Charmaine POV
“Ma’am, sigurado ho kayo na dito nakatira ang boyfriend nyo?” tanong ni Mang Toni sa akin.
I was so busy examining the whole place, and I knew it! Leighton came from a middle class family. Hindi mayaman, hindi rin naman ganun kahirap.
“Yes Manong.” Sagot ko sa kanya.
Bumaba si manong Toni para pagbuksan ako ng pinto. I am wearing an extremely sexy mermaid gown from a prestigious designer and I don’t care, kung pinagtitinginan ako ng mga kapitbahay nila Leighton. Alam kong pinag-uusapan nila ako, but who cares? Hindi naman sila makakatulong sa buhay ko.
Kinuha din ni Manong Toni ang formal suit na isusuot ni Leighton.
Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng kanilang bahay. Simple lang, pero sa tingin ko ay napakasaya ng mga tao sa loob nito. Naririnig ko ang mga tawanan ng mga nakatira sa loob. Maingay at magulo!
I feel so envious. Dahil hindi ako kasing saya nila, nakatira nga ako sa isang mala palasyong tirahan pero, mag-isa lang ako at wala akong ibang kasama kundi ang mga kasambahay namin. My parents were always busy with their business. We never had a precious bonding moment when I was younger, at kinasusuklaman ko ang bagay na iyon. Dahil kahit kailan ay wala silang time para sa akin.
They thought that money can makes me happy, pero hindi. Well, sanay naman na ako sa ganitong buhay.
Nakita kong lumabas ang isang lalaki na sa tingin ko ay nasa mid 40’s. Sya kaya ang ama ni Leighton? Pero hindi nya kamukha ang lalaking ito. Agad naman nya akong napansin at lumapit sya sa akin.
“Sino ang hanap mo hija?” tanong nya sa akin.
The way he speaks, I think he is kind and humble.
“Dito ba nakatira si Leighton?” I asked him with a sarcastic voice.
He just smiled at me and he open the rusty gate for me .
“Sige pasok ka hija” sabi nya.
Hindi ba sya nasusungitan sa akin? Sobrang sarcastic ng tanong ko sa kanya pero pinapakitaan pa rin nya ako ng maganda. Sanay kasi ako na lagi ring sinusungitan ng mga kausap ko, dahil nga sa pag-uugaling meron ako. I'm rude!
Dinala kami ng lalaking nagpapasok sa amin sa loob ng bahay nila Leighton. Mas dinig na dinig ko ang ingay at tawanan ng mga tao sa loob.
They were stunned when they saw me standing infront of their door.
Biglang nangibabaw ang katahimikan. Tinignan nila akong lahat. I gave them a rude smile.
Nakita kong tumayo mula sa pgkakaupo sa sofa ang isang gwapong lalaki. But I think he’s gay. The way he look at me and his gestures shows his true personality.
“Hi! Ateng sinong hanap mo? Ganda mo naman!” he said
Pero tinitigan ko lang sya at dumerecho ako sa loob ng kanilang bahay. Lahat sila ay sinusundan ako ng tingin. Lahat sila Ay parang manghang mangha nang makita ako.
“I’m Charmaine dela Torre, Leighton’s girlfriend!” pagpapakilala ko sa kanila.
They were all amazed with what I have uttered. Ano ba ang nakakapagtaka? I’m sure hindi lang naman ako ang babaeng dinala ni Leighton sa bahay nila.
“Naku! Huhulaan ko ate, mga one week lang kayo ni Kuya!” sabi ng isang tisay na babae. She’s so cute, pero mahadera sya.
Nakita kong lumipat ng upuan ang isa pang lalaki na sa tingin ko ay mas bata kay Leighton. Gwapo din ang isang ito. Kinurot nya ang ilong ng mahaderang babae na nagsalita kanina.
“Anong one week? Three days nga lang ang hula ko eh!” sabi nya. Lahat sila ay tumawa na para bang wala ako sa harap nila
“Mga anak, behave! May bisita ang kuya tong-tong nyo. Igalang nyo ha!” agad na sabi ng lalaking nagpapasok sa akin kanina.
Lumabas ang isang babae na sa tingin ko ay nasa mid 40’s din mula sa kusina. Sya kaya ang ina ni Leighton. Parang pinamulahan ako ng pisngi ng tignan nya ako mula ulo hanggang paa.
“Tama ba ang rinig ko hija? Girlfriend ka ni Leighton?” tanong nya.
I just smiled at her with my left eyebrow raised.
“Yes Tita! So you must be his beautiful mother?” pambobola ko.
