa akin. Grabe sa electricity. Sobrang lakas!
Nagulat ako nang lumapit sa amin ang reigning Ms. Universe na si Pia. Nashock ako sa taglay na ganda nya. Para syang buhay na manika sa sobrang perfect ng kanyang mukha.
Pero, mas perpekto pa rin ang baby ko. Mas maganda pa rin ang mga mata ng baby ko at hindi ko pagsasawaan ang masungit pero kaakit akit na mukha ni Charmaine.
"Hi, Charm! Haven't seen you for ages, I'm glad you're here. I thought you're still in pain after you broke up with.. Stephen?" Sabi ni Pia
Nakita ko ang kakaibang reaksyon ni Charmaine nang mabanggit ang pangalan nung Stephen. Sino ba si Stephen?
"Oh! Pia darling. Ofcourse, I'm already moved on after our break up. So, I would like you to meet my new boyfriend. He is Leighton Aloui, the new apple of my eye!" Pagpapakilala ni Charm.
Lumingkis pa ng mahigpit sa akin si Charm. Naging sobrang clingy nya sa harapan ni Pia.
Alam kong nasurprised si Pia sa mga sinabi ni Charm. At ngayon ay unti unti nang nagiging malinaw sa akin kung bakit ako binayaran ni Charm bilang boyfriend nya.
Nagpapanggap kami na may relasyon para ipakita sa mga malalapit na kaibigan nya na nakamoved on na sya kay Stephen! Ngayon alam ko na.
Pero aaminin ko, parang may kumurot ng pinong pino sa puso ko.
Kinamayan ako ni Pia at bineso. Bakas ko pa rin ang pagkalkula nya sa pagkatao ko.
"Nice to meet you, I'll just go back to my table okay!" Pagpapaalam ni Pia.
Muli pa akong tinignan ni Pia na para bang duda sa pagkatao ko.
Tumalikod na sya sa amin at umalis na ng tuluyan.
Pag-alis ni Pia ay sabay tulak sa akin ni Charm. Ngayon naman naiirita na sya. Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya?
Inakbayan ko sya at kinabig ko ang balikat nya palapit sa akin. Bahagyang dumampi sa labi ko ang pisngi nya. Umigting ang mga panga nya sa ginawa ko. What? Galit na naman sya?
Hinalikan ko ang pisngi nya. Parang may maliliit na boltahe ng kuryente ang gumapang sa buong katawan ko ng halikan ko sya.
Kuntento na ako sa pisngi nya. Kahit isang buong araw akong nakababad sa pisngi nya ay kaya kong mabuhay.
"So.. who is Stephen?" Tanong ko.
Agad na nag-iba ang awra nya. Kitang kita ko yung mga kilay nya na magkasalubong. Here we go again, she is mad!
"Hindi kita binabayaran para pagchismisan ang buhay ko!" Mataray na sabi nya sa akin.
Ngumisi lang ako sa kanya. Ang sungit talaga ng baby ko! Lagi na lang akong asar talo sa kanya.
"Okay! Hindi na ako mangungulit. Sorry." Lambing ko.
Inilapit ko ang mukha ko sa kanyang leeg. Para akong mababaliw sa halimuyak nya. Kinilig ako ng dumampi ang labi ko sa leeg nya. Napansin ko ang pagliyad nya sa ginawa ko. Mukhang nagustuhan ng baby ko ang pagcariño ko sa leeg nya.
Nakakagigil!
"Oh! Charm dela Torre?" Isang tinig ng lalaki ang tumawag sa pangalan nya.
Agad naman kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses.
Nakita ko ang isang matangkad na lalaki na kasama ang pinakasikat at pinakamagandang aktres ngayon.. si Nadine Cortez?
Grabe! Sobrang ganda.
Pero mas maganda pa din ang baby ko. Mas nakakaakit pa din ang baby ko sa kanya. Nabigla lang ako kasi sikat na sikat sya. Yung mga kapatid kong babae ay iniidolo ang Nadine Cortez na ito.
Dalawang beses kumurap si Charm. Naramdaman ko ang pagnginig ng mga kamay nya. Ramdam ko ang tensyong bumabalot sa kanya ng makita ang lalaking tumawag sa pangalan nya.
Pilit na ngumiti si Charm sa kanila.
"Oh. Hi! S-Stephen Mercado! N-ice to see you!" Parang nauutal na sabi ni Charm.
Ngayon ko lang sya nasaksihan na kinabahan ng ganito. Pero bakit tila ba hindi sya kumportable habang kaharap ang lalaking ito?
Ang lalaking kaharap ba namin ay si Stephen na ex boyfriend nya? Sya ba ang Stephen na binanggit ni Pia kanina?
Naramdaman ko ang pagpisil ni Charm sa kamay ko. Pagtingin ko sa kanya ay halata ko sa mata nya ang kalungkutan. Pinipilit nya lang ngumiti.
"M-meet my boyfriend. He is Leighton." Mahinang sabi ni Charm
Ngumiti sa akin si Stephen at ang aktres na si Nadine.
"Hi! Nice to meet you! And the woman beside me, is my girlfriend. I believe you already know her. Ang pinakasikat na actress ngayon. Nadine Cortez!" Pagpapakilala nya
Lumingkis sa kanya si Nadine at nasaksihan namin ang paghalik ni Stephen sa noo ng kanyang nobya. Sobrang lambing nila sa isat isa. Sa tingin ko ay sobrang pagmamahal ang nadarama ni Stephen para kay Nadine.
Mas lalo kong naramdaman ang pagpisil ni Charm sa mga kamay ko. Napatingin ako sa kanya.
