“Anong nginingiti-ngiti mo riyan?” tanong ni Kuya Leo habang nakataas ang isang kilay nito. Tumikhim ako at umayos sa pagkakaupo.
“Wala.”
Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit minsan nahuhuli ko ang sarili kong nakangiti. Minsan ibang tao pa ang nakakahuli sa ginagawa ko. Nakakahiya tuloy.
“Siya nga pala, hinahanap ka sa akin ni Jominique sa akin n’ong nakaraang Sabado.”
Kumuha siya ng kape sa counter at inilapag iyon sa harapan ko. Inabot ko naman agad ang mug na may lamang kape at mabilis na uminom doon.
“Hindi ba sinabi ko na sa’yo na may usapan kami ng land lady ng apartment na tinutuluyan ko na ako ang magbabantay sa mga pamangkin niya. Sayang ang kikitain ko ‘pag tumanggi pa ako.” saad ko.
Mabilis kong itinabi ang mug sa gilid ng lamesa saka muling pinagmasdan ang maliit na box na hawak ko. Humalukipkip si Kuya Leo at saka umiling sa ginawa ko.
“Puro na lang talaga trabaho ang nasa isip mo ‘no?”
Ngumiti ako sa kaniya at itinaas-baba ko pa ang dalawang kilay. Siyempre naman. Kailangang magtrabaho para magkapera. Sayang ang oras kung hindi gagamitin sa pagtatrabaho.
“Bakit ka nga pala nandito ngayon?”
“Magpapalipas lang ng oras.”
Sabado ngayon, wala akong pasok sa university at shop. Hindi rin ako tumanggap ng kahit anong trabaho ngayong araw dahil may usapan kami ni Andres na magkikita kami mamaya para maisauli ko na yung panyo niya. Ang sabi niya ite-text niya sa akin yung lugar kung saan ko siya pwedeng puntahan. Kaya naisip kong dito muna ako tumambay habang hinihintay mag-alas nuebe.
“Bakit wala ka bang trabaho ngayon?”
Umiling ako.
“Himala.”
Tinawanan ko lang siya dahil sa sinabi niya. Naglakad siya palapit sa akin at umupo sa upuan na nakaharap sa akin.
“Ano ‘yang dala mo?”
Bumaba ang tingin ko sa maliit na kahon na hawak ko. Doon ko inilagay ang panyo ni Andres. Maingat ko pa iyong tinupi bago inilagay sa loob.
“Panyo lang ‘yan.”
Aabutin sana ito ni Kuya Leo pero mabilis ko itong kinuha at inilagay sa bag na dala ko.
“Akala ko ba panyo lang? Bakit ganyan ka mag-react?” natatawang tanong nito.
Sinamaan ko lang siya ng tingin bago muling kinuha ang mug para humigop ng kape.
“Alam mo bang hindi raw maganda yung nagreregalo ka ng panyo sa isang tao. Kasi papaiyakin mo lang yung pagbibigyan mo niyan.”
I scoffed upon hearing what he said.
“Saan mo napulot ‘yan?”
“Seryoso. Nangyari ‘yan sa pinsan ko dati. Niregaluhan siya ng boyfriend niya ng isang dosenang panyo. Ayun makalipas ang isang taon, nagbreak sila ng jowa niya.”
Kumunot ang noo ko.
“Bakit naman?”
“Kasi sa loob ng isang taon walang ibang ginawa yung pinsan ko kundi umiyak nang umiyak dahil doon sa lalaki. Eh manloloko pala.”
Napailing na lamang ako sa kwento ni Kuya Leo. Hindi bale, ibabalik ko lang naman yung panyo kay Andres. Hindi naman siguro siya iiyak dahil kaniya rin naman ‘yon. Teka, bakit ba ako naniniwala rito kay Kuya Leo? Malay ko ba kung nag-iimbento lang ‘to ng istorya para asarin ako.
Nagkwentuhan pa kaming dalawa tungkol sa pagbisita niya sa Madrid nang maka-receive ako ng text galing kay Andres. Napatayo pa ako nang mabasa iyon. Hindi ko alam kung excited ako o kinakabahan dahil sa lakas ng t***k ng puso ko.
Andres Gonzales: I’m already here. Meet me in Ruma’s.
Hindi na ako nagreply. Nagpaalam ako kaagad kay Kuya Leo at sinabing aalis na ako. Paglabas ko ng main road ay agad akong pumara ng taxi. Hindi naman matagal ang naging biyahe patungong Ruma’s. Pagkababa ko ng taxi ay agad ko siyang tinext.
To Andres: Nandito na ako sa labas.
Ilang sandali lang ay tumunog ang cellphone ko. Napangiti ako nang makitang nagreply agad siya.
Andres Gonzales: Get inside.
Napabuntong-hininga ako bago pumasok sa loob. Ipinilig ko pa ang ulo ko habang naglalakad at marahang tinapik-tapik ang aking dibdib para kalmahin ang aking sarili. Matagal na akong naninirahan dito sa Barcelona pero ngayon ko lang napasok ang shop na ito. Mahal kasi ang kape at pastries na tinitinda rito. Pero maganda naman ang loob at talagang magmumukha kang mayaman pag nakapasok ka roon. Napatingin ako sa kaliwang bahagi ng shop at nakitang may nagpi-picture roon. Mukhang mga turista na napadaan lang.
“Lyanna.”
Nang bumaling ako sa kinaroroonan ni Andres ay bahagya akong natigilan. May kasama siyang magandang babae na kasalukuyang umiinom ng kape. Marahan akong naglakad patungo sa kanila.
“Sit down.” aniya.
Mabilis akong umiling saka muling bumaling sa babae na ngayon ay nakatingin na sa akin. Ang ganda niya. Para siyang artista.
“This is my twin sister. Her name is Atasha.”
Alanganin akong ngumiti sa babae. Grabe. Ang ganda-ganda talaga niya. Pakiramdam ko na-star struck yata ako.
“Atasha, this is Lyanna.”
The girl smiled at me and offered her hand. Napatingin pa ako sa kamay ko kasi baka marumi iyon. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Siya na mismo ang humawak sa kamay ko.
“Nice to meet you, Lyanna.”
Sobrang lakas ng t***k ng dibdib ko. Minsan lang ako kabahan ng ganito.
“N-nice t-to meet you.” Pakiramdam ko pulang-pula na ang pisngi ko ngayon dahil sa kahihiyan. Kung puwede ko lang kutusan ang sarili ko sa harapan nila, paniguradong kanina ko pa ginawa. Bakit ba kasi nautal?
Muli akong humarap kay Atasha. I cleared my throat first before speaking.
“Ang ganda mo kasi.”
Mahinhing tumawa ang babae. Mukhang aliw na aliw siya sa nangyayari.
“Are you nervous? Don’t be. Hindi naman ako nangangain.”
Ngumiti na lang ako bago muling humarap kay Andres. Mabilis kong kinuha ang maliit na box sa bag ko at inabot iyon sa kaniya.
“Your handkerchief.”
Kinuha niya ito sa kamay ko.
“Gracias.”
Tumango naman ako. Wala naman akong ibang rason para magtagal pa rito. Marahan akong nag-bow sa kanilang dalawa bago tumalikod.
“Lyanna.” pagtawag ni Andres sa akin.
Muli akong humarap sa kaniya at naghintay sa sasabihin niya. Nakita ko ang pag-aalangan niya ngunit nagsalita pa rin siya.
“Pwede mo ba akong samahan maghanap ng school na pwedeng pasukan?”
Kumunot ang noo ko. Bakit sa akin siya nagpapasama ngayon?
“Dito sa Barcelona?” tanong ko.
“Oo.”
“Bakit?” naguguluhang tanong ko.
“Anong bakit?” now he’s the one who looks confused.
“Hindi ba sa Madrid ka nakatira?”
Nakita kong napangiti ang kaniyang kapatid dahil sa sinabi ko.
“How did you know?” Atasha asked.
Napakagat-labi ako dahil sa tanong nito. Saglit akong yumuko at napakamot sa batok. Paano ko ba sasabihing ini-stalk ko siya sa f*******:, Twitter at i********: kagabi?
I was about to answer when Atasha suddenly stood up.
“I have to go, Andres. Male-late ako sa flight ko papuntang Milan if I stay longer.”
Napaangat muli ang tingin ko kay Atasha. Mabilis itong tumayo habang hawak-hawak ang telepono nito. Huminto ito sa tapat ko at ngumiti. Marahan pa ako nitong tinapik sa balikat bago tuluyang naglakad palayo.
“Puwede mo ba akong samahan?”
“Pero hindi ba sa Madrid ka nakatira?”
Naglakad muna siya patungo sa cashier upang bayaran ang bill ng inorder nila kanina.
“I’m staying there temporarily. Actually, kararating ko lang dito sa Espanya last month. Tumingin na rin ako ng eskuwelahan sa Madrid pero hindi ko nagustuhan.”
Tahimik lang akong sumunod sa kaniya palabas ng Ruma’s at naghihintay sa mga susunod pa niyang sasabihin.
“Mas gusto ko rito sa Barcelona.” Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin.
“Mas maganda ang mga buildings dito at marami ring tourist spots. Mas nakakamotivate mag-aral.”
Marahan akong tumango. Iyon din ang rason ko kung bakit dito ko napiling mag-aral. I have two choices before, Madrid and Barcelona. Noong in-offer-an ako ni Tito Jacob ng scholarship para mag-aral sa Espanya, pinapili niya ako sa dalawang lugar.
It took me a month to finally decide because I have to weigh things first. Kung sa Madrid ako mag-aaral, mas makakatipid ako dahil hindi ko na kailangan pang mag-renta ng apartment. Libre na rin ang pagkain ko at maging ang baon ko sa pagpasok sa University. Kung practicality lang ang pag-uusapan, paniguradong pinili ko nang sa Madrid na lang mag-aral. But I chose Barcelona because I love being in here. Dito ako natuto maging independent. Dito ako naging responsible. Kahit kailan, hindi ko pagsisisihang ito ang pinili ko.
“At saka may alam ka rin bang apartment na pwedeng matuluyan dito?” tanong pa niya.
Pinagmasdan ko siyang maigi. Ilang saglit pa ay pinaningkitan ko siya ng mata. Gusto yata nito ng libreng tour eh. Sorry nalang siya pero mahal ang oras ko.
“Don’t worry babayaran kita.” agad na sabi niya.
Mukhang nabasa niya yata ang reaksiyon ko. Pinagtaasan ko siya ng kilay, tinatantiya kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi.
“Name your price.”
Agad naman akong napangisi dahil sa sinabi niya.
“100 euro, deal?” saad ko sabay lahad ng kamay sa kaniya.
Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kaniyang labi bago tinanggap ang kamay ko.
“Deal!”
“You have so many choices. Maraming universities dito sa Barcelona. Pero siyempre dapat sa magandang unibersidad ka papasok para hindi sayang yung tuition na babayaran mo. Kung hindi ako nagkakamali, Pompeu Fabra ang pinakamagandang University na maaari mong pasukan. Kaya lang, malaki ang tuition na kailangang bayaran. Yun ang first choice ko noong nagsisimula pa lang akong magmaster’s. Pero dahil nga gipit at kailangan kong magtipid, sa University of Barcelona ako bumagsak. But it’s okay, University of Barcelona is the third best school here in Spain. Hindi na rin ako lugi.”
Nakasunod lang sa akin si Andres habang inililibot ko siya sa loob ng unibersidad kung saan ako kasalukuyang nagtuturo. Hindi ko na binanggit na assistant professor ako rito. Hindi nama importante iyon.
“Anong kursong tinapos mo?” tanong niya sa akin.
“Architecture.”
Marahan siyang tumango bago naglakad patungo sa lobby ng paaralan. Sabado ngayon at walang gaanong tao. Kaya malaya kaming nakakaikot. Sunod naming pinuntahan ang Pompeu Fabra. Pero hindi kami nakapasok sa loob dahil mahigpit ang bantay roon. Pinuntahan din namin ang Polytechnic University of Catalonia at Esade. Magagandang eskuwelahan din ‘yon kaya lang, malayo ang mga ito sa sentro ng Barcelona.
“Kapag nakapili ka na ng eskuwelahan na gusto mong pasukan, pwede ka namang magsabi sa akin para masamahan kita. Kaya lang…” sandali akong huminto at tumingin sa kaniya.
