~~~<*>~~~
Masaya at maganda ang gabi ni Vincent, dahil hindi niya inaasahang meron palang surprise sa kanya si Aleyah. Hindi niya inaasahan na yayain siyang kumain sa labas, madalas ay lagi itong busy at wala itong oras sakanya.
Dalawang taon na silang kasal, pero nabibilang lang sa daliri ang sabay kung kumain. Kahit na ganun ay sinisikap niyang intindihan si Aleyah, dahil meron silang kanya-kanyan tungkulin.
“Kamusta ang bagong tayo mong salon, okay naman ba walang naging problema?” Basag niya sa katahimikan nilang dalawa, na patingin naman sakanya si Aleyah uminom muna ito ng red wine bago sumagot.
“Wala namang naging problema, at maayos ang mga na-hired kong empleyado.” Sagot niya bago muling uminom ng red wine, kailangang makapag-ipon siya ng lakas ng loob para masabi ang kanyang gustong sabihin.
“That’s good, next week pala gusto kong magbakasyon sa ibang bansa at kasama ka. Saan mo ba gustong pumunta ngayon second anniversary natin?” Nakangiti niya na tanong, huminga naman ng malalim si Aleyah bago nagsalita.
"Vincent, I want a divorce." Seryosong sabi ni Aleyah, nawala naman ang matamis na ngiti ng asawa niya. Second anniversary nila ngayon at kumain sila sa isang mamahaling restaurant.
Nagulat ito sa sinabi ni Aleyah, aware naman siyang darating ang araw na hihingi ng hiwalayan ang dalaga.
"Gusto ko ng makalaya mula sayo, I can't take it anymore." Muling sabi nito, mapakla namang ngumiti si Vincent. Hindi niya maintindihan, naging mabuti naman siyang asawa. Kahit laging mainit ang ulo ni Aleyah sakanya at wala itong oras, hindi sumagi sa isipan niyang mang babae.
"What's wrong Aley, hindi naman kita pinapakialaman sa mga gusto mong gawin, naging mahigpit ba ako sayo?" Tanong nito sa malamig na boses, tumikhim si Aleyah para maalis ang bara sa lalamunan niya.
"H-hindi mo ako deser-" Hindi natapos ang sasabihin niya dahil pinutol iyon ni Vincent. Ayaw nitong marinig kung anong sasabihin ng dalaga, lalo lang naninikip ang kanyang dibdib.
"Dahil ba kay Vince, alam kong niloloko mo ako. Dahil mag-asawa lang tayo sa papel, hinayaan kitang gamitin mo ako para makapag-higanti sa kanya. Si Vince pa rin ba ang mahal mo? Hindi mo ba ako kayang mahalin, mas kaya kong ibigay lahat ng iyong kailangan. Pero bakit siya pa rin?" Mahabang pahayag niya, nagulat si Aleyah dahil sa kanyang narinig.
Sa dalawang taon nilang pagsasama, lalong lumalim ang nararamdaman niya para sa dalaga. Pero laging kay Vince ang atensyon nito, kahit labag sa kanyang kalooban mas pinili niyang maging martyr.
"Matagal ko ng alam Aley, bilang asawa mo sinuportahan kita dahil iyon ang alam kong kaligayahan mo. Hindi ko maibibigay ang kagustuhan mong divorce, kung mapupunta ka lang ulit kay Vince." Pinal nitong sabi bago tumayo sa kanyang kinauupuan. Naiwang tulala si Aleyah, hindi makapagsalita para siyang napako sa kinauupuan.
Paglabas ni Vincent sa restaurant, huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. Lumapit sakanya ang isa niyang tauhan na sumusunod sa bawat kilos ni Vince.
“Boss, magkikita silang dalawa doon pa rin sa dati nilang meeting place.” Bulong nito, umigting ang panga niya dahil sa galit.
“Huwag kang tumigil sa pagmanman kay Vince, balitaan mo agad ako kung merom siyang plano!” Malamig niyang utos, dahil sa galit at stress na nararamdaman. Napasindi ito ng sigarilyo, ang isang stick ay tatlong hipak lang niya. Magsisindi pa sana ulit siya, pero hindi na niya itinuloy dahil hanggang ngayon ay walang Aleyah na sumunod sakanya palabas ng restaurant.
Madilim ang kanyang mukha na bumalik sa loob ng restaurant. Nandoon pa rin si Aleyah nakatingin sa malayo at tila wala itong balak tumayo sa kinauupuan.
Hindi pa nito naramdamang nilapitan niya, huminga muna ng malalim bago kalmadong nagsalita.
“Let’s go home Aley, sa bahay na natin pag-usapan ‘to.” Aya niya sa dalaga bago hilahin patayo, napatiting si Aleyah kay Vincent. Lalo itong lang nakaramdam ng guilty, dahil sa kinikilos at trato sakanya ng binata.
Kung ibang lalaki lang ‘to, baka kanina pa siya nasampal at nakikipag-away. Kahit masama ang pakikitungo niya kay Vincent, wala siyang narinig mula dito. Kaya sobrang naguguilty siya, walang ibang paraan kundi divorce ang hinihiling niya. Tama na ang dalawang taon na naging masama siya, pagkatapos nito ay aalis na ng bansa at magsisimula ng panibagong buhay.
“Bakit?” Tanong niya, marami siyang katanungan pero iyon lang ang lumabas sa kanyang bibig.
“Dahil asawa kita.” Seryosong sagot sakanya, nakatingin lang siya kay Vincent habang hila-hila palabas ng restaurant.
Sa dalawang taon, wala siyang ibang ginawa kundi ang maghiganti kay Vince at malinaw namang kasal lang sila ni Vincent sa papel. Wala silang nararamdaman para sa isa’t isa, kung tutuusin ay ginamit niya lang ito para makapag-higanti. Kinalaban niya ang pamilyang tumulong sa kanilang kompanya, nagpadala siya sa galit naging bulag at nilamon ng poot yung puso niya.
Kaya dapat nagagalit sa kanya ngayon si Vincent, at pumayag kung anong hinihiling niya. Hindi naging mabuting asawa, wala siyang ibang ginawa kundi awayin ito at magsalita ng masasakit para lang tigilan siya.
"May nararamdaman ka na ba para sa akin?" Muli niyang tanong pagkarating nila sa parking lot.
"Dalawang taon lang ang naging usapan nating dalawa at dumating na yung takdang panahon." Tumingin sa kanya si Vincent, seryoso ang mukha at walang emosyon yung mga mata nito.
"Yes, mahal na kita Aley. Wala ba akong karapatan na ipaglaban itong nararamdaman ko? Sa dalawang taon, wala kabang nararamdaman para sa akin? Aley, niloko ka ni Vince, pero bakit kailangan mo pa rin siyang balikan?"
Umiwas ng tingin si Aleyah at pilit binawi ang kamay niyang hawak ni Vincent. Naiiyak siya, dahil sa kanyang ginawa ay may masasaktang tao na hindi naman niya deserve masaktan.
“Aley..” Tawag sakanya ni Vincent, umatras siya para magkaroon ng distansya pero hindi niya magawang tumingin sa binata.
"Hindi kita kayang mahalin, dahil kahit anong gawin ko si Vince pa rin ang nilalaman ng aking puso. I'm sorry, gusto kong palayain muna ako. Tapos na ang pagpapanggap nating dalawa, kailangan ko ng bumalik sa lalaking tunay kong mahal."
Itutuloy.