Chapter 2

1591 Words
Chapter 2   "Hey, may work ka pa?" Tanong ni Eyvan nang makasalubong niya ako sa hallway ng Art department.   Nagmamadali na kasi ako dahil late na ako sa coffee shop. Mabilis naman akong tumango at nilagpasan siya.   "Uy, wait!" He said and walked beside me.   Hanggang makarating kami ng main gate ay nakasunod pa rin siya. Wala naman akong choice kasi sadyang mabilis siyang maglakad.     "Bakit ka ba sumusunod?" iritadong tanong ko.     He smiled a bit, ignoring my sarcastic response.   "Doon din ang punta ko. Gagawa ako ng research papers. If you don't mind, I'll accompany you!" he said with his usual grin.   I just nodded and walked towards the shop. Nagmadali akong magpalit ng uniform at pumuwesto sa counter.   Hindi ko alintana ang ilang beses na pagsulyap ni Eyvan sa gawi ko. Pinilit kong abalahin ang sarili sa pagtatrabaho.     “Done?” Biglang lumapit si Eyvan nang matanaw niyang papaalis na ako ng shop.     Hindi ko maiwasang tapunan siya ng masamang tingin. Kanina pa siya ah!   Hindi pa rin siya umuuwi hanggang ngayon! Pasado alas onse na ng hatinggabi.     “Oo” tipid kong sagot at naglakad papalabas ng shop.   Ramdam ko naman ang mabilis niyang pagsunod sa akin.   “Hey! Saan ka ba nakatira? Mind if I’ll drop you off?” he asked while smiling adorably.   I just sighed then faced him.     “What do you want?” diretsahan kong tanong.   He parted his lips while having an amused expression.     “I just want to drive you home” he answered.     I crossed my arms over my chest while sarcastically looking at him.     “Seriously? Bakit mo ba ako pinag-aaksayahan ng oras, Mr. Delos Reyes?” I asked with a formal tone.     He smiled a bit then stepped closer to me. I’ve felt my heart skipped a beat. His manly scent and appeal made me uncomfortable.     “Dahil…” he looked at me for a second.     I arched my brow and met his gaze.     “Dahil… gusto ko” dugtong niya.     I was dumbfounded for a while.     “I can’t believe you” I shook my head.     Nagpatiuna na akong maglakad kahit alam kong maaabutan pa rin niya ako.     “Rembrace!” he called.   Hindi ko siya pinansin at pinara ang papalapit na jeep. Mabilis akong sumakay upang hindi na niya ako maabutan.   Hanggang sa aking pag-uwi, bitbit ko pa rin ang malaking tanong kung bakit ganoon na lang ang pakikitungo sa akin ng lalaking ‘yon.     “Nay!” pagtawag ko nang makarating ako sa maliit na barung-barong na aming tinitirhan sa Tondo.     Halos madaling araw na, mabuti na lang wala akong nakasalubong na tambay sa eskinitang dinaanan ko. Laganap pa naman ang krimen sa lugar namin.   Muli akong tumawag ngunit walang sumagot. Binuksan ko ang tagpi-tagping pintuan at bumungad sa akin ang magulong gamit sa loob ng bahay.   “Nay!” tawag ko habang lumalapit ako sa bawat sulok ng bahay.   Ngunit, wala akong narinig mula sa kanila. Nagsimula na akong makaramdam ng matinding kaba. Nang buksan ko ang aparador ay agad bumungad sa akin ang kawalan ng laman nito.   Umalis na sina inay!   Pero saan sila pupunta?   Hanggang sa makita ko ang isang sulat na nakaipit sa ibabaw ng maliit na mesa. Agad kong binuksan ang pagkakatupi nito.   Rem,               Anak, patawad kung hindi kana namin nahintay. Nagmamadali kaming umalis ng mga anak ko. Ayaw ko silang mapahamak. May malaki akong pinagkakautangan, at ilang beses na niya akong pinagbantaan. Kaya umalis na kami at nagpakalayo-layo. Umalis kana rin diyan, Rem. Nanganganib ang buhay mo! Patawad kug hindi na kita naisama anak. Sana ay muli tayong magkita, pero sana’y iligtas mo ang iyong sarili. Alam kong pupuntahan nila ako, kaya inunahan ko na. Patawarin mo ako, anak.   Milda   Mabilis akong napatutop sa bibig nang matapos basahin ang sulat ni inay. Hindi ko na rin napigilan ang paglandas ng luha sa mga pisngi.   Bakit nila ako iniwan?   Paano na ako ngayon?   “Nay…” sambit ko.   Hanggang sa makarinig ako ng mga yabag na papalapit sa pintuan ng bahay. Nakaramdam ako ng kaba. Mabilis kong pinalis ang aking luha at nag-impake ng mga gamit.   “s**t!” Hindi na ako magkandaugaga sa pag-iimpake ng mga gamit.   Narinig ko na ang marahas na pagbagsak ng pinto.   “Gago! Tinakasan na tayo!” sigaw nung isang malaking lalaki.   Nasa lima sila.   Nagtago ako sa ilalim ng kama. Kitang-kita ko ang ilang beses nilang paghalughog sa loob ng bahay.   Napaiyak na lang ako dahil sa takot na nararamdaman.   “Puta, mukhang hindi na ako mababayaran! Tarantado yun ah!” singhal ni Mang Dado, siya ang kilalang may-ari ng pasugalan sa lugar namin. Sa kaniya pala may malaking utang si inay.   “Boss, hindi ba’t may anak yung magandang dalaga?” sabi naman ng isa, sa tonong may binabalak na masama.   “Oh, eh ano ngayon?”   “Yun na lang ang pambayad utang! Mukhang masarap yung dalaga! Pagpasa-pasahan na lang natin!”   Nakarinig ako ng matunog na tawanan.   Gustong-gusto kong masuka sa pinag-uusapan nila. Napaka-demonyo ng mga pag-iisip! Wala silang pinagkaiba sa tito kong kinamumuhian ko.   “Eh nasaan naman kaya yun?” sagot ni Mang Dado   “Mukhang pauwi na! Ganitong oras umuuwi yung babaeng yun eh! Abangan nalang natin sa kanto, para malinis ang trabaho” suhestiyon nung isa.   Muli silang nagtawanan na parang sila ang may-ari ng mundo.   Fuck them!   “Sige!” pagpayag ni Mang Dado.   Napabuntong-hininga ako nang marinig ang yabag nilang papalabas ng bahay. Nang masigurong nakaalis na sila ay mabilis kong tinapos ang pag-iimpake.   “Mga hayop…” tiim-bagang kong sabi habang tinitingnan ang pintuang winasak nila.   Agad akong umalis sa bahay na ‘yon. Sa short cut na ako dumaan. Sa may riles ng tren para walang makapansin sa akin.     Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Habang bitbit ang dalawang malaking bag ay tinahak ko ang kahabaan ng kalsada papalabas ng lugar na nagmistulang impiyerno sa akin. Mga demonyo na nga ang isip ng mga tao, napag-iwanan pa ako. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin ngayon.   Pumasok ako sa isang convenient store, bumili ako ng maiinom dahil sa sobrang pagod. Ilang kilometro din ang nilakad ko para lang makaalis sa lugar na ‘yon.     “Saan na ako titira ngayon?” problemadong tanong ko sa sarili.   I just pulled my hair due to frustration. Isinubsob ko ang aking ulo sa mesa sa harapan ko. Hanggang sa magpatakan ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.     Ngayon ko ramdam ang pagiging mag-isa.     Wala akong pamilyang pwedeng uwian. Wala akong matakbuhan. Wala akong kaibigan na pwedeng hingan ng tulong. Walang-wala.   Mag-isa lang talaga ako.   “Putanginang buhay!” himutok ko at iniumpog ang ulo sa mesa.   Ang hirap pala.   Akala ko kaya ko ng mabuhay para sa sarili ko pero darating din pala sa puntong gusto kong maramdamang may kasama ako. Na may handang tumulong sa akin. Dahil ang hirap-hirap solohin ng problema.   “Rem?” isang boses ang naging dahilan nang pag-angat ko ng tingin.   Eyvan smiled at me, while holding a bottle of Gatorade. Anong ginagawa niya sa ganitong oras? Halos alas tres na ng madaling araw, ah!   “Ikaw pala” sagot ko.   Napayuko ako nang maupo siya sa tapat ko.   “Are you… alright?” tanong niya, sa nag-aalalang tono.   I sighed.   “O-oo” I faked a smile.   His forehead creased, not convinced with my answer.   “Pwede mo namang sabihin kung ano yung problema” saad niya at dumako ang tingin sa dalawang bag na nasa gilid ko.   “Umalis ka..” he said while giving me a pity look.   Hindi ko na napigilang mapahikbi.   “Kailangan eh.” I cried.   “Buhay ko ang nakataya” then I started telling him my painful experiences.   Sinabi ko sa kanya na sa murang edad, naulila na ako. Pinagpasa-pasahan ng mga kamag-anak. Iniwan, pinabayaan. Para akong naliligaw sa madilim na daan. Wala akong makitang liwanag na pwedeng gumabay sa akin sa tamang landas.   Sana may nanay akong kaya akong protektahan at patahanin sa tuwing umiiyak ako. Sana may tatay akong palaging nandiyan para suportahan ako. Sana may pamilya ako. Yung totoong pamilya. Yung hindi nang-iiwan, yung hindi ako itataboy kahit kailan.   “Ang hirap nang walang pamilya…” sambit ko pagkatapos kong ikwento ang lahat sa kaniya.   Kahit papaano ay gumaan ang bigat na nararamdaman ko.   Natahimik siya sa lahat ng narinig sa akin. Ngumiti ako ng tipid habang mahigpit na hawak ang panyo na iniabot niya kanina.   “Salamat… sa pakikinig” ngumiti ako sa kaniya.   He looked at me with so much sympathy.   “Alis na ako” agad akong tumayo at hinagilap ang mga gamit ko.   “Rem..” mabilis niyang hinawakan ang braso ko.   Nang mapansin niya ang pagtataka ko ay pinakawalan niya ang braso ko. Nag-iwas siya ng tingin.     “I have an available room, in my apartment. You can stay there” he said in a lower voice.   I was shocked from what he said.   Bakit naman niya ako papatirahin sa bahay niya? Seryoso?   “I know, it’s awkward, but…” he scratched his forehead.   “I just want to help you” he added.   Napatingin naman ako sa kaniya habang hindi pa rin makapaniwala sa mga sinabi niya.   “Please stay with me,” he said that melted my heart for a while.   I just don’t know how to react. It’s just that, I’ve felt something warm inside my heart. A kind of affection and concern that I’ve been looking for a very long time.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD