Chapter8

1108 Words
Galit na umalis si Angel sa condo unit ni Aaron. Hindi na niya hinintay na makabalik pa ang lalaki matapos nitong magpaalam na may pupuntahan saglit,  Wala parin ang lalaki nang lumabas siya ng silid matapos mag bihis. Umiiwas siguro sa galit nya. Aba dapat lang talagang hindi ito sasantohin ng kamao niya total nakita naman niya ang pouch na dala dala niya kagabi. Umuwi muna siya sa bahay niya sa pasay  upang makapagpalit ng damit pang trabaho. * anong meron? Bakit parang nagkakagulo yata?" Tanong niya sa nakasalubong na agent pagkapasok niya sa headquarters nila. Ang pagkakaalam niya under division ito ni Agent cuervo ang talipandas na lalaking iyon. Kumukulo na naman ang dugo niya. Bweset naalala na naman niya ang sinabi nito bago siya talikuran tang na talaga! Siya! Mukhang binasang isda na hindi matuyo. Bweset sya may araw din sya sa akin. "Dumating po si agent ARE kausap ngayon ni King" sagot naman nito bago nagpatuloy sa paglalakad. "Hmmmp, bastos! Di man lang ako hinintay na makasagot, bweset talaga manang mana sa pinagmanahan! Argggghhh!" Gigil niya sa sarili sabay kut kut sa ulo na akala mo may kuto. "Oh anong nangyari sa iyo at kung makakutkot ka sa ulo mo daig mo pa ang may isang milyon na kuto dyan?"  Curious na curious na tanong ni Agent  ping sa kanya. Napaangat ang kilay niya. So kasama pala ito sa dumating. Huling balita nya nasa IBIA  na ito kasama si Agent ARE at Agent drew. "Hindi lang isang milyong kuto ang meron sa ulo ko ng dahil sa talipandas mong kaibigan." Pagtataray niya. "Sinong kaibigan?" Maang maangan nitong tanong. "Sige mag maang maangan ka pa! Palibhasa kasabwat ka din niya." Nakita niya ang pagkalito sa mukha nito. Tiningnan niya ito ng matalim dahilan para kumunot ang noo nito. Galing praktisado kung paano lumusot. Napatiim bagang siya sabay kuyom ng kamao at humakbang siya palapit dito. "Ito ang tandaan mo, may tamang oras para sa iyo, pag dumating na iyon lintik lang ang walang ganti at sisiguraduhin ko na pagsisisihan nyo ang pakikisabwat sa kanya" mariin niyang bulong  ng makalapit sa harapan nito. Nakatanga ito sa kanya matapos niya iyong sabihin. Huh! Hindi sguro nito inaasahan na malalaman niya kung ano ang ginawa ng mga ito. Nang makitang natulala na ito ng tuluyan sa kanya she dicided na iwan nalang ito at magpatuloy sa paglalakad may kailangan pa siyang gawin sa table niya. Bahagya siyang lumihis para makaderetso  na sa paglalakad   binangga pa niya ito ng malakas sa balikat, pero dahil lalaki ito at matibay ni hindi man lang natina. "Nandito ka na pala, pinapatawag ka Ni Agent 'Alta Mar' I mean ni Vice president pala  hahaha sorry naman di larin ako masanay na tawagin siyang vp masyado na akong nasanay na tawagin siyang 'Alta Mar'" Sabi ni Agent Ayra na nakangisi ng makasalubong niya. Tumango siya. "Sige don na ako tutuloy salamat!" Sagot niya at tumango dito bago ito talikuran. Nakasunod ang tingin ng mga taong nadadaanan niya. Wala naman siyang pakialam kung tingnan siya ng mga ito dahil for sure inggit lang mga ito sa ganda niya. Tama yon' inggit ang mga ito dahil maganda siya pati na ang mga kalalakihan naiinggit sa kanya dahil mga bakla sila. Pero syempre joke lang yon. "Si  V.P?" Tanong