Tumawa lang ako sa sinabi niya. Hindi ko naman alam na may pagka-joker itong si Andres. Akala niya naman magandang biro ‘yon. Pasalamat siya magaling akong magkontrol ng emosyon. Kung hindi, sigurado akong pagkasabi niya ng mga salitang iyon, walang pag-aalinlangang um-oo ako kaagad. Naiiling na lamang ako habang naunang naglakad pabalik sa parking. Nang lingunin ko siya ay nakasimangot siyang nakamasid sa akin. Ano ka ngayon? Akala mo papayag ako sa gusto mo ha. Hanggang makauwi kami ng centro ng Barcelona ay hindi na kami nakapag-usap. Tahimik lang akong nakasandal sa bintana ng kaniyang kotse habang nakamasid sa mga tanawing nadadaanan ng sasakyan. Nakakatuwang hindi siya nagkuwento o nagsalita man lang. Marahil ay naiintindihan niyang sa pagkakataong ganito, kailangan ko ng katahimi

