Simula
"A-Ano ba!? B-Bitawan nyo nga ko" Nanginginig ang boses nitong sabi.
"Sya na ba yon?"
"Oo, sya na nga" Sagot ni Bea sakin.
Panay ang pag pupumiglas nito, habang hawak-hawak sya ni Bea at Joanna sa tigisang braso nya.
"Ano bang kelangan nyo sakin?" Mangiyak-ngiyak nitong tanong samin.
Tumaas agad ang isang kilay ko. Aba naman! Kapal din ng mukha ng babaeng tong mag tanong, ha!?
"Anong meron sainyo ni Brex?"
Nakita ko ang pag putla ng mukha nya sa naging tanong ko. "W-Wala. Please, pakawalan nyo na ko" Pagmamakaawa nya.
Napangiwi ako at mabilis na sinakmal ang leeg nya "You f*****g liar!"
"Totoo yung sinasabi ko. Please! Ruwesha, maniwala ka. Wala talaga" Pumiyok ang boses nya, kasabay ng pag kawala ng luha sa mga mata nya.
"Sinungaling! May nag sumbong samin last week na mag kasama kayo!" Si Joanna.
"N-Nililigawan nya ko, pero wala naman akong balak sagutin sya"
Parang tubig na kumulo ang galit ko, kaya mabilis lumipad sa pisngi nya ang palad ko. Lalong lumakas ang pag hagulgol nya na mas ikinatuwa ko naman. Pinasadahan ko ng mga daliri ko ang buhok kong hanggang balikat lang ang haba. Ash brown ang kulay nito at kulay red ang medyo kulot nitong dulo.
"Sabi mo kanina walang kayo?"
"Oo nga pero wala naman akong balak sagutin sya—"
"Dapat lang!"
"I'm sorry Ruwesha"
"Stay away from him! Kundi alam mo na ang manyayare sayo"
"Oo. Lalayuan ko na sya. Pangako yan. Please... Pakawalan nyo na ko" Pag mamakawala ulit nya.
Humakbang ako palapit sakanya at mabilis na sinakmal ang mag kabilang pisngi nya gamit ang isang kamay ko.
"Ayoko ng makikita pa yang pag mumukha mo na pakalat kalat rito sa buong campus. Understood!?"
"O-Oo. Oo, Ruwesha. Please, pakawalan nyo na ko"
"Akala mo ba ganon kadali lang kita pakakawalan?" Nakita ko kung panong mas lalo syang natakot "One kiss on my shoe then, I will let you go"
"Ha?"
"I never repeat myself. Susundin mo ba o aalis ka sa school na to?"
"Gagawin ko na. Gagawin ko na!"
Napangisi ako. Halata ang matinding takot sa hitsura nya. Ang sarap pag masdan.
"Do it now!"
"Oo! O-Oo eto na"
Lalong lumaki ang pag kakangisi ko ng dahan-dahan lumapit ang mukha nya sa sapatos ko nang biglang...
"Ano na naman 'to?!"
Mabilis na nag humintado ang aking puso ng marinig ko ang napaka familiar na boses na yon. Agad akong pumuhit para lingunin ito. Bumungad sakin ang seryosong mukha ng pinaka mamahal kong lalaki sa balat nang lupa na si Brex Louie Ortegas. Wala parin nag bago. Gwapo pa din sya tulad ng dati. Naalala ko pa tuloy yung unang beses kaming mag kita. Hindi ko makakalimutan ang araw na yon. Dalawang taon na din ang nakakalipas. Fourth year high school ako noon.
"Kaya nga ako nag papaka hirap sa trabaho para hindi mo na kelangan mag trabaho pa, why don't you sell that stupid school? And live with me in Manila?" Sigaw ni daddy kay mommy.
"Hon! Alam mo naman na yon talaga ang pangarap ko noon pa diba? Ang maging teacher at mag karoon ng sariling school? Tapos ngayon gusto mo lang na ibenta ko ang pinag hirapan ko?"
"Alangan naman ang business natin sa Manila ang ibenta ko para lang tumira dito? Pwde naman tayong mag tayo ng primary school sa Manila kung gusto mo!"
"Alam mo na ang magiging sagot ko dyan"
"So, how about Ruwesha? After high school, I want her to study in Manila. Gusto ko andun ka para bantayan ang anak mo"
"My God, honey! Ruwesha, is already 15 years old, and besides may mga body guard naman nang nag babantay sakanya, diba?"
"But, you're her mother, and that's your responsibility—"
"And you're her father!"
"Exactly! I am her father, and I'm your husband! So, listen to me!"
Napa buntong hininga na lang ako sa away ng mommy at daddy ko. Well, sanay naman na ko. Wala ng bago don. Bihira silang mag away pero iyan ang laging dahilan. Pinanganak ako na may marangyang buhay. Lumaki ako na may kasamang mga katulong sa bahay at may mga body guard na laging nakasunod sakin. Masyado din akong spoiled pag dating sa daddy at lola ko. Nag iisang anak at apo'ng babae lang kase ko kaya sobrang protective sila pag dating sakin. May kuya ako pero nasa US sya at nag aaral. Sanay ako sa ganitong buhay, yung laging nakukuha ang gusto ko, minsan kahit nga yung mga bagay na hindi ko gusto ay nakukuha ko rin. Ang daddy ko ay isang business man, may furniture and construction company syang pinapatakbo sa Manila at may mga kilalang business rin ang Vizconde family rito sa Nueva Ecija na pinapatakbo naman ng tito ko at ibang kamag anak nila. Kilala ang pamilya namin bilang pinaka mayaman at pinaka maimpluwensyang pamilya sa buong lalawigan. Ang mommy ko naman ay isang teacher. Walong taon ako ng maipatayo nya ang dream school nya para sa mga special child. Ito ang dahilan kung bakit kahit ilang taon na syang kinukumbinsi ni daddy na tumira sa Manila ay ayaw nya. Dahil sa sobrang pag mamahal nya sa mga estudyante nya.
That's why, I admired her so much, and I want to be like her, someday.
"War, again?" Napairap na lang ako sa kawalan.
"Don't mind us, baby. Where are you going?" Dad asked.
"Shopping of course" That's my stress reliever, anyways.
"Where are your body guards?"
"I don't need them dad, not anymore. So, I'm already fired them"
Hindi ko naman na talaga kelangan. Bata pa lang ako marunong na kong mag teakwondo. Kaya kong ipag tanggol ang sarili ko.
"What? Are you out of your mind? Hindi ka pwdeng lumabas kung wala kang body guard, baka kung mapano ka anak"
Ngumisi lang ako sa sinabi nya "Dad! Stop being so paranoid. As far as I remember, you're a businessman not a politician”
OA talaga ng daddy ko, my God!
"But your late grandfather was the former mayor"
Naiintindihan ko rin naman si daddy, kung bakit ganito sya ka-protective sakin. Kasama kase ako ng lolo ko noon nung na ambush yung sinasakyan naming van. Nakaranas ako noon ng matinding trauma, pero nalagpasan ko na ngayon ang trauma na yon.
"But Dad, it's been a long time ago since lolo's passed away. Kaya wala naman na siguro ulit mag tatangka pa, diba?"
"Your daughter is right" Pag sang-ayon naman ni mommy.
"I'll go a head na"
"No you can't!" Kontra ulit ng daddy ko.
"I'm with my driver, isn't enough? Gusto ko lang naman mag enjoy ng walang sumusunod sakin"
"Hayaan mo na ang anak mo. She's old enough, she's not special child na kelangan pa lagi ng bantay"
"Oo nga naman dad" Ipinulupot ko ang kamay ko sa braso nya. "Please!" with my puppy eyes.
Napabuntong hininga sya "Okay fine! Pero 6pm dapat andito ka na, okay?" Pagsuko nya.
"Got it, dad. I love you" Sabay beso sakanila "I love you mom. Bye!"
Inayos ko ang isang diamond earing sa itaas ng aking tenga, habang nakasakay ako sa passenger seat ng aking kotse. Kumain na muna ako sa isang mamahalin restaurant bago nag shopping ng mga bagong damit, bags at sapatos. Gusto ko tuloy pag sisihan na tinanggal ko yung dalawang body guards ko. Dapat pala bukas na lang. Wala tuloy akong nakabitbit ngayon. Hays! Ang bigat!
"Kainis! Asan na ba si manong? Bakit hindi nya sinasagot ang tawag ko?"
Panay na ang kamot ko sa ulo. Nang matapos na ang aking shopping time. Kanina pa ako andito sa labas ng mall at nag hihintay sa driver. Kainis! Hindi pa naman ako sanay na pinag hihintay.
"Oh my—" gosh!
Namilog ang mga mata ko ng matanaw ko si Kyle. Stalker ko sya noon. He’s a creepy stalker!
Shit! This creepy guy is now here, infront of me! Minsan ko na syang pinabugbog noon sa mga body guard ko pero dahil tinanggal ko na sila sa trabaho sino pang bubugbog ulit sa stalker na to pag nag tangka ulit syang hawakan ako!? Nataranta ako ng mapansin kong palapit na sya rito. Damn! Anong gagawin ko? Manong asan ka na? Bwesit! Lagot ka talaga sakin mamaya!
"Ruwesha?" Narinig kong sabi ni Kyle mula sa likuran ko.
No! Wag kang lilingon, Ruwesha! WAG! Kinagat ko ang labi ko at nag simula na sa pag martsa palayo sakanya na parang walang narinig.
"Ruwesha!"
Fuck! What to do?
Sa taranta ko, mabilis kong pinara ang jeep na dumaan sa harapan ko. Naupo agad ako sa pinaka bungad nito. Nabunutan ako ng tinik ng mag simula na agad itong umandar maalis.
Gosh! Muntik na ko don. Kumunot ang noo ko ng makita na dalawa lang pala kaming sakay sa jeep na'to. Ako at isang lalaking nakaupo sa kabilang upuan sa bandang gitna. Mariin kong pinag masdan ang lalaking ito. Una kong napansin ang kumikinang nyang hikaw at ang magulo nyang buhok, katamtaman lang din ang puti nya. Naka side view sya pero pansin ko ang matangos nyang ilong. Naka pure black sya, mula sa v-neck shirt, sa pantalon, sa adidas shoes, sa bag pack, sa relos, sa wireless earphone nyang nakalagay sa tenga nya at maging ang cellphone nya na ngayon ay hawak-hawak nya. Titig na titig sya dito na para bang may kung ano syang pinapanood.
"San ka miss?" Tanong ng driver sakin.
"Sa... Ciudad Real subdivision po"
"Naku. Miss, mali ka ng nasakyan. Papunta ito sa mayapyap sa kabilang way"
“Ihatid mo ako sa Ciudad Real subdivision at babayaran ko na ang buong araw mo”
Kita ko ang paglaki ng mga mata nung driver at ang pagguhit ng inis sa mukha nya.
“Mabuti pa ay bumaba ka na lang Miss at mag tricycle ka na lang pauwi”
Napangiwi ako sa pamimilosopo nya sakin. ‘Hoy manong! Baka hindi mo naitatanong, kayang-kaya kong bilin ngayon itong bulok mong jeep!’
“Ano miss? Bababa ka na ba?”
Muli akong napatingin sa lalaking narito. Side view pa lang gwapo na!
"Hindi na. Sige don na lang din ako" Irap ko sa kawalan.
Kainis naman tong lalaking to! Hindi man lang maalis ang tingin sa cellphone! Tss!. Lalo akong nainis nung may babaeng sumakay at naupo ito sa tapat ko. Nakita ko ang pag kinang ng mga mata nya ng mag baling sya ng tingin sa kay 'Mr. Black'. Ewan! Pero naiinis talaga ko! Naningkit ang mga mata ko ng may kung anong kinuha ang babae sa bag nya, pag katapos ay lumipat ito ng upuan sa tabi ni Mr. Black
"Paabot po ng bayad" Anito gamit ang malambing yang tono. Damn! She’s a flirt!