Nararamdaman ko din na labis pa rin syang naaapektuhan kay Stephen. Narito ako para magpanggap na boyfriend nya. Para pagtakpan ang sakit na bumabalot sa puso nya. Narito ako para tulungan sya. Ito pala ang papel ko ngayon dito.
Kinabig ko ang beywang ni Charm. Napaigtad sya sa ginawa ko kaya napalapit ang mukha nya sa akin.
Marahan kong hinalikan ang malambot nyang labi. Ngayon ko lang naramdaman ang bagay na ito. Na halikan ang isang babae na walang nararamdaman na kahit katiting na init ng katawan. Hinahalikan ko sya dahil gusto ko, dahil masaya ako sa ginagawa kong ito. Masarap pala yung ganitong pakiramdam. Naramdaman ko ang pagtugon nya sa mga halik ko.
"Congratulations! I think you found your destiny!" Sabi ni Stephen
Agad kaming kumalas sa paghahalikan at napatingin kay Stephen.
Ngumiti ako ng buong puso sa kanila and I solemnly look at my girlfriend.
"Yes! Charm is not only my destiny but she is my forever love and I can't even conceive of life without her!" Sabi ko
Hinapit ko ulit ang kanyang beywang at hinalikan ko sya sa noo. Naramdaman ko ang higpit ng yakap nya sa akin.
It's alright baby. I'm here to save you. Hinding hindi ko na hahayaan na makaramdam ka ng sakit. Sabi ko sa sarili ko habang nakahalik ako sa kanyang noo.
"Wow! That's amazing! After all, there is a guy who is willing to accept her despite the negativity happened in her past!" Makahulugang sabi ni Stephen
Hindi ko makuha ang point nya. Lahat naman ng tao ay may pangit na nakaraan at para sa akin ay ayos lang yun. Normal lang yun.
"Stephen!" Pagtawag naman ng isang babae.
Sa tono ng boses nya ay parang galit ito.
Mas nanginginig ang katawan ni Charm ng lingunin namin ang tinig ng babae. Nasilayan namin ang isang babae na nasa mid 50's. Sino kaya sya? Kung makatingin sya sa baby ko ay parang kakainin nya ng buhay.
Napayuko si Charm at lumuwag ang pagkakapit nya sa braso ko. Nakataas ang mga kilay ng babaeng tumawag kay Stephen at lumapit sya sa amin.
Nakakatakot ang itsura nya!
Tinignan nya si Charm mula ulo hanggang paa.
"Stephen! Why are you still talking to this bit.ch?" Mataray na sabi nya at tinuro nya si Charm.
Hindi na makatingin si Charm sa kanya. Bakas ko, na anumang oras ay maari nang lumabas ang luha nya. Anumang oras ay masisilayan ko ang pagluha nya.
Napapatingin na rin sa amin ang iba pang bisita ng event dahil sa lakas ng boses ng babaeng ito.
"Ma! Stop it!" Pag-awat ni Stephen
Sya pala ang ina ni Stephen. At sa nakikita ko ay malaki ang galit nya kay Charm. Pero bakit? Sya ba ang dahilan kung bakit naghiwalay ang dalawa? At tinawag nyang bit.ch si Charm. Medyo nainis ako sa sinabi nya!
"Why? Tama lang naman ang tawag ko sa kanya! She is a b***h! Homewrecker! And the highest paid sl.ut!" Sabi pa nya
I clenched my jaw! Hindi ko na kaya ang mga sinasabi nya sa baby ko.
"Excuse me! Don't dare to offend my girlfriend in front of me again! This b***h, homewrecker and slut that you are refering to, is the one who fulfilled my whole life! So please stop insulting her!" Sabi ko sa kanya at dinuro ko pa ang mukha nya.
Bahagyang umurong ang nanay ni Stephen. Nakita ko ang takot nya at marahil ay nagtataka sya dahil may isang katulad ko na nagtatanggol sa kanya. Yung babaeng pinandidirihan nila, ay handa kong protektahan at alagaan, kahit walang kapalit!
Nasaksihan na lang namin ang pag-alis nila sa harapan namin. Mabuti na yun at para wala nang mga asungot na mang-aasar at mang-aapi kay Charm.
Pero pagdako ko kay Charmaine, ay umagos na ang mga luha nya sa mata. Hindi na nya napigilan ang sakit na ibinato sa kanya ng nanay ni Stephen. Kung anu man ang nakaraan nila ni Stephen at ang kwento sa likod ng pagiging highest paid sl.ut nya ay wala akong pakialam. Ang mahalaga sa akin ay maprotektahan ko sya.
Tumakbo syang palabas ng event place. Hinabol ko sya at hindi ko hinayaan syang mag-isa. Kahit saan sya magpunta ay susundan ko sya. Dadamayan ko sya.
Nakita kong Umakyat sya sa roof deck ng hotel.
Doon ay kitang kita ang napakagandang view ng Manila. Parang mga bituin sa sobrang ganda at kinang ng mga ilaw.
Nakita kong nakamasid sya sa napakalawak na view. Sinasayaw ng hangin ang buhok nya at patuloy pa ring dumadaloy ang luha sa mga mata nya.
Malamig dito sa taas. Ramdam ko ang hangin na tumatama sa aking balat.
Hinubad ko ang suit na suot ko at ikinumot ko sa kanyang balikat.
Niyakap ko sya ng mahigpit at pinadama ko na hindi ko sya iiwan. Hindi ko hahayaan na may manakit pa sa kanya.
Gusto kong alagaan at protektahan ang isang Charmaine dela torre. Hindi dahil malaki ang ibabayad nya sa akin, dahil ito ang gusto ko. At ito ang nararamdaman ng puso ko.