Nakita kong humawak sya sa kanyang pisngi at parang nahiya sa mga sinabi ko.
“Lakas din pala mambola ng girlfriend ng kuya nyo. Pero salamat na rin." Sabi nya.
Inilapag nya sa mesa ang hawak na mga plato.
"Naku, sa tingin ko, one day lang kayo at magbebreak din agad kayo ni Tong gaya ng ibang mga naging babae ng anak ko. Kaya hija, mag-isip isip ka na ngayon pa lang! Sorry, nagbabanta lang ako.” sabi nya
Nagulat ako sa mga sinabi ng nanay ni Leighton. Ganun ba talaga kawalang hiya si Leighton, na kahit pamilya nya ay kilalang kilala sya bilang isang babaero?
But I like the fact that he is incapable to have a serious relationship. Ayoko kasing mainlove sa akin si Leighton, dahil kapag nangyari yun ay isang malaking problema!
“Well tita, mga three months lang actually!” sabi ko sa kanya
I heard them laughing so hard! Nakakatawa ba talaga ang sinabi ko? I’m just telling the truth! But I don’t want to elaborate about our deal. Basta hanggang three months lang.
“Kahit pala si Ate alam na kung hanggang kailan lang sila ni kuya Leighton, Pero matagal na ang three months. Well, welcome to our family!” malambing sa sabi ng isang babae na may pagkachinita.
Lahat sila ay nagkakatuwaan na, para bang wala silang mga problema. Lahat dinadaan lang nila sa tawa. Ganito ba talaga kasaya ang pamilya ni Leighton?
Pero sino ba ang mga ito? Kapatid ba nila si Leighton? Bakit parang hindi sila magkakamukha? So weird!
After a while,
Nakita kong lumabas ng banyo si Leighton. He only wears a piece of towel. He is so sexy wearing that piece of towel. His perfect 6 packs abs makes my whole body shivered.
Oh God!
Parang bumabagal ang mga galaw nya habang tinititigan ko sya. I love the way he rubbed his hair and caress his own chest. His smile captured my whole heart. I don’t know..
“Hoy!!! Matunaw naman ako!” sigaw ni Leighton
Nagulat na lang ako nang biglang sumulpot sya sa harapan ko? What? Paano nangyari yun? Kanina lang ay kalalabas nya lang ng banyo, ilang hakbang pa bago makarating sa akin. Hindi ko sya nakitang naglakad papunta sa akin. Ang alam ko lang, pinagmamasdan ko ang smile nya. Shitt!
I fix myself. And I'm wearing a poker face. Hindi ako nagpahalata na masyado akong naapektuhan sa katawan nya. Natikman ko naman na yan, so wala nang bago. Magsasawa din ako.
Pero di ko mapigilan na dumako ang mga mata ko sa katawan nya. Shitt! What is wrong with me?
“Magbihis ka na, here’s your formal suit!” Sabi ko habang pasimpleng nakatingin sa kanyang six pack abs.
“Kape gusto mo?” tanong nya na may nakakaakit na ngiti
“What?” naiirita kong tanong na may mataas ang tono ng boses. I don’t get his point. Coffee? Sa oras na to?
“May libreng pandesal na kasi ako na kanina mo pa tinititigan, kape na lang ang kulang!” he said while he seductively touches his 6 pack abs.
Napalunok ako sa ginawa nyang iyon.
Oh, nagbibiro pala sya. I raised my left eyebrow. Pero aaminin ko, he is annoyingly hot.
Alam kong natakot sya sa pagtaas ng kilay ko sa kanya. I saw him scratching his head.
“Sungit naman ng baby ko, eto na magbibihis na po. Saglit lang to! Huwag mo akong mamiss agad ha” biro pa nya.
Mas lalo kong tinaas ang kilay ko sa kanya and I show him my fist. Nagmadaling umakyat si Leighton bitbit ang suit na dala ko para sa kanya. Sa tingin ko ay kinabahan sya sa kamao ko na handa na syang sapakin.
Pinakisamahan naman akong mabuti ng pamilya ni Leighton. There were no dull moments kapag kasama ang pamilyang ito. Lahat sila ay may nakakatuwang personality. And I wish I had a family like them. They don't have expensive things, but they have a delighted heart.
Nakita kong bumaba si Leighton suot ang formal suit . And as I was expecting, he is so gorgeous wearing that suit. Ang gwapo naman ng nahire kong boyfriend. Hindi sayang ang ibabayad ko sa kanya.
