Kabanata 10- The Growing Feelings

1961 Words

“Puro ka kalokohan.” saad ko saka nauna nang naglakad sa kaniya. Nauna akong nakarating sa sarili kong apartment. Ibinaba ko muna ang aking gamit bago nagtungo sa kusina para mag-asikaso ng lulutuin. Alam ko namang late na, pero gutom kasi ako at hindi ko puwedeng ipagpaliban ang pagkain. Baka kapag ginawa ko pa iyon ay tuluyan na akong bumigay. Ayoko namang magkasakit dahil baka paniguradong malaki ang magagastos ko. Inilabas ko mula sa freezer ang karne ng baboy. Ibinabad ko muna sa iyon sa tubig na may palangganang maliit habang nagsisimulang hiwain ang repolyo. “Magluluto ka ng sinigang na baboy?” Tumaas ang kilay ko nang makita ko si Andres na pumasok sa loob ng unit ko at dire-diretsong naglakad patungo sa kusina. “Naks naman! Parang bahay mo ah. Dire-diretso kung makapasok.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD