Kabanata 3- The Farewell Gift

2345 Words
“Tulala ka na naman. May problema ba?” Napabaling ako kay Leandro nang marinig ko ang kaniyang tanong. Mukhang kanina pa rin siya nakamasid sa akin. Nakakunot pa rin ang kaniyang noo habang pinagmamasdang maigi ang mukha ko. Tipid akong ngumiti sa kaniya at umiling. Hindi naman sa ayaw kong ipaalam sa kanila ang tungkol sa sinabi ni Andres sa akin, pero mas makabubuti nang hindi ko na iyon sabihin sa kanila dahil hindi rin naman iyon mahalaga. At saka baka asarin lang nila akong dalawa kapag binanggit ko pa iyon. “Wala naman.” sagot ko saka nagdesisyong tumayo para itapon sa pinakamalapit na basurahan ang hawak na styro cup. Kasalukuyan kaming nakatambay sa bench dito sa Marbella Beach dahil ito ang huling destinasyon namin sa araw na ito kasama ang mga turista na itino-tour namin dito sa Barcelona. Saglit kong tinanaw ang mga kasama naming masayang kumukuha ng litrato malapit sa dagat. Sila ang mga kapwa namin Pinoy na napadaan lamang dito sa siyudad ng Barcelona dahil kinabukasan uuwi na sila patungong Madrid at ang iba naman ay sa Seville. “Nakita namin kayong magkausap kagabi bago ka umalis.” saad ni Ben habang inaayos ang pagkakatali ng sintas ng kaniyang sapatos. “Ha? Sino?” kunwaring tanong ko, nagpapanggap na walang alam sa sinasabi niya. Imbes na sagutin ang tanong ko ay nginisihan niya lamang ako bago naglakad patungo sa van para kunin ang DSLR na iniwan niya roon. Noong bumaling naman ako kay Leandro ay nakita kong nakangisi rin ito. “Akala ko ba hindi mo crush?” Umirap ako saka muling umupo sa bench at sumandal sa backrest nito. “Hindi naman talaga.” Mahina siyang tumawa, halatang nang-aasar. “Sa guwapo niyang iyon, hindi talaga?” Humarap ako sa kaniya at saka pinagtaasan siya ng kilay. “Bakit, mahilig ba ako sa guwapo?” Mas lalo siyang natawa nang makita niya ang reaksiyon ko. “Noon sigurado akong hindi, pero ngayon, hindi na ako sure.” aniya habang itinataas-baba ang kaniyang mga kilay. Muli ko siyang inirapan. Bumalik ako sa pagkakasandal at ipinag-ekis ang aking dalawang braso. Malayang tinanaw ko ang kagandahan ng lugar. Kahit kailan, napakaganda ng Marbella. Ito ang lugar na hindi ko pagsasawaan. This place became my safe haven since then. Napabuntong-hininga ako nang maalala kong muli ang sinabi sa akin ni Andres. Subukan ko mang pigilan ay hindi pa rin maalis sa isipan ko na babalik siya rito sa Barcelona sa susunod na Sabado para kunin sa akin ang panyo na ipinahiram niya noon. Sobrang halaga siguro talaga ng panyong iyon sa kaniya at handang-handa siyang gumastos ng pamasahe mula Madrid pabalik dito sa Barcelona. Muli akong tumingin sa palad ko. Naroon pa rin ang bakas ng mga numerong isinulat niya gamit ang aking ballpen. Na-save ko na sa phone ko ang number niya. Halos masaulo ko na nga dahil panay ang tingin ko sa palad ko magmula pa kagabi. Hindi ko rin alam kung bakit malinaw sa isipan ko ang hitsura niya. Kahit saan ako tumingin hindi ko maiwasang makita ang kaniyang mukha. Saka ko lang mare-realize na hindi pala siya iyon kundi ibang tao. Pakiramdam ko nasisiraan na ako ng bait dahil buong araw, wala akong ibang inisip kundi siya. Magmula noong tinulungan ko siya hanggang sa hindi sa inaasahang pagkikita namin kahapon. “Pagkatapos nito, may ibang lakad ka pa ba?” Umiling ako bilang sagot sa tanong ni Leandro. “Pinapatanong ni Grace kung gusto mo raw sumama sa amin sa Centro.” Muli akong umiling. “Hindi puwede. Marami pa akong tatapusing plates. Sa isang linggo na ang submission pero wala pa rin akong natatapos.” Napabuntong-hininga ako bago marahang sinipa ang buhangin na naaapakan ko. “Bakit? Art block na naman?” I nodded and continued to kick the sand on the ground. Ang mahirap kapag nag-ma masters ka ng Architecture, iyong bigla kang tatamaan ng art block at wala kang ibang magawa kundi tumunganga na lang o hindi kaya ay magdasal na may biglang dumating na inspirasyon sa buhay mo na makatutulong sa’yo para makabangon muli at makagawa ng panibagong masterpiece. “Baka siya na ang hinihintay mong inspirasyon.” Sinamaan ko nang tingin si Leandro kaya agad siyang tumigil sa pang-aasar. Alam na alam talaga nila ang solusyon kapag may art block ako. Kundi ako pupunta ng Marbella beach mag-isa, maghahanap talaga ako ng tao na puwedeng gawing inspirasyon. Noong mga nakalipas na buwan masyado akong naging mahilig sa kdrama at naging paborito ko agad si Kim Beom, kaya siya ang naging inspiration ko sa paggawa ng architectural design na ipinasa ko sa Professor ko. Nakakatuwa nga dahil mataas ang grado ko roon kahit muntik na akong ma-late sa pag-submit. Pero ngayon, kahit ilang Korean drama ang panuorin ko at ilang koreano pa ang i-follow ko sa i********:, hindi pa rin effective. Ilang araw at gabi na akong tulala at walang magawang design na matino. Nang matapos na mag-ikot sa kahabaan ng Marbella ang mga turista na kasama namin ay saka sila nagsibalikan sa sasakyan. Hudyat na iyon na uuwi na kami sa Centro. Mabilis ang naging biyahe namin pabalik dahil ayaw ni Ben na maabutan kami ng dilim sa daan. Pagkakuha ko ng sahod ko sa araw na iyon ay saka ako nagtungo sa La Rambla. Dumaan ako sa Vienna para bumili ng pagkain bago sumakay ng taxi pabalik sa apartment na tinutuluyan ko. Pagbaba ko ng sasakyan ay napansin ko agad ang mga gamit na nasa labas ng gate ng apartment. Sakto namang lumabas si Jeanine, ang babaeng umuukopa ng unit na katabi ng tinutuluyan ko. Kasama niya ang land lady at nagkukuwentuhan pa ang dalawa. Nang makita nila ako ay mabilis na lumapit sa akin ang Jeanine. Isa rin siyang pinoy na matagal nang nagtatrabaho rito sa Barcelona. Hindi kami masyadong close pero ilang beses na rin kaming nakapagkuwentuhan kapag magkakasabay kaming umakyat patungong second floor at kapag magbibigay siya ng pagkain sa akin tuwing umaga. “Aalis ka?” nagtatakang tanong ko saka bumaling sa mga gamit niyang nakalagay sa malalaking karton. Ngumiti siya sa akin at humawak sa dalawang kamay ko. “Oo, Lyanna. Ikakasal na kasi kami ng boyfriend ko sa susunod na buwan. Sa Madrid na kami maninirahan dahil nandoon yung binili niyang bahay para sa aming dalawa.” My eyes lit up when I heard what she said. “Wait, tama ba yung narinig ko? Ikakasal ka na?” I wasn’t shocked. Alam ko naman kasing mauuwi rin sila ng boyfriend niya sa kasalan. Ilang beses ko sila nakita noon na magkasama, ipinakilala rin ako ni Jeanine sa kaniyang boyfriend noon na espanyol at isa lang ang masasabi ko, napakabait ng lalaking iyon at halatang mahal na mahal siya. “Oo. Sa wakas. Ilang taon din akong naghintay na mag-propose ang lalaking ‘yon.” aniya saka tumawa. “Siya nga pala, may iniwan akong paperbag sa labas ng pinto ng unit