Kabanata 9- The Assistant

2608 Words

“Tara na, ang bagal naman.” reklamo ko kay Andres na hindi magkandaugaga sa pagbitbit ng plates na iniabot ko sa kaniya paglabas ko ng unit. Hindi ko sinasadyang tanghali na magising ngayong araw. Hindi ko naman inaasahan na makakatulog ako ng bandang alas singko habang gumagawa ng plates tapos nagising ng alas sais y media. Kinakabahan tuloy ako ngayon dahil baka ma-late ako sa unang klase ko. Hindi pa naman akong sanay na nale-late. Nakapameywang ako habang naghihintay sa kaniya sa baba ng apartment. “Hoy, Lyanna. Tulungan mo ako. Kapag ito nalaglag at narumihan, kasalanan mo ah.” aniya habang marahang humahakbang pababa ng hagdan, ingat na ingat upang hindi mahulog ang mga mga hawak na plates. Siya na ang pinabitbit ko ng mga iyon dahil ubod ng kulit, gustong-gusto talaga yata niyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD