Ilang menuto ang katahimikan matapos niyang sabihin iyon kay agent ARE. Nagpakiramdaman kung sino ang unang magsasalita sa huli si Ashton ang bumasag ng katahimikan.
"Okay! Tama na ang pakiramdaman." Anito.
"Kayong dalawa pano kayo nagkakilala?" Baling nito sa kanila ni invisible.
Napatingin si siya kay InVi na sinagot naman nito ng kibit balikat kaya Nagkibit balikat nalang din siya.
"Sumagot kayo!" Masama na ang tingin sa kanila ni Ashton.
Pinamaywangan niya ito.
Ayan na lalabas na ang pagiging prince of darkness nito. Kung noon takot na siya kapag ganito na ang tono ng pananalita nito ngayon hindi na para pa nga siyang na i-excite na ewan.
Namewang siya at hinarap ito.
"Hindi ba pwedeng magkakilala lang kami kaya ganun?" Pagtataray niya kay Ashton. Bumuka sara ang bibig nito parang di makapaniwala sa sinagot niya. Huh! Take that Prince of darkness
Proud na sabi niya sa isip sabay tingin kay Aaron na nakanganga sa kanya katabi si Andrew na kapariha ng reaksyon ng huli.
Tinaasan niya ng kilay ang dalawa.
Ano gulat kayo noh? Hindi ba niyo inakala na magagawa kung sagutin ng pabalagbag ang demunyo nyong kaibigan?
"Wow! Grabe best ikaw ba talaga yan? Nasaan na ang santa santita na kakilala ko noon? hindi ko alam may pagka demunyeta ka din pala parang si Agent 'El Rio lang ah! Dont tell me nahawa ka ng ugali niya" bulalas ni InVi sa kanya. Sinimangutan niya ito at tiningnan ng masama. kailan pa ito naging madaldal?
"Ikaw best? Kailan ka pa naging madaldal? dont tell me nahawa ka din sa proclaimed bff mo sa kadaldalan no wonder mag bff nga kayo!."
Panggagaya niya sa tawag nito sa kanya. Feeling close to hindi naman talaga sila close nagkataon lang na nakilala niya ito dahil kay tiger queen dahil isa din ito sa tumulong sa kanya na malutas ang kasong hawak niya noon.
Sinamaan siya nito ng tingin.
Akala niya sasagot pa ito buti nalang tumikhim na si Ashton. Mukhang nakahalata ang V.P nila na nagkakainitan na silang dalawa.
"Enough! Hindi nyo kailangang magkainitan para lang iwasan na hindi sagutin ang tanong namin." Malamig nitong sabi.
"At sino namang may sabi sa inyo na umiiwas kami na sumagot sa tanong nyo? Hindi naman talaga kami magkakilala tanging Code name lang ang alam namin sa isat isa at ilang paguugali dahil nagkasama kami kahit na sandali panahon lang but aside from that wala na kaming alam sa personal na buhay ng isat isa."
Sagot niya ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang kanilang reyna.
"My queen!" Bulalas ni agent inVi sabay yukod.
"Tiger queen!" Sila nila aaron at drew
"Mom!" Si Ashton
"Nandito pala ang dalawa sa Charles angels ko. Nasaan si el rio at vera city?"
Nagkatinginan sila ni inVi. Sabay din silang tumingin sa mga lalaki na halata ang pagkagulat sa mga mukha.
Siguro naman nasagot na ang tanong ng mga ito kung paano sila nagkakilala.
"Hindi po namin alam my queen. You know we're just a group and not really friends. Nagkakasama lang kami kapag may kailangan na gawin." Nakayuko na sagot ni inVi sa kanilang reyna.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na dapat may contact kayo sa isat isa!" Bulalas nito.
"Meron naman po kaya lang hindi talaga uso sa amin ang chika chika di tulad ng mga lalaki na yan dinaig pa ang mga babae kung mag tsismisan." Parungit niya sa apat na lalaki.
"So that's it!"
Kunot noo na tanong ni Ashton. Ignoring her parungit.
"Kilala nyo po pala mahal na reyna si invisible noon pa?" May kapaitan na sabi ni ARE sa kanilang amo.
Agad namang pinisil ni inVi ang kamay ng nobyo na hawak nito.
"Yes! I know her noon pa. Magaling sya when it comes to computer at ilang beses ko din syang inalok na mag trabaho sa agency natin pero ayaw niya so gumawa nalang ako ng isang lihim na org yun nga ay ang charles angels na ako lang ang nakakaalam na iyon ang tawag sa grupo nila." Anito na tumawa. Natawa na din sila ng mahina. Kaya pala laging angels ang tawag nito sa tuwing may meeting sila noon iyon pala iyon.
"At pinahanap nyo sa akin si invisible at hinayaan nyo din ako na hanapin si siya gayong alam nyo naman pala kung sino sya?" Hindi makapaniwala na bulalas pa ni ARE halata ang pagkadismaya sa tinig nito.
"O ano naman ngayon? May angal ka? Baka nakakalimitan mo na kung hindi mo hinanap si inVi hindi mo matatagpuan ang kabiyak ng puso mo wich is si invisible nga!" Nakapa maywang na sagot nito na akala mo mga anak lang nito ang kaharap at hindi tauhan sa agency nito.
"Mahal ano na naman iyan?"
Oh, here comes the king
"Wala naman mahal ipinakikilala ko lang sa mga barako balls mo ang mga charles angels ko" sagot nito sa asawa sabay hagikhik.
Nalukot ang dati ng lukot na mukha ng anak ng kanilang president.
"Mommy sa dami mg itatawag mo sa amin barako balls pa talaga!" He exclaimed with wide eyes.
Napangisi siya.
Barako balls nice bagay sa inyo
"Oh bakit may reklamo kayo? Hindi bat para na din kayong barakong baboy sa dami ng babae nyo? Bagay na bagay sa inyo yun anak sa tulad nyong walang ibang alam gawin kundi mag shot ng mag shot ng bola" Nakataas na kilay na sagot nito sa anak. Napakagat labi si siya sa sinabi ng ginang.
Na tumpak nyo queen
Ngisi niya sa isip.
Buti nga sa inyo mga babaero.
"Mommy hindi balls ang sinu-shot namin kundi batuta." Nakasimangot na sagot nito sa ina.
Abat nagpahabol pa talaga
"Aherm mahal na reyna hindi po ako kasama sa kanila." Apila ni ARE
"Of course! Hindi kana kabilang dahil siguradong magtitino kana. Takot mo lang kay inVi na baka putulan ka." Anito sabay tingin sa hinaharap nito. Napatakip naman ang kamay nito sa hinaharap kasabay ng pag tikhim ni King.
"Mahal wag mo ng tingnan yan. Mahiya ka naman sa kasintahan." Saway nito sa asawa.
"okay lang po yun lion king" natatawa namang sagot ni inVi na siyang ikinasimangot ni ARE.
"Oh sya maiwan na namin kayo" paalam ng mag-asawa. At lumabas na nga.
"Babe di mo pa nga nakikita gusto mo na ipamigay agad" dinig niyang reklamo ni ARE sa kasintahan.
Napatayo siya ng tuwid.
At ang lagay di pa ito nakakaisa kay inVi, napangisi siya ulit sa isip.
Tingnan mo nga naman marunong din palang mag timpi ang lalaking ito sino ba ang magaakala na babaero ito.
"Dude di ka pa pala nakaka-score? Ngayon ko lang nalaman na mahina ka pala." Buska ng kinaiinisan niyang lalaki. Tiningnan niya ito ng masama.
"Ulol mo. Wag mo akong igaya sa iyo na ikinama muna bago —" hindi nito tinuloy ang sasabihin at tumingin sa kanya natigilan ito ng makitang masama ang tingin na ipinupukol niya dito. Kulang nalang humandusay ito sa sahig upang mapatunayan ang talim ng tingin na ipinupukol niya dito.
"Ahm, sabi ko nga tatahimik na." Anito kunwari isinip ang labi.
"Tapos na ba kayong magdaldalan?" Seryoso ng tanong ni Ashton sa kanila. Natahimik naman sila at seryoso na ding humarap sa V.P seryoso na talaga ito at pag ganito na ang aura nito isa lang ang ibig sabihin dapat na nga silang mag seryoso.