Kabanata 1
*Babaeng Bayaran*
"Nay... gusto ko na pong ipagpatuloy ang pag-aaral ko sa High school.." Ito yung lagi kong hinihiling kay nanay sa tuwing naiisip ko na malapit na ulit ang pagsisimula ng klase.
"Aba! Umaasa ka paba na makakapag-aral ulit? Naku h'wag na! Dahil simula ngayon ikaw na ang papalit sakin sa Club!" Pabulyaw na sabi sakin ni Nanay habang inuubo ito subalit patuloy parin sa paninigarilyo.
"Nay ayuko po sa Club... ayuko po magtrabaho dun!" Mangiyak-ngiyak na ako ng sabihin ito sa harap niya.
"Cindy...matanda na ako at May sakit narin kaya mahina na ang kita ko dun! Isipin mo nalang na maganda kang bata at birhen pa kaya siguradong pag-aagawan ka dun!"
Maganda nga raw ako dahil amaricano ang Tatay ko na nakilala ni Nanay sa Club noon na pinagtatrabahuhan sa Amerika. Nagsama sila ng mahigit isang taon subalit hindi masaya si Nanay sa pagiging asawa na nakakulong lang sa bahay kaya umuwi ito sa Pilipinas. Sanggol pa ako nung isinama ni Nanay sa pag-uwi sa Pilipinas kaya hindi ko narin maalala ang mukha ng Tatay ko. Ayon kay inay, mas malaki ang pagkakahawig ko sa tatay ko dahil sa kanya ko namana ang kulay ng buhok, mata, balat, at bilog ng mukha.
Nag-asawa ulit si nanay ng isang Pinoy kaya nagkaroon ako ng dalawang half sisters, si Sarah na 9 year-old at killy na 10 year-old. Kinalaunan ay namatay din ang kinakasama nito dahil sa sakit na tuberculosis, dahilan upang muling magtrabaho si nanay sa Club bilang isang bayaran.
Ayuko ang uri ng trabaho ni nanay pero ito na raw ang nakasanayan niya. Ngayong matanda na si nanay at may sakit na, lagi nitong sinasabi na hindi na ako makakapag-aral pati na ang dalawa kung kapatid. Ngayon ay desidido na si Nanay na ako ang ipapalit niya sa pinag-tatrabahohang Club.