niya sa agent na sa table malapit sa pinto ng opisina ni Ashton. Siga ba? Pwes masanay na sila dahil wala na ang angel na mabait ang nandito na ngayon ay ang mataray na siya. "Nasa loob parin po Agent black' pero tumuloy na kayo kanina pa kayo hinihintay ni Agent Alta Mar" napangisi sya. Old habits died hard talaga. Tumango lang siya dito bago humarap sa pinto at kumatok. Knock Knock Knock "As I was saying—"  nahinto sa pagsasalita si Ashton ng marinig ang mahinang pagkatok sa pinto ng opisina niya. "I think thats her!" Sabi niya sa mga kausap. "Come in!" Pagbibigay niya ng permit sa taong kumakatok na pumasok na. "Tawag mo daw ako Mr V. P" seryuso niyang tanong. Not minding the people with him. Sa hinuha niya dahil na din sa pakiramdam niya  nasa apat na tao ang nandoon pang lima si Ashton pero wala siyang pakialam Ni hindi nga niya tinapunan ng tingin ang mga ito. Sigurado naman na kilala niya ang mga ito at siguradong kasabwat din ito ng balasubas na si Aaron. "Ganyan mo ba pakitunguhan ang boss mo?" Salita ng isang babae. Napasinghap siya at ready ng sumagot dito ng may nagsalita pang isa. "Babe!" Kilala niya ang boses at kung hindi siya nagkakamali si Agent ARE iyon. Wala paring ipinagbago ang dating ng boses  nito malamig pa din tulad ng sa yelo bagay nga itong maging kaibigan ng V.P nila parihong may sa yelo ang paguugali tulad ng balasubas niyang ex. Himala at may pumatol dito siguro tulad niya nabulag at nag pauto sa tamis at mabulaklak na salita ng mga hinayupak ma ito. Pero teka lang sa pagkakatanda niya walang ugaling makarenyo ang magkakaibigan, baka naman sa karenyong brutal din dinaan. "Invisible?" Singhap bulalas niya ng makilala ang babae. Himala at nagpakita ito ang alam kasi niya ayaw nitong lumantad. Ano at nandoon ito ngayon? Ngumisi ito. "Long time to see Lady Hawk or should I call you agent black?" Naka cross arm na tanong nito habang prenteng nakaupo sa sa sofa na nandoon.  at home na at home ah! bah matindi!" "Mag kakilala kayo?" Chorus na tanong ng apat na lalaking nandon. Sabi na nga ba eh, kilala niya amg mga nandoon kabilang na ang balasubas na lalaking nang-iwan sa kanya sa condo. Matiim itong nakatitig sa kanya. Nandito na pala ang hinayupak. Kaya pala kanina pa nananayo ang balahibo niya sa batok dahil may malignong nakatingin sa kanya. "Hindi kami magkakilala—" siya. Sabay silang sumagot at pariho lang din naman ang sasabih nila kaya ipinaubaya nalang niya kay invisible ang pagtatapos ng litanya. "Hindi kami magkakilala kaya nga alam nya pangalan ko diba?"  Mataray nitong sabi kaya napa ngisi siya. Burn! Nakita pa niya ang pagkamot sa ulo ni Agent ARE hahaha dont tell me under ito? Nice "Paano kayo nagkakilala? Sa pag bigkas palang ni Black ng pangalan mo babe alam nya kung ano at sino ka gayung hindi kita kilala, nahirapan pa nga akong hanapin at alamin ang katauhan ni invisible pero sya na katrabaho ko kilala ka paano nangyari yun?"  Nagtataka nitong tanong ni Agent ARE kay invisible. Ngumisi siya. "Ganun talaga ang magaganda maraming alam." Pakle niya at hinarao si Ashton na nakamasid sa kanila. Dont tell me may ka demonyohan na naman na naiisip ang lalaking ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD