“What's wrong with me?” Natanong ko ng wala sa sarili.
“Ha?”
“Anong mali sakin? Bakit ayaw nya sakin?”
“Walang mali sayo. You're pretty and sexy. You're talented at higit sa lahat mayaman ka. You almost perfect. Halos lahat na sayo na, kaya walang mali sayo, yung mata ni Brex ang may mali” Paliwanag ni Bea sakin.
Tama. Maganda naman talaga ko. May expressive eyes ako. Matagos at maliit na ilong, manipis at mapupulang labi. Makinis at maputi ang kutis ko. May maganda din naman akong katawan. Kahit nga 16 years old pa lang ako ngayon ay dalagang-dalaga na ang pangangatawan ko. Talented at Mayaman din naman ako. Pero bakit kahit ilan beses ko nang naririnig sa ibang tao na maganda ako, parang kulang pa din? Iba pa din siguro talaga kapag kay Brex na mismo iyon mang gagaling. How I wish na, someday sabihin din nya iyon sakin.
“Pero bakit ayaw nya pa din sakin?”
“Hindi nga din namin alam eh. At hindi din namin alam kung bakit ka pa nag papaka tanga sakanya” ani Joanna na panay pa ang iling.
“Halos kalahati naman sana ng populasyon sa campus natin nag kakandarapa sayo tapos nag hahabol ka dyan kay Brex na walang ginawa kundi ipahiya ka? Tsss...”
Seriously, gusto ko na talagang pag sasampilingin ang dalawang ito. But in a first place, they got a point. Point na hindi ko makita at hindi ko matanggap. Damn!
“Miss Ruwesha, hindi pa po ba tayo aalis?” Tanong ng driver ko na agad nag painit ng ulo ko.
“Excited ka ba? Gusto mo mauna ka na?”
"S-Sorry po miss"
"Tss!" Asan ka na ba kase, Brex?
I bite my lower lip. Habang panay ang silip ko sa bintana ng aking kotse. Kainis. Antagal naman nya. Hindi pa ba tapos ang meeting ng mga class president? Oo, may meeting ngayon ang mga class president perp ang OA naman yata sa tagal, 2 hours na kase ko nag hihintay dito. Padabog akong lumabas ng sasakyan ng makita ko ang pag dating ni Brex habang may kasabay itong morenang babae. Para na naman akong baril na isang kalabit lang ay pwde ng sumabog habang pinag mamasdan ko ang tawanan nilang dalawa. Sheeet! Sino na naman tong babaeng to! May pahampas hampas pa talaga sya sa braso ng Brex ko. Ang kapal ng mukha! Tatamaan talaga to sakin. Bwesit!
“Oh. Talaga? Mag kalapit lang pala yung bahay natin” Saad nung babae sakanya.
“So, sabay na lang tayo—"
“No way! Over my beautiful sexy dead body”
Halos mapatalon ang babae sa gulat sa biglaang pag singit ko sa usapan nila, habang si Brex naman ay walang ekspresyon na ipinakita. Sanay na.
“A-Ah... S-Sige B-Brex, u-una na p-pala ko” Bakas agad ang takot sa tono nya.
Ayan! Matuto kang lumugar! b***h!
Pumihit sya para talikuran si Brex. Napatalon ang puso ko sa tuwa pero agad din yun napalitan ng inis ng biglang hilahin ni Brex ang braso ng babaeng yon.
“Sabay na tayo” Aniya na gamit ang pinaka malambing nyang tono at hindi ko talaga iyon nagustuhan.
Ang sakit sa mata, ang sakit sa tenga, ang sakit sa ulo, ang sakit sa puso ng eksenang ito. Mariin kong niyukom ang panga ko. Halos hindi ako makahinga dahil sa nasasaksihan ko ngayon sa harapan ko.
Sheeeeet!
“Pero kase, b-baka magalit si Ruwe—"
"Get out!"
"R-Ruwesha—"
"I said get out!" Sigaw ko rito na natataranta naman sumunod sa sinabi ko. Ni hindi na nito nagawa pang mag paalam kay Brex.
Pinag masdan ko agad ang gwapong si Brex na wala pa din ekspresyon, habang sinusundan pa din nya ng tingin ang pag martsa palayo ng babaeng yon. Lumunok ako para lunukin lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Ngumisi ako kahit hindi naman sya nakatingin at agad kumapit sa braso nya “Sakin ka na sumabay. May bagong bukas na coffee shop malapit dito, dumaan muna tayo roon bago kita ihatid—"
Pumihit sya at nag baba ng tingin sakin gamit ang nakakatakot nyang mga mata. Tumindig ang balahibo ko nang hawiin nya ang kamay kong naka hawak sa braso nya. Eto na naman yung madilim nyang awra.
“Mas gugustuhin ko pang makipag siksikan sa jeep kesa sumakay sa kotse mo”
Nag init agad ang gilid ng mga mata ko. Harsh na naman sya Sakin.
“Brex, naman—"
"Ano bang kelangan kong gawin para lang tigilan mo ko, ha?"
"Wala! Dahil hindi yon manyayare"
“Kahit anong gawin mo, hindi mo ko mapipigilan mag kagusto sa iba at hindi mo ko mapipilit na gustuhin ka!” Mabilis akong tinalikuran.
Mariin kong kinagat ang pang ibabang labi ko para pigilan ang luhang nag babadya nang kumawala. Don't cry Ruwesha. Isa kang Vizconde at walang bagay na gusto mo dito sa mundo ang hindi mo makukuha. Lalong lalo na si Brex.
Hindi ako makatulog kinagabihan. Pabalik-balik sa utak ko ang mga sinabi nya. Ilan beses kong ni-dial ang number nya pero mukhang ni-block na nya ang number ko. Kahit ang friend request ko sakanya sa f*******: na halos dalawang taon na hindi pa din nya ina-accept. Kaya madalas sa i********: ko na lang sya ini-stalk. Mabuti na nga lang at hindi naka private ang account nya dito kaya malaya kong nakikita ang mga pictures na ina-upload nya. Yun nga lang ang madalas lang nyang ina-upload sa i********: nya ay yung mga view, pagkain o kahit ano, basta konektado sa photography. Yun kase ang hilig nya ang pag p-photography. Kaya nga lagi nyang dala ang DSLR nya. Lagi yun nakasabit sa leeg nya sa lahat ng oras.
“Good Morning, Brex!”
Umalingawngaw ang boses ko sa buong classroom ng sumunod na araw pag pasok pa lang nya sa pintuan kasama si Raizer. Sabay pang napa face palm si Bea at Joanna na parehas na nakaupo sa gilid ko. I know! Iniisip na naman nila na ang tanga ko talaga dahil hindi na naman ako nakinig sa mga payo nila.
“Good morning, Ruwesha” Sabay kindat pa sakin ni Raizer.
Ngumiti ako sakanya pero nakatuon pa din ang buong atensyon ko sa kay Brex na halatang iritado na naman sakin. Naupo sila sa upuan na nasa harapan. Mahigpit kong hinawakan ang paper bag na dala ko. May laman itong macaroons.
“Brex, para sayo” Nakangisi kong inilahad sa harapan nya ang paper bag na hawak ko.
Pinag pawisan ako ng malamig ng ma-realize na wala syang balak tanggapin ang regalo ko. Hindi sya umimik o gumalaw man lang sa kinauupuan nya. Nakatingin lang sya sakin, habang wala syang ekspresyon na pinapakita.
“Wow! Ang sweet talaga ni Ruwesha sayo bro” Nakagising sabi ni Raizer. Batid kong paraan nya iyon para hindi ako mapahiya. “Sana kapag nag sawa na sya sayo sakin naman sya maging sweet” Biro pa nya sabay halakhak ng malakas.
“Isoli mo yan sakanya”
Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Brex sa kaibigan.
“Ha? Eh. Diba paporito mo—"
“Isoli mo sabi eh!” Sigaw nya kay Raizer na napapakamot pa sa ulo, habang ibinabalik sakin ang paper bag
“Ano ba Brex! Inorder ko pa yan sa Canada kaya—"
Namutla ang mukha ko ng mag angat sya ng tingin sakin gamit ang galit na ekspresyon nya.
“Alam ko na di hamak na mayaman ka kumpara samin’g lahat dito... Pero hindi ko kelangan ng pagkain o kung ano pa man galing sa yaman nyo. Kaya kung bumili nyan para sa sarili ko!”
Napangiwi ako at hindi makapaniwala sa mga sinabi nya. Ganito ba talaga nya ka-ayaw sakin para mag overreact pa sya dahil lang sa macaroons?
“Dude, chill lang” Bahagya pa syang tinapik ni Raizer sa balikat “Hindi mo ba naa-appreciate yung mga ginagawa nya—"
“Kung gusto mo sayo na lang yan!”
Natumba ang upuan sa biglang pagtayp nya. Napatunganga ako ng bigla nya kong lagpasan at mag martsa sya palabas ng classroom namin. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Raizer.
“Okay ka lang?”
“Don't worry, sanay naman na ko eh. 2 years na syang ganyan sakin kaya sanay na ko” Hilaw ang ngisi ko.
Para akong lantang gulay na nag lakad pabalik sa table ko. Halos lahat ng mga ka-klase namin ay nakatingin lang sakin. Tsss! Mga tsismoso! Alam mo, halos lahat sakanila natutuwa sa tuwing makikita ang ganitong eksena samin ni Brex.
“Oh. Anong tinitingin tingin nyo dyan!? Gusto nyo pag babatuhin ko kayo ng tig-iisang macaroons sa mukha!” bulyaw ko sa tsimoso/tsimosa kong kaklase na agad din nag iwas ng tingin sakin.
“Okay ka lang?” Bea asked.
“Don't talk to me!”
Gusto kong umiyak pero pakiramdam ko wala akong lakas para gawin yon. Bumalik sya sa klase pag kalipas ng halos kinse minuto. Pagbalik nya ay nakatodo ngisi na sya habang kausap si Donna na ka-klase namin. Lalong piniga ang puso ko dahil feeling ko nakalimutan na agad nya ang nanyare kanina. Buong klase hindi ko nagawamg makinig sa mga teacher namin, wala akong ginawa kundi pag masdan sya mula sa likuran. Hindi ko alam kung pano nya nagagawang makipag kulitan at tawanan sa mga ka-klase namin. Samantalang sakin, hindi man lang nya ko magawang ngitian o tignan man lang ng tulad sa iba. Parang nagiging ibang tayo sya pag ako na ang kaharap nya. Bigla na lang nawawala yung Brex na maingay, makulit, pilyo at masayahin sa tuwing ako ang kaharap nya.
I like him so much, but he hated me so so much! Pero kahit ganon hindi pa din ako susuko sakanya. Sigurado ko na darating din yung araw na magugustuhan nya din ko.
“Hi Brex!” Ngumiti ako sakanya at sinabayan sya sa pag lalakad.
“Hanggang sa pag uwi ko ba naman sisirain mo pa ang araw ko? Tsss”
“Sasabay ako sayo”
Natigilan syang bigla sa pag lalakad kaya napatigil din ako.
“Why?” I asked.
“Pwde ba? Tigilan mo nga ang pag sunod sakin!”
“Sasabay nga ako sayo—"
“Ayoko! Ayokong kasabay ka”
Ngumuso ako bago ulit nag salita “Please! Isabay mo na ko. Kelangan kong puntahan si ate Brena sainyo”
Kumunot ang noo nya. Gosh! Ang gwapo pa din nya kahit nakakunot ang noo nya.
“Wha- wait! S-Si ate Brena? Pupuntahan mo sa bahay?” Tumango ako sakanya. “Bakit kayo mag kikita? Bakit kelangan sa bahay pa? Anong gagawin nyo don?”
Napangisi ako dahil sa madami nyang tanong. Interesado na ba sya ngayon sakin?
“What?” Iritable na naman ang mahal ko.
Umiling ako at ngumisi “Wala... Ahmm... Ang saya ko lang kase ito na yata yung pinaka mahabang naging conversation natin”
Lalo akong napangisi ng makita ko ang pag pula ng pisngi nya. Agad syang nag iwas ng tingin sakin at nag patuloy na sa pag lalakad. Sinabayan ko ulit sya sa pag lalakad. Kitang-kita ko ang mga babaeng hindi maiwasan’g mapatingin sa tuwing daraan si Brex. Halos mabali pa nga ang mga leeg nito kakasunod ng tingin at agad naman nag iiwas ng tingin pag dating sakin. Ganito talaga ang epekto nya pag dating sa mga babae. Hindi lang naman talaga ako ang nahuhumaling sa ka-gwapuhan nya. Kahit nga siguro tumayo lang sya sa isang gilid kusa pa din syang lalapitan ng mga babae.
“Ang tagal pala dumaan ng mga jeep dito no?” Komento ko, habang nakatayo kami sa harap ng gate ng campus.
“May magarang kotse ka naman, bat hindi ka na lang don sumakay?” Sarkastiko nyang tanong.
“N-Na... siraan kase si manong sa malayong lugar kaya hindi ako nasundo. Kainis nga eh!” I lied.
Para akong baliw na nakangiti habang iniisip ko na mag kasama kami ngayon at sabay na uuwi sa bahay nila. Dumating na ang jeep na dapat namin sakyan.
“Tss!” Singhal ko ng maitulak ako ng tatlong babae na nakikipag unahan sa pag sakay sa jeep.
“Bakit?” Natigilan ako sa pag akyat sa jeep.