“May bayad?” natatawang dugtong niya sa sasabihin ko.
“Siyempre naman. Sa panahon ngayon wala ng libre.” sabi ko bago naglakad pabalik ng sasakyan niya.
“Saan na tayo ngayon?” tanong niya.
“Maghahanap tayo ng apartment mo.”
Tumango naman siya at pinaandar na ang sasakyan. Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ang mascot na nagkalat sa kahabaan ng La Rambla. Buhay na buhay talaga ang lugar na ito kapag umaga at higit sa lahat, napakaraming tao kaya masaya ang paligid.
“You’re smiling.” sabi niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya.
“You look happy.”
Natawa ako bago umiwas ng tingin. Hindi ko siya kayang tingnan nang matagal dahil bumibilis ang t***k ng puso sa hindi malamang dahilan.
“Oo naman. Masaya ako kasi babayaran mo ako mamaya.”
Sa pagkakataong iyon, siya naman ang tumawa. Kahit saang anggulo ko tingnan ‘tong lalaki na ‘to guwapo pa rin. Hindi na ako magtataka kung maraming magkakagusto sa kaniya. Kahit nga rito sa Barcelona, mabenta ang hitsura niya eh. Pero hindi ko pa rin siya crush. Hindi as in no, never in a million years.
“Dito ka na mag-park. Maglalakad lang tayo papunta sa apartment ko.”
Limang minutong lakad lang naman iyon mula sa parking area. Pagdating namin doon ay agad kong itinuro sa kaniya ang tinutuluyan kong apartment.
“Dito ako nakarita. Hindi ko alam kung may mga bakante pang kuwarto. Doon naman sa kabilang kalye sa pagkakaalam ko ay may mga apartment na pinauupahan. Gusto mo bang tingnan natin?”
Tumango naman siya at saka tumalikod na para maunang maglakad.
“Lyanna!”
Sabay kaming napalingon ni Andres sa land lady ng apartment na tinutuluyan ko.
“Buenas tardes.” bati ko sa matandang babae. Ngumiti ito sakin bago bumaling kay Andres.
“Buenas tardes, Lyanna. Que hacen ustedes aqui? (Good afternoon, Lyanna. What are you doing here?)” tanong nito sa akin.
Tumingin ito muli kay Andres saka ngumiti.
“Es este tu novio? (Is he your boyfriend)” tanong nito sabay turo kay Andres.
Agad akong umiling. Tumawa pa ako ng pilit para hindi magmukhang awkward ang atmosphere sa pagitan naming tatlo.
“No. He’s not my boyfriend. Ah, el esta buscando un apartamento. (He is looking for an apartment.)”
Nilingon ko si Andres na tahimik na nakikinig sa amin.
“Hay un apartamento disponible. (there is an available apartment unit.)”
“En serio? (Really?)” kunot-noong tanong ko sa matanda.
“Si. (Yes)”
I don’t know what so say and what to react. Nagpanggap na lamang akong natuwa sa kaniyang sinabi. But I have this strange feeling about this. Hindi ko maipaliwanag kung ano iyon pero isa lang ang alam ko, mukhang ikapapahamak ko kung palagi kaming magkikita ni Andres.
“May bakanteng unit daw rito.” mahinang sambit ko kay Andres. His face lightened, halatang natuwa siya sa kaniyang narinig.
“Which unit?” tanong ni Andres sa matandang babae. Ngumiti naman agad ito sa amin bago sumagot.
“The unit next to yours.”
Halos malaglag ang panga ko sa akin narinig. What the hell? How could I forget that the unit next to mine is vacant? Mabilis na lumapit si Andres sa matanda at siya na ang nakipag-usap dito. Naiwan akong nakatayo roon, gulong-gulo ang isipan at ‘di alam ang gagawin. Napapikit ako at nakagat ang aking ibabang labi dahil sa sariling katangahan. If he decided to get the unit, paano na ako?
I shook my head rapidly.
Hindi mo siya crush, Lyanna. Hindi mo siya crush.
Nang lumingon siya sa akin ay umayos ako sa pagkakatayo. Nang ngumiti siya at kumaway sa akin ay mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko at napailing na lamang.
I think I’m going to be crazy.