“Sorry, matagal ba babe? Teka, nakilala mo na ba yung mga jologs kong kapatid? Mga panget pakilala kayo sa babe ko” utos nya sa mga kapatid nya.
Feel na feel nya ang pagiging boyfriend ko. I like that, magaling syang umarte.
“Sorry naman ate, kanina pa tayo nagchichikahan hindi mo pa pala kami kilala, I’m Kate ang bunso nila, half Luxembourgers. Maganda, masayahin at mabait!"
OH, kate pala ang name ng mahadera pero nakakatuwa din naman ang personality.
“I’m Jordan, half Italian, ang pinakamaganda sa kanilang lahat. Nice to meet you sez!” sabi ng nakakatuwang baklang kapatid ni Leighton
“Ako si Liza, half Korean naman ako. Wag ka maiilang sa mga kapatid ko ha.” Sabi ng pinakamabait na kapatid ni Leighton.
“Ako si Migz. Half Espaniol. Ang Pinacute sa kanilang lahat.” Sabi pa ng isa nyang kapatid.
Ang saya naman magkaroon ng mga kapatid. Hindi ko kasi naranasan na magkaroon ng kagaya nila. Mas madalas na mag-isa lang ako. Kahit nga kaibigan ay wala din ako. But wait, iba iba ang tatay nila tama ba ako? Naguguluhan ako.
“Wag mo na itanong hija kung bakit iba iba ang naging tatay nila ha, basta masaya naman kahit ganun. Pang United Nations di ba?” Biro ng mama ni Leighton
“At ako naman ang poging pogi na tumayong tatay nilang lahat!” sabi ng papa nya
Wala akong ibang masabi. Kahit hindi perpekto ang pamilya nila, sadyang tunay na napakaligaya lang nila. Ang sarap naman makapasok sa ganito kasayang pamilya.
"Okay na babe ha! Kilala mo na ang family ko. Na magiging family mo na din!" He said.
My eyes widened. Anong pinagsasabi ng lalaking to? Nakalimutan nya bang nagpapanggap lang kami?
"Oh! Ah.. family mo na din for three months. Sabi mo three months lang!" Palusot nya habang nagkakamot na naman ng kanyang ulo.
Muli ko syang tinaasan ng kilay. Sumusobra naman yata ang pagpapanggap nya.
"Ok! Let's go na at baka mahuli pa tayo! Bye na muna sa inyong lahat!" Sabi ko
Nagulat ako nang lapitan ako ni Liza, yung half korean na kapatid ni Leighton.
"Ate, dalasan mo ang pagdalaw dito ha, sa tingin ko ikaw na ang makakapagpatino sa kuya namin. Sayo lang sya tumitiklop eh!" Sabi nito.
Napatingin ako kay Leighton ng marinig ang sinabi ng kapatid nya. And he is wearing the sweetest smile that makes my heart soften.
Muli kong binalikan ng tingin si Liza
"I can't promise darling, alam mo naman ang kuya nyo napakababaero. Baka nga tama ang hula nyo na in a week may makikita na namang iba yan!" Sabi ko.
Pero nagulat ako ng hawakan ni Leighton ang beywang ko at dahan dahang hinatak palapit sa kanya.
I can clearly smell his masculine scent. God!
"Sa tingin ko hindi na." Maikli pero makahulugang sabi nya
He seriously look into my eye. I bit my lower lip. Hindi ko maintindihan ang parang elektrisidad na gumapang sa buong sistema ko.
I clear my throat and push him away.
"Tama na ang kalokohan. Baka ma-late tayo!" Sabi ko
Tuluyan na akong lumabas ng bahay nila. Ayoko na ng mga nangyayari.
Narinig ko pa ang kantiyawan at tuksuhan ng iba pa nyang mga kapatid sa kuya nila.
"Nice Kuya ha! Mukhang inlababo ka ngayon ah! Ngayon ka lang namin nakitang ganyan!" Nadinig kong sabi ng isa nyang kapatid.
"Oo nga eh! Yung mga smile ni kuya parang ngayon ko lang nakita yan eh! Hala sya! Patay na patay?" Sabi pa nung mahaderang tisay.
Parang bumilis ang t***k ng puso ko. And I don't know why I am feeling this way?
Pero yung mga titig nya sa akin? Yung mga ngiti nyang nakakatunaw ng puso. Hindi ko alam kung bakit parang nagugustuhan ko?
Shitt!
No way! Kailangan ko itong pigilan! Binabayaran ko lang sya at isang bayarang lalaki lang ang tingin ko sa kanya!