“Puno na”
“Oh, dalawa pa dito sa harap” Sigaw ng driver.
“Sa harap na lang po kayo” Sabi pa ng kundoktor samin.
Inis na ginulo ni Brex ang buhok nya. Kinagat ko ang labi ko para maiwasan ko ang pag tili. s**t! Napaka swerte ko nga naman talaga! Ano bang ginawa ko at napaka bait ng langit ngayon sakin?
Dumaloy ang libo-libong kuryente sa buong katawan ko ng mag dikit ang braso namin’g dalawa. Shucks! I swear, hindi na ko makagalaw ngayon. Feeling ko talaga hihimatayin na ko anytime.
“Oh my gosh!”
Halos mapatili lahat ng sakay ng jeep ng biglaan itong mag preno ng malakas. Bumilis ang t***k ng puso ko ng maramdaman ko ang braso nyang nakaharang sa harapan ko. Pumihit ako at nilingon sya. Tumindig ang balahibo ko nang mag tagpo ang mga mata namin dalawa. Pakiramdam ko ay panandalian huminto ang oras sa pagitan namin. Kitang-kita ko sa mga mata nya ang pag aalala. Kaya ba nya hinarang ang braso nya sa harapan ko para hindi ako masubsob kase nag aalala sya sakin? Napalunok ako ng bumaba ang tingin ko sa naka half open nyang labi. Hindi ko maiwasan mag isip tungkol dito. Siguro ang sarap nyang humalik. Kelan ko kaya mahahalikan ang mapupula at malambot nyang labi?
“W-What?” Seryoso nyang tanong.
"Ang ganda ng labi mo" Nasabi ko ng wala sa sarili.
He looked away. Napangiti ako ng makita ko kung paano sunod-sunod na gumalaw ang kanyang adams apple. Kinilig yata? Amp!
“Hi ate Brena”
Excited akong lumapit sakanya para mag kwento. Nanunukso ang tingin at ngisi nya ng makita kaming mag kasama ni Brex.
“Mabuti andito na kayo”
Ngumisi ako at lumapit sa bunso nila na busy sa panonood ng tv.
“Hi Bobby, may pasalubong si ate Wesha sayo”
Mabilis kong iniabot sakanya ang ferrero na nakalagay sa isang box.
“Salamat ate Wesha”
“Oh. Asan yung kiss ni ate Wesha?”
Napangisi ako ng halikan nya ko sa pisngi.
"Mamaya ay ipag sho-shopping kita ng mga laruan na gusto mo"
"Tss! Wag mo ngang i-spoiled yang kapatid ko"
Nag angat ako ng tingin kay Brex "Bakit ba!? Para naman yon kay Bobby"
"Kahit na! Sinasanay mo yung kapatid kong maging maluho. Kung ano-ano na lang binibigay mo sakanya"
"Titigil ako ng kakabigay kay Bobby kung ibibigay mo sakin yang puso mo"
Hindi sya nakaimik at hindi na rin makatingin sakin. Hahaha! Ang cute nya. Narinig ko ang pag hagikgik ni ate Brena.
“Wag na nga kayong mag away. Tama din naman si Brex, Ruwesha. Hindi mo naman kelangan bilan lagi ng laruan si Bobby" Napapahiya akong nag baba ng tingin "Anyways, sasama ka ba samin Brex? Manunuod kami ng cine” Tanong ni ate Brena sakanya.
"Oo nga, sumama ka na Brex para naman mas masaya" Umaasa kong sabi.
Sumama ka, please!
“Ayoko. Tutal ay tatlo naman na kayo” Pagtanggi nya saka mabilis na nag martsa maakyat sa kwarto nya.
Bigo ang ekspresyon ko dahil sa sobrang pang hihinayang! Kinagat ko ang labi ko ng nilingon ako ni ate Brena gamit ang mapanukso nyang mga tingin.
“Teka, bakit kayo mag kasabay na dumating?”
“Oo nga pala, muntik na iyon mawala sa isip ko" Malaki ang ngisi ko, habang inaalala yung mga nanyare kanina “Eh. K-kase ate.. Uhmmm. Sumabay ako sakanya kanina sa jeep”
“Talaga?”
Gulat na gulat ito na para bang napaka laking himala na mag kasabay kami ni Brex kanina.
“Oo ate”
“Aba, mukhang may improvement na ngayon ang relasyon nyong dalawa huh?”
Abot tenga ang naging ngisi ko dahil sa sinabi nya “Sana nga ate”
~
To be continue..
Hi Readers!
Please! Vote and Comment for every chapter. Thank you! ❤️