mo. Akala ko kasi hindi mo ako maaabutan. Farewell gift ko iyon sa’yo dahil aalis na ako.” Tipid akong ngumiti at marahang inabot ang kaniyang kamay. “Salamat, Jeanine.” “Hindi Lyanna, ako ang dapat magpasalamat. Noong una, akala ko hindi ako makaka-survive rito sa Barcelona. But seeing you working multiple jobs while studying your master’s degree made me realize na kaya ko rin mabuhay mag-isa rito at kaya ko ring magtrabaho para makapag-ipon. Hindi man tayo ganoon kalapit sa isa’t isa, gusto ko lang na malaman mong naging inspirasyon kita para tumagal dito sa Barcelona.” Ngumiti ako at saka marahang yumakap sa kaniya. “Mag-iingat ka roon sa Madrid ha.” sambit ko nang bumitaw ako sa kaniya. “Ikaw rin, mag-iingat ka palagi.” Ilang sandali pa ay may dumating nang mini truck na kukuha ng kaniyang mga gamit kasunod nito ang sasakyan ng kaniyang boyfriend na si Cesar. Bago siya tuluyang sumakay sa kotse nito ay kumaway pa siyang muli sa akin. I waved back and gave her a wide smile. Saka lamang ako nagdesisyong pumasok sa loob nang tuluyan nang mawala sa paningin ko ang kanilang sasakyan. Walang ganang naglakad ako patungong second floor. Nang mapadaan ako sa bakanteng unit na dating inuukopa ni Jeanine ay napatigil ako sandali. Ang tahimik na. Wala nang kakatok sa akin tuwing umaga para magbigay ng pagkain at wala na ring magtatanong sa akin tungkol sa mga lugar dito sa Barcelona. Hindi lang ako nawalan ng kapitbahay, pakiramdam ko nawalan din ako ng kaibigan. Nakita ko agad ang paperbag na nabanggit niya kanina. Yumuko ako para abutin iyon. Mabilis kong binuksan ang paperbag at doon nakita ang sand hourglass timer. May note ring nakalagay roon. Binasa ko iyon bago ako nagdesisyong pumasok sa loob ng unit ko. Inilagay ko agad ang hourglass sa study table ko. Hindi nakatakas sa aking paningin ang mga nakasalansang papel. Naalala kong hindi ko pa nga pala nache-checkan ang mga papel ng mga estudyante ko. Imbes na dumiretso sa banyo para maligo ay umupo muna ako para asikasuhin ang mga school works ng mga estudyante ko na hindi ko pa nalalagyan ng grado. Halos inabot din ako ng dalawang oras sa ginagawa ko. Inayos ko ang mga papel at inilagay sa envelope para nakahanda na bukas. Tumayo muna ako sandali para magluto at pagkatapos ay naligo na rin. Pagkatapos kong magbihis ay muli akong bumalik sa study table upang harapin naman ang mga plates ko na hindi pa rin natatapos. Matagal akong tumitig doon saka isa-isang tiningnan ang mga iyon. Tatlong plates na pending. Napaupo na lamang ako at nahilot ang sintido kong bahagyang kumikirot. Ang tagal na nito. Kailan kaya ito matatapos? Mabilis kong inayos ang mga plate designs at ibinalik sa dati nitong kinalalagyan. Tatayo na sana ako para magtungo sa kusina nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko nang makitang may message si Grace sa akin. Inabot ko ang cellphone at mabilis na binuksan ang kaniyang mensahe. Ngunit halos masamid ako sa sarili kong laway nang makitang litrato iyon ni Andres na nakangiti sa camera habang nasa likuran ako nito at matamang nakatitig sa kaniya. Muling tumunog ang notification ringtone ng phone ko. Grace: Crush mo raw sabi ni Leandro. Hihi. Napangiwi ako nang mabasa iyon. Kahit kailan siraulo talaga ang lalaking iyon. Me: Hindi ko siya crush. Grace: typing… Tatayo na sana akong muli nang tumunog muli