Napatunganga ako ng makita ang pag baling nya ng tingin sa babaeng yon. I swear, literal na nalaglag ang panga ko ng makita ko na ang kabuuan ng mukha nya. He's damn handsome and hot. Grrrr! May maganda syang mga mata, pointed na ilong, manipis at mapulang labi, makinis at katamtamang puti ng balat. May nunal din sya sa ibaba ng kaliwang mata nya na nag papadagdag ng appeal nya. Pinag masdan ko sya pero hindi man lang sya sumilay sakin. Kinuha nya ang kung anong nasa kamay ng babae. Damn! Nag dikit ang kamay nila! Lumapit sya sa driver at may inabot sya dito.
"Bayad daw po"
Kumalabog ang dibdib ko ng marinig ang malamig nyang boses. Ano to, Ruwesha? Crush at First sight? Lantod mo ah!? Pero maganda parin. Well, kelangan ko na din sigurong mag bayad. Kumuha ako ng 500 pesos sa pitaka ko. Huminga muna ako ng malalim at...
"Bayad" Wika ko sabay lahad ng kamay ko sakanya na ngayon ay nakaupo malapit na sa likod ng driver's seat.
Tumaas ang isang kilay ko ng hawakan ng babae sa kabilang upuan ang pera ko. What? Bakit nya kinukuha ang pera ko? Hindi ko naman sakanya inaabot, ha? Tss! Manigas ka dyan! Umirap ako at binawi sakanya ang pera. Naiwang nakanganga yung babae sa ginawa ko.
"Bayad po" Mas malakas na sabi ko.
Napangiwi ako ng hindi man lang sya natinag sa sigaw ko. Hindi man lang sya natinag sa ginawa ko!
"Miss, paabot mo na lang yung bayad mo sa tapat mo"
Pag tukoy ng driver sa kay ate na kumukuha ng pera ko kanina. Tumaas lalo ang isang kilay ko. What? Hell no! Umabante ako sa upuan tulad ng ginawa ni ate girl, hanggang sa mapadpad ako sa tapat ni Mr. Black.
"Bayad" Sabay abot ko ng pera sakanya.
Kumunot ang noo nya. Kung tutuusin kase pwede ko ng irekta ng abot ang bayad ko sa driver pero mas gusto ko sakanya iabot para mahawakan ko din ang kamay nya. Hihi! Ang pusok ko na yata. Umiiling nyang kinuha ang hawak kong pera. Napakagat labi ako ng maramdaman ko ang malambot nyang kamay. I swear, malambot talaga! Pinag pawisan ako ng malamig, nang tumaas ang isang kilay nya, habang nakatingin sya sa pera ko na hawak na nya. Bakit? Anong problema? Iniisip ba nyang fake yung pera ko?
"Miss wala ka bang barya?"
Bumilis ang kabog ng dibdib ko ng kausapin nya ko, habang deretso ang tingin nya sa mga mata ko.
"Miss?"
"Huh? Ahmmm. Wala eh. Keep na change na lang"
Napairap sya at napailing. s**t! Mali yata yung nasabi ko?
"Manong bayad po nya to" Iniabot nya ang barya sa driver "Pera mo" Sabay balik nya sa pera ko.
"Bakit mo to binabalik?" Inosente kong tanong sakanya.
"Mag tricycle o bus ka na lang kung ganyan lang din kalaki ang pera mo" Bakas ang inis sa tono nya at muling nag baling ng tingin sa cellphone nya.
Ngumuso ako. Hindi ko gets, kung ano problema sya 500 pesos ko? Tsk! Kainis! But wait! Sya pa ang nag bayad sa pamasahe ko? Oh my god!
Ilan saglit pa ay may dalawang lalaking sumakay sa jeep. Sa tingin ko mga nasa 20 plus na ang mga ito. Nung una ay sa bungad lang sila naupo pero lumipat din sila sa tabi ko. At talagang pinagitnaan pa nila ko. s**t! Pero ayokong umalis dito. Hindi ako aalis! Gusto ko andito lang ako sa tapat ni mr. Black. Napalunok ako ng maramdam ko yung kamay ng isang lalaki sa upuang sinasandalan ko kaya bahagya akong napaabante. f**k this jerk! Akala ba nila hindi ko alam yung ginagawa nila? Damn it! Kung hindi lang ako nakaharap kay mr. Black binigwasan ko na talaga ang dalawang to!
"Excuse me? Paasog ng konti. Masyado ng masikip dito" Pag tataray ko sakanila. Kadiri!
"Oh... Sorry miss" Sabay kindat pa ng manyak.
Inirapan ko nga. Bwesit!
"Oh my—"
Halos sumabog ako sa galit ng biglang dumikit sakin yung isang lalaki. Hindi naman nag preno pero OA talaga yung pag abante nya papunta sakin.
"Oopps! Sorry ulit" Anito na malaki ang ngisi.
Tumaas ang isang kilay ko.
"What the hell are you doing? Hindi mo ba ako nakikilala—"
"Manong para po"
Natigilan ako ng marinig ko ang pag para ni Mr. Black sa driver. Ngumuso ako at napayuko. Kainis! Dito na pala sya bababa. Sa gitna ng pag da-drama ko ay napatalon ako ng may biglang humablot sa kamay ko. Uminit ng todo ang pisngi ko ng mapag tanto ko na si mr. Black pala ito. Napatunganga ako. Hindi agad ng sink in sa utak ko ang nanyayare. Damn. Ano to? Ano tong mga insektong nararamdaman ko sa loob ng tiyan ko at maliliit na kuryenteng dumadaloy sa kamay ko.
"W-Wait! San mo ko dadalin?" Tanong ko sakanya ng makababa na kami sa jeep.
Mabilis nyang binitawan ang kamay ko kaya nag protesta agad ang mga insekto na nasa tiyan ko.
"Sa mayapyap ako, ikaw bahala ka na sa buhay mo!" Halata ang pag kairitado nya.
"What? Eh. Bakit mo ko hinila pababa ng jeep?"
"Are you stupid? Hindi mo ba napansin na binabastos ka na nila kanina!" Tumaas ang tono nya.
Napaawang ang bibig ko sa sinabi nya. Leche! Ang weird nya, bakit ba sya nagagalit? Kinagat ko ang labi ko at lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko, dahil sa kakaibang titig nya.
Shit! Pero, mas weird yata tong nararamdaman ko ah. Ano to?
"Hindi ko kayang may binabastos na babae sa harapan ko. Kahit sinong babae pa yon. Kaya walang espesyal don" Pumara sya ng tricycle at sumakay dito.
That was the first time, I met him. Hindi ko alam kung anong kababalaghan ang nanyare sakin ng araw na yon pero simula nun hindi ko na sya nagawang kalimutan pa.
"B-Brex"
Sheeet! Hindi ko maiwasan'g mapangisi ng makita ko sya.
"Ano na naman 'to, ha?" Tumaas ang boses nya.
Bigla nyang hilahin ang kamay ng babaeng yon para itago sa likuran nya. Parang biglang piniga ang puso ko dahil don.
"Are you okay?" Malambing nyang tanong dito.
Mabilis naman binawi ng babaeng yon ang kamay nya kay Brex "Layuan mo na ko, Brex" Umiiyak nitong usal at mabilis na tumakbo palayo.
"Wait! Gia!"
"Tss! Ang arte" Bulong ko.
Pigil ang ngisi ko ng mag baling sya ng tingin sakin gamit ang galit nyang ekspresyon. Gosh! Ang gwapo pa din nya kahit nagagalit na sya. Kainis!
"Hanggang kelan mo ba 'to gagawin, ha?"
Ngumuso ako at bahagyang nag isip. "Ahmm... Hanggang hindi ka nakikipag date sakin, I guess" Pag kikibit balikat ko.
Napa-atras ako ng humakbang sya palapit sakin.
"You're not my type. Buhok mo pa lang ayoko na. Kaya pwde ba tigilan mo na ko? Tigilan mo na yung mga babaeng—"
"The f****d I care! Kahit anong sabihin mo hindi kita titigilan. Kaya kung ayaw mong lumayo sa mga babae sa paligid mo. Sila ang palalayuin ko sayo"
Umiling-iling sya "Such a desperate girl"
Halos mapunit na ang labi ko dahil sa pag kagat ko rito, habang pinapanuod ko ang pag martsa nya palayo samin. Damn! Sinapo ko ang dibdib ko.
Yes I am! I'm so desperate to win you.
~
To be continue..
Hi Readers!
Please! Vote and Comment for every chapter. Thank you! ❤️