ang phone ko. Grace: Eh bakit ganiyan ka makatingin sa kaniya? Humugot ako ng malalim na hininga bago sumandal sa sandalan ng inuupuan ko. Me: Wala ‘yan. Huwag nga kayong masyadong ma-issue. Hindi ko sinasadyang mapatingin sa kaniya, okay? Grace: Talaga lang ha? Maya-maya ay sunod-sunod siyang nag-send ng mga litrato at halos mapatayo ako sa kinauupuan ko nang makita ang mga iyon. Lahat ng iyon ay larawan ni Andres kung saan nakamasid ako sa kaniya. Grace: Ngayon sabihin mo sa akin kung hindi iyan sinasadya. Napapikit na lamang ako sa labis na kahihiyan. Kung magkakasama kami ngayon, paniguradong kawawa ako sa panunukso nila. Saan ba kasi nanggaling yung mga pictures na ‘yon? Mabilis kong inilayo sa akin ang cellphone at tumayo na para magtungo sa kusina. Nakasanayan ko na kasing magtimpla ng kape dahil palagi akong nagpupuyat. Pagbalik ko sa study table ay muli kong chineck ang cellphone ko. Wala ng sumunod na mensahe galing kay Grace. Nang ilapag ko ang tasa ng kape sa lamesa at saktong pag-upo ko ay saka tumunog ang phone ko. May tumatawag na unregistered number. Kumunot ang noo ko dahil hindi pamilyar ang numerong iyon sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ako tawag. Tahimik lang ako at hinihintay na maunang magsalita ang nasa kabilang linya. “Hello.” One of my brows raised when I heard the voice on the other line. Lalaki ang nagmamay-ari ng boses na iyon. “Hello. Is this Lyanna Perez?” tanong nito. Mas lalong kumunot ang noo ko sa tanong nito. I cleared my throat. Sasagot na sana ako nang muli itong magsalita. “This is Andres.” Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan. Kung hindi mahigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko ay paniguradong nalaglag na ito. “Hi. Oo, si Lyanna ito.” sagot ko sa kaswal na tono. Sinubukan kong maging kaswal kahit ang totoo ay sobrang lakas ng t***k ng puso ko at hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito. Pero paano niya nalaman ang number ko? “I forgot to ask for your number last time, hindi mo rin naman ako kinontak so I reached out to one of your friends and asked for your number.” Hindi ako sumagot dahil wala rin naman akong masabi. Hindi ako sanay sa ganito. “Ah… regarding sa panyo ko. When are you free?” Napahawak ako sa batok ko dahil hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Hindi ko rin kasi alam kung may bakante akong araw dahil kadalasan mayroon akong mga on the spot sidelines. “Ite-text na lang kita kung kailan ako may free time.” I heard him sigh on the other line. “Alright. I hope to see you soonest.” he said before he ended the call. Napatulala na lamang ako at nanghihinang napaupo. Unti-unting umangat ang tingin ko sa note na nakadikit sa hourglass at muling binasa iyon. "This is the hourglass my mother gave me. She inherited it from my grandmother. The moment she had it, she met my father. The day she gave it to me was also the day I met Cesar, my boyfriend. I hope this hourglass helps you to find the one who will love you with all his heart and will cherish you for the rest of your life. Don’t ignore the possibilities. Take a risk." Mabilis kong ipinilig ang aking ulo sa aking naisip. I even laughed at myself. I think I’m being funny right now. Tama ba namang isipin kong si Andres ang nakatakda para sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD